You are on page 1of 7

Tema /Yunit/Paksa

(Theme/Unit/Topic)

Layunin ng Gawain
(Learning Purpose(s):

Mga Kagamitan
(Materials/Resources)

Pangnilalaman:

Mauunawaan na iba-iba
ang katangian ng bawat
komunidad na kinabibilangan
ng bawat isa

Yunit I : Ang Ating Komunidad


Aralin 2 :Ang Atin/Aking
Komunidad

Pagganap
Makapagsusuri ng
mga larawan;

Maipahahayag ang
kaalaman/ideya/konse
pto sa malikhaing
pamamaraan;

Makikiisa sa mga
gawain ng pangkat
Pamantayang Lilinangin (Standards Addressed):

Nasasabi ng bawat mag-aaral ang mahahalagang


impormasyon tungkol sa kanyang komunidad
lokasyon
mga tao
mga institusyon
at ginagampanang tungkulin
wikang sinasalita
relihiyon
namumuno
natatanging katangian
Naipahahayag sa malikhaing pamamaraan ang
pagpapahalaga sa komunidad

Naipararating nang epektibo ang mga kaisipan/ideya sa


paraang berbal o di berbal
Pangunahing Tanong:
Pangunahing Pang-unawa:

Bakit mahalagang
kilalanin ang sariling
komunidad?

Ang bawat komunidad ay


may sariling katangian

PHASE 1 (Focused Instructions)


1

Batayang Aklat :
Kayamanan 2, TG,
CG, TEC
Mga larawan ng ibat
ibang komunidad na
nasa paskilan/power
point presentation

Bond paper na
nasusulatan ng mga
gulong salita at
impormasyon tungkol
sa komunidad

Lapis at papel,
krayola

Manila paper

Art/colored
paper/lumang colored
magasin

Gunting, paste

Ipahayag ng guro kung ano ang inaasahang malilinang sa mga mag-aaral. Babanggitin
din kung ano ang mga Gawain at kung paano nila ito maisasagawa.
Ipaliwanag ng guro na ang bawat gawain ay tatayahin sa pamamagitan ng Rubric. (Ipakita
ng guro ang Rubric na nakasulat sa Manila Paper) Itanong sa klase kung payag sila sa
mga pamantayan at krayterya na tatayahin. Palitan kung kinakailangan ayon sa
kasunduan ng klase
Magkaroon ng balik-aral :
Jumbled Letter Puzzle (Pagbuo sa mga ginulong titik na nakasulat sa bond paper)
Ipangkat ang klase ayon sa dami ng mga ginulong titik/salita
Ipamahagi ang manila paper at ibigay ang panuto
Isasaayos ang mga nakasulat na gulong titik upang maging isang salita
Halimbawa:
M

R
R

Note: Gumawa ang guro ng madaming katulad ng nasa itaas


upang lalong maunawaan ng mag-aaral ang konseptong tatalakayin
Ipapaskil sa pisara ang manila paper at sa ilalim ay ipasulat ang nabuong
salita
Iwasto at bibigyan ng palakpak ang bawat pangkat
Picture Analysis
Ipakitang muli ng guro ang ginamit na mga larawan o PowerPoint tungkol sa
komunidad (iba-ibang uri, mga katangian, istruktura, bahay, gusali, mga gawain,
etc)
Ipasuri at ipatala sa bawat pangkat ang nakikita
Ipabasa ng malakas ang naisulat
Itanong ng guro kung ano ang masasabi nila sa mga larawan.
Sabihin ng guro na bawat isa ay may kinabibilangang komunidad.
Ibahagi ng guro sa klase ang sarili niyang komunidad. Siguruhin na ang lahat ng
mahahalagang impormasyon ay kanyang mababanggit. Gawin niya ito sa pamamagitan
ng isang picture presentation. Maaaring naka power point o naka-collage ang mga
larawan.
Itanong sa klase kung alin kaya sa nasa larawan ang makikita sa sarili nilang komunidad
Itanong kung may nakikita silang pagkaka-ugnay-ugnay sa mga larawan. Hikayating
ipahayag nila ang nasa isipan/kalooban batay sa ipinakikita ng mga larawan
2

Magbigay ng karagdagang impormasyon ang guro hinggil sa pagkakaiba-iba ng


komunidad at ang kaugnayan ng mga katangian nito sa buhay ng naninirahan dito
Bigyan ng guro ang pangkat ng sapat na oras upang magpalitang kuru tungkol sa
kaugnayan ng mga larawan sa buhay ng mga tao sa kanilang komunidad.
Phase 2 : PINATNUBAYANG GAWAIN
(Guided Instruction)
Itanong sa bawat mag-aaral kung saang uri ng komunidad siya nakatira batay sa
mga larawan at palitang-kuru.
Ipatala sa bawat mag-aaral ang sumusunod:
Pangalan ng sariling komunidad
Lokasyon o kinaroroonan (kung malapit sa bundok, ilog, sa palengke, atb.)
Panahon/klima sa lugar
Pangalan ng namumuno dito
Humugit kumulang na bilang ng pamilya/naninirahan at katangian
Ginagamit na salita
Relihiyon
Makikitang gusali/istruktura/institusyon
Sistema ng transportasyon at Komunikasyon
Hanapbuhay o Gawain
Natatanging katangian
Ipalagay sa isang graphic organizer/concept map ang mga katangiang naitala
Hikayatin ng guro ang bawat isa na gumamit ng simbolo na kakatawan sa
impormasyong itinala. Ipakita at iparinig sa klase ang ginawa
Hingan ng konklusyon ang mag-aaral tungkol sa mga narinig kaugnay ng
komunidad. Inaasahang masasabi nila na iba-iba ang kinabibilangang komunidad ng
bawat isa bagaman at mayroong magkakatulad kahit naninirahan sa iba-ibang lugar.
Sabihin ng guro na makinig na mabuti sa pagbabahagi ng kamag-aaral upang
malaman niya kung ano ang katangian ng komunidad ng kamag-aaral

Phase 3 : MAGKASAMANG PAGKATUTO


(Collaborative Learning
Itanong ng guro sa klase kung nais nilang malalaman ang katangian ng komunidad
ng kamag-aaral at bakit?
Gumawa ng trayad (triad) ang guro na binubuo ng mag-aaral na mula sa
magkaibang komunidad. Maaaring papiliin ang mag-aaral ng nais niyang ka-grupo
Ibahagi ng isang miyembro ng tryad ang mga katangian ng kanyang
3

komunidad habang ang dalawang miyembro ay nakikinig at nilalagyan ng tsek


sa sariling talaan kung meron siya ng nabanggit. Kung wala, isulat ang mga
ito
Pagawain ng Venn Diagram na nagpapakita ng mga impormasyong ibinahagi
ng miyembro ng trayad.
Ipaskil sa pisara at ipaulat ang ginawa
Muli, itanong ng guro kung ano ang natuklasan ng bawat pangkat/mag-aaral mula sa
pagbabahaging isinagawa.
Itanong sa klase kung dapat ba niyang pahalagahan ang sarili niyang komunidad at
bakit?
Pagawain ang bawat pangkat ng pangako na nagpapakita ng gagawing
pagpapahalaga sa kanilang komunidad. Ipagawa ito sa isang malikhaing paraan.
(hal., rap, komiks, poster,atb.). Papiliin ang pangkat ng paraang nais nila.

Phase 4 : ISAHANG PAGKATUTUO (Individual Learning)


Sabihin ng guro na ngayong alam na nila ang katangian ng sariling komunidad at
ang kanilang gagawin bilang pagpapahalaga dito, gagawa ang bawat mag-aaral ng;
Picture story na naglalarawan sa sarili niyang komunidad. Maaaring gumamit
ng mga larawang may kulay, mga simbolo na yari sa colored/art paper at iba
pang bagay
Gumawa muna ng storyboard o sumulat muna ng talata na nais ilagay sa
picture story
Gawing parang aklat ang 5 bond paper na gagamitin sa picture story.Ikapit
sa bond paper ang mga larawan o simbolo at isulat sa tapat ang
pangungusap na maglalarawan dito.
Isulat ang pamagat ng picture story sa unang pahina. Dapat makatawagpansin ang pamagat
Note: Sa bawat gawain, kailangang ipakita ng guro ang gagamiting Rubrics sa
pagtataya. Kailangang sang-ayon ang mga mag-aaral sa mga krayterya sa
pagtataya
PAGTATAYA (Assessment)
Lagumang Pagsusulit
(Summative Test)
Magtala ng 3-5 katangian ng iyong
Maikling pagsusulit na ginawa ng guro
komunidad na napakahalaga para sa iyo. tungkolsa Aralin 1 at 2. Hinihikayat na
Isulat ng ayon sa kanilang kahalagahan
gumawa ng sarili ang guro na angkop sa
(rank order)
lebel ng kanyang mag-aaral. Maaari ding
gamitin ang nasa ibaba
Formative

A. KAALAMAN
(NOTE para sa lay-out artist : Lagyan ng kaukulang larawan ang tinutukoy sa
bawat bilang)
Panuto: Isulat kung anong katangian ng komunidad ang tinutukoy sa larawan.
1.
2.
3.
4.

Kabuuang bilang ng mga tong naninirahan sa isang komunidad.


Kumukuha ng kaalaman sa tulong ng guro.
Pinagdadalahan at binibilhan ng mga produkto.
Katatagpuan ng matataas na gusali, mall ibat ibang sistema ng
transportasyon at komunikasyon
5. Mga tao at pamilya na naninirahan sa isang tiyak na lugar.
NOTE : Mga larawang dapat ilagay
1. Mga tao, bata at matatanda (populasyon)
2. Paaralan
3. Palengke o pamilihan
4. Pook urban
5. Pamayanan o komunidad (may tao, may mga gusali atb)
B. PROSESO (Spot the Difference)
Panuto: Paghambingin ang 2 larawan. Sa tulong ng Venn Diagram, isulat ang
pagkakatulad at pagkaka-iba. (Lagyan ng larawan ng pamayanang urban at
pamayanang rural)
1.

Larawan ng isang
maunlad na syudad
iba-ibang sasakyan,
may mall, parke, sinehan
etc.

larawan ng isang :
barangay: may mga
taniman, dyip, simbahan,
isang tipikal na nayon

2. Ang Nais Ko
Panuto : Pumili ng isang institusyon na nais mong pamunuan balang araw. Isulat
ang mga programang nais mong isagawa. Gumamit ng Concep Web/Spider Web
para dito

C. PAG-UNAWA
Panuto : Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Bakit kailangan ang sumusunod na institusyon?
Paaralan
Simbahan
Pamahalaan
2. Bakit mahalagang makilala mo ang iyong sariling komunidad? Magbigay ng 3
dahilan.
3. Dapat bang kilalanin ang ibang komunidad? Bakit?
D. PRODUKTO/AWTPUT
Panuto : Gumawa ng 2 taludtod na tula na nagpapakita kung paano mo
pahahalagahan ang iyong sariling komunidad at bakit. Gamiting pamagat Ang Aking
Pangako.

Other things to consider when writing your GRR plan:


Provision for 21st Century Skills (You can make mention of specific 21 st
CENTURY SKILLS---e.g. Para malinang ang kakayahan sa pag-aanalisa,
gawin/gamitin ang )
Provision for TRANSFER/AUTHENTIC Task (Community Involvement)
6

NAME your Strategies (Highlight). DESCRIBE. PROVIDE specific steps


Include specific RUBRICS as needed
Provision for FEEDBACK (teachers feedback)
Peer Evaluation (on collaborative work)
Self-Assessment

You might also like