You are on page 1of 1

Hamon ng Pagbabago Verse: Diyos na Maykapal, tao ay nalikha, Ngunit di katulad, ordinaryong gawa.

Higit sa lahat, siyay kawangis nya, Dangal, buti, malasakit, iginawad sa kanya. Panahon ay nagbago, mundoy nagkagulo, Dusa at pighati, naging buhay ng tao. Turing sa isat-isay naging katunggali, Pananalig sa Diyos, nawaglit ng sandali. Chorus: Piliin ang mabuti, Paigtingin ang galing, Upang isabuhay, ang malasakit sa bawat isa. At mula sa ating sarili, Ang panahon, ay kayang magbago. Verse: Kaya paikot-ikot, na lang ang lahat, Wala nang tiwala, sa puso at gawa. Pagbabalat-kayo lamang, ang pagmamahal, O tao, kailan ka magbabago? Chorus: Piliin ang mabuti, Paigtingin ang galing, Upang isabuhay, ang malasakit sa bawat isa. At mula sa ating sarili, Ang panahon, ay kayang magbago. Bridge: Ano ang hahawakan? Ano ang susundan? Sino ang gagawa ng unang hakbang? Chorus: Piliin ang mabuti, Paigtingin ang galing, Upang isabuhay, ang malasakit sa bawat isa. At mula sa ating sarili, Ang panahon, ay kayang magbago Ang panahon, ay kayang magbago!

You might also like