You are on page 1of 1

Hanggang Pangarap Na Lang

I
Noong una kitang nakita
Agad akong napahanga
Sa iyong ngiting nakakasilaw
At sa mga matang malilinaw
Nung una ay paghanga lang
Ang aking nararamdaman
Ngunit habang tumatagal
Umiibig ang pusong nauutal.
Pero mali na sabihin ko ito
Ang nararamdaman para sayo
Dahil alam kong may mahal ka na
At iyon ay hindi ako.
Chorus:
Ang puso koy nasasaktan
Ang puso koy nawawasak
Kapag nakikita kang masaya
Sa piling niya
Bakit ba kay sama
Ng pag-ibig sa ting dalawa
Ang pag-ibig kong inaasam
Hanggang pangarap na lang ba?
II
Pangarap ko na mahalin mo
Ang isang taong tulad ko
Ngunit hindi na magkakatotoo
Ang dasal kong ito
Sapagkat akoy malayo
Sa tulad niya na perpekto
Na walang kapintasang mabubuo

Chorus:
Ang puso koy nasasaktan
Ang puso koy nawawasak
Kapag nakikita kang masaya
Sa piling niya
Bakit ba kay sama
Ng pag-ibig sa ting dalawa
Ang pag-ibig kong inaasam
Hanggang pangarap na lang ba?
Bridge:
Paano ko ba makakalimutan
Ang sakit na nararamdaman?
Paano ba mabubura sa puso
Ang pagmamahal ko sa iyo?
Chorus:
Ang puso koy nasasaktan
Ang puso koy nawawasak
Kapag nakikita kang masaya
Sa piling niya
Bakit ba kay sama
Ng pag-ibig sa ting dalawa
Ang pag-ibig kong inaasam
Hanggang pangarap na lang ba?
Ah-ha-ha Ah-ha-ha
Ngayon ay aking napagtanto
Na ang pag-ibig ko sayo
Hanggang pangarap na lang ito

You might also like