You are on page 1of 9

SuringBasa

ng
Paalam sa
Pagkabata
(Maikling-Kwento)

Yoden Salazar
(10-1)

Caloocan High School

Gng. Conti
(Guro)

Talaan ng
Nilalaman
Pamagat

I.Panimula
a.Uri ng Panitikan

b.Bansang pinagmulan
c.Pagkilala sa may-akda
d.Layunin ng akda

II.Pagsusuring Pangnilalaman
a.Tema o Paksa ng akda
b.Mga Tauhan/Karakter sa akda
c.Tagpuan/Panahon
d.Balangkas ng mga Pangyayari
3
e.Kulturang Masasalamin sa akda

Pahina

1
1
1
1
1

2
2
2
2
3

III.Pagsusuring Pangkaisipan

a.Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng akda


4
b.Estilo ng pagkasulat ng akda
4
c. Mga Simbolismong ginamit sa akda
4

IV.Buod

I.PANIMULA
A.Uri ng Panitikan:
Ang akdang Paalam sa Pagkabata ay isang
maikling kuwento. Ang maikling kuwento ay uri ng
panitikan na isang maikling salaysay hinggil sa isang
mahahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
ilang tauhan.

B.Bansang Pinagmulan:
Ang akdang ito ay nagmula sa bansang
Pilipinas na isinulat sa lalawigan ng Cebu.

C.Pagkilala sa may Akda:


Ang tunay na may akda nito ay si Santiago
Roflo Pepito,Jr. Siya ay nagmula sa bayan ng Sogod,

lalawigan ng Cebu. Siya rin ay nakilala dahil sa kanyang


akdang Mga Sugilanon ni To Imbong o Ang Kwento ni
Imbong.

D.Layunin ng Akda:
Ang layunin ng akdang ito ay maghikayat
ng mga mam-babasa na ating mahalin at pahalagahan ang
ang ating mga anak. Kadugo man natin sila o hindi, dapat
natin silang mahalin at alagaan. Ang akdang ito ay
naglalayon na matuto tayong magpatawad sa isat isa
upang maging maluwag ang ating kalooban at huwag natin hayaan
na punuin ng galit an gating mga puso.

II.PAGSUSURING PANGNILALAMAN
A.Tema o Paksa ng akda:

Ang tema o paksa ng akdang itoy ang mga


suliranin na pinagdadaanan ng isang pamilya. Isa pang
paksa nito ay ang pagpapatawad sa mga taong nagkasala sa atin nang sa gayon ay
magkaroon tayo ng maayos na pamumuhay at walang
gulo.

B.Mga Tauhan/Karakter sa Akda:

Ang mga tauhan sa akda ay ang mga ss.


Celso- Isang batang matalino, mapanuri, at
mapagmahal sa kanyang magulang. Ang batang
namaalam sa kanyang pagkabata ng malaman niya
ang tunay niyang pagkatao.
Isidra- Ang ina ni Celso. Isang mapagmahal na ina at
asawa. Siya rin ay nagkasala sa kanyang asawa at
ang nagging dahilan ng pagiging malupit nito sa
kanila ni Celso.
Tomas- Ang tumayong ama ni Celso. Isa siyang
malupit, mapanakit at hindi basta makalimot na ama,
dahil sa kasalanan ng kanyang minamahal na asawa.

C.Tagpuan/Panahon
Ang tagpuan ng akdang ito ay sa bahay nila
Celso kung saan naranasan niya ang hirap at kalupitan ni
Tomas, ito rin ang lugar kung saan lagi niyang nakikita
ang pag-iyak ng kanyang ina, ito rin ang lugar kung saan
nalaman niya ang totoo nang siya ay humarap sa kanilang
salamin. Ikalawang tagpuan ay sa dalampasigan, kung
saan hinihintay ni Celso ang kanyang ama mula sa
pangingisda at kung saan niya narinig ang usapan ng
dalawang lalaki at ang tunog mula sa isang gitara at
nagpapunta sa kanya sa bahay-pawid. Ikatlo naman ay
ang bahay-pawid ang lugar kung saan niya nakita ang
lalaking tumutugtog ng gitara at nakilala niya ang
kanyang tunay na ama.

D.Balangkas ng mga Pangyayari

Ang mga pangyayari sa kwentong ito ay


kakaiba, dahil gumamit ang may akda ng mga simbolismo
sa pagbuo ng kwentong ito. Kung ating susuriing mabuti
ang bawat pangyayari ay maiingganyo kang basahin ito
dahil iisipin mo kung para saan o ano ang ipinahihiwatig
ng simbolismo na ginamit dito.

E.Kulturang Masasalamin sa akda:


Ang kulturang masasalamin sa akdang
ito ay kung paano tayo nagpapatawad at nagsisisi sa mga
kasalanan na ating nagawa at ang ating pagpapahalaga sa
ating pamilya. Isa pang kultura na masasalamin dito ay
ang pagmamahalan at pagmamalasakit sa isat isa. At
kung paano natin masosolusyonan ang problema natin sa
ating mga pamilya.

III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN

A.Mga Kaisipan/Ideyang taglay ng akda:


Ang kaisipaan ng akdang ito ay magbigay
ideya kung paano natin tatanggapin ang realidad ng
buhay. Dahil sa ating panahon ngayon marami ring taong
nakaranas ng ganitong sitwasyon. Isa pang ideya ng

akdang ito ay kung paano tayo magpapatawad sa mga


taong nagkasala sa atin, at kung paano natin
pahahalagahan ang ating pamilya.

B.Estilo ng pagkasulat ng akda:


Ang ginamit na estilo ng pagkasulat ay
malikhain dahil gumamit ang may akda ng simbolismo
upang maintindihan natin ang ipinahihiwatig o paksa ng
akda na kanyang isinulat. Malikhain din ito sapagkat,
habang binabasa natin ang akdang ito ay may nabubuo
tayong imahinasyon mula sa akdang ating binabasa.

C.Mga Simbolismong ginamit sa akda:

Ang may akda ay gumamit ng dalawang


simbolismo sa kwentong ito. Una ay ang lambat, para sa
akin ang lambat ay sumisimbolo sa kalayaan dahil, gaya
ng mga isda, nakukulong sila sa lambat at dahil sa
pagkakulong na ito ay hindi nila magawa ang gusto nilang
gawin, gaya sa kuwento pilit na kinukulong ni Tomas si
Isidra sa isang pangyayaring hindi niya nagustuhan at
hindi niya kayang kalimutan sa pamamagitan ng palagiang pagpapakita niya ng
lambat dito. At dahil doon ay hindi makalaya si Isidra sa
pangyayaring iyon at araw-araw niya itong
pinagdudusahan, kaya ng malaman ni Celso ang
katotohanan ay tinaga niya ang lambat upang tuluyan na
silang makalaya sa pangyayaring iyon. Ikalawa naman ay
ang salamin, ang salamin naman ay sumisimbolo sa
katotohanan, gaya na lamang kapag tayo ay tumitingin sa
salamin, nakikita natin ang tunay nating itsura. Sa kwento
naman nang Makita ni Celso ang lalaki sa bahay-pawid ay
nasabi
niya sa kanyang sarili na nakita na niya ito sa salamin.
Kaya noong umuwi na siya sa kanilang bahay ay humarap
siya sa salamin at muli niyang nakita ang mukha ng lalaki
sa bahay-pawid at dahil din sa pagtingin niya sa salamin
ay nalaman niya ang katotohanan na ang lalaki sa bahaypawid ay ang kanyang totoong ama.

IV. BUOD

Umiiyak lagi si Isidra at lagging nakatingin sa


lambat na nakasabit sa labas ng kanilang bahay. Hindi
maintindihan ni Celso kung bakit ginagawa iyon ng
kaniyang ina at kung ano ang meron sa lambat. Nang siya
ay pumunta sa dalampasigan ay may narinig siyang
tumutugtog ng malungkot na awit mula sa bahay-pawid at
kahit na pinagbabawalan siya ni Tomas na magpunta doon
ay kusa siyang dinala ng kaniyang mga paa. At laking
gulat niya ng makita niya ang lalaki ay nasabi niya sa
kanyang sarili na nakita na niya ito sa salamin. Noong una
ay natakot siya dito. Nagulat siya ng bigla siyang yakapin
ng lalaki at sinabing, Dalawin mo ako palagi. Nang
niyakap siya ng lalaki ay gumaan ang kanyang
pakiramdam. Ngunit hindi niya alam na nakadating na si
Tomas at nakita siya nito. Paglabas ng bahay-pawid agad
siyang sinampal ng malakas ni Tomas. Nang umuwi na sila
ng bahay humarap agad siya sa salamin at napaisip, at
dahil dun naliwanagan si Celso sa lahat ng mga
nangyayari. Agad siyang kumuha ng itak at pinagtatagpi
ang lambat. Dahil sa ginawa niya ay nagalit si Tomas at
binugbog niya si Celso. Suntok, sampal at tadyak ang
dinanas ni Celso. Nawalan siya ng malay dahil sa
panghihina. Nang magkamalay siya ay laking gulat niya
nang makita na yakap na siya ni Tomas at inilagay ang
kanyang ulo sa dibdib nito, matagal siyang niyakap ni
Tomas. Matagal.

Pagaalay/Pasasalamat
Ang ginawa kong ito ay aking inaalay sa lahat
ng magulang. Dahil ang kwentong ito ay sumasalamin sa
isang pamilya. Nais ko ring imulat ang isip ng mga
magulang na malupit sa kanilang mga anak, na dapat ay
pahalagahan nila at mahalin ang kanilang mga anak. Dahil
naniniwala ako na kadugo mo man o hindi ang itinuturing
mong anak ay ito pa rin ang pinakamagandang regalo o
grasya na natanggap mo mula sa ating mahal na
Panginoon. Gusto ko din magpasalamat sa mga magulang
na minamahal ng sobra at inaalagaan ang kanilang mga
anak. Dahil malaki ang posibilidad na maging mabuting
tao ang iyong anak kung ito ay nagabayan, naalagaan at
ipinaramdam mo ang pagmamahal mo dito ng buong buo.
Gusto ko rin mabuksan ang puso ng mga magulang na lagi
nating suportahan ang ating mga anak nang sa gayon ay
maging inspirasyon nila kayo sa pagtupad ng kanilang
mga pangarap.

You might also like