You are on page 1of 2

Handa ba ang Pilipinas?

Maituturing na isa sa mga

pinakamalubhang pangyayari sa mundo ay ang sakunang naranasan ng mga Hapon noong Marso 11,2011. Unang tumama ang isang napakalakas na lindol na umabot sa (magnitude) na (____) na nagdulot ng isang tsunami. Ang tsunami ay serye ng mga alon ng tubig sa dagat na dulot ng isang malakas na lindol. Libo-libong buhay, ari-arian at pananim ang tinangay ng malalakas na mga alon. Masasabing wala talagang pinipili ang galit ni Inang Kalikasan kahit ang isa sa mga

pinakamayamang bansa sa buong mundo. Sa kabila ng kalunos- lunos na pangyayari, mabilis pa ring nakabangon ang bansang Japan. Nagpaabot ng tulong ang ibat ibang personalidad tulad nina Justin Bieber, Lady Gaga at Katy Perry pati na rin ang ating bansa.

Minsan na ring tinamaan ang Pilipinas ng sakuna tulad ng nangyari noong ika-16 ng Hulyo 1990, isang malakas na lindol ang tumama sa Baguio at noong ika-23 ny Hunyo 1897 sa Legaspi, Albay ay pumutok ang Bulkang Mayon. Umabot ng ilang taon bago muling nakabangon ang mga nasabing lugar sa Pilipinas habang araw lang ang bibilangin para sa Japan. Tunay nga na isang maunlad na bayan ang Japan may (hi-end) na teknolohiya, dekalidad na gobyerno at mayaman na ekonomiya. Kung ikukumpara sa Pilipinas, hindi pa tayo nagisang-kapat sa masaganang bansa ng Japan. Kahit simpleng baha lang ay hindi na kayang matustusan ng ating gobyerno ano pa kaya kung mas malalalang uri ng trahedya. Hindi maikakaila na kapos tayo sa

pera at pinapalakad ng isang hindi nagbabagong bulok na gobyerno. May kasabihan tayo, Daig ng maagap ang masipag na ang ibig ipahiwatig ay maging handa sa kahit anong oras. Isang sakit ng mga Pilipino ay ang kanser ng Bahala na, binabalewala lang nila at sa bandang huli ay pagsisihan nila ito.

Kaawaan

kaya

ang

ating

mahirap na bansa ni Inang Kalikasan? Kung hindi, kakayanin ba natin ang hagupit niya? Gaano na ba kahanda ang mga Pilipino? Handa ba ang Pilipinas?

Pinagkunan: Mga larawan http://62.0.5.133/www.cityofpines.com/baguioquake/quake200.jpg

You might also like