Professional Documents
Culture Documents
Hindi mawawala sa ating isipan ang stereotipikong business lider na may divided life.
Ito nga naman ang kadalasan nating nakikita. Para sa maraming business lider, hindi
magkatugma ang kanilang ikinikilos sa kanilang mga prinsipyo at birtud. Nagkakaroon kung
baga ng divided life, at sa huli, di nila nagagawang pagsilbihan ang common good.
Nawawalan tuloy ng ethos ang bokasyon ng taong nasa industriya ng corporate.
Ayon kay Aristoteles, ang ethos ay kredibilidad. Tinatawag niya rin itong ethical
appeal dahil kapag mayroong ganito ang isang indibidwal, ibig sabihin niyon ay
nakakakumbinse ang karakter na kanyang ipinapakita.
Subalit, hindi ito ang kadalasang nangyayari sa totoong buhay. Dahil sa matinding
pressure na makalikom ng tubo, tila nakakalimutan ng business lider ang kanyang mga
prinsipyo at birtud. Naaakit siyang isipin na hindi compatible ang kanyang buhaypropesyunal sa kanyang buhay-moral.
Ang kailangang tandaan: oo, mahalaga ang tubo. Ang pagtamo ng tubo ay kailangan
para maipagpatuloy ang negosyo dahil ito ay isang senyales ng mabuting kalagayan nito.
Kailangan din ito dahil dito siya kukuha ng kanyang ipanggagastos sa mga pangangailangan.
Ngunit hindi dapat ito maging overriding purpose ng buhay. Ang tubo ay instrument lamang;
kalianman hindi ito dapat maging ultimong layunin ng isang business lider.
Sa kabila ng mga stereotype, maaaring magkaroon ng matagumpay na negosyo ang
isang business lider habang ipinapairal ang common good. Ito ay kung susundan niya ang
framework ng GOOD GOODS, GOOD WORK, AT GOOD WEALTH.
Good goods
-
Goods that are truly good and services that truly serve
In solidarity with the poor
Good work
Concept of subsidiarity
Good wealth
Kung iuugnay natin ito sa kwento ng tatlong mason, masasabi natin na ang ikatlong
mason lamang ang sumusunod sa balangkas na ito. Ang unang mason ay gumagawa
lamang ng isang pader; ang ikalawa, simbahan. Natatangi ang ikatlong mason dahil
ginagawa niya ang misyon ng Diyos. Sa kaso kasi ng una at ikalawa, oo, may ginagawa
silang istraktura na posibleng may paggagamitan pero nakakatulong ba ito? Kung titingnan
natin ang balangkas, ang ikatlong mason lamang ang sumasang-ayon sa lahat ng criteria.
Good goods
Napag-isipan ba ng una at ikalawang mason kung para saang end goal ba gagamitin
ang kanilang istraktura? Kung para sa ikabubuti ba? Kung oo, sa ikabubuti ba ito ng
karamihan (hanggat maaari, lahat sana ng maaapektuhan at kasali sa proyektong
ito) o baka naman para lang ito sa ikabubuti ng iilan? Halimbawa, mga kostumer na
pagkakikitaan nila at mga among paglilingkuran nila?
Hindi ganito ang ikatlong mason. Sa kaso niya, hindi lang siya basta-basta gumagawa
ng kahit ano. Hindi lamang siya nagtatrabaho. Alam niya na may purpose itong
ginagawa niya, na nakakatulong ito. At ito ay hindi biased. Hindi makitid na
sumasaklaw lamang sa mga hangarin ng kanyang mga amo at kostumer. Kung
anuman ang ginagawa niya, ito ay para sa common good.
Good work
Maliban sa pagkakaroon ng mabuting layunin, sinisigurado rin nitong ikatlong mason
na tama ang ikinikilos niya. Sa kaso kasi ng una at ikalawa, gumagawa lamang sila
ng istraktura pero naiisipan at naisisigurado ba nila na wasto ang pamamaraan nila?
Sabihin nalang natin na para nga sa common good ang ginagawa nila. Kaso mamaya
niyan, baka ang mentality na ipinapairal nila ay yong tipong the means justify the
end. Sabihin nalang natin may mga underling itong mga mason na tumutulong sa
kanila. Sa kaso ng una at ikalawa, posible na iniisip nila na ayos lang ang pagtrato
nila sa kanilang mga empleyado (ito man ay abusado na o hindi). Tutal, binabayaran
naman sila.
Hindi ito maaaring gawain ng ikatlo, dahil bilang alagad ng Diyos, siyay naniniwala
sa intrinsikong halaga ng bawat tao, na hindi dapat tratuhin bilang isang instrumento
lamang. Kailangan pahalagahin ang dignidad ng tao. Hindi lang dapat nakatuon
obhetibong dimensyon ng trabaho, kundi pati rin sa subhetibong dimensyon nito,
kung paano nahuhubog ng trabaho ang taong gumagawa nito. Inaanyayahan din
dapat ang lahat ng empleyado na maging co-creators na may sariling boses at
kalayaan sa trabaho. Workplace democracy, ika nga.
Good wealth
Efficient ba ng pagkakagamit sa mga resources? Wala naman bang nasasayang?
Bilang katuwang sa pagpapaalaga ng kalikasan, dapat bigyang diin na ang bawat
sangkap ng produksyon ay nagagamit nang lubusan.
Tapos, kung anuman ang mga benepisyo na mayroon, dapat naipapamahagi ito nang
wasto sa pagitan ng ibat ibang stakeholder na nakikitulong at naaapektuhan ng
negosyong ito.
Ang balangkas na ito ay nakakatulong para sa pag-iral ng ethos sa negosyo. Isa
siyang gabay upang ang negosyo ay maging sintunado sa moralidad na nais ipairal ng isang
indibiduwal.
UNA Kumilos ka lamang kung ang maxim mo ay maaari mong gawing isang
pangkalahatang batas ng iyong kilos-loob.
Sa unang pormulasyon, pinapahalagahan dito ang unibersalidad ng paggawa ng
isang kilos. May katuwiran ba ang ikinikilos ko sa paraang pwede ito isalin sa lahat ng
konteksto: saanman, kailanman, at sinuman? May salungat o kontradiksyon bang
mangyayari kung ito ay gagawing unibersal? Kung oo, ito ay hindi nararapat ikilos.
Hindi ito mabuti.
PANGALAWA Kumilos ka lamang sa paraang itatrato mo ang sangkatauhan hindi lamang
bilang isang instrumento, kung di bilang ultimong layunin din sa iyong pagkilos.
Pwede natin balikan ang mga nasabi sa VBL para rito. Kung ang trabaho ay may
obhetibo at subhetibong dimensyon, ganoon din ang anumang kilos.
Obhetibo sa paraang may nagagawa, may naipupundar, may naitutulong, atbp.
Subhetibo sa paraang kung anuman ang kinikilos ng isang tao, ito ay maaaring
Ipaliwanag kung bakit higit na mabuting maging Socrates na hindi masaya kaysa
sa hangal na masaya.
Against this bleak backdrop the optimistic Socrates enters the picture. The key to
happiness, he argues, is to turn attention away from the body and towards the soul. By
harmonizing our desires we can learn to pacify the mind and achieve a divine-like state of
tranquility. A moral life is to be preferred to an immoral one, primarily because it leads to a
happier life. We see right here at the beginning of western philosophy that happiness is at
the forefront, linked to other concepts such as virtue, justice, and the ultimate meaning of
human existence.
eudaimoniang nagaganap, at sa bawat pag-ulit ng cycle, ay lalo pang napalalago ito. May
kahusayan, may kabutihan, improvement, o arte na nangyayari.
Iba ang nangyayari kapag akrates (o yong tinatawag nating incontinent person).
Balikan ulit natin si Carla. Sa simula, akrates din naman siya. Hindi niya kayang pigilan ang
mga damdamin niya. Bumibigay siya sa pagnanasa niya na makatulong sa mga kaklase
kaya niya pinapakopya ang kanyang assignment. Alam naman niyang mali ito at labag din
ito sa kalooban niya, ngunit kung magpapatuloy siya na bumigay sa pagnanasa na
tumulong, ay magiging paulit-ulit lang ito. Magiging vicious cycle na kung saan sa kaso niya
ay labis na panghihinayang dahil patuloy siyang nakalubog. Kung kalian lang niya gagawin
ang mabuti* (este, pagpapahusay ng kanyang pagkatao na sa sitwasyong ito ay ang hindi
pagpapakopya) ay tsaka lamang siya liligaya.
Dahil tayo ay mga social being, nagagawa nating matutuhan ang etika ni Aristotekes
kahit di man ito isang agham. Maraming paraan para matutuhan natin ito: sa pamamagitan
ng payo ng kapamilya o kaibigan, sa sariling karanasan (tulad ng nangyari kay Carla dun sa
virtuous cycle), sa pag-obserba sa karanasan ng ibang tao, sa eskwelahan, at marami pang
iba.