GUMACA, Quezon -- Suspected communist guerillas killed two
Army soldiers and a female civilian while the trio were drinking in a birthday party at Bgy. San Vicente, here on Tuesday. Reports reaching the office of the newly installed Southern Luzon Command (Solcom) chief Maj. Gen. Ricardo Visaya identified the victims as Pfc. Christopher Antonio Dingle, 31, and Alpasain Ahamil Ikan, 32, both assigned at the Armys 85th Infantry Battalion based in a detachment in Macalelon, Quezon, and Rosalie Brillantes, 46, a resident of said village. The trio along with another female civilian, were drinking inside a nipa hut when peppered with bullets by six heavily-armed New Peoples Army rebels at 7 p.m., the reports said. The other civilian, however, was unharmed as she managed to run away while the trio died on the spot, it said. Col. Rhoderick Parayno, commander of 201st Infantry Brigade said that earlier that day, the two soldiers went to the battalion headquarters and submitted their Statement of Assets and Liabilities and Network (SALN). But when they (soldiers) were about to leave late afternoon, a friend invited them to attend a birthday party, said Parayno in a phone interview. He explained that the fallen soldiers were previously assigned in the headquarters, here, where they had many civilian friends. Parayno said that when the other visitors left the party, the soldiers who were both unarmed were left alone with the two civilians. It was at that point that the rebels, armed with rifles and pistols, took advantage of the situation, he saidThe victims were shot at close range. They were killed instantly during the initial burst of fire. But the NPAs were not satisfied. They closed in and fired more rounds of AK47 rifles and cal. 45 pistols at the soldiers, leaving them beyond recognition, Parayno said. He said Brillantes could have saved herself because she managed to run but she was chased by the rebels who shot him repeatedly. The rebels quickly left the place and headed to the mountainous part of Bgy. Villa Taada. Responding policemen recovered 10 spent shells and two slugs for cal. 45 pistols and 25 empty shells of unknown caliber. Gemi Formaran
Bote mo, Palit- Baon Project, inilunsad ng TFYD Mayao Kanlura
LUNGSOD NG LUCENA - Bilang pagtulong sa paglilinis ng kapaligiran, inilunsad ng Task Force on Youth Development ng Brgy. Mayao Kanluran sa lungsod na ito ang ang Bote Mo, Palit- Baon Project kamakailan. Layunin ng grupo sa pamumuno ni Graciel Alcala, na makakolekta ng mga plastic bottles, tulad ng litro ng softdrinks, upang mapangalagaan ang kalikasan at ang kapalit naman nito ay ang baon na siyang ibibigay sa mga batang mag-aaral. Isa pa ring layunin ng naturang programa ay upang gawing taniman ng mga gulay, halaman at ornamental plants ang nasabing plastic na bote upang mapakinabangan ito ng husto at ito ay sa pakikipagtulungan na rin ng mga tauhan ng Clean and Green Team at Youth Movement for a Better Lucena. Bago pa man isagawa ang proyektong ito ay nagkaroon rin ang nasa 20 lider kabataan ng YMBL ng isang pagbisita sa Landfill sa bahagi ng Brgy. Silangang Mayao upang makita ang aktwal na dami ng basurang itinatapon sa araw-araw ng mga mamamayan ng lungsod. Ito ay upang maunawaan rin ng mga ito ang kahalagahan ng pagsalba sa kalikasan at nang aniyay kanilang mas maisapuso ang pagre-recycle. Bukod sa nabanggit na programa, inilunsad rin ng samahan ang Good Grooming program upang ipaalam naman sa mga kabataan ang tamang paglilinis at pangangalaga sa katawan upang makaiwas ang mga ito sa anumang uri ng sakit. Ronald Lim
Mayor Dondon Alcala dumalo sa culminating activity ng Family Congress 2014
LUNGSOD NG LUCENA - Dumalo bilang panauhing pandangal si Mayor Roderick Dondon Alcala sa isinagawang culminating activity ng Family Congress 2014 sa Reception and Action Center sa Zaballero Subd kamakailan. Tinatayang mahigit sa 30 mga pamilya mula sa ibat-ibang barangay ng lungsod ang dumalo sa naturang aktibidad na naglalayong mapagsama-sama ang bawat miyembro ng kanilang pamilya. Sa naging pagsasalita ni Mayor Dondon Alcala, sinabi nito na nararapat na magkaroon ng maayos na values ang lahat ng pamilya sa lungsod upang mas madaling magkaroon ng tamang programa at proyekto ang barangay na tiyak na mapapakinabangan ng lahat ng mga Lucenahin. Dagdag pa ni Mayor Alcala, na bukod sa pagiging miyembro ng mga ito sa tinatawag na 4Ps ng lungsod, ay tiniyak naman niya, kasama sina Vice Mayor Philip Castillo at ang lahat ng miyembro ng Sanguniang Panglungsod, na pagtutuunan ang mga ito ng kaukulang pansin upang maibigay ang mga pangangailangan ng mga ito. Sa nasabi ring aktibidad, bukod sa cash gift ay pinagkalooban rin ang lahat ng nagsipagdalo ng grocery items na mula sa pamahalaang panglungsod na kanilang mapagsasaluhan pag-uwi sa kani-kanilang tahanan. Contributed by PIO Lucena/R.Lim
Mahigit sa 1, 000 mga senior citizens nabigyan ng birthday cash gift
LUNGSOD NG LUCENA - Tinatayang mahigit sa 1, 000 mga senior citizens ang muling nabigyan ng kanilang birthday cash gift ni Mayor Roderick Dondon Alcala kamakailan. Ang mga senior citizens na nabanggit ay nagmula pa sa ibat- ibang barangay ng Lucena na nagdiwang ng kanilang kaarawan noong buwan ng Agosto. Mismong si Mayor Dondon Alcala ang personal na nag-abot nito sa kanila na kung saan ay malugod at masaya nilang tinanggap. Lubos rin ang pasasalamat ng mga nakakatandang sector ng lungsod sa programang ito ng punong lungsod dahil anila malaki ang maitutulong nito sa kanila lalo na sa pagbili ng gamot. Sa naging pagasalita naman ni Mayor Alcala sinabi nito na nais niyang ang kumuha ng mga pabirthday niyang ito ay ang mismong taong nakapangalan sa imbitasyon dahilan sa ayaw na niyang maulit pa ang nangyaring problema. Ang tinutukoy ng punong lungsod na problema ay ang nangyaring pamemeke sa ilang mga imbitasyon ng ilang mga Lucenahin upang makatanggap ng nasabing financial assistance kahit na hindi naman sila naapektuhan ng bagyong Glenda. Dagdag pa ni Mayor Dondon Alcala, sakali namang hindi sadyang makakarating ang taong may kaarawan sanhi ng ilang mga kadahilanan tulad ng pagiging mahina na, pagkakaroon ng karamdaman o di kaya naman ay nahihirapang lumakad ay huwag nang mag-alala aniya ang mga ito dahil papupuntahan niya ang mga ito upang personal na ihatid sa kanila ang regalong cash gift ni Mayor Dondon Alcala. Contributed by PIO Lucena/ R. Lim
Mga bagong opisyales ng Metro Pacific TODA at SM TODA, nanumpa kay City Admin. Jun Alcala
LUNGSOD NG LUCENA - Pormal nang nanumpa sa kanilang posisyon ang mga bagong opisyales ng dalawang TODA sa Lucena kay City Administrator Anacleto Jun Alcala Jr. kamakailan. Ang dalawang TODA na nabanggit ay ang Metro Pacific Mall TODA, na may mahigit sa 14 na opisyales, at ang SM TODA, na mayroon namang mahigit sa 11 mga opisyales. Bagamat wala ang punong lungsod na si Mayor Roderick Dondon Alcala, dahilan sa importanteng lakad nito, nagkaroon rin ang mga ito na maka-usap ang city administrator at iparating dito ang kanilang mga hinaing at suhestiyon para sa sector ng magtra-tricycle sa Lucena. Sa naging pagsasalita naman ni City Administrator Jun Alcala, sinabi nito na sa kanilang gagawing panunumpa ay inaasahan rin nito ang pakikiisa ng lahat ng mga bagong opisyal at maging ang lahat kanilang miyembro sa pagtupad sa mga batas trapikong pinaiiral sa lungsod. Nangako rin naman ang mga nanumpang opisyales ng mga TODA na nabanggit na kanilang susundin ang mga ito at magiging magandang ehemplo sa iba pang mga tricycle driers nanamamasada sa lungsod. Contributed by PIO Lucena/ R. Lim
Palarong panglungsod 2014, pormal nang binuksan LUNGSOD NG LUCENA - Natapos na ang matagal nang paghinihintay ng mga atleta ng bawat paaralan sa lungsod matapos na pormal nang buksan ang Palarong Panglungsod kamakailan na ginanap sa P-Walk ng Pacific mall. Tinatayang mahigit sa 500 mga manlalaro mula sa pampubliko at pribadong paaralan ng elementarya at sekundarya ang lumahok sa naturang aktibidad. Dinaluhan rin ito ni Mayor Roderick Dondon Alcala na siya ring naging panauhing pandangal dito. Sa pagsasalita ni Mayor Dondon Alcala, ay ipinahayag nito ang kaniyang buong pagsuporta sa mga manlalaro at maging sa pamunuaan ng DepEd-Lucena na sioyang namamahala sa mga ganitong uri ng palaro. Binubuo ng ibat-ibang pampubliko at pribadong paaralan mula sa apat na distrito ang Palarong Panglungsod na layuning linangin pa ang kanilang husay at talento sa larangan ng palakasan. Sa nasabi ring torneo ay dito rin kukuha ng mga manlalarong magrerepresenta sa lungsod ng Lucena sa mga darating na malalaking palaro tulad ng Provincial Meet at Palarong Pambansa. Contributed by PIO Lucena/ R. Lim Number 3 most wanted sa Quezon, nadakip sa Lucena LUNGSOD NG LUCENA - Bumagsak na sa kamay ng mga awtoridad ang tinaguriang number 3 most wnted person sa lalawigan ng Quezon matapos na maaresto ito sa lungsod ng Lucena. Nakilala ang suspek na si Norman Largo alyas Oman, 27 anyos, obrero, at residente ng Brgy. Ibabang Duapy sa naturang bayan. Batay sa ulat, naaresto si alyas Oman nina SPO2 Tobias Carreon, SPO1 Norman Ayala, PO3 Areil Cartago, PO3 Anthony Cruz, PO3 Jessica Coloma, PO2 Joe Dennis Maligalig at SPO2 Ricardo Lagata pasado alas otso ng umaga malapit sa tahanan nito. Nadakip ang wanted person dahil na rin sa ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Eloida De Leon-Diaz dahil sa kaso nitong Robbery with rape. Base sa background ng kaso, naganap ang pagnanakaw na may kasamang panggagahasa ni alyas Oman noong Mayo ng taong 2007 sa Brgy. Malupak, Lucban, Quezon kung saan ang naging biktima ay itinago sa pangalang Chynthia. Natangay ng suspek sa biktima dalawang cellphone, apat na relo, 1 singsing, dalawang kwintas, perang nagkakahalaga ng mahigit sa P3, 000 piso at ilan pang mga kagamitan. Matapos na pagnakawan ay walang awa pa itong ginahasa ng wanted person sa madamong lugar ng nabanggit na barangay. Kasalukuyan na naman ngayong nakaditine ang suspek sa Lucena City lock-up jail. Ronald Lim Dating Kapitana, sugatan sa pananaga
ATIMONAN, QUEZON - Sugatan ang isang dating chairwoman mataps na pagtatagain ito ng dalwang katao sa Atimonan, Quezon nitong nakaraang linggo. Nakilala ang biktimang si Erlinda Verdan, 63 anyos, at residente ng Brgy. Manggalayang Bundok sa naturang bayan. Batay sa report, pasado alas dos ng hapon ng matagpuan ng manugang ng biktima ang dating chairwoman sa isang pathway na nakahandusay at duguan ang katawan sanhi ng mga taga dito. Agad namang isinugod nito ang biyenan sa pagamutan upang malapatan ng kaukulang lunas. Ayon naman sa nakakita sa biktima, bago pa niya makita ito ay una nitong nakita ang magpinsang suspek na nakilalang sina Reymark at Jolan Sabalboro sa nasabing pathway na may dalang bolo ngunit walang kaluban. Isa pa ring saksi ang nakakita sa magpinsan na naglalakad sa nabanggit na lugar at may bahid ng dugo sa braso si Reymark at duguan ang hawak nitong bolo. Agad rin namang naaresto ng mga awtoridad ang mga suspek sa isinagawang follow-up operation at kasalukuyan na ngayong nakaditine sa piitan. Ronald Lim Lalaki sugatan, sa pamamaril sa Lopez, Quezon LOPEZ, QUEZON - Nagpapagaling ngayon sa pagamutan ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ito ng di pa nakikilalang suspek sa Lopez, Quezon nitong nakaraang linggo. Base sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pamamaril sa kinilalang biktima na si Armando Bacares, 26 anyos, tubong Camarines Sur, bandang alas syete ng umaga sa bahagi ng Brgy. Concepcion sa naturang bayan. Ayon sa nakasaksi na si Efren Molde, papauwi na siya ng kaniyang tahanan nang mapansin ang dalawang kalalakihan na nakatayo malapit sa isang concrete canal na kung saan ang isa dito ay ang biktima. Matapos ang ilang minuto ay nakita nitong nakahandusay na sa kalye si Bacares na may mga tama ng bala ng baril sa ibat-ibang parte ng katawan. Kadyat namang isinugod ang biktima sa pagamutan upang malapatan ng kaukulan lunas. Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad para sa pagkakakilanlan ng suspek at sa pagkadarakip nito. Ronald Lim Mahigit sa 1, 000 mga senior citizens nabigyan ng birthday cash gift LUNGSOD NG LUCENA - Tinatayang mahigit sa 1, 000 mga senior citizens ang muling nabigyan ng kanilang birthday cash gift ni Mayor Roderick Dondon Alcala kamakailan. Ang mga senior citizens na nabanggit ay nagmula pa sa ibat- ibang barangay ng Lucena na nagdiwang ng kanilang kaarawan noong buwan ng Agosto. Mismong si Mayor Dondon Alcala ang personal na nag-abot nito sa kanila na kung saan ay malugod at masaya nilang tinanggap. Lubos rin ang pasasalamat ng mga nakakatandang sector ng lungsod sa programang ito ng punong lungsod dahil anila malaki ang maitutulong nito sa kanila lalo na sa pagbili ng gamot. Sa naging pagasalita naman ni Mayor Alcala sinabi nito na nais niyang ang kumuha ng mga pabirthday niyang ito ay ang mismong taong nakapangalan sa imbitasyon dahilan sa ayaw na niyang maulit pa ang nangyaring problema. Ang tinutukoy ng punong lungsod na problema ay ang nangyaring pamemeke sa ilang mga imbitasyon ng ilang mga Lucenahin upang makatanggap ng nasabing financial assistance kahit na hindi naman sila naapektuhan ng bagyong Glenda. Dagdag pa ni Mayor Dondon Alcala, sakali namang hindi sadyang makakarating ang taong may kaarawan sanhi ng ilang mga kadahilanan tulad ng pagiging mahina na, pagkakaroon ng karamdaman o di kaya naman ay nahihirapang lumakad ay huwag nang mag-alala aniya ang mga ito dahil papupuntahan niya ang mga ito upang personal na ihatid sa kanila ang regalong cash gift ni Mayor Dondon Alcala. Contributed by PIO Lucena/ R. Lim Quezon Collegiate Basketball League muling nagbukas sa lungsod ng Lucena LUNGSOD NG LUCENA - Muli na namang nagbukas ang Quezon Collegiate Basketball League na naglalayong linangin ang lakas ng mga manlalaro sa buong lungsod ng Lucena. Lumahok sa naturang palaro ang anim na koponan na kinabibilangan ng Calayan Educational Foundation Inc., CSTC Sariaya, St. Anne College of the Pacific, Sacred Heart College, Southern Luzon State University, at Dalubhasaang Lungsod ng Lucena. Sa unang laban ng QCBL ay nagkaharap ang team ng Sacred Heart Collage laban sa SLSU na kung saan ang nanalo ay ang Sacred Heart College, sa sumunod namang laro ay nagwagi ang delegado ng Dalubhasaang Lungsod ng Lucena laban sa St. Anne College of the Pacific habang wagi naman ang CSTC Sariaya laban sa DLL. Inorganisa ang nabanggit na palaro nina MelVillanueva, ang presidente ng QCBL at Darius Virey ang representative ng PCCL. Ang Quezon Collegiate Basketball League ay nasa ikapitong taon na ngayon at inaasahang magiging maganda ang nasabing kompetisyon dahilan sa matagal na itong pinaghandaan ng bawat koponan. Ronald Lim Magsasaka , patay matapos tagain at pagnakawan General Luna, Quezon - Patay na nang matagpuan ng sariling anak ang kaniyang ama matapos na pagtatagain ito sa General Luna, Quezon nitong nakaraang linggo Kinilala ng pulisya ang biktimang si Roperto Helera, 58 anyos, at residente ng Brgy. Malaya sa naturang bayan. Ayon sa anak ni Helera, umalis ang kaniyang ama bandang alas sais ng umaga upang ipastol ang kanilang kalabaw at bago ito umalis binilang pa nito ang kaniyang pera na nagkakahalaga ng mahigit sa P40, 000 piso. At makalipas ang ilang oras ay natagpuan na lamang nito ang ama sa madamong bahagi ng kanilang lugar na duguan sanhi ng pagkakataga rito at nakahandusay. Dagdag pa nito, nawawala na rin ang pera dala ng kaniyang ama bago umalis ito sa kanilang bahay. Pinaghahanap na naman ngayon ng mga awtoridad ang di pa nakikilalang suspek na mabilis ring tumakas matapos ang pagnanakaw at pagpaslang sa biktima. Ronald Lim
Tinatayang mahigit sa 30 motorsiklo sa loob ng isang buwan, nanakaw sa lalawigan ng Quezon LUCENA CITY - Tinatayang mahigit sa 30 mga motorsiklo ang naitalang ninanakaw sa ibat-ibang lugar sa lalawigan ng Quezon. Batay sa mga ipinadalang report ng Quezon Police Provincial Office, simula noong Setyembre 1 hanggang sa Setyembre 30 ay nakapagtatala sila ng halos 1 kaso ng pagnanakaw ng motorsiklo sa ibat-ibang lugar sa lalawigan. Sa kabila naman nito ay naglunsad kamakailan ang QPPO ng isang programang tinawag na Oplan:Blue Hawk na anila ay itinatag upang kahit papaano ay kundi man tuluyang masawata ang naturang problema ay mabasawan ito. At kung mayroong naitatalang pagnanakaw ay mayroon rin namang naitaltala silang mga nadadakip na magnanakaw ng motorsiklo tulad na lamang sa lungsod ng Lucena. Kamakailan ay nadakip ng mga tauhan ng Lucena City Police ang isang carnapper na nakilalang si Michael De Chavez, residente ng Brgy. Bignay 1, Sariaya, Quezon. Nadakip ang nasabing suspek matapos na makita sa aktong sinisira ang susian ng isang motorsiklo sa bahagi ng Quezon Avenue. Ngunit sa patuloy na pagdami ng nakawan ng motorsiklo sa lalawigan, patuloy rin ang pagtatanong ng mga Quezonian na ano pang mga hakbang ang maaring isagawa ng pamunuan ng QPPO upang matugunan ang suliraning ito. Ronald Lim Quezon solon distributes 1,035 VHF radios in support to crime prevention
LUCENA CITY--- Aimed at preventing occurrence of crime, a Quezon solon is now distributing communication equipment in every barangay in the second district of Quezon. Quezon Rep. Vicente "Kulit" Alcala has started since last week the distribution of five handheld VHF radios and a unit of mother base radio in every village in the six towns and this city. The district, composed of Sariaya, Candelaria, Tiaong, Dolores and San Antonio towns and this city has 168 villages. The first wave of distribution has already been done in Tiaong, Dolores and San Antonio, while Sariaya and Candelaria and this city will get their share next week. In an interview, Alcala said the five VHF radios will be used by the barangay police while the mother base will be installed at the barangay hall in support to its crime prevention drive. Alcala said every unit has a direct contact with the town's respective police and fire stations. Aside from the villages, Alcala said every police station and fire station in the district and the Quezon Provincial Public Safety Company (QPPSC) based in Candelaria will also be provided with a unit of base radio complete with necessary accessories. The Quezon Congressman said he came up with the decision of giving radios following the idea of QPPSC commander, Supt. Ranser Evasco. "It was actually a brainchild of Col. Evasco as one effective way of crime prevention. It can also be helpful to arrest those who just perpetrated a crime like criminals riding in tandem", said Alcala. He said a VHF radio is obviously a faster means of communication than a cellular phone when it comes to immediacy.
"I was once a barangay captain. The Icom radios we used that time helped us a lot. That's why when Col. Evasco raised to me the idea of providing the communication equipment, I didn't think twice", Alcala said. A nephew of the late Quezon governor Anacleto Alcala and elder brother of Agriculture Sec. Proceso Alcala, the neophyte solon was first elected village chief in this city before he became a Provincial Board Member and vice- governor. A total of 853 units of hand held radios and 182 base radios have been purchased and now being distributed by the Congressman. Contributed by Gemi Formaran
CAPTION: Supt. Evasco / Cong. Alcala
Mayor Dondon Alcala, personal na nagpasalamat sa mga tauhan ng LCPO sa pagkakahuli ng dalawang notorious na kriminal sa lungsod
LUCENA CITY- Dahil sa sariling pagnanais na mabawasan kung hindi man matuldukan na ang kriminalidad sa lungsod, ay personal na bumisita si Mayor Roderick Dondon Alcala sa himpilan ng Lucena City Police upang maiparating ang kaniyang pagpuri at pasasalamat sa hanay ng kapulisan ng lungsod na pinamumunuan ni PSupt. Allen Rae Co. Ito ay naganap kamakailan ng dumating sa tanggapan ng punong lungsod ang balita tungkol sa halos magkasabay na pagkakahuli ng mga operatiba ng LCPO sa isang bigtime na drug pusher at isang pusakal na magnanakaw ng motorsiklo. Napansin ang tuwa ng alkalde sa kaniyang pakikipagkamay sa mga pulis na may kinalaman sa mga nabanggit na insidente ng pagkakahuli, at dahil sa isinusulong ni Mayor Dondon Alcala ang kampanya laban sa kriminalidad sa lungsod, partikular sa droga, ay lubos nitong pinasalamatan ang mga operatibang binanggit. Ang drug pusher na nabanggit ay isang 47-anyos na babaeng vendor na nahulihan ng tinatayang may P1.4M halaga ng hinihinalang shabu, at marked money. Ito ay nasabat sa bahagi ng university site. Ang carnapper naman ay natiyempuhan ng mga elemento ng LCPO sa bisinidad ng Antigua Restaurant habang pinipilit na maitakbo ang isang Suzuki Raider na motorsiklo na pag-aari ng isang estudyante; nahulian rin ito ng isang cal. 38 revolver at ilang sachet ng hinihinalang shabu, at mga gamit na pangalikot sa mga susian ng sasakyan. Contributed by Francis Gilbuena/PIO Lucena
Mayor Dondon Alcala, dumalo sa Grand Opening ng bagong Tapa King restaurant at Phoenix petroleum sa lungsod
LUCENA CITY Dumalo bilang panauhing pandangal si Mayor Roderick Dondon Alcala sa isinagawang grand opening ng dalawa nanamang bagong business establishment sa lungsod ng Lucena. Ang binanggit na mga establismyento ay ang Tapa King restraurant at Phoenix Petroleum gas station sa bahagi ng diversion road sa Brgy. Domoit, na pag-aari nina Dr. Xenon at Jonathan Yu. Sa kaniyang naging pagsalita sa oaksyong binanggit, ay pinasalamatan ni Mayor Dondon Alcala ang pamilya Yu sa kanilang pagtitiwala sa pamahalaang panglungsod ng Lucena at dito sila nagtayo ng kanilang negosyo. Ayon sa punong lungsod, ginagawa ng kaniyang administrasyon ang lahat upang maging investor friendly ang bawat tanggapan sa city government at pinaiiral ang no red tape policy kayat walang dapat ikaalala ang mga negosyante sa lungsod. Ayon pa sa alkalde, lahat ng nag-aaplay ng bagong business permit ay nagdadaan sa kaniyang tanggapan; at ito, aniya ay sa kadahilanang upang personal niyang marinig ang pangangailangan ng mga ito, at upang malaman na rin kung nagkakaroon ng problema sa alin mang tanggapan sa pamahalaang panglungsod. Dagdag pa ni Mayor Dondon Alcala, sa pagdating ng mga bagong negosyo tulad nito, magkakaroon rin ng pagkakataong magkatrabaho ang ilang mga lucenahin. Nagpasalamat rin ang pamilya Yu at ang lahat ng staff ng restaurant at gasolinahan sa naging pagpapaunlak ng punong lungsod sa kanilang imbitasyon, na sa kabila ng pagiging napakaabala sa dami ng mga appointment. Ang pagbendisyon sa mga gusali ng Tapa King at Phoenix gas station ay isinagawa ni Fr. Gilbert GT Talabong ng parokya ng Nuestra Seora de Peafrancia sa Brgy. Gulang-Gulang. Contributed by Francis Gilbuena/PIO Lucena
BANNER NEWS D.A. SEC. PROCY ALCALA: SAPAT ANG SUPLAY NG MANOK AT BABOY NGAYONG PASKO
LUCENA CITY - Ipinatawag kamakailan ng Department of Agriculture sa kanilang central office, ang mga pork at chicken suppliers para sa isang pagpupulong na naglalayong masiguro ang sapat na suplay ng mga commodities na binanggit at upang mapanatiling matatag ang mga presyo ng mga ito sa merkado; at kinonsulta ng DA, sa inisyatiba ni Sec. Proceso Procy Alcala ang mga kinauukulang mga stakeholders sa karne ngayong papalapit na ang kapaskuhan. Sa kasalukuyan, minomonitor ng ahensiya ang mga presyo at suplay upang maiwasan ang biglaang pagtaas at kakulangan habang ang demand sa mga ito ay tumataas sa kapanahunan ng holidays. Kasalukuyang naglalaro sa P200-P220 kada kilo ang presyo ng karneng baboy, samantalang sa manok naman ay nasa P140; subalit sa ilang pamilihan sa Metro Manila, ibinebenta ang mga ito sa P125-P135 per kilo. Napagkasunduan ng mga dumalo at ng ahensiya na ilagay ang suggested retail price ng baboy sa P175 para sa pigue at P185 sa liempo kada kilo, samantalang ang SRP para sa manok ay P135 per kilo. Kasabay ng preparasyon para sa pagtaas ng demand para sa manok at baboy sa darating na mga buwan, sinabi ni USEC for Livestock Jose Reao na layunin ng DA na magtatag ng mga sistema at estratehiya para sa sektor bilang paghahanda para sa Asian Ecinomic Community (EAC) sa susunod na taon. Ayon pa kay Reao, layunin rin ng DA na magbigay ng oportunidad para sa mga stakeholders ng livestock at poultry pati na rin sa mga consumers, at sa ngayon ay bumubuo ng mga safety standards sa pagmemerkado ng karne. Dagdag pa nito, nais nilang tulungan ang retail market upang masiguro ang kita ng mga local producers o magsasaka; at mapanatiling matatag ang local poultry and livestock industries; pakay ng DA na matulungan ang mga magsasaka na lalong maging mapagkumpetensiya hindi lamang sa lokal na merkado, kundi maging sa international market man. Ayon naman kay Assistant Secretary for Agribusiness and Marketing Leandro Gazmin, isusumite ng kanilang ahensiya ang mga SRP para sa dalawang commodity (manok at baboy) sa DTI na siyang nag-iisue ng SRP. Francis Gilbuena
Pagpupulong ng PISTOL Federation dinaluhan ni Mayor Dondon Alcala
LUCENA CITY Nagkaroon muli ng pagpupulong ang mga opisyales at miyembro ng Pederasyon ng Pinag-isang Samahan ng Tsuper at Operator sa Lucena o PISTOL kamakailan. Sa pagkakataong ito ay dumalo si Mayor Roderick Dondon Alcala sa ipinatayong tanggapan ng naturang samahan sa bahagi ng Brgy. Marketview, upang dinggin ang mga kasalukuyang problema ng mga ito. Magiliw na tinanggap ng punong lungsod ang mga ipinresentang mga suliranin, kuro-kuro at suhestiyon ng mga miyembro ng PISTOL sa pagpupulong na ito hinggil sa kanilang pangaraw- araw na hanapbuhay o operasyon. Isa sa magandang ibinahagi ni Mayor Dondon Alcala sa samahang binanggit na maaaring makatulong sa kanilang hanay, ay ang pagkakaroon ng panibagong mga rota ng mga jeepney kapag aniya naitayo na ang bagong city hall na pinakahihintay ng lahat ng lucenahin. Ayon sa alkalde, kapag may bago nang city hall, siyempre aniya ay kinakailangan na magkaroon ng sasakyang mga jeepney na maghahatid sa mga empleyado ng pamahalaang panglungsod patungo at pauwi mula rito; dahilan upang kinakailangang magkaroon ng mga panibagong ruta o linya na susundin ng mga namamasada. Ayon pa kay Mayor Dondon Alcala, huwag aniya mag-alala ang mga kinauukulang mga asosasyon ng jeep o JODA na nag-iisip na maaapektuhan sila ng bagong linyang binanggit, dahil sa aniya ay pag-aaralang mabuti ito ng kaniyang inatasang si Executive Assistant II Arnel Avila, na siyang mamamahala sa pagbilang at pagtalaga ng mga maaaring pumasaloob sa linyang binanggit. Lubos naman ang naging pasasalamat ng samahan ng PISTOL sa pamumuno ng kanilang presidente na si G. Freddie Bravo dahil sa naglaan ng oras ang punong lungsod upang bumisita sa kanilang isinagawang pagpupulong at sa suportang ibinibigay nito sa kanilang samahan.(Francis Gilbuena PIO Lucena)
Pagdiriwang ng ika-21 anibersaryo ng KMNAI Homeowners Association, dinaluhan ni Mayor Dondon Alcala
LUCENA CITY Dumalo bilang panauhing pandangal si Mayor Roderick Dondon Alcala sa pagdiriwang ng ika-21 anibersaryo ng KMNAI Home Owners Association, sa bahagi ng Brgy. Kanlurang Mayao kamakailan. Sa pagkakataong ito ay narinig ng punong lungsod ang pag-uulat hinggil sa katatayuan ng asosasyong ito at ang kanilang mga problema at pangangailangan. Ilan sa mga problemang kinahaharap ng asosasyong ito na pinamumunuan ni Gng. Adela Nave bilang pangulo, ay ang matagal nang isyu hinggil sa lupang kinatitirikan ng kani-kanilang mga bahay, na hanggang sa ngayon ay hindi pa naisasalin sa kanila dahil anila sa ilang mga teknikalidad. Sa ginawang pagsalita dito ng punong lungsod ay binati nito ang matibay na pagkakaisa at disiplina ng bawat miyembro ng KMNAI at sa ipinaglalaban ng mga ito. Ayon sa alkalde, umasa ang bawat miyembro ng asosasyong binanggit na nasa likod nila aniya si Mayor Dondon Alcala sa kanilang pinagdaraanan. Ayon pa sa punong lungsod, gagawin ng pamahalaang panglungsod ang makakaya upang masolusyunan ang iba pang pangangailangan ng naturang asosasyon tulad ng sa livelihood at imprastraktura; ngunit ayon sa alkalde ay kinakailangan itong dumaan sa mga pagpupulong. Dumalo rin sa nabanggit na kaganapan sina Kon. Anacleto Alcala III at BM Beth Sio na kasama ni Mayor Alcala ay malugod na nakiisa sa kasayahang handog ng pagdiriwang ng anibersaryo ng naturang asosasyon. Lubos naman ang naging tuwa at pasasalamat ng pamunuan at bawat miyembro ng KMNAI sa suporta na ipinakikita sa kanilang hanay ng punong lungsod at mga kasamahan nito. Contributed by Francis Gilbuena/PIO Lucena
Mayor Dondon Alcala, dumalo sa induction ceremony ng mga bagong GPTA officers ng North District Lucena City Upang magpakita ng pagsuporta sa sektor ng edukasyon sa lungsod, ay dumalo bilang panauhing pandangal si Mayor Roderick Dondon Alcala sa isinagawang Induction and oathtaking ceremony ng mga bagong opisyales ng GPTA North District, sa Antigua Restaurant kamakailan. Ang DepEd North District ay kinabibilangan ng 14 na paaralan sa lungsod, at ang mga ito ay North 1, North 2, North 3, Camp Nakar Elementary School, Elvira Razon Aranilla Elementary School, Ilayang Dupay Elementary School, Kanlurang Mayao elementary School, Gulang-Gulang Elementary School, Zaballero Elementary School, San Lorenzo Elementary School, Domoit Elementary School, San Lorenzo Elementary School at Hermana Fausta Elementary School. Sa ginawang pagsalita ng punong lungsod sa harap ng mga GPTA officers ng nabanggit na distrito, ay ipinaalala nito na handang sumuporta ang pamahalaang panglungsod sa mga pangangailangan ng mga asosasyong binanggit, at padaanin lamang ng mga ito ang kanilang mga kahilingan sa mga principal ng paaralan ,na sila namang maghahain ng mga ito sa Schools Division Superintendent na si Dr. Aniano Ogayon. Ayon kay Mayor Dondon Alcala, nag-aallocate aniya ng makakayang pondo ang pamahalaang panglungsod para sa bawat paaralan sa lungsod kayat huwag mag-alala ang mga principal at PTA officers ng mga ito sapagkat pinaghahandaan ng kaniyang administrasyon ang mga pangangailangan ng mga ito. Nakarating rin sa naturang okasyon sina BM Beth Sio, Kon. Felix Avillo, Executive Assistant III Rogelio Totoy Traquea, OIC DepEd North District Supervisor Guillermo Flores at PTA Federation President Gaspar Jun Sadia. Lubos naman ang naging tuwa at pasasalamat ng mga bagong North District PTA officers, sa pamumuno ni President Cristine Jaca, at kanilang mga miyembro sa pagsuporta at pagpapaunlak na ibinigay sa kanila ng alkalde ng lungsod. Contributed by Francis Gilbuena/PIO Lucena
Pagdagsa ng mga estudyante ng senior high school, pinaghahandaan ng local School Board
LUCENA CITY Upang masigurado na makapagtatapos sa pag- aaral, ay pinaghahandaan na ng local School Board na pinamumunuan ni Mayor Roderick Dondon Alcala bilang Chairman,ang pagdagsa ng mga estudyante ng senior high school. Sa isang dinaluhang induction ng mga District PTA Officers sa lungsod, ay ipinahayag ni Mayor Dondon Alcala na advanced ang pag-iisip ng school board ng lungsod sa mga maaaring maging pangangailangan ng mga estudyante ng senior high school na bunsod ng K to 12 program ng DepEd. Ayon sa Punong Lungsod, kasama ni City Schools Division Superintendent Dr. Aniano Ogayon, ay ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ang problema hinggil sa mga estudyanteng nag-aaral sa Quezon National High School at iba pang mataas na paaralan sa lungsod na mapapasailalim ng programang binanggit. Ayon pa sa alkalde, ang magiging kontribusyon ng pamahalaang panglungsod ay ang lupang pagtatayuan ng kinakailangang 70 mga silid-aralan para sa mga naturang estudyante, na ipagagawa naman mula sa pondo ng national government; at tinatantiya na sa ngayon ang mga kinakailangan para sa proyektong ito. Pinuri rin ni Mayor Dondon Alcala si Dr. Ogayon dahil sa aniya ay mabilis na pagkilos nito dahil sa nakagawa na ito ng budget para sa proyektong ito; at sa kasalukuyan ay pinaghahanap na ang punong lungsod ng isang hektaryang lupa para sa pagtatayuan ng mga silid-aralan. Ayon pa rin sa alkalde, sa isa o dalawang taong darating, ito ang problemang kahaharapin ng pamahalaang panglungsod kayat ngayon pa lamang ay pinagtutulungan na ng mga miyembro ng board ang maaaring gawin ukol dito. Dagdag pa ng Punong Lungsod, kaniyang prayoridad na makinabang ang mga mag-aaral ng high school sa lungsod at makapagtapos ang mga ito sa kanilang pag-aaral. Contributed by Francis Gilbuena/PIO Lucena