You are on page 1of 1

1. Saan po kayo nagtapos ng kolehiyo? Ako ay nagtapos sa La Consolacion College-Bais City. 2. Ano po ang Kinuha niyong Kurso?

Ako ay nagtapos ng Kursong Bachelor of Science in Information Technology noong Marso 2012. 3. Sa ngayon po bakit niyo po napili ang propisyon mo? Sa totoo lang, hindi ako ang pumili ng aking kursong kinuha. Ito ay nadesisyonan ng aking ina dahil mas may alam ako sa ganitong aspeto kaysa sa ibang kurso na inaalok ng LCC. Kung tungkol sa pagiging guro, ito ay hindi masasagot ng bakit napili, dahil inalok sa akin ang trabaho na ito habang nag-aaral ako ng Units sa Edukasyon noong ika dalawang semester noong A.Y. 2012-2013. 4. Ano po ang masasabi mo sa propisyon mo? Medyo mahirap, sa kadahilanang hindi madali ang pagtaguyod ng mga estudyante, lalo na at halos malapit lang ang edad ko sa kanila. Mayroon ding pagkakataon na napatanong ako sa sarili ko, kung tama ba ang tinuturo ko. 5. May mga malungkot ba o may masasaya po ba kayong karanasan? Ano ano po yon? Isa sa masayang pangyayari, ay kung alam ko na may naibahagi akong bagong kaalaman sa kanila. Wala pa naming malungkot, sa pagkaalam ko. 6. Paano po kayo makitungo sa mga kasamahan o katrabaho nyo sa iyong pagiging isang guro? Pinapakita ko na may maitutulong ako sa kanila. Tulong tulong kami dito. Lalo na at karamihan sa mga guro ay nahihirapan sa pag gawa ng kanilang mga marka. 7. Ano po ang ikinaiiba ng iyong propisyon sa iba? Tao at ang kani-kanilang kinabukasan ang hawak ng guro. Sa guro nagbabase kung paano lalakbayin ng isang tao ang kanyang buhay. 8. Ano po ba ang kadalasan na suliranin niyo sa iyong trabaho? Una, ay ang pag gawa ng mga marka. Pangalawa, ay ang pagdala ng isang klase, lalo na at maraming mag-aaral ang kasali. 9. Ano at sino ang pinaghuhugutan niyo po ng lakas? Ano? Sapat na tulog at pagkain. 10. Sa mga problema niyo po sa inyong trabaho, paano niyo po ito nalulutas? Tinitingnan ang maraming aspeto at opsyon at nagtatanong sa iba, upang makarating sa isang sulusyon. 11. Ano po ang maipapayo niyo po sa mga estudyante tulad ko na maging tulad niyo? Maging interesado sa mga bagay bagay at magkaroon ng plano. Kung hindi masusunod ang plano, gumawa ng pangalawang plano.

You might also like