Professional Documents
Culture Documents
By Malou Escudero
Naniniwala ang senador na malaki ang magagawa ni Singson para mahuli ang nasabing supplier niya ng
cocaine na maliwanag naman umanong gumagawa ng ilegal at lumalabag sa Dangerous Drugs Act.
Ayon sa Senador, posibleng marami pang mabiktima ang ‘pusher’ na cocaine na binibilhan ni Singson
kung hindi ito papangalanan ng congressman.
Nahulihan si Singson ng 26 gramo ng cocaine sa HK kaya hindi na ito nakabalik sa Pilipinas simula noong
Hulyo 11, 2010.
Nasa ikalawang termino na si Singson bilang kinatawan ng Ilocos Sur matapos manalo sa eleksiyon
noong Mayo 2010, pero halos hindi pa ito nakapagsilbi sa kaniyang mga kababayan ngayong 15th
Congress dahil hindi na siya nakabalik pa sa bansa.