Professional Documents
Culture Documents
ni Jimmuel C. Naval
Matagal ko nang gustong sulatin ang kuwento ng bahay ni lola. Mula nang
ikinuwento ito ng aking ina, maraming katanungan ang sumulpot sa aking utak. Gusto
kong malaman ang katotohanan tungkol dito. Totoo nga bang niregaluhan siya ng mga
Amerikano ng malaking bahay bilang kabayaran sa matapat niyang paglilingkod sa
pagmimisyon kaugnay ng pagkakalat ng ebanghelyo? Totoo bang bigla na lamang
nawala ang bahay na ito minsan isang araw na may dumating na isang malaking bagyo
sa baryong sinilangan ng lola? At totoo bang hanggang sa kasalukuyan lalo na tuwing
sasapit ang kaarawan ng lola ay may mga naririnig na huntahan ng mga Amerikano sa
sala ng bahay sa tuwing sasapit ang ika-12 ng hatinggabi? Kasunod ang malakas na
palahaw ng lola na parang nagmamakaawa.
Pero kanino ako magtatanong? Malaon nang yumao ang aking lola. Matapos
ang sampung taon, sumunod na rin si Tiya Juaning. Tanging si Ina na lamang ang
natitira kong batis. Subalit ilang tag-araw ko na rin siyang hindi nakaka-usap nang
matino mula nang ma-stroke siya at maparalisa. Mabuti na lang at may isang bagay
ang hindi pumanaw kay ina matapos ang malagim na pagkakasakit. Nakapagsusulat pa
rin sya na parang walang nagbago mula nang maging peryodista sa isang kilalang
pahayagan sa Batangas noong dekada sitenta. Ang malaking problema, ulit lamang
nang ulit ang kaniyang sinusulat. Walang binabago at walang nadadagdag. Sa
kaniyang dilaw na papel lagi kong ibinibigay sa kaniya para magsulat, ito ang lagi
nyang isinusulat. Ang isa pang nakapagtataka sa kaniyang mga sinulat, kung bakit sa
punto de bista ko, ang apo ng Lola at hindi sa kaniya na isang anak: halos araw-araw
ay binabasa ko ang sulat na ito:
Kabilang ang lola sa unang nakumberte sa sektang Protestantismo
nang dumaong ang mga Amerikano sa look ng Maynila sa bukana ng
ikadalawampung siglo. Dahil dito, nagboluntaryo siyang magmisyon upang
ikalat ang mabuting balita hanggang sa makarating ibat ibang lugar sa
Pilipinas. Subalit nang tumanda na siya, humiling ang masipag na ina ni Tiya
at ang kaniyang mga pamangkin kung saan kabilang ang aking ina na sa
Batangas na lamang siya magretiro.
Tinugunan ng pinuno ng misyon ang kahilingan ng lola kasabay ng
pagsasabing ipagpapatayo siya ng bahay kung saan niya man naising
magretiro. Noong una, ayaw ng lola sa alok ng mga Amerikano. Pero ayon sa
mga kuwento nina Inay at Tiya, dalaga pay pangarap na ng lolang
maging ang
maraming taga baryo na kaya nga palang itindig ang bahay kahit hindi nila
nabalitaan at walang naganap na bayanihan.
Ibinigay ang bahay ng pinakapuno ng misyon sa Pilipinas noong
sumapit ang ika-70 taon ng lola. Ayon sa kuwento, hindi inaasahan ng lola
ang gayong regalo kaya nagtampo pa ito kunwari sa mga misyunerong
Amerikano. Subalit nang mahimasmasan, galak na galak ang lola na halos
yakapin ang bagong tayong bahay na tinilukbungan ng napakalaking
manipis na tela ng parakyut.
panawan ng bait ang lola, siya na mismo ang gumawa ng paraan upang
maging totoo ang iniregalong bahay ng mga Amerikano.
Sa tulong na rin ng mga kababaryo, sa kaunting naipon ng pamilya, at
ayuda
ng
gobyerno
sa
mga
nawalan
noong
panahon
ng
giyera,
Amerikanong
diyatat
nagregalo
rin
ang
kapayapaan
upang
Amerikano na
Pero ang nakapagtataka, bakit nakasulat sa tintang pula ang idinagdag niyang
pangungusap sa huli ng huling talatang iyon. Gusto ko iyong itanong kay ina lalo na sa
sinulat nya na serbisyo. Pero tanging ang pagtingin nya lamang sa malayo ang
kaniyang tugon habang halos yapus-yapos niya ang pasamano ng bahay na iniwan ni
Lola.
Sa isa pang bersiyon ng kuwentong natagpuan ko kung saan eksaktong ganoon
rin ang nakasulat bagamat kapansin-pansing madiin ang pagkakasulat nya rito dahil
halos mabutas ang dilaw na papel, may idinagdag siya sa huling pangungusap ng
huling talata na parang gulo ang isip sa pagkakasulat. Malalaki ang titik ng
pagkakasulat na tipong all caps lahat. Muli sa tintang pula pa rin nakasulat.
Luma ang bahay ng lola sa Batangas. Pero hindi ito bahay na bato na
karamihay itinayo noong panahon ng Espanyol. Ayon sa kapatid ng aking
ina na si Tiya Juaning, Pasko ng Disyembre 1941 pa raw ito sinimulang itayo
at Abril 9 nang sumunod na taon ito ibinigay sa lola. Panahon iyon ng mga
Hapon at kasagsagan ng giyera. Isa sa pinakamataas na bahay sa baryo
Balakilong sa bayan ng Talisay. Sinasabi ring mga misyunerong Amerikano
raw
Amerikano na
Hindi kaya isinulat na nya ito para sa akin kaya sa punto de bista ko? O hindi rin
kaya pinamimili nya ako kung anong bersiyon ng katotohanan ang pipiliin samakatuwid
ay kailangan ko manaliksik tungkol rito? Sa anot ano pa man, susulatin ko pa rin ang
mga kuwento sa likod ng misteryo ng bahay ng lola sa Talisay at aalamin kung ano ang
estruktura nito at yari sa anong materyales ang ginamit. Subalit parang dapat yatang
pagtuunan ko muna ng pansin ang mga kuwento at pagkukuwento ni ina habang
buhay pa siya. Bakit siya ulit nang ulit ng sinusulat? Bakit nya ito sinulat sa punto de
bista ko? At ano ang ibig ipakahulugan ng mga pangungusap na kaniyang idinagdag
sa huli habang naglalakihan ang mga titik nito?