You are on page 1of 6

IFUGAO

Sa gitnang bahagi ng hilagang Luzon ang tirahan ng mga Ifugao. Galing sa salitang ipugo na ang ibig sabihin ay "mula sa mga burol" ang salitang Ifugao. Ang tipikal na pamayanan ng mga Ifugao ay ang tumpok ng mga kwadradong kubona natutukuran ng poste. Tulad ng ibang lipunan, mayroon ding mga ari-arian ang mga Ifugao. Ang mga mayaman at mga may titulo ang nag-aari ng maraming hinagdang palayan. Tuwing may pagdiriwang ang mayayaman tulad ng kasal o libing, masagana ang handaan. Sila ang gumawa ng Rice Terraces na walang gamit na makina, ginawa ito sa pamamagitan ng kanilang mga kamay. Ang mga Igorot ay isang grupong etniko sa Pilipinas. Matatagpuan sila sa Cordillera, sa isla ng Luzon, sa hilaga ng bansa. Mayroong anim na lalawigan sa Cordillera Administrative Region (CAR): ang Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province. Nag-iisang lungsod sa CAR ang lungsod ng Baguio. May anim na etnolinggwistikong grupo sa parte ng mga pook na tinitirhan ng mga Igorot: ang Bontoc, Ibaloi, Ifugao, Isneg (o Apayao), Kalinga, at Kankanaey. Ang mga Igorot ay kilala sa kanilang pagiging masipag, matatag, at tapat sa kanilang pinagmulan. Mga ugaling hindi basta basta hinahayaang makuha ng iba ang kanilang mga namana o nakuhang mga kayamanan. Mahalaga sa kanila ang lupa, sapagkat ito ang pangunahing ikinabubuhay nila. Ang isang patunay nito ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe na matatagpuan sa isang tribu sa Ifugao.

Ito ang ilan sa mga instrumentong ginagamit ng mga Ifugao sa kanilang kasiyahan.

Ito ang sasakyang ginagamit ng mga Ifugao bilang kanilang transportasyon.

TBOLI
Sa Cotabato matatagpuan ang mga T'boli. Nangangaso sila, nangingisda at nangunguha ng mga prutas sa kagubatan na kanilang ikinabubuhay. Kaingin ang sistema ng kanilang pagsasaka. Gumagawa sila ng tela para sa damit mula sa t'nalak na hinabi mula sa hibla ng abaka. Walang "pari" ang mga T'boli na gumaganap ng mga sagradong ritwal o nagsisilbing tagapamagitan sa tao at sa mga bathala. Kadalasang iniuukol ng mga kababaihan ang kanilang panahon sa pagpapaganda sa sarili. Nagpapahid sila ng pulot-pukyutan sa mukha, nagsusuot ng maraming hikaw, kwintas, maliliit na kampanilya at binurdahang damit. Nagpapalagay ng tatu o hakang ang mga babae. Maaaring mag-asawa nang marami ang lalaking T'boli.

Ito ang ginagamit ng mga Tboli sa paghahabi ng kanilang mga makukulay na kasuotan.

Mga palamuti sa katawan ginawa at ginagamit ng mga Tboli.

IGOROT
Ang mga Igorot ay isang pangkat etniko sa Pilipinas. Matatagpuan sila sa Cordillera, sa isla ng Luzon, sa Hilaga ng bansa. Mayroong anim na lalawigan sa Cordillera Administrative Region (CAR):ang Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province. Nag-iisang lungsod sa CAR ang lungsod ng Baguio. May anim na etnolinggwistikong grupo sa parte ng mga pook na tinitirhan ng mga Igorot: ang Bontoc, Ibaloi, Ifugao, Isneg (o Apayao), Kalinga, at Kankanaey. Ang mga Igorot ay kilala sa kanilang pagiging masipag, matatag, at tapat sa kanilang pinagmulan. Mga ugaling hindi basta basta hinahayaang makuha ng iba ang kanilang mga namana o nakuhang mga kayamanan. Mahalaga sa kanila ang lupa, sapagkat ito ang pangunahing ikinabubuhay nila. Ang isang patunay nito ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe na matatagpuan sa isang tribu sa Ifugao.

Ito ang isa sa mga sinaunang kasuotan ng mga Igorot.

Ito ang isa sa mga sinaunang kagamitan na ginamit ng ating mga ninunong Igorot sa pangangahoy at pangangaso.

TAUSUG
Kinikilala sa katapangan at kahusayan sa pakikidigma ang mga Tausug. Hindi sila kailanman umuurong sa anumang labanan sapagkat para sa kanila, ang karuwagan ay batik sa karangalan ng pamilya. Likas na mapagbigay at palakaibigan ang mga Tausug. Nalinang ang ugaling ito sa kanilang pakikipag-ugnayan at pakikipagkalakalan sa mga tao sa Timog-silangang Asya. May pagkakaiba ang mga Tausug na nasa mga burol na tinawag na tao giniba at nasa mga dalampasigan na tinawag na tao higad. Mangingisda ang mga nakatira sa malapit sa dagat at magsasaka naman ang mga nasa loobang bahagi. Naninisid ng perlas ang nasa may dalampasigan na kanilang ipinagpapalit ng seda, tanso atbakal sa mga taga-Borneo at Sabah. Kanila ring ipinagpapalit ang mga ito ng pagkain sa mga magsasaka. Ang kalakalang ito ang nagdala ng Islam sa Sulu.

Ito ang ginagamit ng mga Tausug bilang kanilang transportasyon.

Ito ang mga kasuotan na ginamit ng mga Tausug.

MANGYAN
Naninirahan sa mga liblib na pook ng Mindoro ang mga Mangyan. Mahiyain silang tribo. Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maamong mata at katamtaman ang tangkad. May ibat ibang tribu ng Mangyan. Tinatawag na Hanunuo ang isang grupo ng Mangyan na ang ibig sabihin, sila ang tunay na Mangyan. Kumukuha sila ng ikinabubuhay sa mga kagubatan, pangisdaan at kalakalan sa Mindoro. Sa kasalukuyan, sinauna pang alpabeto ang gamit sa pagsulat ng mga pagpapantig. Ang ambahan ang kanilang natatanging panitikan na kanilang napanatili sa pamamagitan ng pag-ukit nito sa mga kutsilyo, mga kagamitan at sa mga lukas o lalagyan ng nganga. Ang mga Alangan o Mangyan sa hilaga ang purong Mangyan. Mayroon silang tipong Negrito. Sa mga kasukalan ng Mindoro sila nananahanan at kamote ang kanilang pangunahing pagkain.

Ito ang isa sa mga instrumentong ginagamit ng mga Mangyan .

Ito ang nagsisilbing imbakan ng mga pagkain ng mga Mangyan.

MGA KAGAMITAN NA GINAMIT NG MGA SINAUNANG PANGAT-ETNIKO NG PILIPINAS

You might also like