You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA MAKABAYAN (HEKASI IV) Inihanda Ni: Myra B.

Antolin Tobrehon E/S San Miguel North District Division of Catanduanes I. LAYUNIN: Nakikilala na ang Pilipinas ay isang bansang tropiko. II. PAKSA: Pilipinas bilang isang bansang tropiko Sanggunian: PELC IV D. 24 3.1 Makasaysayan Pilipino Integrasyon: a. Values: Pagkakaisa b. DRR Mga dapat tandaan ang mga babalang pangkalikasan Mga Kagamitan: Globo III. PAMAMARAAN: A. Panimulang Gawain; 1. Balik Aral: Anu-ano ang dahilan ng pagkakaiba ng klima ng bansa? 2. Pagganyak Ipakita ang globo. Paano mo ilalarawan ang lokasyon ng Pilipinas? Ano ang epekto nito sa ating bansa? B. Panlinang na Gawain: 1. Pagbuo ng Hinuha:

Ano/Saan ang tiyak na kinalalagyan ng Pilipinas? 2. Pangkatang Gawain: (Ibibigay ng guro ang activity card sa mga bata) Unang grupo: Ano ang mga salik bakit daanan ng bagyo ang Pilipinas? Ikalawang grupo: Ilarawan ang kinalalagyan ng Pilipinas? 3. Pag-uulat ng bawat grupo: 4. Pagbasa ng teksto:C. Pagtatalakay: Ano/Saan ang tiyak na kinalalagyan ng Pilipinas? Bakit tinawag na bansang tropiko ang ating bansa? Bakit ang Pilipinas ay daanan ng bagyo? Anu-ano ang epekto nito sa ating bansa? Ano ang masasabi ninyo tungkol sa ating hinuha? D. Pagpapahalaga: Paano natin maiiwasan ang mataas na bilang ng mga apektadong pamilya sa oras ng bagyo? Anu-ano ang dapat tandaan sa oras ng bagyo? E. Paglalahat: Paano mo nasabi na ang Pilipinas ay isang bansang tropiko? Anu-ano ang mga aspeto nito? F. Paglalapat: Bakit daanan ng bagyo ang bansang Pilipinas? V. PAGTATAYA: Isulat ang T kung tama at M kung mali ang pangungusap. Ang Pilipinas ay isang bansang tropiko sapagkat;

_____1. Ang Pilipinas ay napapaligiran ng tubig. _____2. Ang Pilipinas ay ligtas sa bagyo. _____3. Ang Pilipinas ay may dalawang uri ng klima. _____4. Ang Pilipinas ay isang tropikong bansa. _____5. Ang Dagat Tsina ay nakapaligid sa bansang Pilipinas. V. KASUNDUAN: Ibigay ang mga karagatang nakapaligid sa Pilipinas.

You might also like