You are on page 1of 2

Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas.

Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo. Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Bian, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng ibat ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg. Ang kanyang dalawang nobela Noli Me Tangere at El Filibusterismo. naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila. Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na La Liga Filipina. Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pagunlad ng komersiyo, industriya at agricultura. Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran. Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio. Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila. Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang Mi Ultimo Adios (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan. Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).

Isinilang sa Calamba, Laguna noong ika-19 ng Hunyo, 1861. Tinaguriang pinakadakilang anak ng lahing kayumanggi. Siya ay si Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo Realonda Y Quintos. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado Alejandro at Teodora Alonzo Realonda Quintos. Ricial, dito nagmula ang pangalang Rizal na nangangahuluganag "mula sa bigas o palay" ng luntiang kabukiran. Ito ay alinsunod sa kapasyahan ng Kapitan Heneral Claveria noong ika-27 ng Nobyembre,1849. Si Rizal ay bininyagan noong ika-20 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna. Ang nagbinyag sa kanya ay si Padre Rufino Collantes at si Padre Pedro Casaas ang kanyang naging ninong. Noong 1864, siya'y tatlong taong gulang, tinuruan siya ng kanyang ina ng abakada at nang siya'y siyam na taong gulang na ay pinadala siya sa Bian at nag-aral sa ilalim ni Justiniano Aquino Cruz. Ika-20 ng Enero, 1872 ay pumasok si Rizal sa Ateneo Municipal de Manila dito siya nagtamo ng kanyang pangunahing medalya at notang Sobrasaliente sa lahat ng aklat. Noong ika-14 ng Marso, 1877 tumanggap siya ng katibayang Bachiler en Artes at notang Sobrasaliente kalakip ang pinakamataas na karangalan. Nag-aral siya Filosopia Y Letras sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1878 at Agham sa pagsasaka sa Ateneo. Sa Ateneo din siya ng panggagamot. Ika-5 ng Mayo, 1882. Siya ay nagtungo sa Europa sa gulang na 21 upang magpatuloy ng pag-aaral. Sapagkat hindi siya nasisiyahan sa pagtuturo sa eskwelang pinapasukan. Noong 1884, nagsimula si Rizal sa pag-aaral ng Ingles. Magtatapos ang 1884 at magsisimula ang 1885 nang sinulat ni Rizal ang unang kalahati ng Noli Me Tangere sa Madrid. Ang ikaapat na bahagi sa Paris at isa pang ikaapat na bahagi ay isinulat sa Alemanya. Natapos niya ang Noli Me Tangere noong ika-21 ng Pebrero, 1887. Dalawang libong kopya ang kanyang naipagawa na nagkakahalaga ng tatlong daang piso. Si Maximo Viola ang tumulong sa kanya at nagpahiram ng tatlong daang piso. Ika-3 ng Pebrero, 1888. Siya ay umalis sa Maynila upang magtungo sa Europa dahil umiiwas siya sa pagkagalit ng mga Kastila sa pagkakalathala sa Maynila. Noong 1891 ipinalimbag sa Grante Belhika ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na El Filibusterismo. Ika-3 ng Hunyo, 1892, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina. isang kapisanan na ang lihim na pakay ay ang pagbabago ng lakad ng pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang paraan at di paghihimagsik. Bumalik siya sa Pilipinas nang ika-26 ng Hunyo, 1892. Ika-7 ng Hunyo, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan Heneral Despujol, ipinalathala sa Gazette ang mga dahilan sa pagdadakip kay Rizal. Pagkatapos ng walong araw, ika-15 ng buwan na iyon ay ipinatapon si Rizal sa Mindanao. Si Kapitan Heneral Blanco ang nagpatotoo sa mga kakayahan ni Rizal na kailanma'y di siya nakilahok sa mga pag-aalsang nangyari sa Pilipinas at dahil dito, humiling si Rizal na makapaglingkod sa mga pagamutan sa Cuba. Magtatapos ang 1896, hinuli si Rizal sa kinalulunang bapor habang naglalakbay patungong Espanya at pagdating sa Barcelona ay ibinalik sa Paris. Sa Real Fuersa De Santiago ay piniit si Rizal nang siya y dumating sa Maynila. Dito siya hinarap sa hukumang militar at nilitis at nahatulang barilin sa Bagong Bayan. Ika30 ng Disyembre, 1896, binaril si Rizal sa edad na 35. Bago siya lumabas sa Fort Santiago, ibinigay niya ang ilawang kinaroroonan ng kanyang huling akdang pampanitikan kay Trinidad.

You might also like