You are on page 1of 8

KABANATA 17

BASILIO
Ang buhay ay pangarap.

Sandali pa lamang at hirap na


nakapasok si Basilio na pasuray-suray at
nagpatinbuwal sa mga bisig ng ina.
Isang hindi maipaliwanag na
panlalamig ang naramdaman ni Sisa ng
makitang ang anak ay nag-iisang
dumating.  Nagtangkang magsalita ngunit
walang masabi, binalak na yapusin ang
anak ngunit wala din siya ng lakas, hindi
rin mangyaring makaiyak. 
Subalit nang makita ang noo ng
bata ay naliligo sa dugo, napasigaw siya,
na ang tinig ay parang ibig ipahayag ang
pagkalagot ng isang ugat ng puso.
“Mga anak ko!”
           “Huwag kayong matakot, Ina!” ang
sagot ni Basilio.  “Si Crispin ay naiwan sa
kumbento.”  
“Sa kumbento?  Naiwan sa
kumbento?  Buhay?”1 
Itinitig sa kanya ng bata ang mga mata. “Ah!” ang naibulalas dahil
sa ang kaniyang malaking katakot ay napalitan ng isang malaking
katuwaan.  Si Sisa ay napaiyak, niyakap ang anak at pinaghahalikan
ang noong duguan.
“Buhay si Crispin!  Iniwan mo sa kumbento… at bakit may sugat
ka, anak ko?  Nasubasob ka ba?” At siniyasat na mabuti ng ina ang
anak.
“Nang dalhin ng sakristan-mayor si Crispin, sinabi sa aking hindi
ako makaaalis hanggang ikasampu, at sa dahil gabi na ay tumakas ako. 
Sa bayan ay sinigawan ako ng mga sundalo ng quien vive (sino ka?),
tumakbo ako, at nagpaputok sila at humaging ang isang punlo sa aking
noo.  Natatakot akong madakip nila at paglinisin ng kuwartel habang
pinapalo, gaya ng ginawa sa kasamahan naming si Pablo, na hanggang
ngayon ay may sakit pa.”
“Diyos ko, Diyos ko!” ang nangingilabot na bulong ng ina.  “Ikaw
ang nagligtas sa kanya.”2 At samantalang naghahanap ng basahan,

1
MGA PALIWANAG

Naiwan sa kumbento?  Buhay? Napansin ba ninyo, kung paano kalakas


mang-asar si Rizal, sa tanong na binitiwan ni Sisa.
2
Makikita rito na Diyos ang tinawagan at pinasalamatan ni Sisa – ikumpara
ito sa magiging pasasalamat ni Kapitan Tiyago sa paggaling ni Maria Clara.

190
tubig, suka at balahibo ng tagak,3 ay idinugtong: “Kung napalalim ng
isang dali ay napatay ka aking anak!  Hindi iniisip ng mga guwardiya
sibil ang mga ina!”
 “Sabihin ninyong na nahulog ako sa puno; huwag sabihin kahit
kanino na ako ay hinabol nila.”
“Bakit naiwan si Crispin?” tanong ni Sisa matapos na magamot
ang anak.
Nag-isip ito ng sandali, pagkatapos ay niyakap ang ina,
isinalaysay isa-isa ang tungkol sa nawawalang onsa; ngunit, hindi
binanggit ang pagpapahirap na ginawa sa kanyang munting kapatid.
Nagkahalo ang luha ng mag-ina.4
“Ang aking mabait na Crispin!  Pinagbibintangang magnanakaw
ang aking mabait na si Crispin!  Dahil ba sa tayo ay mahirap ay dapat
na nating tiisin ang lahat ng bagay!”5 bulong ni Sisa na ang mga
matang luhaan ay nakatingin sa ilawan na nauubusan ng langis. 6
Sa ganitong kaayusan ay tahimik silang namalagi nang ilang
sandali.
“Naghapunan ka na ba?  Hindi pa ba?  May sinaing at tuyong
halubaybay.”
            “Hindi ako nagugutom; tubig, tubig lamang ang gusto ko.”
            “Oo nga!” malungkot na sagot ng ina, “alam kong ayaw mo ng
tuyong halubaybay;7 ipinaghanda kita ng ibang ulam, ngunit dumating
ang tatay mo; kaawa-awang anak ko!”

3
Ipinapakita rito ni Rizal ang karaniwang inilalapat na gamot sa sugat sa
panahon ng Espanya sa Pilipinas. Ano kaya ang medikal na bisa ng
pakpak ng tagak, sana mapag-aralan ito ng mga may mambabasa na
may kaalaman sa bagay na ito? Inaanyayahan ko ang mga mambabasa na
nasa hanay ng medisina na bigyan ng pansin ang lahat ng mga tradisyonal
na paraan ng panggagamot at gamot na masusumpungan sa Noli Me
Tangere upang pag-aralan ang bisa ng mga ito.
4
Bakit nagkahalo ang luha ng mag-ina?
Ito ay simbolismo upang ipakita ng pagpapatuloy nang malungkot na
kalagayan ng magulang at anak sa ilalim ng isang mapang-aping lipunan.
5
Isang hanay ng tanong na inilagay ni Rizal sa bibig ni Sisa, na ipinasasagot
sa mga Pilipino noong panahon ng Espanya. Ikaw na mambabasa, ano ang
iyong sagot sa katanungan ni Sisa sa kasalukuyang panahon?
6
Pansinin ang simbolismo ng pagtatanong ni Sisa at ang kaniyang pagtingin
sa liwanag/ilawan. Nasa liwanag ang kasagutan, wala sa kadiliman.
7
Mapapansin sa nakalipas na kabanata na magkaiba ang ulam na inihanda
ni Sisa sa dalawang anak – mula sa ating pananaw ay parang mahahatulan
natin na si Sisa ay mayroong paboritismo. Ngunit tandaan na ang
magkaibang ulam ay inihanda ayon sa pagiging paborito ng isa’t isa. Ayaw
ni Crispin ng tapa at hita ng pato (na gusto ni Basilo) at ayaw naman ni
Basilio ng tuyo (sardinas secas / dried sardine) na paborito naman ni
Crispin.

191
“Nagpunta dito si tatay?” ang tanong ni Basilio at siniyasat ang
mukha at mga kamay ng ina.8 
Ang tanong na ito ng anak ay nakalagim sa puso ni Sisa, na
nakahalata sa kahulugan nang gayongpagsisiyasat, kayat madaling
sumagot: “Naparito at itinanong kayo, ibig kayong makita; gutom na
gutom.  Kung kayo raw ay magpapakabait, ang sabi, ay muling
makikisama sa atin.”
           “Ah!” ang putol ni Basilio, at ang kanyang mga labi ay
napakibit sa sama ng loob.9
           “Basilio!” anang ina.
           “Ipagpatawad mo Nanay!” ang sagot, “hindi ba mabuti pa ang
kalagayan natin kung tatlo lamang tayo:  kayo, si Crispin at ako? 
Subalit umiiyak kayo; isipin na lang ninyong wala akong sinabi.” 10
           Si Sisa ay napa-buntunghininga.
           “Hindi ka ba maghahapunan?  Kung gayon ay mahiga na tayo at
hatinggabi na.
           Isinara ni Sisa ang pinto ng kubo at tinabunan ng abo ang
bagang natitira upang di ito mamatay, gaya ng ginagawa ng tao sa
damdamin ng kanilang kaluluwa:  tinatabunan ng abo ng buhay na
tinatawag na “pagwawalang-bahala,” upang di mamatay sa walang
katapusang pakikisalamuha sa kapwa.11
           Dinasal na marahan ni Basilio ang kanyang mga panalangin at
humiga sa tabi ng kanyang ina na paluhod na nagdarasal.
Nakakaramdam siya ng init at lamig; pinilit na ipikit ang mga mata na
8
Tinitingnan ni Basilio kung may bakas ng pananakit ang kaniyang ina
mula sa malupit na ama.
9
Isang sama ng loob na may dahilan – tandaan na nakita ni Basilio ang
pananakit na ginawa kay Crispin, kung naging naging mabuti lamang ang
kaniyang ama ay hindi sana niya nasaksihan ang pagmamalupit na ginawa
ng mga tauhan ng simbahan sa kaniyang bunsong kapatid.

Kung nagkaroon lamang tayong mabuting pamahalaan, sana hindi alipin ng


dayuhan ang ating ekonomiya at ang mga Pilipino ay kolektibong gagawa
para sa sama-samang kaunlaran ng sambayanan
10

Makikita sa pangungusap ang pagkamuhi ng anak sa isang iresponsable at


malupit na ama. Gaya ng pagdaramdam ng mga mamamayan sa isang
bulok at tiwaling pinuno ng pamahalaan.

Minsan ay mayroong pinuno ng bayan na nagsabi na “mga kababayan, ako


ang magulang ng bayan at kayo ang mga anak, huwag kayong matakot at
mahiya na iparating ang inyong gusto sa akin bilang magulang ng bayan.
Isigaw ninyo ang kagustuhan ninyo sa harapan ng inyong magulang.”
Sumigaw ang sambayanan sa harap ng pinuno ng bayan at sabay-sabay na
isinigaw ang kanilang kagustuhan. “GUSTO NAMING MAULILA”
11

Ang pagwawalang bahala ang ating pangunahing ginagamit sa araw-araw


na pakikisalamuha sa ating mga kapwa tao. Hindi ba malimit nating
winawalang bahala na lamang ang mga isyung panlipunan, para mabuhay
na lamang tayo sa huwad na kapayapaan ng isipan.

192
nag-aalala sa kanyang bunsong kapatid na kapwa niya umaasang
matutulog sa gabing yaon sa kandungan ng ina at ngayon ay
nanginginig sa takot sa isang madilim na sulok ng kumbento.  Muling
sumusundot sa kaniyang tainga ang kanyang naririnig sa kampanaryo,
subalit ang pagod na katawan ay nagpalipas sa kanyang iniisip at ang
bumaba ang pangangarap sa kanyang mga mata.
            Nakita niya ang isang silid na naiilawan ng dalawang kandila. 
Ang kura ay may hawak na yantok sa kamay at galit na nakikinig sa
sakristan-mayor na kumakausap sa kanya sa pamamagitan ng
kakaibang wika, at nakalarawan ang isang nakakakilabot na anyo.  Si
Crispin ay nanginginig at ang luhaang mata ay palinga-linga sa lahat ng
sulok na parang may hinahanap na tao o mapagtataguan. 
Hinarap siya ng kura at galit na galit na siya ay siniyasat at
sumagitsit ang yantok.12  Ang bata ay nagtatakbong nagtago sa likuran
ng sakristan, subalit sinunggaban siya nito, hinawakan at inialay para
sa galit ng kura:13  ang kahabag-habag na bata ay pumipiglas,
nagtatatarang, nagsisisigaw, nasubsob sa sahig, gumulong, bumangon,
nagtatakbo, nadulas, nalugmok at sinasangga ng bisig ang mga palo, na
kung masaktan ay umuungol na ikinakanlong agad.  Nakikita ni Basilio
ang kanyang pag-aalumpihit, ipinapalo
ang ulo sa sahig, nakikita at naririnig ang
haging ng yantok.  Nang ang kanyang
kapatid ay wala nang malamang gawin ay
bumangon; nang baliw na sa sakit ay
sinalakay ang mga berdugo at kinagat sa
kamay ang kura.  Ito ay napasigaw,
nabitiwan ang yantok, binigyan ng
saksritang mayor ng isang palo sa ulo at
ang bata ay nalugmok na walang diwa;14 nang makita ng kura na siya ay

12

Nakapanghihinayang na ang mga alagad ng simbahan ay hindi pa noon


advocate ng human rights. Pero ngayon ay mga human rights advocates na
sila, napakadaling malimutan ang kasaysayan.
13
pero éste le coge, le sujeta y le ofrece al furor del cura. - Ngunit ang
sakristang mayor (katulad ng pamahalaan) ang siya pang sumunggab at
naghanda kay Crispin (sa biktima) upang ihandog sa galit ng frailocracia.
14

Ang paglalarawan dito ni Rizal ay ang katulad sa pamamaraan ng


inquisition noong mga Panahong Medyebal na ang ipinapatay ng mga alagad
ng simbahan ang mga napaghihinalaang mga erehe – hindi direktang ang
mga taong simbahan ang naghahatol ng kamatayan, kundi ang kontrolado
nilang pamahalaan. Mapansin sana na ang nagbigay ng nakamatay na palo
sa ulo ay ang sakristan mayor at hindi si Padre Salvi. Hindi ang mga prayle
ang nagsasagawa ng maduming gawain mayroon siyang sakristang mayor
sa anyo ng pamahalaan.

Pansinin:
Sa bahaging ito ay nagawang ilarawan ni Rizal ang magiging kaayusan ng
kaniyang sariling kamatayan. Naipapatay siya ng mga prayle sa

193
nasugatan ay pinagtatadyakan ang bata, ngunit ito ay hindi na
nagtatanggol, hindi na sumisigaw;15 gumugulong sa lupa na parang
tiniban na nag-iwan sa madaanan ng isang basang bakas…16
            Ang boses ni Sisa ang siyang sa kanya ay nagpamalay-tao.
            “Anong mayroon ka?  Bakit ka umiiyak?”
“Napangarap kong…Diyos!” ang bulalas ni Basilio na tumagilid na
pawisang-pawisan.  “Pangarap lamang iyon, ano Inang?  pangarap
lamang, isang pangarap lamang!” 
“Ano ang napangarap mo?”
Ang bata ay hindi sumagot.  Naupo upang pahirin ang luha at
pawis.  Ang kubo ay balot ng kadiliman. “Isang panaginip, isang
panaginip!” ang ulit na marahan ni Basilio.
            “Sabihin mo sa akin kung ano ang iyong napanaginipan; hindi
ako makatulog!” ang sabi ng ina nang ang anak ay muling nahiga.
            “Napanaginip ko,” ang sabi nitong marahan, “tayo ay
nagpunta… Sa isang bukiring maraming bulaklak… ang mga babae ay
may mga dalang bakol na puno ng uhay, ang mga lalaki ay mayroon
ding mga bakol ng uhay… at ang mga bata ay gayon din… Wala na
akong maalaala, Inang, hindi ko na maalaala ang iba. Hindi na

pamamagitan ng kaniyang sakristan mayor (pamahalaan at ni GH Polavieja)


tandaan na galit ni Padre Salvi ay dahilan sa kinagat siya ni Crispin – isipin
na lamang ninyo kung ano ang higit na gagawin at magagawa ng mga prayle
sa isang matalinong tao na labis na nakapanakit hindi lamang sa
hipokritong frailocracia kundi maging institusyon na kinabibilangan nila.
15
Maging ito ay pangarap lamang ni Basilio – ngunit may paghahanguan
mula sa tunay na pangyayari:  Sinasabing ito ay naganap mismo sa
katauhan ng prayleng Agustinong si Antonio Piernavieja na nabalitang may
ginawa na kahawig sa pangyayaring ito. Si Antonio Pernavieja ay inabutan
ng himagsikan sa lalawigan ng Cavite noong 1896 at itinali sa langgaman
hanggang sa mamatay ayon sa kautusan ni Andres Bonifacio.
16
PALIWANAG - Nag-iwan sa madaanan ng isang basang bakas – hindi
kayang utakan ng frailocracia si Rizal, marami siyang mga basang bakas na
iniwan na nagpapakita kung sino ang mga tao na nasa likod ng kaniyang
kamatayan. Isa sa pinakamahalaga niyang bakas ay ang Noli Me Tangere na
pilit na binubura at ipinabubura sa magkaibang panahon ng kasaysayan ng
Pilipinas.
 Ang una ay sa panahon ng kolonyalismo ng i-sensor ng lupon ng UST
ang Noli Me Tangere;
 Ikalawa ay ang komisyon ni Font na nagbabawal sa paglalathala at
pagbabasa nito;
 Pangatlo ay sa pagkatapos ng kolonyalismo sa panahon na pinag-
tatalunan ang panukalang batas sa Rizal na pinilit na hadlangan na
maisakatuparan ng kolonyal na simbahan.
 Sa huli, noong mapagtibay ang Batas Rizal ay nagawa nilang maitago
ang Noli Me Tangere sa anyo ng expurgated o sanitized edition.

194
nagpumilit si Sisa; hindi niya binibigyang-kahulugan ang mga
panaginip.17
            “Inang, makinig kayo, ngayong gabi ay mayroon akong plano,”
sabi ni Basilio, makaraan ang ilang sandali ng pananahimik.
            “Anong balak iyon?” ang tanong ng babae.
            Si Sisa, na sadyang mapagkumbaba, maging sa kanyang mga
anak; inaakala niyang sila ay mayroong higit pang pag-iisip kaysa kanya.
            “Ayoko nang magsakristan!”
            “Bakit?”
            “Pakinggan ninyo, Inay, ang aking plano.  Dumating ngayon
galing sa Espanya ng anak ng yumaong Don Rafael, marahil ay magiging
kasing-bait din ng kanyang ama.  Dahil dito ay kunin ninyo bukas si
Crispin, Inang, kunin ninyo ang aking sahod at sabihin ninyong hindi na
ako magsasakristan.  Pag-galing ko ay makikipagkita ako kay Ginoong
Crisostomo at makikiusap ako sa kanya na kunin akong pastol ng
kanyang mga baka o mga kalabaw; malaki na naman ako.  Si Crispin ay
makapag-aaral sa bahay ni Matandang Tasyo, na mabait at hindi
namamalo kahit na ayaw paniwalaan ng kura ang gayon. 18  Ano pa ang
ikatatakot natin sa pari?  Mapaghihirap pa ba niya tayo nang lalo pa sa
ating kalagayan?  Maniwala kayo, Inang, ang matanda ay mabait;
makailan kong nakita sa simbahan kung walang tao roon; lumuluhod
at nagdadasal, maniwala kayo.19  Kaya, Inang, hindi na ako
magsasakristan.  Kakaunti ang kinikita at napapauwi pang lahat sa
multa!  Iyon din ang daing ng lahat.  Magpapastol ako, at sa mabuting
pag-aalaga ng mga hayop na ipagkakatiwala sa akin ay mapapamahal
ako sa may-ari; marahil ay papayagan pang gatasan natin ang isang
baka upang makainom tayo ng gatas; gustong-gusto ni Crispin ang
gatas.  At marahil ay bigyan tayo ng isang bulo pag nakitang ako ay
mabuti!  Alagaan natin at ating patabain tulad ng ating manok na
inahin.  Mangunguha ako ng mga prutas sa gubat at ipagbibili ko sa
bayan, kasama ng gulay sa ating bakuran, at sa gayon ay magkakaroon
tayo ng salapi.  Gagawa ako ng mga silo at patibong upang makahuli ng
17
Nagsinungaling si Basilio sa tunay na panaginip para hindi mag-alala ang
ina – ngunit pansinin kung papaano niya binibigyan ng bisyon ang isang
lipunan na may kasaganaan na malaking kontrast sa malagim na panaginip
ni Basilio. Mapapansin ang husay ni Rizal, maging ang pangarap ng
kaniyang mga tauhan ay ginamit sa pagising ng damdamin ng bayan.

18
Pansining mabuti: Gusto ni Basilio na ang kaniyang nakababatang
kapatid na si Crispin ay maturuan ni Matandang Tasyo. Ang Matandang
Tasyo ay isang tao na may malalim na pagka-unawa sa pilosopiya. Ang
partikular na hanay na ito ay isang paraan ng pagpapakita ni Rizal sa
naging papel ng kaniyang nakakatandang kapatid na si Paciano. Malaman
sana na ang isa sa mga kursong natapos ni Rizal ay pilosopia y letra.
19
Makikita rito na si Pilosopo Tasyo ay isang tahimik na mananamba, hindi
pakitang tao - hinahanap niya ang tunay na Diyos sa simbahan, sa isang
uri ng pananambahan na malayo sa hangal na pananambahan na
nakasentro sa idolatriya. Si Pilosopo Tasyo ay isang mananambang hubad
sa panatisismo.

195
mga ibon at musang, mangingisda ako sa ilog, at pag ako ay lumaki-laki
pa, mangangaso ako.  Makapuputol din ako ng kahoy upang ipagbili o
ibigay sa may-ari ng mga baka, at sa gayon ay masisiyahan siya sa atin. 
Kapag ako ay makapag-aararo na ay hihilingin ko sa kanya na
pagkatiwalaan ako ng bahagi ng lupa upang taniman ng tubo o mais at
sa gayon ay hindi na kayo mananahi hanggang hatinggabi. 
Magkakaroon tayo ng mga bagong damit bawat pista, kakain tayo ng
karne at malalaking isda.  Samantala ay mabubuhay akong malaya,
magkikita tayo sa araw-araw at magkasalo tayong kakain.  At dahilan
sa sinasabi ni Matandang Tasyo na si Crispin ay may mabuting ulo
ay ipadala natin sa Maynila upang mag-aral; padadalhan ko siya roon
ng mga kailangan sa pamamagitan ng aking paghahanap-buhay.   Ano
Inang?  At siya ay magiging doktor, ano ang masasabi ninyo ?”20
  “Anong masasabi ko, kundi oo?” ang sagot ni Sisa na niyakap ang
kanyang anak.
            Napuna niyang hindi kasama ang ama sa anumang balakin ng
anak, at lihim siyang napaiyak.21
            Si Basilio ay nagpatuloy sa pagsasalaysay ng kanyang mga
balakin sa loob ng pagtitiwala na taglay ng gulang na walang namamalas
kundi iyong ibig lamang na makita.  Sa lahat ng kanyang sinasabi ay
“oo” lamang a ng sagot ni Sisa, para sa kanya ay parang mabuting
lahat.  Ang pag-aantok ay muling unti-unting nanagumpay na sa mga
pagod na balintataw ng bata, at sa ngayon, ang sinasabing Ole-Luk-Oie
20
PANSININ PO ITONG MABUTI
Pangarap ng matandang kapatid na mapag-aral niya ng medisina ang
kaniyang nakababatang kapatid. Hindi kaya ang hanay na ito ng nobela ay
isang tahimik na paghahandog ni Rizal ng pagpapasalamat niya sa kaniyang
kapatid na si Paciano, na kaniyang kinauutangan ng loob para makapag-
aral ng Medisina at Pilosopiya hindi lamang sa Maynila kundi pati sa
Europa. Tandaan din na ang salaping ipinadala ni Paciano kay Rizal ay
mula sa kinita ni Paciano sa pagatatanim ng tubo. Isang malaking
kabalintunaan na nagkatulad ang kapalaran ni Crispin at Rizal dahilan
kapwa sila namatay sa kamay ng dayuhang kaparian.
21
PANSININ PO ITONG MABUTI
Hindi kabilang ang ama sa pangarap ni Basilio – makikita dito na
inilalarawan ni Rizal sa isipan ng mga kabataan nagpaplano para sa inang
bayan na hindi kasama sa kanilang mga plano ang isang iresponsableng
pamahalaan.
Ang katotohanan, kapag nakita ng mga kabataan ang kabulukan ng
pamahalaan na kinapapalooban ng kanilang mga magulang – panahon iyon
na sila ay mag-isip ng isang bago na may malaking pagkakaiba sa
pamahalaan na kinilusan ng kanilang mga magulang.

Bakit umiiyak si Sisa o ang bayan?


Sapagkat sa bagong pamahalaan na pinaplanong itatag ng mga kabataan ay
hindi na kasama ang iresponsableng ama. Masasaktan ang inang bayan
dahilan sa sentimental nitong kahalagahan, pagluha ng inang bayan sa
gaganaping pagtatapon ng sambayanan sa isang bulok na pamahalaan sa
basurahan ng kasaysayan.

196
ni Andersen ay siyang nagtakip sa ibabaw niya ng magandang payong na
puno ng masasayang larawan.22
Nakikita niyang silang magkapatid ay kapwa pastol; nangunguha
sila ng bayabas, alpay at iba pang prutas sa kagubatan; nagpapalipat-
lipat sa mga sanga katulad ng mga paruparo; pumapasok sila sa mga
yungib at nakita nilang kumikinang ang mga dingding; naliligo sila sa
mga batisan at ang buhangin ay ginto, at ang mga bato
ay kagaya ng mga bato sa korona ng Birhen.  Umaawit
at ngumiti sa kanila ang mga maliliit na isda, iniyuyuko
sa kanila ng mga punong maliliit ang mga sanga na
hitik sa salapi at bunga.  Pagkatapos ay nakakita siya
ng isang kampana na nakasabit sa isang puno, at isang mahabang
lubid na panugtog; sa lubid ay nakatali ang isang baka na may isang
pugad ng ibon sa sungay, at si Crispin ay nasa loob ng kampana,
atbp.  At nagpatuloy sa pangangarap sa gayon ding paraan. Ngunit ang
ina, na hindi taglay ang kanyang gulang at hindi nagtatakbong isang
oras, ay hindi natutulog.23

22
Tinutukoy si Hans Christian Andersen na isang manunulat ng mga
kuwentong pambata. Maging si Rizal ay nagkaroon ng interes na basahin
ang manunulat na ito at ilan sa mga akda nito ay isinalin ni Rizal sa Tagalog
para sa kaniyang mga pamangkin. Ang ilan sa mga kuwento ni Andersen ay
iginawa pa ni Rizal ng mga drawing.
23
Mapansin sana sa bahaging ito ng panaginip ni Basilio ang pagkakaroon
ng isang masagana at malayang kapaligiran na malayo sa kanilang
kinagisnan. Subalit sa pagkakataong iyon ng pagkakaroon ng isang
malayang lipunan ay patay na si Crispin.

Pansining Mabuti Ang Bahaging Ito:


“Pagkatapos ay nakakita siya ng isang kampana na nakasabit sa isang
puno, at isang mahabang lubid na panugtog; sa lubid ay nakatali ang isang
baka na may isang pugad ng ibon sa sungay, at si Crispin ay nasa loob ng
kampana.”
Hindi na kasama si Crispin, subalit nasa mataas na kalagayan na si Crispin
sa isang malayang lipunan.
Bakit nasa taas ng kampana si Crispin?
Tinitingala at iginagalang ng bayan.
Bakit nasa loob ng kampana si Crispin?
Itinatago ang ginawang krimen laban kay Crispin at inililihim ang kaniyang
kaisipan upang huwag maunawaan ng sambayang Pilipino.

197

You might also like