You are on page 1of 9

TEKSTURA AT ARMONYA

Ang Tekstura at Armonya sa musika. Sa


yunit na ito ay ating makilala ang iba
pang elemento ng Musika na
nakadaragdag sa kagandahan at
kabuan nito ang Tekstura at Armonya.
Ang Tekstura ay nauukol sa kapal o nipis
ng musika. Ito ay nagagampanan ng
mga notang nakabalot sa melodiya sa
Akordeng
pansaliw o sa ibat-ibang nota na
gumagalaw kasabay ng melodiya.

Ang Armonya ay kinakatawan ng


mga akordang sumasaliw sa
Melodiya. Ito ay may tanging tunog
na kapag isinabay sa melodiya
aynabubuo ang nota upang maging
maganda sa pakikinig at
angmelodiya ay lalong nagigiging
kawili-wili kung may pansaliw. Ang
pansaliw ay maaring kapwa tinig din
o instrumentong musikal

A. Ang ibat-ibang Uri ng Tekstura.


1. Monoponya (mono ang ibig sabihin
ay isa) ang teksturang monoponya
ay tumutukoy sa iisang linya ng
melodiya at walang ibang tunog na
sumasabay dito. Maaaring sabihin na
ito ay inaawit ng Unison o iisang
melodiya na inaawit ng higit sa
iisang tono.

2. Homoponya ay may iisang


melodiya na sinasaliwan ng akorde o
mga magkasabay na tunog.
Kadalasan ang melodiya ay nasa
mataas na boses at ang mga akorde
ang nasa mababang antas

3. Ang Poliponya - ay binubuo ng dalawa o


higit pang mga himig na may sariling
kayarian at kaayusan ang bawat isa. Isang
halimbawa ng awit na poliponya ay ang awit
na paikot o round.
Halimbawa ng poliponya o awiting round
Ang isang melodiya ay kulang ang sigla kung
nag-iisa. Upang gumanda, sinasamahan ito
ng ibang nota bilang saliw, nang sa ganoon
ang tunog ng melodiya ay maging buo at
nakaaaaliw. Ito ay tinatawag na Armonya.

B. Tatlong bahaging Round o Paikot


Ang round o paikot ay isang awit na ginagawa ng
ibat-ibang tinig subalit hindi sabay sabay ang
kani-kanilang pagsisimula.
Ang tatlong bahaging round ay isang awiting
inaawit sa tatlong tinig na nagsisimula sa ibatibang sukat o bahagi.
Iisang uri ng Armonya nila kung kayat laging
kawili- wili ang kanilang tunog, subalit
nagsisimula sa ibat-ibang bahagi

Ang tatlong bahaging round o paikot ay


kinakailanga bumuo ng tatlong pangkat.
Magsisimula ng umawit ang unang
pangkat. Pagdating sa ikalawang sukat
magisisimula naman ang pangalawang
pangkat, kapag nasa ikatlong sukat na
ang unang pangkat at nasa ikalawang
sukat na ang ikalawang pangkat
magsisimula naman ang pangatlong
pangkat.

You might also like