You are on page 1of 6

HEKASI VI

Petsa: Enero 18, 2016 - Lunes


Baitang at Pangkat: VI Aquila 9:40 10:10 a.m.
I. LAYUNIN:
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa, sa mga bansang maunlad
at papaunlad
Pagpapahalaga: Kahalagahan ng Pakikipag-ugnayan
II. PAKSANG-ARALIN
Kahalagahan ng Pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Ibang Bansa, sa mga Bansang Maunlad at
Papaunlad
Sanggunian: BEC IV B.2 p.23
Pilipinas: Bansang Papaunlad, pah. 225-229
Kagamitan:
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
2. Balik-aral:
Anong uri ng pakikipag-ugnayan sa ibang bansa mayroon ang Pilipinas noong Panahon ng unang
Pilipino? Ng Espanyol? Ng Amerikano? Ng Ikatlong Republika?
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Bakit kaya dapat pangalagaan ng Pilipinas ang pakikipag-ugnayan nito sa ibang bansa?
2. Paglalahad:
Pangkatin ang mga bata sa lima (5). Bawat pangkat ay mag-uulat sa pakikipag-ugnayan ng Pilipinas
sa ibang bansa, sa mga bansang maunlad at papaunlad.
Pangkat A - Pakikipag-ugnayan sa Estados Unidos
Pangkat B - Pakikipag-ugnayan sa mga Bansang Sosyalista
Pangkat C - Pakikipag-ugnayan sa mga Bansang Aprikano
Pangkat D - Pakikipag-ugnayan sa mga Bansang Arabe
Pangkat E - Pakikipag-ugnayan sa Hapon
3. Pagtalakay:
1. Sa anu-anong paraan nakikipag-ugnayan ang Pilipinas sa mga bansang nakatala?
a. Estados Unidos
b. Mga Bansang Sosyalista
c. Mga Bansang Arabe
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Ipaliwanag ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang mga bansa.
2. Paglalapat:
Alin-alin pang mga bansa ang dapat nating makaugnay? Bakit?
3. Pagpapahalaga:
Sa inyong palagay, dapat bang bigyang halaga ang pakikipag-ugnayan n gating bansa sa ibang mga
bansa? Ipaliwanag.
IV. PAGTATAYA:
Piliin ang titik ng tamang sagot.
_______ 1. Ang pakikipag-ugnayan sa mga bansang Sosyalista at Arabe ay sinimulan ni ________.
a. Pangulong Quezon
b. Pangulogn Roxas

c. Pangulong Marcos
_______ 2.
Ang Pilipinas at Tsina ay nagkaroon ng ugnayang ________.
a. Pangkultura at pangangalakal
b. Pangkultura lamang
c. Pangangalakal
V. KASUNDUAN:
Gumupit ng 3-5 larawang nagpapakita ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibat ibang bansa. Idikit ang mga
ito sa bondpaper.

HEKASI VI
Petsa: Enero 19, 2016 - Martes
Baitang at Pangkat: VI Aquila 9:40 10:10 a.m.
I. LAYUNIN:
Natatalakay ang mga naitulong ng mga Pilipino bilang mamamayan ng daigdig at kontribusyon ng Pilipinas
sa mga samahang pangrelihiyon at pandaigdig.
Pagpapahalaga:

Pakikipagtulungan

II. PAKSANG-ARALIN
Ang mga Pilipino Bilang Mamamayan ng Daigdig at Kontribusyon ng Pilipinas sa mga Samahang
Pangrelihiyon at Pandaigdig
Sanggunian: BEC IV B.3, p. 23
Pilipinas: Bansang Papaunlad, pp. 229-236
Kagamitan: mga larawan
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
2. Balik-aral:
Anu-ano ang kabutihang dulot sa Pilipinas ang pakikipag-ugnayan nito sa mga bansang maunlad at
papaunlad?
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Bakit kaya ang ating bansa ay kasapi ng ibat ibang
Nakatutulong kaya ito sa bansa?

samahang panrelihiyon at pandaigdig?

2. Paglalahad:
Paggamit ng Graphic Organizer.

3. Pagtalakay:
Bilang kasapi ng ASEAN, anu-ano ang ginagawa ng Pilipinas sa mga bansang kalapit nito? Sa mga
mithiin ng samahan? Sa mga taunanag pulong na di nadaluhan ng mga Minister ng Ugnayang
Panlabas ng bawat kasapit?
Bilang kasapi ng UN, anu-ano ang giangawa ng Pilipinas sa mga pangunahing LAYUNIN: sa
samahan? Sa pagganap ng kanyang tungkulin.
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Anong uri ng pakikilahok ang ipinamalas ng Pililpinas bilang kasapi ng ASEAN, UN at APEC?
Bakit?
2. Paglalapat:
Makabubuti kaya para sa daigdig kung ang lahat ng bansa ay magiging kasapi ng UN? Bakit?
3. Pagpapahalaga:
Mahalaga ba ang pagtutulungan at pagdadamayan sa isang samahan? Bakit?
IV. PAGTATAYA:
Piliin ang titik ng tamang sagot.
_______ 1. Bilang kasapi ng ASEAN, ang Pilipinas ay _____________.
a. Umiiwas na tumulong sa ibang bansa

b. Nagsisikap patibayin ang pakikipag-ugnayan nito sa mga kalapit bansa


c. Nakikiisa lamang sa samahan kapag may tulong itong makukuha sa ibang kasapi
_______

2. Lumalahok din ang Pilipinas sa mga taunang pulong na dinadaluhan ng mga _______ ng bawat
kasaping bansa.
a. Minister ng Ugnayang Panlabas
b. Minister ng Ugnayang Panloob
c. Minister ng Turismo

V. KASUNDUAN:
Magsulat ng sanaysay tungkol sa isa sa mga paksa:
1. Ang Pilipinas at sa UN
2. Ang Pilipinas at ang ASEAN
3. Ang Pilipinas at ang APEC

HEKASI VI
Petsa: Enero 20, 2016 - Miyerkules
Baitang at Pangkat: VI Aquila 9:40 10:10 a.m.
I. LAYUNIN:
Nabibigyang-halaga ang mga kabutihang dulot sa Pilipinas ng pagsapi sa mga samahang panrelihiyon at
pandaigdig (ASEAN, UN)
Pagpapahalaga:

Pagsuporta/Pakikisama

II. PAKSANG-ARALIN
Ang Pagsapi ng Pilipinas sa ASEAN at UN
Sanggunian: BEC IV B.4 p.23
Pilipinas: Bansang Papaunlad, pah. 230-236
Kagamitan: larawan
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
2. Balik-aral:
Anu-ano ang mga kabutihang dulot sa Pilipinas sa pagsapi sa mga samahang pangrelihiyon at
pandaigdig?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:

2. Pagtalakay:
Bakit dumarami ang mga bansa sa nagnanais umanib sa United Nations?
Anu-ano ang kabutihang idinudulot ng pagsabi sa alinmang samahan ng mga bansa?
Paano nagtutulungan ang mga bansang kaanib sa alinmang samahan para umunlad ito?
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Ano ang kahalagahan ng pagsapi ng Pilipinas sa ASEAN? Sa UN?
2. Paglalapat:
Anu-anong mga kapakinabangan ang natatamo ng mga batang katulad mo sa pagsapi ng Pilipinas sa

ASEAN at UN?
3. Pagpapahalaga:
Ang pagtutulungan at pagdadamayan ng bawat bansang nag-uugnay ay susi sa pagkakamit ng
minimithing kasaganaan, kaunlaran, katahimikan at kapayapaan..
IV. PAGTATAYA:
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano ang ASEAN?
2. Anu-anong mga bansa ang kasapi nito?
3. Anu-ano ang mga pangunahing LAYUNIN: nito?
4. Ano ang UN?
V. KASUNDUAN:
Magsaliksik sa mga programa ng ASEAN at UN na nilahukan ng Pilipinas. Maghanda sa pag-uulat nito sa
klase.

You might also like