You are on page 1of 4

Inpluwensiya ni Hammon H.

Buck
sa Edukasyon ng Timugang Cavite

Hindi magiging kumpleto ang pag-aaral ng kasaysayan ng edukasyon sa


Katimugang Cavite kung hindi babanggitin si Hammon Hall Buck. Si H. H. Buck ay
isinilang noong 1876 sa Sabetha, Kansas 1 at dumating sa Pilipinas bilang bahagi ng
South Dakota Volunteer na nakilahok at nasugatan sa mga unang taon ng pananakop
ng mga Amerika sa Pilipinas. Sa taong 1900, umalis siya sa serbisyo ng hukbong
Amerikano at hinarap ang gawaing pagtuturo bilang guro sa Pasay at kinalaunan ay
inilipat sa Taal, Batangas. Noong Oktubre 1901 binisita ni superintendent M. A.
Colton ang bayan ng Taal, dito niya natagpuan na nagtuturo si H. H. Buck at sa
buwan ng Nobyembre sa nabanggit na taon ay itinalaga ito sa Cavite bilang deputy
superintendent.2 Sa pagdating ni H. H. Buck sa Cavite ay kaniyang hinarap ang ang
pangangasiwang pang-edukasyon sa lalawigan ng Cavite.

Ang pagkahirang kay H. H. Buck bilang deputy


superintendent ay bunga nang biglaang paglaki ng gawaing
pang-edukasyon sa Cavite. Sa taong iyon dumating ang
USAT Thomas na may lulan na malaking bilang ng mga guro
na galing sa Estados Unidos. Bilang pagsasa-ayos sa
paglalagyan ng mga gurong Thomasites sa Cavite, naglakbay
si H. H. Buck sa mga bayan ng lalawigan at kinausap ang
mga presidente at konseho ng mga munisipalidad, gumawa
ng pag-eestima sa mga bubuksang mga paaralang baryo at
iba pang mga aktibidad pang-edukasyon. Nakita niya ang
pangangailangan sa maraming guro sa mga paaralan at
tiniyak na magtatalaga siya ng mga gurong Amerikano sa
bawat paaralang sentral (sa mga poblacion). Isinaayos ang
programa sa pagsasanay ng mga aspirante na ilalagay sa
mga bagong posisyon.3 Ang gawain niya ay nagpatuloy hanggang siya ay maging
ganap na superintendent ng bagong tatag na dibisyong pang-edukasyon sa lalawigan
ng Cavite sa taong 1902.

Ang panunungkulan ni Hammon H. Buck sa Cavite ay napasabay sa


kasagsagan ng kilusang gerilya sa lalawigan na ang pinagkukutaan ay ang mataas na
lupa ng Katimugang Cavite. Sa panahong iyonn, ang mga Amerikanong opisyal at mga

1
Makikita ang henealohiya ni Hammon H. Buck sa website sa internet na:
http://users.rallstech.com/snichol/genealogy/buck.htm.
2
Ananymous. Reminiscences of a Maestro. The Philippine Education Magazine (June 1923). Sa
artikulong ito ay hindi nagbigay ng pangalan ang sumulat. Subalit sa mga kapanahunan,
pangyayari at lugar na isinasalaysay at istilo ng pagsulat ay halos nagpapakilala na siya ay si
Hammon H. Buck. Bigo ang nagsasaliksik na makakita ng educational qualification ni H. H.
Buck, subalit ang naging mataas niyang katungkulan ay malaki ang posibilidad na siya ay
tapos ng kolehiyo.
3
Ang unang normal institute sa lalawigan ng Cavite ay naganap sa kapanahunan ni Colton at
pagiging deputy suprintendent ni Buck na ginawa sa San Roque. Cavite noong Mayo 2-19,
1902.
Pilipinong kawal ng Insular Constabulary ay nakagawa ng paglabag sa karapatang
pantao ng mga napaghihinalaang gerilya. Ang kabagsikan ng kampanyang militar ay
tinutulan ni H. H. Buck at inilantad sa pamamagitan ng pagsama nito sa kaniyang
ginawang taunang pag-uulat ukol sa kalagayan ng edukasyon sa Cavite sa taong
1902. Ang obserbasyon ni H. H. Buck sa taunang ulat ng edukasyon sa Cavite ay
nakasama sa Annual Philippine Commission Report ng 1903 at nagbigay daan upang
mailantad niya sa kapuluan hanggang sa Estados Unidos ang kalagayan ng
karapatang pantao sa Cavite sa kapanahunang iyon. Ang adbokasiya ni H. H. Buck
laban sa kalupitan ng kampanyang-anti gerilya ay nauwi sa isang mainitang hidwaan
sa pagitan niya at ng pinunong konstabularya sa Cavite na naging dahilan upang siya
ay malipat ng dibisyon ng Batangas nago magtapos ang 1903. Ang ginawang
pagtatanggol ni Buck para sa karapatang pantao ng mga taga-Cavite ay maituturing
na naging isang mahalagang salik upang ang mga gurong Amerikano ay makakilos ng
ligtas at nakapagtaglay ng paggalang ng mga taga lalawigan. Ang katotohanan, walang
gurong Amerikano na napatay sa Cavite kahit na ang lalawigan noon ay nasa
kasagsagan pa nang operasyong gerilya laban sa mga Amerikano. 4

Sa pag-aaral ukol sa ilang bahagi ng aktibidad ni H. H. Buck ay kapansin-


pansin na nagkaroon siya ng malalimang pag-aaral sa kultural at sosyolohikal na
katangian ng mga mamamayan at pagpapaunlad ng Katimugang Cavite.

Sa artikulo ni Dr. Otley H. Beyer ay nabanggit nito na sumulat si Buck ng isang


artikulo ukol sa Fire-Walkers ng Alfonso, Cavite na kung makakuha lamang ng kopya
ay maaring maging bakasan upang magkaroon matatag na pagsasapantaha na ang
sayaw sa apoy ng Alfonso ay isang pre-kolonyal na ritwal sa lalawigan Cavite.
Binanggit din ni Dr. Beyer na mayroong iniuulat si H. H. Buck ukol sa isang kuweba
sa baryo ng Esperanza sa bayan din ng Alfonso na maaring isang matandang yungib
na panirahan ng mga tao sa panahong pre-kolonyal. 5

Ang kaalaman ni H. H. Buck sa ugali at kaisipan ng mga elite na mamamayan


ng taga mataas na lupa ng Cavite ay isinulat niya bilang isang aklat na pinamagatang
Capitan Baltazar. Dahilan sa ang nagsasaliksik ay hindi nagkapalad na makakita ng
nalalabing kopya ng aklat ay masasalamin naman ang mga nilalaman nito sa
kaniyang dalawang artikulo na nalathala sa Philippine Magazine. Ang una ay Principle
Versus Policy na nagkukuwento ng pamamaraan na ginawa ng isang pinunong lokal
sa Katimugang Cavite sa paraan ng pakikitungo sa mga mananakop na Espanyol at
Amerikano at tinalakay din kung paano niya sinuway ang utos ni Andres Bonifacio na
sunugin ang simbahan sa kanilang bayan. Ang ikalawang maikling kuwento ni H. H.
Buck ay ang Capitana Vicenta (asawa ni Capitan Baltazar) na isang komersiyante sa
bayan at ang kaniyang kapangyarihan na makainpluwensiya sa kaniyang asawa. Ang
dalawang tauhan na ito na ikinuwento ni H. H. Buck sa pagtatasa ng nagsasaliksik sa
mga naging historikal na personalidad sa Katimugang Cavite, partikular sa Indang ay
maaring kumakatawan hindi sa isa, kundi sa collage ng mga elitistang personalidad
4

Isang malaking kabalintunaan na walang gurong Amerikano na pinatay sa Cavite sa panahon


na inilalatag nila ang sistema ng edukasyong Amerikano sa lalawigan. Subalit si Hammon H.
Buck ay tinambangan at pinaslang sa Lalaan, Silang, Cavite noong 1945.
5
H. Otley Beyer. Outline Review of the Philippine Archelogy by Islands and Provinces. The
Philippine Journal of Science 77 (July-August, 1947):242,364.
na kaniyang nakatagpo sa Katimugang Cavite. 6 Sa larangan ng mga karaniwang tao
ay sinulat ni H. H. Buck ang ukol kay Tandang Poro na nagtataglay ng mahikal na
kapangyarihan na makilala ang mga magnanakaw ng kalabaw sa kanilang
pamayanan.7

Sa kabilang ng pagiging isang edukador na Amerikano, nakita ni H. H. Buck


ang kahalagahan ng mga lokal na wika bilang gamit na wika sa pagtuturo sa mga
paaralan.

Now the matter of national language. A common language is an important


factor in nationhood, but a national language is not made; it grows.
The spread of a dialect and its development until it becomes a national
language depends on several factors. One of the most important factors is, as in
the case of Tagalog, its location at the educational, political, social, and
commercial center of the country. The next most important, perhaps, is the
vigor, intellect, and industry of the people using it...
The existing course of instruction in the Philippines has imposed the
incubus of a foreign language upon all school children for the past thirty eight
years. Are we now saddle them with another incubus for the next thirty years,
merely for providing a national language, which in the natural course of events
is coming anyway?
The first concern of any educator should be education and no scheme of
propaganda should be permitted to interfere with this main puprose. 8

Mapapansin sa siniping artikulo mula kay H. H. Buck ang kaniyang personal


na kritisismo sa naging patakarang pang-wika na ipinatupad ng Estados Unidos sa
Kapuluan. Bilang isang dating mamamayang Amerikano, awtoridad si H. H. Buck sa
wikang Tagalog dahilan sa nabanggit na paliwanag sa artikulo ay kinikulala ang
kahusayan/katatasan nito sa wikang Tagalog na kaniyang ginamit sa panahon ng
kaniyang pananatili sa Pilipinas.

Ang pagkagiliw ni H. H. Buck sa mataas na lupa ng Cavite ay hindi lamang


limitado sa kagandahan ng pook kundi maging sa kagandahan ng kadalagahan nito,
itinanan at napangasawa niya si Dolores Angeles ng Alfonso, Cavite. 9 Sa bayan na ito,
si H. H. Buck ay nanatili ng matagal sa kaniyang pamilya, kung saan nagpasiya na
siyang iangkop sa kaniyang sarili ang pagkamamamayang Pilipino.

Basahin ang mga sumusunod na artikulo Hammon H. Buck na Principle Versus Policy
(Philippine Magasine - July 1929) at Capitana Vicenta Philippine Magasine – November 1930).
7
Basahin ang artikulo ni H. H. Buck na The Thief Detector sa The Philippine Magasine (June
1928).
8
H. H. Buck Tagalog, The National Language The Philippine Magasine (June 1940).
9

Sa pakikipanayam ng nagsasaliksik kay Dr. Julian Aviñante na isang lokal na mananalaysay


ng Alfonso, Cavite ay tiniyak nito na ang bahay na tinirahan ni H. H. Buck sa Alfonso ay ang
lugar na kinatatayuan ngayon ng Sacred Heart Academy.
Pagkatapos ng serbisyo sa Kawanihan ng Edukasyon si Buck ay nanirahan sa
Alfonso, namili ng mga lupa sa nasabing bayan at nagpatanim ng abaca at
nagpakilala sa pagtatanim ng avocado sa lugar na iyon. Sumunod ay ang pamimili at
pagbebenta ng mga lupang nakatanaw sa lawa ng Taal. Isang impresyon na ang lupa
ni Hammon H. Buck sa Katimugang Cavite ay iyon lamang lugar na Buck Estate sa
bayan ng Alfonso. Isang katotohanan na halos ang buong ridge ng Tagaytay ay
minsang naging pag-aari niya. 10
Binanggit nang nagsasaliksik ang lahat ng paunang inpormasyon ukol kay H.
H. Buck upang maikawing ang kaniyang isang mahalagang desisyon sa pagpapaunlad
ng edukasyon sa Katimugang Cavite at maagang modernisasyon ng ng Katimugang
Cavite.11

10

Basahin ang Kabanatang The Man Who Own The Ridge ni Elizabeth V. Reyes sa aklat na Town
on the Ridge. Bookmark, 1996.
11
Wala pang ganap na pag-aaral sa buhay ni Hammon H. Buck, ngunit sa preliminaryong
pagbubukas ng nagsasaliksik sa mga datos ukol sa kaniya ay lumilitaw na nag-aral siya ng
abogasya sa Liceo de Manila (mula sa salaysay ni Maximo Kalaw na kaniyang naging
estudyante sa Taal at naging kamag-aral ng abogasya sa Liceo de Manila). Pagkatapos ng
kaniyang serbisyo sa edukasyon ay at hinarap niya ang negosyong real estate, magmula sa
pagiging manager ng Caridad Estate (sa Lungsod ng Cavite) ay hinarap niya ang pagbili ng mga
lupa sa Alfonso at Tagaytay. Maari rin na suriin ang papel at inpluwensiya ni H. H. Buck sa
pamahalaan noon upang isabatas ang pagiging lungsod ng Tagaytay bago pa man maganap
ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Maipagpalagay na ang maagang pagsasabatas ng
lungsod ay upang maging libreng adbertisyo nito upang ma-eganyo ang mga mayayaman sa
Maynila na bumili ng lupa sa lugar.

You might also like