You are on page 1of 2

Watawat ng Pilipinas Ang Pambansang Watawat ng Pilipinas, na ipinagawa ni Heneral Emilio Aguinaldo, ay isang simbolo ng mga Pilipinong nagkaisa

at nakipaglaban para sa kalayaan at kapayapaan ng bansa. Sa Hongkong tinahi ni Marcela Agoncillo ang watawat, sa tulong ng kanyang anak na si Lorenza, at ni Delfina Natividad, pamangkin ni Jose Rizal. Unang ginamit ang watawat ng Pilipinas noong 28 Mayo 1898, nang maging matagumpay ang pakikipaglaban ni Heneral Aguinaldo laban sa mga Espanyol. Ang araw na ito ay kinilala bilang Pambansang Araw ng Watawat sa Pilipinas. Noong 12 Hunyo 1898, iwinagayway ang watawat sa Kawit,Cavite nang ideklara ang Kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya. Simbolismo Araw na may walong silahis Kinakatawan nito ang unang walong probinsiya na unang nag-alsa laban sa mga Espanyol. Ito ay ang Cavite, Laguna, Batangas, Maynila, Tarlac, Nueva Ecija,Pampanga at Bulakan. Tatlong bituin Kumakatawan sa tatlong pangunahing isla ng bansa, ang Luzon, Visayas at Mindanao Puting triyangulo -Sumasagisag sa Katipunan. Ang kulay puti ay sumasagisag din sa kadalisayan at pagkakapantay-pantay. Kulay pula Ito ay sumasagisag sa pagkamakabayan at kagitingan. Kulay asul Sumasagisag ito sa kapayapaan, katotohanan at katarungan.

Panuntunan sa paggamit Ayon sa seksyon 12 ng batas, kapag ang watawat ng Pilipinas ay itataas kasama ang iba pang watawat, at kung ito ay parehong pambansang watawat, ito ay dapat itaas sa magkahiwalay na poste o lalagyan, na may parehong sukat at parehong laki ng watawat. Kinakailangan din na kapag ang watawat ay nakabitin o nasa nakatayong posisyon, ang asul na bahagi ay dapat na nasa kanan (nasa kaliwa ng tumitingin). Dahil sa kadalasang makikita ang watawat ng Pilipinas sa mga paaralan, opisina at entablado, nararapat lamang na ilagay sa kaliwa ang watawat (kapag nakaharap sa entablado) o kaya naman sa kaliwang bahagi ng opisina sa pagpasok. Kapag ang asul na bahagi ng watawat ay nasa itaas, nangangahulugan ito na payapa ang bansa. Kapag ang pula naman ang nasa itaas, nangangahulugan ito na may giyera. Mga Ipinagbabawal na paggamit sa Watawat

Ang pagbababa sa watawat sa pagbibigay ng papuri o parangal sa isang tao o bagay. Ang paggamit sa watawat bilang kurtina, palamuti, mantel, panakip sa dingding, istatwa at iba pang bagay; bilang banderitas sa tabi, likod, o taas ng anu mang motor na sasakyan; bilang tatak o marka; at paggamit nito sa industriyal, komersyal at agrikultural na disenyo o tatak. Ang paglalagay ng watawat sa ilalim ng anumang pintura o larawan, o sa mga sayawan, sabungan, club, casino at ibang lugar ng pasugalan. Ang pagsusuot sa watawat, buo man o parte lamang bilang damit o uniporme. Ang paglalagay ng anumang salita, pigura, marka, larawan, disenyo, dibuho o anunsyo sa watawat. Ang paggawa at paglalagay ng representasyon ng watawat sa panyo, kutson at iba pang uri ng paninda. Ang paglagay ng watawat sa harap ng gusali kung saan namamalagi ang mga hindi Pilipino.

Simbahan ng Barasoain Ang Simbahan ng Barasoain ay simbahan ng mga Romano Katoliko na matatagpuan sa Lungsod Malolos sa Bulakan. May layong 42 kilometro mula saKalakhang Maynila, ito ay ginagad mula sa Simbahan ng Barasoain sa Navarra, Espanya. Ang simbahang ito ay itinatag ng mga misyonerong Agustin noong 1859. Nagsilbi rin itong lugar ng pagtitipon ng Kongreso ng Malolos, na unang kongreso sa Filipinas noong 15 Setyembre 1898. Ang simbahang ito ay sumisimbolo sa dalawang- gusaling makasaysayang pook, ang simbahan-kumbentong kompleks na kinikilingan ng Misyonerong Espanyol. Si Emilio Aguinaldo at ang kaniyang mga kakampi ay nagpasiyang lumipat tungong Malolos mula sa Cavite noong panahon ng digmaan ng mga Filipino at Espanyol. Ito ay ginawa nina Agunaldo upang mapalakas ang kanilang puwersa laban sa mga Espanyol. Ang Simbahan ng Barasoain ang nagsilbing tahanan ni Aguinaldo at ng kaniyang mga kasama. Dito rin sila nagsagawa ng mga plano at pagpupulong kung paano nila mababawi ang lalawigang kanilang isinuko sa mga hukbo ng Espanyol. Sa nabanggit ding simbahan nilagdaan nila ang konstitusyon hinggil sa katuparan ng kanilang plano. Ginamit din itong lugar sa pagboto ng mga tao, ngunit ito ay natupok ng apoy noong 1884. Gayumpaman, may mga pag-aayos na ginawa upang maibalik nang kaunti ang dating itsura ng lugar. Sa Simbahan ng Barasoain ibinalangkas ang Konstitusyon ng Malolos noong 29 Setyembre 1898. Pagkatapos magbuwis ng maraming buhay, ang mga Filipino na may matinding paninindigan at pagbubuklod, ay nagwagi laban sa kanilang mga kaaway. Di naglaon ay pinasinayahan ang Unang Republika ng Filipinas na ginanap sa simbahang ito noong 23 Enero 1899. Ang makahulugang pook na ito ay naging saksi sa makapangyarihan alyansa ng mga Filipino laban sa pananakop ng mga Espanyol. Simula noon, ang Simbahan ng Barasoain ay malimit bisitahin ng mga Filipino at maging ng mga dayuhan na mula sa kung saan. Maging ang dating Pang. Joseph Ejercito Estrada ay dito sa altar ng simbahan nanumpa bilang pangulo, at dahil dito'y kinilala siyang pangalawang pangulo na nanumpa sa Malolos, pagkaraan ni Aguinaldo. Ang kabuoang estruktura ng Simbahan ng Barasoain ay muling isinaayos upang maibalik sa dating itsura, hindi malayo sa itsura nito noong panahon ni Aguinaldo.

You might also like