You are on page 1of 6

Literary Birthday - 19 February Happy Birthday, Laurell K. Hamilton, born 19 February 1963 10 Quotes On Writing 1. 2. Writers write.

Put your butt in the chair and write on a regular basis. Ive lost track of the number of people who want to be writers but never actually write anything. Talking about writing, dreaming about writing, can be very fun, but it wont get a book written. Youve got to write. 3. We are very individualistic creatures, we writers. There is no magic formula, or at least not just one. Its more like theres a different one for different writers. 4. The minimum is four pages a day. If I get more than eight then Im done for the day. I do five days a week like that. If Im in the middle of a book, I also work Saturday or Sunday to keep the rhythm. I need that continuous rhythm of being in the story. 5. By 17, I was submitting to publications and collecting my first rejection slips. 6. I always treated writing as a profession, never as a hobby. If you dont believe in yourself, no one else will. 7. Dont rewrite as you go. Dont try to make your first chapters perfect. If you come to a scene where you dont know what 14th-century underwear looks like, dont stop and research 14th-century underwear. Just write underwear here. The second draft is filling in those holes. 8. Seventy percent of a first draft is garbage and 30 percent is gold, but you have to write 100 percent to get that 30. 9. Its a very daunting thing to think youre going to sit down and write a whole book out of thin air, but you have to work, even when youre not inspired. 10. An editors job during negotiations is to get the best possible book for the least amount of money. Your goal during the same negotiations is to get the most amount of money possible for the same book. You and she are diametrically opposed.

Helen Meriz: HINDI niya alam kung paano napunta sa penpal corner na iyon ang kanyang litrato. Basta na lang ipinakita ng isang kaopisina ang magasin at hayun nga ang litrato niya. Twelve years younger pero namukhaan pa rin ng kasamahan niya. Ikaw, ha? tudyo pa ng kaopisina niya. Magpapadala rin lang ng litrato e yung nung bata ka pa, ha? Hindi nga akong nagpadala niyan, napapahiyang sabi niya. Kung hindi ikaw e sino? Baka si Luchie, yung pamangkin ko. Maloka yon, e. Talaga namang si Luchie lang ang mapagsususpetsahan niya. Una, si Luchie lang ang kasama niya sa apartment bukod sa maid niyang si Toneng. At hindi malakas ang loob ni Toneng para ipadala ang litrato niya sa isang penpal column nang wala siyang pahintulot. Pangalawa, si Luchie ang inip na inip nang magkanobyo siya. Pandalas na nga ang tudyo na mauunahan pa siya nito. Ewan ba niya. Sa edad na 32 ay hindi pa siya makakita ng lalaking magugustuhan niya. Hindi naman masasabing di siya niligawan. Hayskul pa lang siyay may nanliligaw na. Hanggang nitong magkatrabaho siya bilang sekretarya sa isang kompanya sa Makati ay hindi siya nawawalan ng manliligaw. Siya lang talaga ang hindi makagusto. Ano ba talagang type mo sa isang lalaki? Minsan ay tanong sa kanya ni Luchie. Anak si Luchie ng isang kapatid niyang nasa probinsiya. Ipinadala sa Maynila para magkolehiyo. Sa kanya pinapisan. Magna-nineteen lamang si Luchie. Hindi ko alam, sabi niyang di gaanong sineryoso ang tanong ng dalaga. Ay, e, pano ka makakakita? dismayadong sabi ni Luchie na bahagya pang tinapik ang noo. Kung darating yon, darating, aniyang kunway inasikan na ang pamangkin. Bat ba ikaw ang atat na atat na magkanobyo na ko? Na-indespair ka na ba, Tita Lyd? malayo sa tanong na sabi ni Luchie. Kung pagka-indespair yung hindi ako pinansin nung crush ko noong high school e oo, naindespair na ako.

Hindi yung ganoon. Halimbaway nagkanobyo ka na ba at nagkalayo kayo? Hindi pa. Sa babae, hindi mo naman naramdaman ang magkagusto ka? Lukaret. Baka ika ko me pagka-t-bird ka, e. Bumungisngis si Luchie. Mag-aral ka nga ng leksiyon mo sa halip na akong buligligin mo, oy. Gusto mong ihanap kita ng nobyo? Bahala ka. Basta huwag mo lang akong guluhin at me ginagawa akong report. Hindi niya alam na sa ganitong paraan siya ihahanap ng nobyo ng pamangkin. Pero bakit litrato niya twelve years ago ang ipinadala? Yan lang ang nakita kong black and white, e, natatawang sabi ni Luchie nang komprontahin niya. Saka, kamukha mo pa rin naman, a. Nailing na lamang siya sa kapilyuhan ng pamangkin. Nag-umpisang magdatingan ang mga sulat. Mula sa mga lugar na noon lang niya narinig ang pangalan. Mabibilang sa daliri ang babaing sumulat sa kanya. Halos lahat ay puro lalaki. Na natural na umeedad mula bente-singko pataas. Walang humigit sa edad trenta. Wala siyang pinansin sa mga sulat. Wla siyang sinagot. HANGGANG sa dumating ang sulat ni Elmer. May kasamang litrato ang sulat. At kahit hindi sinabi ni Elmer na 26 lamang ito, halos nahuhulaan na rin niyang hindi naglalayo roon ang edad ng lalaki. Masaya ang bakas ng mukha ni Elmer. Aywan lang niya kung sa litrato lamang iyon. May bahagyang nakayungyong na buhok sa may noo. Makakapal at itiman ang mga kilay. Hindi katangusan ang ilong nito pero kapansin-pansin ang mga labing tila sa babae. Maninipis at pahaba o dahil napaluwang lamang ang ngiti ng lalaki. Aaminin niyang guwapo si Elmer. Pero hindi sapat na dahilan iyon para minsay matagpuan niyang nakikipagtitigan siya sa litrato nito na inilagay niya sa ilalim ng kanyang glass top sa opisina. Marami na rin naman siyang nakilalang guwapo. May nanligaw na rin sa kanya. Pero hindi siya naakit. Hindi siya nainlab. Bakit ngayoy naiinlab na yata siya sa litrato pa lamang ni Elmer? Hindi niya sinagot ang sulat nito. Pinilit niyang alisin sa isip ang lalaki. Itinago na nga niya ang litrato nito para hindi niya nakikita kapag nagtatrabaho siya. DUMATING ang ikalawang sulat ni Elmer. May himig ng paghihinakit ang kalatas nito. Bakit pa raw siya nagpalagay sa penpal corner kung hindi naman pala siya sasagot ng sulat. Noon lang ito diumano sumubok makipagsulatan. Naakit diumano ito sa larawan niya. Lalong nakasama iyon sa pakiramdam niya. Twelve years younger yon, saloob-loob niya. Thirty-two na ko ngayon. Anim na taon ang tanda ko sa yong bruho ka. Binalewala niya uli ang sulat. Sa ikatlong pagsulat nito, isang tula na lamang ang laman. Inihahandog sa kanya. Kalungkutan at desperasyon ang isinasaad ng tula na isinulat sa English. Gumuho na ang pagpipigil niya. Naisip niyang dapat niyang gantihan ang pagsisikap ni Elmer na magkaugnay sila sa sulat. Bihira ang kasingdesidido nito. Sinagot niya ang sulat. Doon nagsimula ang palitan nila ng kalatas. Hanggang sa magparamdam si Elmer ng pag-ibig.

Natauhan siya. Ipinasiya niyang lagutin na ang komunikasyon. Hindi niya pinansin ang sunod-sunod na pagsulat ni Elmer, nagtatanong kung ano na ang nangyari. Kung ikinagalit ba raw niya ang pagtatapat nito. Hindi pa rin siya sumagot. Pero nataranta siya nang tanggapin ang huling sulat ni Elmer. Darating ako riyan sa katapusan nitong buwan at bibisitahin kita, anang huling bahagi ng liham. Anong gagawin ko, Luchie? Litong tanong niya sa pamangkin nang ipakita rito ang sulat. Ano pang magagawa mo kundi ang harapin siya? Hindi. Ayoko. Dahil lang hindi ikaw yung nasa litratong nakita niya, ayaw mong mabigo ang expectations niya? Ibig sabihin, mahalaga rin siya sa yo. Siguro nga ay ganoon, naisip niya. Kaya gusto niyang manatili sa isip ni Elmer ang kung ano siya sa isip nito. Ayaw niyang mapahiya ito. Ayaw niyang mabigo. Aalis ako sa katapusan, sabi niya. Hindi niya ako daratnan dito. Ano? At sinong daratnan niya? B-bahala ka na. Sabihin mong matagal na akong di dito nakatira. Hindi mo alam kung saan lumipat. Buti kung maniwala sa yo. Maniniwala yon dahil matagal ko nang hindi sinasagot ang mga sulat niya. Siguro naman, kapag alam niyang wala na ako rito, hindi na babalik yon. Talagang handa kang mawala na siya? Oo. Bahala ka. Walang sisihan? Anong walang sisihan? Kung sa akin malipat ang pagkakagusto niya. MASAKIT din kung isiping kay Luchie na magkakagusto si Elmer. Pero sa isang banda, magpapasalamat na rin siya kung ganoon ang mangyayari. At least, bagay ang dalaga. Sa edad. Dahil noong araw, ang pangarap niyang mapngasawa ay dapat na matanda sa kanya ng anim o pitong taon. Never na pinangarap niyang siya ang matanda rito ng anim na taon. Hindi naman siya umalis nang araw na na dumating si Elmer. Hindi pumayag si Luchie. Magtago na lang daw siya sa silid sa itaas at huwag bababa. Makikita pa niya nang personal ang lalaki. Gusto rin nga niyang makita nang personal si Elmer kaya pumayag siya. Mula umagay nakaabang na siya sa tabi ng bintana, nakasilip sa kurtina. Kaya kita niya nang pumarada ang taksi sa harap ng apartment at bumaba si Elmer. Magandang magdala ng damit si Elmer. Naka-itim na pantalon ito at polong Aqua. Lalong gumuwapo ang lalaki sa tingin niya. Sana, totoo na lang na twenty years old lang ako ngayon, naisip niya habang nagsisikip ang dibdib sa sama ng loob. Disin sanay siya ang sumalubong kay Elmer at hindi ganitong pinagtataguan niya. Bakit ba hindi pa sila noon nagkita ni Elmer? Pero naisip niyang kung noon, katorse lang din si Elmer. Balik sa square one ang problema niya. A, hindi siguro talaga sila magkapalad ni Elmer. Narinig niya ang pagkatok sa pinto ng lalaki. Namalayan ang pagpapatuloy dito ni Luchie. Tiyak, kay Luchie maiinlab si Elmer, naisip niya. Maganda naman ang pamangkin niya. Sinadya

pang magpaganda nang araw na iyon. At hindi trentay dos ang edad. Ang sakit-sakit ng loob niya habang pinakikiramdaman ang pag-uusap ng dalawa sa ibaba. Manaka-naka, nagkakatawanan pa ang mga ito. Bruho ka, Elmer, saloob-loob niya. Ang dali-dali mo namang magpalit ng love! Pakiramdam niyay ang tagal-tagal lumakad ng mga sandali gayong ang sabi ni Luchie nang pumanhik ay wala pang kinse minutos na nagtagal si Elmer. Anong sabi? tanong niya. Nang sabihin kong hindi ka na rito nakatira? Oo. Natigilan na parang hindi makapaniwala. Tapos, nalungkot. Naawa nga ako, e. Itinanong kung saan ako lumipat? Oo. Sabi koy hindi ko alam. Hindi ko sinabing magtiya tayo. Sabi koy magka-share lang tayo rito dati. Bigla ang lungkot na sumalakay sa puso niya. Wala na. Tapos na talaga ang ano mang ugnayan nila ni Elmer. Pagbalik nito sa Pangasinan, wala na itong pagpipilian kundi kalimutan siya. Maliban na lamang kungnagkagusto ito kay Luchie. Hindi pa pala siya babalik sa kanila, e, sabi uli ni Luchie. Bakit daw? Me aasikasuhin daw siya rito. Me binibili yatang makinarya para sa lupa nila. Graduate pala siya ng Agriculture. Bahagya siyang tumango. Kung puwede raw makabalik uli rito. Biglang lipad ang tingin niya sa mukha ni Luchie. Kumindat ang dalaga. Baka sa kin nainlab, may panunudyo sa tonogn sabi nito. HINDI niya maintindihan kung bakit umiyak siya nang gabing iyon. Ang alam niyay masakit na msakit ang loob niya. Akala niya noon ay okey lang kung malipat kay Luchie ang pagkagusto ni Elmer. Sa aktuwal palay masakit din. Kinailangan pa niyang kapalan ang eyeshadow kinabukasan para maitago ang pamumugto ng mga mata. Papasok ka na sa opisina? tanong ni Luchie na kalalabas lamang sa kusina. Inabutan nitong isinasabit niya ang toothbrush na ginamit. Oo, sabi niyang iniwasang makipagtitigan sa pamangkin. Parang may gustong aninawin si Luchie sa mukha niya. Ingat ka, ang sabi. Tumango lamang siya sa pag-aakalang isa lamang iyong simpleng paalala. Baka matiyempuhan ka riyan ni Elmer. Natigilan siya sa paghakbang. Narito pa yon, di ba? natatwang sabi ni Luchie. At nagpasabi pang babalik dito. Hindi naman siguro umagang-umaga, no? Parang naiinis na sabi niya. Kung dadalawin ka non, siguro namay mamayang pagabi. At magpapagabi ako sa opisina para siguraduhing wala na siya. Dali-dali na siyang lumayo pagkasabi niyon. PARANG wala siya sa sarili habang nagtatrabaho sa opisina. Ang layo ng tinatakbo ng isip niya.

Halimbawa ngang magkagustuhan sina Elmer at Luchie, imposibleng hindi malaman ni Elmer na magkamag-anak sila ni Luchie. Ano kayang magiging feeling ni Elmer na ang babaing una nitong nagustuhan ay magiging tiyahin pala nito sakaling pakasalan si Luchie? Siguroy matatawa na lamang si Elmer. Magiging katatawanang kuwento ang nangyari sa kanila na ibabahagi sa mga magiging anak nito. Sa sobrang yatang desperasyon, napaiyak siya sa ibabaw ng mesa. WALA pa si Luchie? takang tanong niya sa maid na si Toneng nang umuwi nang gabing iyon. Sinadya niyang magpalampas alas-otso ng pag-uwi sa pangambang maabutan nga si Elmer sa kanila. Dumating na kanina, ani Toneng. Pero umalis uli. Saan daw pupunta? Niyaya yata nung bisita na kumain sa labas. Kumabog ang dibdib niya. Sinong bisita? Elmer yatang pangalan niyon. Parang aakyat ang dugo sa ulo niya. Hindi niya malaman kung kaninon siya magagalit. Kay Toneng dahil binayaan si Luchie. Kay Luchie dahil nagpasiya nang wala siyang pahintulot. O kay Elmer, sa pagyaya kay Luchie. Pero may isip naman si Luchie. Dapat ay tumanggi itong sumama. Hindi pa nito gaanong kilala si Elmer. Hindi ito dapat sumama rito lalot gabi. Kapapanhik lamang niya ng silid nang maramdamang may dumating. Kahit hindi siaya sumilip ay alam niyang sina Luchie na iyon. Narinig niya ang pagpapaalam ni Elmer at ang pagsasara ng pinto ni Luchie. Inabangan niya sa may hagdan ang pamangkin. Sinadya niyang ipakita ang galit sa anyo sa pagkakahalukipkip. Saan kayo galing? Pormal niyang tanong. Nag-Shakeys. Nagtataka siya na hindi man lang nagpapakita ng takot si Luchie. Para pa nga itong nakangiti. Hindi mo pa nga gaanong kolala yunmg tao e sumasama ka na, ulos niya. Paano ko nga makikilala kung hindi ako sasama? Luchie! Natigatig yata sa tonon niya, lumamlam ang anyo ng dalaga. Sorry, Tita Lyd, ang sabi. Mabait naman si Elmer, e. Ayoko nang maulit to. Hindi na. Saka, aalis naman na siya bukas, e. WALA siyang kagana-gana nang mag-ayos kinabukasan para pumasok sa opisina. Bahagya na lang siyang nagpulbos at itinali ang buhok saka nagsuot ng office uniform. Nakakatamad palang magpatuloy kapag alam mong wala na ang pag-ibig. Ano nga ang tawag doon ni Luchie? Na-indespair. Ngayon lang niya nararanasang ma-indespair. Lumabas siya ng geyt ng apartment. Naglakad lakad patungo sa labasan kung saan marami nang dyip na bumibiyahe. Naramdaman niya ang tila pagsunod sa kanya ng kung sino. Paris ko ring commuter, naisip niya. Pero ang mga hakbang ay umagapay sa kanya, walang balak na lumampas.

Napilitan siyang magtaas ng tingin. Hello, Lyd Hindi. Hindi si Elmer ang nakangiti sa kanya, sabi ng isip niya. Pero si Elmer nga ang kasabay niya. Masama ang loob ko ko sa yo, sabi nito na hindi inaalis ang tingin sa mukha niya. Pinaglilihiman mo ako. B-baka nagkakamali ka, mister. Hindi ako ang Pati boses mo, ganyang-ganyan ang tunog sa mga panaginip ko. Parang gustong mamasa ng mga mata niya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. S-sinabi sa yo ni Luchie na Hindi. Nahulaan ko lang. Base sa mga kuwnetuhan namin. Siguroy gusto niyang testingin ang opinyon ko. Ano raw kaya kung ang babaing magustuhan koy matanda sa akin ng anim na taon? Sabi koy kahit isang daang taon pa, basta mahal ko. H-hindi naman totoo yon. Kung isang daang taon. Ka-OA-yan talaga yon. Pero kung six years lang, whats the difference? P-pagtatawanan ka. Ng mga luku-luko siguro. Ng mga makikitid ang isip. And who cares about them. Isipin mo, Elmernoong anim na taon ako, beybi ka pa lang siguro. Puwede nang ako ang maghehele sa yo. Talagang kung noon mo iisiping maiinlab ka sa akin ay katawa-tawa. Pero ngayon, sinong magsasabing mas matanda ka pa nga sa akin? Nagtaka siya nang tawagin ni Elmer ang isang batang magpapandesal. Boy, sino sa tingin mo ang mas matanda sa amin? Tanong nito. Saglit lang silang tinapunan ng nagtatakang tingin ng bata, pagkuway umiling. Ewan ko ho. Bibili ho kayo ng pandesal? Nagtawa ng nagtawa si Elmer. Inis na lumayo ang bata. Kita mo? Wala silang pakialam sa atin. Ganoon kaindifferent ang tao. Ikaw lang ang gumawa ng multong katatakutan mo. P-pero Hinawakan siya nang mahigpit ni Elmer sa kamay. Ihahatid lang kita sa opisina nyo at maguusap tayo mamayang pag-uwi mo. Hindi ko pa sinabingm-mahal din kita. Believe me, Lyd, theres no need to. Nakangiting kumindat sa kanya ang binata.

You might also like