You are on page 1of 14

Si Manuel Luis Quezon y Molina (Agosto 19, 1878 Agosto 1, 1944) ay ang ikalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Nobyembre

e 15, 1935Agosto 1, 1944). Siya ang kinilala bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas, kasunod ni Emilio Aguinaldo(na ang administrasyon ay hindi kinilala ng ibang bansa sa mga panahong iyon at hindi kinilala bilang unang pangulo sa mga kapisanang internasyunal).

[1]

Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na ngayong Aurora) noong Agosto 19, 1878. Ang tunay niyang pangalan ay Manuel Luis M. Quezon. Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro. Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa Colegio de San [1] Juan de Letran noong 1893. Bilang isang binata, nakilahok siya sa pag-aalsa laban sa mga Kastila. Nakipaglaban din siyang kasama ng mga Pilipinong Nasyonalista sa panahon ngDigmaang PilipinoAmerikano, bilang katulong ni Emilio Aguinaldo. Naipakulong siya dahil sa gawaing ito. Makaraang [1] palayain, nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos. Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamit niya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa panahong ito naipasa ang Batas Jones (Jones Act), nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ng pamamahala sa mga Pilipino. Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli siyang [1] magbalik sa Pilipinas. Sa sumunod na dalawang taon, naglingkod siya bilang pangulo ng Senado ng Pilipinas. Noong 1935, nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng bagong Komonwelt ng Pilipinas, laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay. Muli siyang nahalal [1] noong 1941. Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tumakas siya papuntang Australya, at pagkaraan nagtuloy sa Estados Unidos. Sa dalawang bansang ito [1] niya pinamunuan ang pamahalaan ng Pilipinas habang malayo sa bansa. Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa Saranac Lake, Franklin Country,New [1] York noong Agosto 1, 1944 sa edad na 66. Unang inilibing ang kanyang labi saArlington National

Cemetery. Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa Maynila, sa Manila North Cemetery at inilipat sa Lungsod Quezon sa loob ng monumento saQuezon Memorial Circle. Ipinangalan sa kaniya ang Lungsod ng Quezon sa Kalakhang Maynila at ang lalawigan ng Quezon.Siya rin ay tinawag bilang 'Ama ng Wikang Pambansa'

Si Sergio Osmea y Suico (Setyembre 9, 1878 Oktubre 19, 1961), higit na kilala ngayon bilang Sergio Osmea, Sr. ay ang ikaapat na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Agosto 1, 1944 Mayo 28, 1946). Siya ang ama ni dating Senador Sergio Osmea Jr. at lolo nina Senador Sergio Osmea III, John Osmena, dating GobernadorLito Osmena ng Cebu at Mayor Tomas Osmena. Isinilang siya noong Setyembre 9, 1878 sa Lungsod ng Cebu. Si Osmea ay nanguna sa mga nagtapos ng primarya sa kanyang paaralan. Nag-aral ng sekundarya sa Seminario ng San Carlos sa Cebu. Nagtungo siya sa Maynila at nag-aral sa San Juan de Letran, kung saan nakilala niya si Manuel L. Quezon. Nang sumiklab ang rebolusyong Pilipino noong 1896, bumalik sa Cebu si Osmea. Ipinadala siya ng lokal na liderato ng Cebu para ibalita kay Emilio Aguinaldo ang sitwasyon sa Cebu. Noong 1900, naging tagapag-lathala at patnugot siya ng pahayagang El Nuevo Dia. Nagbalik siya sa Maynila para mag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Sto. Tomas, kung saan ay muli silang nagkita ni Quezon. Noong 1903, siya at ang kanyang mga kamag-aral ay pinahintulutan ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na kumuha ng eksamen sa bar kahit tatlong taon pa lamang ang kanilang natapos. Si Osmea ay pumangalawa sa naturang eksamen sa bar. Dalawamput limang taong gulang siya nang maatasang pansamantalang gobernador at pagkapiskal ng lalawigan ng Cebu. Pagkaraan ng dalawang taon, naging gobernador siya ng lalawigan. Nagbitiw siya sa kanyang katungkulan bilang gobernador nang maitatag ang Asemblea Filipina noong 1907. Tumakbo siya at nanalong kinatawan ng ikalawang distrito ng Cebu. Nahalal siyang ispiker ng asembleya, isang posisyong hinawakan niya ng sumunod na 15 taon. Naging senador siya mula 1923 hanggang 1935. Tinanghal siyang "Senate President Protempore" noong 1923-1933. Naging kasapi rin siya ng Misyong OsRox (Osmea-Roxas), isa sa mga misyong ipinadala sa Estados Unidospara ikampanya ang kasarinlan ng Pilipinas. Nahalal siyang pangalawang pangulo ngKomonwelt ng Pilipinas noong 1935. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama niya si Pangulong Manuel L. Quezonsa Estados Unidos. Nang namatay si Quezon,si Osmea ang humalili sa kanya. Sina dating pangulong Osmena at ang kasama ng mga pandigmang kabinete na huling ipagpatuloy ng ating pagapapalaya ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas,Estados Unidos at ang puwersang Kakampi kasabay ng mga gerilyang

Pilipino atHukbalahap na mula sa Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas na ituloy ng pakikipaglaban sa Hapon, Kasama siya ng mga Pilipinong Heneral ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na si Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo pati ang mga puwersang Amerikanong lumunsad sa Leyte noong Oktubre 20, 1944. Sinabi ni pangulong Osmena at ang iba pang opisyal at mga kabinete nagsimula ng Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas noong 1944 hanggang 1945 sa pagitan ng mga [kailangan sundalong Pilipino, Amerikano at ang mga pwersang gerilya na silang kalabanin ng mga Hapones. ng sanggunian] Nagsilbi siya bilang pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong Abril 23, 1946. Paghahanda ito sa pagbibigay ng kalayaan ng Estados Unidos. Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel Roxas. Nang matalo kay Roxas, namahinga si Osmena sa kanyang tahanan sa Cebu. Si Sergio Osmena ay namatay noong Oktubre 19,1961.

ANGELA MANALANG GLORIA


Si Angela Manalang Gloria ay tubong Guagua, Pampanga subalit lumaki na sa Bicol na siyang pinanirahan ng kanyang mga magulang mula noong taong 1914. Sa gulang na labing-isang taon ay nabasa na niya ang lahat ng aklat na local sa aklatan ng Legaspi, Albay. Nag-aral siya sa Saint Agnes Academy sa Legaspi at nagpatuloy ng pag-aaral sa Saint Scholastica's College sa Maynila. Sa gulang na labing-anim nakapaglathala na siya ng kanyang mga tula sa Women's Outlook. Naimpluwensiyahan siya ng kanyang guro sa Ingles, si C. V. Wickers na siyang gumabay sa kanyang pagsusulat ng mga tula. Nakilala siya sa pagiging makata sa kolehiyo nang magwagi siya sa Literary Contest at malathala ang kanyang tula sa Sunday Tribune, Philippine Collegian at Herald Mid-week Magazine. Lalo siyang nakilala sa larangan ng panulaan noong panahon ng Komonwelt dahil sa kanyang mga tulang liriko. Naipalimbag ang isang katipunan ng kanyang mga aklat ng tula noong 1940 at dahil sa kagandahan nito ay muling naipalimbag noong 1950. Ang karamihan sa kanyang mga tula ay lumabas sa The Philippine Herald at The Philippine Magazine.

ESTRELLA ALFON
Si Estrella D. Alfon ay ipinanganak sa San Nicolas, Cebu noong Marso 27, 1917. Nang matapos siya ng sekundarya, nagtungo siva sa Maynila upang mag-aral sa U.P. Naging miyembro siya ng U.P. Writers Club dahil sa taglay niyang katalinuhan at kakayahan sa pagsulat. Sa pagitan ng mga taong 1958 at 1978, nagwagi siya ng mahigit kumulang sa sampung karangalan mula sa maikling kuwento at dula sa Free Press, Carlos Palanca Award at Arena Theatre Contest.

MARIA KABIGON
Buhay
Isinilang siya noong 14 Enero 1878 sa Carcar, Cebu. Napangasawa niya si Filomeno Kabigon, isang empleado sa Bureau of Customs. Naging guro siya noong panahon ng mga Amerikano, at nang lumaon ay naging manunulat. Nalathala sa pahayagang Ang Suga ang kanyang unang maikling kuwentong pinamagatang Ang Gugma sa Inahan (Mother's Love)noong 1902. Ito ang nagpasimula ng kanyang pagsusulat para sa iba't ibang pahayagan. Naging patnugot siya ng Babaye mula 1930 hanggang 1938. Nagsimula siyang magsulat para sa Bisaya nang itatag ito noong 1930. Naging tanyag siya dahil sa kanyang pitak na Ang Panid ni Manding Karya na nagsimulang lumabas sa nasabing magasin noong 1946. Dito siya nagbigay ng payo sa mga may problema sa pag-ibig at sa iba pang mga bagay. Sinasabing nakatanggap siya ng mula 20 hanggang 30 liham araw-araw, at sinubukan niyang sagutin ang mga ito, kung hindi man sa pamamagitan ng kanyang pitak ay sa pamamagitan ng personal na pagpapadala ng liham. Dahil dito ay inihalintulad siya kay Dorothy Dix, isang tanyag na manunulat sa Amerika. Maliban sa kanyang daan-daang maiikling kuwento ay nakapagsulat din siya ng mga dula, tula at iba pang lathalain na pumukaw sa interes ng mga Cebuano. Bukod sa pagiging manunulat, naging aktibo rin siya sa mga usaping panlipunan. Tumulong siya sa mga gerilya noong panahon ng mga Hapones at nakiisa sa mga nagsulong sa karapatan ng mga babaeng makaboto. Sumakabilang-buhay siya noong 10 Marso 1962.

ELISA OCHOA

Ang itinuturing Darling ng Maynila" ang sinasabing naging ehemplo ng mga kababaihan upang pasukin ang mundo ng pulitika na dating pinaghaharian lamang ng mga lalake. Taong 1937 nang ipatupad ang batas upang payagan ang mga babae na kumandidato. At sa taong ito, sumabak sa eleksiyon at nanalo bilang konsehal ng Maynila si Carmen Planas. Ang kanyang panalo ay nagpalakas ng loob sa iba pang kababaihan para tahakin ang landas ng pulitika. Nang sumunod na taon (1938), nahalal ang unang babaeng kongresista na si Elisa Ochoa na kumatawan sa lalawigan ng Agusan sa ikalawang National Assembly ng Commonwealth republic. Taong 1950 naman nang maupo sa Senado ang unang babaeng senador sa katauhan ni Geronima Pecson.

CARMEN PLANAS
Si Carmen Planas ay anak nila Concepcion Lim at Illuminado Planas. Sya ay valedictorian mula elementarya hanggang kolehiyo. Pumasok sya nung high school sa Holy Ghost College. Nag aral sya ng prelaw sa U.P. College of Law kung san sya naging scholar. Tinawag syang Manilas Sweetheart ng kanyang kasamahan sa Kongreso.

PROYEKTO SA HEKASI V
( Ikatlong Markahan )

*Ang Pangulo at Ikalawang Pangulo Ng Komonwelt *Mga Babaeng naging tanyag sa Panahon ng Amerikano

IPINASA NI: Maria Krizzie Nicole Mendoza (GradeV-FL)

IPINASA KAY: G. Richard A. Villanueva (GURO)

Ang Pangulo ng Komonwelt

SULYAP SA KABANATA
A. Isulat sa sagutang papel ang inilalarawan sa bawat bilang. 1.Nagtatag sa National Land Settlement Administration. Batas Komonwelt Bilang 441 2. Bilang ng taong ibinigay ng mga Amerikano sa Pamahalaang Komonwelt. sampung taon 3.Nagtakda ng Pamahalaang Komonwelt sa bansa.- itinakda ng nabuong Saligang Batas ang pagtatag ng Pamahalaang Komonwelt. 4.Nagtakda ng walong oras na pagtatrabaho ng mga manggagawa sa isang araw. Eight-hour Labor Act 5.Ikapitong pamantasan na naitatag sa panahon ng Komonwelt.- UP 6.Unang konsehala ng Maynila- Carmen Planas 7.Nagtakda na hindi bababa sa piso ang sahod ng manggagawa bawat araw.- Minimum Wage Act 8.Nagbigay ng libreng serbisyo ng abogado para sa mahihirap na manggagawa- Public Defender Act 9.Tagapayong pang hukbo ng Komonwelt- Heneral Douglas Mac Arthur 10.Unang Pilipinang nahalal bilang kinatawan sa Kongreso- Elisa Ochoa

B. Isulat sa sagutang papel ang O kung opinyon at K kung katotohanan ang bawat pangungusap. O 1.Makapamamahala ang mga Pilipino sa kanilang mga sarili kahit na walang paghahandang gagawin ang mga ito. K 2. May tatong sangay ang pamahalaang Komonwelt. K 3. Ang Public Defender Act ang nagtakda ng pagbibigay ng abogado sa mahihirap na manggagawang Pilipino. O 4. Kinailangang magkaroon ng isang wikang pambansa ang Pilipinas dahil iisang pulo lamang ito. K 5. Mahalaga sa mga Amerikano ang mga paaralang pampubliko na kanilang itinatag sa Pilipinas.

O 6. Ang National Economic Council ay itinatag upang pag aralan ang suliraning pampolitika ng bansa. O 7. Ang Eight-Hour Labor Act ay para sa mga manggagawang Amerikano. K 8. Ang pagiging isang republika ng Pilipinas ay nangangahulugan na magmumula sa mga tao ang kapangyarihan ng pamahalaan. O 9. Sang ayon si Pangulong Quezon sa Batas Hare-Hawes-Cutting. K 10. Dalawang mambabatas ng United States ang may akda ng Batas Tydings Mc-Duffie.

Ang Ikalawang Pangulo ng Komonwelt

Mga Babaeng naging tanyag sa Panahon ng mga Amerikano

You might also like