Professional Documents
Culture Documents
Si Tatang, Si Freddie, Si Tandang Senyong by Ricardo Lee 1. A-beinte uno de Mayo, sa aking lupang tinubuan Nagsimula ang ideya na sulatin ko ang kwentong ito noong 1967, apat na taon na ang nakararaan. Isang panahon iyong ang tingin ko sa pagsusulat ay isang indibidwal na akto. Isang bagay na ako lamang at ilang piling nilalang sa daigdig ang makagagawa. Nagsusulat kami sa isang makasining at matulaing paraang aabot sa isang pamantayang kami lamang ang nakaiintindi. Ang buong daigdig, ang lipunan noon, para sa akin, ay ang sarili ko lamang. aya ang pagsusulat ko noon ay ang paglalahad ng sarili. Noon gabi ang buhay para sa akin. asama ng mga kapwa ko manunulat na sina !ol, "reddie at #ong, palilipasin ko ang mga magdamag sa isang tagong $o%%ee shop sa &asay sa paglulunoy sa pagkaawa sa sarili. &ag-aari ito ni !ol. 'a gitna ng $o%%ee shop ay buong kapanglawang nakadukmo sa yakap-yakap na gitara ang isang hippie habang kinakanta ang kanyang dalit ng alyenasyon. ami naman nina "reddie, sa isang tasang kape ay ilalagay naming kasama ang, asukal ang aming mga hinanakit sa isang lipunang di makaunawa sa amin, sa isang daigdig na di namin maintindihan ang galaw, sa isang buhay na para sa amin ay walang pinaggalingan at walang patutunguhan. 'apagkat pare-pareho kaming nagdaan sa isang buhay na wasak-wasak(magulong pamilya, amang lasenggo, tiyang masungit, at iba pang mga putahe sa isang magulong buhay), lumalangoy kami noon sa paniniwalang kami*y maraming nalalaman at nararamdaman kaysa sa karaniwang tao. aya nakapagsusulat kami. aya may karapatan kaming buhat sa malayo ay tingnan ang galaw ng buhay sa lipunan, saka buhat sa malayo din, nang di nakikisangkot, ay isulat namin ang karanasang ito ng lipunan, nang ayon sa aming mga indibidwal na buhay. At kung mga magdamag na medyo mabait ang kunday ng halos mamatay nang kandila sa mesa, kapag wala pa ang paminsan-minsang bugso sa amin, ng pagnanasang basta na lamang umuwi at magkulong sa kuwarto at magbaril sa sarili, pinag-uusapan namin ang nag-iisang dahilan ng pagtitiyaga naming makiangkas sa buhay+ ang pangarap naming makapagsulat ng isang obra maestra iyong yayanig sa daigdig iyong hahalukay sa pinakaibuturan ng dibdib ng tao. Mag iisang taon na kaming pawang di nakapagsusulat, kung sa bagay, at ako nang mga araw na iyon ay wala nang nagagawa kundi basa-basahin nang paulit-ulit ang kahuli hulian kong kuwentong nasulat, sa takot na baka makahulagpos sa mga kamay ko ang kaalaman ko sa pagsusulat, at malulon ako ng pinagtatrabahuhan kong magasin. 'a drawer ng mesa ko sa munting apartment na inaarkila ko sa isang eskinita sa 'ampalo$, ay nagkalat ang mga panimula ng mga kuwentong di ko na siguro matatapos, at mga pangunahing tauhang di ko na siguro mabibigyang buhay, isang paring di ko pa malaman kung ano ang ibibigay kong kahapon, isang boksingerong wala pang laban, isang magsasakang di pa napapatay sa Maliwalu, isang bisayang utusang di pa napaglalalangan ng buhay lungsod, isang putang wala pang bugaw. ,i pa sila makagalaw at siguro di na makagagalaw pa.