You are on page 1of 21

Panimulang Gawaing

Panghimnasyo

Payak na Ehersisyo
MARK LOUIS M. MAGRACIA

Pampasigla
16 cts.
- Jogging in place
- Jumping jack
- Stretching
- Knee rotation
- Hip rotation

Awitin ang Bahay Kubo

Anu-ano ang
tatlong elemento
ng kilos?
Bilis
Lakas
Direksiyon

Magbigay ng
halimbawa ng
kilos lokomotor
kilos di-lokomotor

Kasanayang Panghimnasyo
Inverted Tuck
1. Humiga ng patihaya.
2. Ilapat ang mga palad ng mga kamay sa balakang
at itukod ang mga siko sa sahig na siyang
magdadala ng bigat ng katawan.
3. Itaas ang katawan hanggang ang kalamnang
bahagi ng likod at ulo ang siyang maiiwang
nakalapat sa sahig.
4. Ang mga tuhod ay ibaluktot at idikit sa ulo.
5. Ang mga daliri ng paa ay ituro sa itaas
6. Bumalik sa panimulang posisyon.

Kasanayang Panghimnasyo

Kasanayang Panghimnasyo
Overhead Reach
1. Humiga ng patihaya
2. Ilapat ang mga palad ng katawan sa balakang
at itukod ang mga siko sa sahig na siyang
magdadala ng bigat ng katawan (Maaari ring
iunat ang mga bisig sa tagiliran ng katawan
na ang mga palad ay nakatapat sa sahig)
3. Dalhin ang mga binti sa kabila ng ulo at
salatin ng mga daliri ng paa ang sahig. Gawin
ng 6 na segundo.

Kasanayang Panghimnasyo

Kasanayang Panghimnasyo
Shoulder Stand
1. Humiga ng patihaya.
2. Isagawa ang Inverted Tuck
3. Iunat na pataas ang mga paa ng
lubusan
4. Panatilihin ng 6 na segundo
5. Ulitin sa simula

Kasanayang Panghimnasyo

Kasanayang Panghimnasyo
Front Scale
1. Tumayo ng tuwid sa kanang paa at iunat
pasulong ang kaliwang paa na ang mga daliri ay
nakaturo sa unahan. Panatilihing tuwid ang mga
binti sa pagkakatayo at pagkakaunat.
2. Iunat ang mga bisig ng pantay balikat na parang
lumilipad upang maging matatag sa
pagbabalanse ng katawan.
3. Tumingin ng diretso
4. Panatilihin ng 5 segundo
5. Ulitin sa kabilang binti.

Kasanayang Panghimnasyo

Kasanayang Panghimnasyo
Back Scale
1. Tumayo ng tuwid sa kaliwang paa at iunat
paurong ang kanang paa na ang mga daliri ay
nakaturo sa likuran. Panatilihing tuwid ang mga
binti sa pagkakatayo at pagkakaunat sa likuran.
2. Iunat ang mga bisig ng pantay balikat na parang
lumilipad upang maging matatag sa
pagbabalanse ng katawan.
3. Tumingin paitaas.
4. Panatilihin ng 5 segundo.
5. Ulitin sa kabilang binti.

Kasanayang Panghimnasyo

Kasanayang Panghimnasyo
Arabesque
1. Tumayo ng tuwid sa kanang paa at
itaas sa likuran ang kaliwang paa
katulad ng back scale.
2. Itaas ang kaliwang kamay ng
lampas ulo.
3. Panatilihin ng 5 segundo.
4. Ulitin sa kabilang paa at kamay

Kasanayang Panghimnasyo

Kasanayang Panghimnasyo
Knee Scale
1. Isagawa ang tayong aso.
2. Itaas ang kaliwang binti hanggang
makakayanan.
3. Tumingin ng diretso.
4. Panatilihin ng 5 segundo.
5. Gawin sa kanang binti.

Kasanayang Panghimnasyo

Hatiin ang klase ng limang


miyembro sa bawat isang grupo.
Magsama-sama ang
magkakapangkat at sanayin ang bawat
bawat hakbang sa pagsasagawa ng
ibat-ibang kasanayang panghimnasyo.

Ano ang dapat tandaan sa pagsasagawa


ng mga kasanayang panghimnasyo?
- Isagawa muna ang stretching
- Makinig ng mabuti at sundin ang mga panuto
at alituntunin ng guro sa pagsasagawa
- Kumilos ng naaayon sa gawain
- Mag-ingat sa bawat hakbang na gagawin
- Sabihin sa guro ang mga pangkalusugang
bagay na makahahadlang sa pagsasagawa ng
gawain
- Alisin ang mga aksesorya sa katawan
- Magsuot ng angkop na kasuotan

You might also like