You are on page 1of 25

DAPIT-HAPON

Dulang Pampelikula
Ni
Christian S. de la Cruz

Halaw sa maikling kuwentong


“DEAD STARS”
Ni Paz Marquez-Benitez
Page 2 of 25

FADE FROM BLACK

EXT. TIRAHAN NG MGA SALAS – DAPIT-HAPON

Makikita si JULIA na naka-upo sa may bintana ng kanilang bahay kubo. Nakatanaw siya sa malayo, nag-
iisip ng malalim. Nang biglang may kaguluhan malapit sa dalampasigan. Tumanaw siya mula sa kanyang
kinalalagyan ngunit wala siyang makita. Dumating ang kanyang PAPANG mula sa pangingisda kung kaya’t
sinalubong niya ito.

JULIA
Papang! Anong meron sa dalampasigan? May kaguluhan
ba?

PAPANG
Wala...

Pumasok sina JULIA at PAPANG sa loob. Umupo si PAPANG habang naghihintay pa rin ng karagdagang
impormasyon si JULIA.

PAPANG (CONT’D)
Pero may pulis. Naghahanap ng isang abogado.

JULIA
Abogado? Ngunit walang nakapagtapos ng abogasya dito sa
atin Papang.

PAPANG
Yan nga rin ang alam ko. Pero may sumalubong naman sa
kanya. Attorney Salazar ata ang pangalan.

JULIA
(gulat)
Salazar?

PAPANG
Oo, Salazar. Di ba may kakilala kang Salazar? Ano ulit
pangalan niya? Al—

JULIA
Alfredo, Papang. Alfredo Salazar.
Page 3 of 25

Bumalik si JULIA sa upuan sa may bintana. Habang papunta, bigla siyang nahilo buti na lang at nasalo
siya ni PAPANG.

PAPANG
(Nag-aalala)
Julia...

Inalalayan ni JULIA ang kanyang sarili at tumungo sa upuan sa may bintana.

JULIA
Papang, okey lang ako.

Tumanaw sa malayo si JULIA, nag-iisip ng malalim.

JULIA (CONT’D)
Alfredo. Ikaw nga ba ang naririto? Alfredo...

FADE OUT AND CUT TO:

TITLE:
Dalawang taon ang nakaraan

EXT. ISANG BAYAN – DAPIT-HAPON

Naglalakad sina DON JULIAN at ALFREDO sa isang baku-bakong daan patungo sa pinarerentahang bahay
ng mga Martinez. Sumisipa si Alfredo ng mga pakalat-kalat na mga bato.

ALFREDO
(Nakatingin sa dinadaanan)
Papa, isang huwes si Ginoong del Valle habang ako’y isang
abogado—

DON JULIAN
I know what you mean Alfredo.

Tumigil ang dalawa ilang hakbang na lang ang layo mula sa tinitirhan ng mga del Valle. Tinignan ni DON
JULIAN si ALFREDO sa mata.

DON JULIAN (CONT’D)


Walang masama sa pakikipagkaibigan, hindi ba? Besides, I
know Dionisio. He won’t let friendship affect his decisions as
a judge.
Page 4 of 25

Itinuloy ng mag-ama ang paglalakad. Nang sila’y nasa pintuan ng bahay ng mga del Valle, kumatok si
DON JULIAN. Binuksan ito ni JULIA.

JULIA
Magandang gabi po. Sino po ang kailangan nila?

DON JULIAN
Magandang gabi din binibini—

ALFREDO
Magandang gabi din.

DON JULIAN
Andiyan ba si Judge del Valle? Si Dionisio?

JULIA
Si kuya? Andito po siya. Pasok po muna kayo.

CUT TO:

INT. TIRAHAN NG MGA DEL VALLE – GABI

Pinapasok ni JULIA sina DON JULIAN at ALFREDO at pinaupo sa sala. Umalis ng saglit si JULIA upang
tawagin si DIONISIO. Napatingin si ALFREDO sa larawan ni JULIA na nakasabit sa dingding.

ALFREDO
(Nakatingin pa rin sa larawan)
Papa, alam mo ba ang pangalan ng sumalubong sa atin?

DON JULIAN
Ba’t hindi mo siya tanungin?

Pumasok sa sala si DIONISIO na naka-pambahay.

DIONISIO
Don Julian! Kumusta na kaibigan?

Nagyakapan ang dalawa pagkatapos inakbayan ni DIONISIO si DON JULIAN.


Page 5 of 25

DIONISIO (CONT’D)
(Tumingin sa kinauupuan ni Alfredo)
Ikaw na ba yan Alfredo? Balita ko isa ka ng abogado.

Tumayo si ALFREDO sa kanyang kinauupuan at nakipagkamayan kay DIONISIO.

ALFREDO
Ako nga po si Alfredo, Ginoong del Valle.

DIONISIO
Bakit nga ba napadalaw kayo Don Julian?

Umupo ang tatlo at pumasok si JULIA na may dalang tray na may juice at tinapay. Inilapag niya ang mga
ito sa mababang mesa sa harapan ng tatlong ginoo. Kumain at uminom ang tatlo.

JULIA
Kuya, tawagin mo na lang ako sa kuwarto ko kung
kakailanganin niyo pa po ako.

Paalis na sana si JULIA nang biglang tinawag ni DIONISIO ang kanyang atensyon.

DIONISIO
(Habang inilalapag ang baso)
Julia. Maupo ka na lang. Samahan mo kami sa usapan.

JULIA
Pero kuya—

DIONISIO
Sige na. Umupo ka na muna.

Umupo si JULIA sa upuan na nasa harapan ni ALFREDO. Habang titig ng titig si ALFREDO kay JULIA.

ALFREDO
Binibining del Valle—

Napangiti si JULIA. Umubo si DIONISIO at niyaya si DON JULIAN na mag-usap na lang sa labas ng kanilang
bahay.

ALFREDO (CONT’D)
Napakatamis ng iyong pagngiti.
Page 6 of 25

JULIA
Salamat Ginoong Salazar. Nahihiya tuloy ako.

ALFREDO
Bakit ka mahihiya Binibini? Totoo ang aking mga sinasabi.
Totoo nga ang sabi ni Papa, ang ganda mo nga talaga.
Binibining del Valle—

Ngumiti ulit si JULIA sa itinawag na pangalan ni ALFREDO. Bumalik mula sa labas sina DON JULIAN at
DIONISIO. Umupo sila.

ALFREDO (CONT’D)
Narinig niyo ba ang pinag-uusapan namin Papa?

DON JULIAN
(May halong biro)
Hindi ah. Hindi ba’t masama ang makinig sa usapan ng iba?

DIONISIO
Tama si Don Julian. Hindi kami nakikinig. May sasabihin kay
Binibining del Valle di ba Alfredo?

Ngumiti ang lahat maliban kay ALFREDO na nagtataka kung bakit sila napangiti.

ALFREDO
Papa? Ba’t kayo ngumingiti? Pinagtatawanan niyo ba ako?

DON JULIAN
Alfredo, hindi siya isang del Valle.

ALFREDO
Pero “kuya” ang tawag niya kay Ginoong del Valle hindi ba?

DON JULIAN
Kuya nga niya si Dionisio—brother-in-law.

Tumingin si ALFREDO kay JULIA na ngumingiti pa rin. Binigyan ni ALFREDO si JULIA ng isang tingin na
tila’y nagsasabing, “Totoo ba ang mga sinasabi nila?” Tumango si JULIA.

ALFREDO
Patawarin mo ako sa aking pagkakamali Binibining—
Page 7 of 25

JULIA
Salas. Ang pangalan ko’y Julia Salas.
ALFREDO
Binibining Salas. Patawad Julia.

JULIA
Wala iyon Ginoong Salazar. Gusto ko sana kitang iwasto
ngunit naaalala ko yung nangyari sa ‘kin.

ALFREDO
Ganoon ba.

DON JULIAN
Maaari mo bang ikuwento sa amin Julia?

JULIA
Opo Don Julian. May nakilala akong lalaking nagngangalang
Manalang. Pilit ko siyang tinatawag sa pangalang Manalo. Siguro,
sampung beses akong nagkamali. Tapos bigla siyang tumayo sa
upuan niya sabay sabing, “Manalang ang aking pangalan! Hindi
Manalo! Manalang!”

Nagtawanan ang apat.

FADE OUT AND CUT TO:

EXT. SIMBAHAN – UMAGA

Naglalakad sina ALFREDO at ESPERANZA na magkahawak-kamay. Sweet si ESPERANZA kay ALFREDO


ngunit hindi niya pinapansin ang mga ginagawa niya. Binitawan ni ESPERANZA ang kamay ni ALFREDO.

ESPERANZA
(Naiinis)
What’s wrong Alfredo?

ALFREDO
What do you mean what’s wrong?

ESPERANZA
Don’t act like you don’t know.
Page 8 of 25

ALFREDO
Seriously Esperanza. I don’t know what you’re talking about.
I know I haven’t done something wrong.

Pumasok si ESPERANZA sa simbahan habang nagtataka si ALFREDO kung bakit ganoon ang kanyang asta.

ALFREDO (CONT’D)
Mga babae talaga...

CUT TO:

INT. SIMBAHAN – UMAGA

Naka-upo si ESPERANZA sa likurang bahagi ng simbahan habang palapit si ALFREDO na nag-s-sign of the
cross. Umupo siya malapit kay ESPERANZA—malapit, hindi katabi.

FADE IN AND OUT:

INT. SIMBAHAN – UMAGA

Bago pa matapos ang misa, tumayo si ALFREDO. Napatingin si ESPERANZA habang paalis si ALFREDO.

ESPERANZA
(Pabulong)
Alfredo... Alfredo...

Tumuloy-tuloy si ALFREDO at hindi pinansin si ESPERANZA.

CUT TO:

EXT. TIRAHAN NG MGA DEL VALLE – DAPIT-HAPON

Naglalakad si ALFREDO patungo sa bahay ng mga del Valle. Tumitingin siya sa kanyang dinadaanan.
Sumisipa siya ng mga bato mula sa daan. Nasa likod niya si JULIA na may dalang mga supot ng mga
pagkain.

JULIA
Alfredo?

Lumingon si ALFREDO at ngumiti. Lumapit siya kay JULIA at kinuha ang kanyang mga binili. Itinuloy ng
dalawa ang paglalakad patungo sa bahay.
Page 9 of 25

JULIA (CONT’D)
Salamat. At anong ginagawa mo sa oras na ito dito sa amin?
Kung hinahanap mo si kuya, wala siya—
ALFREDO
Hindi naman siya ang dadalawin ko, Julia.

JULIA
Kung hindi si kuya, si—

Napatigil si JULIA sa paglalakad. Nang napansin ni ALFREDO na hindi na niya kasabay si JULIA, lumingon
siya.

JULIA (CONT’D)
Alfredo, ako ba ang sinadya mo?

ALFREDO
Oo, Julia. Ikaw nga.

CUT TO:

EXT. PORTIKO NG MGA DEL VALLE – DAPIT-HAPON

Nakasandal si ALFREDO sa dingding. Lumabas si JULIA mula sa pintuan at umupo sa isang silya.

ALFREDO
Alam mo, Julia, tuwing dumadalaw ako rito, lagi kong nararamdaman ang—

JULIA
Aliw? Galak?

ALFREDO
Hindi. Pero medyo. May galak din naman. At aliw.

JULIA
Eh ano ba talaga ang nararamdaman mo?

ALFREDO
Ang aking kabataan—ang diwa nito...

Ngumiti si JULIA. Tumayo siya at pumunta sa barandilya, tumanaw sa daan na kani-kanina lang ay
tinahak nila ng sabay.
Page 10 of 25

JULIA
Gaano ka ba katanda Alfredo?

ALFREDO
...at ang mga lunggati ng puso.

Tumawa si JULIA. Lumapit si ALFREDO sa kanya. Mula sa likod, niyakap niya si JULIA.

ALFREDO (CONT’D)
Ang daang tinatanaw natin mula dito, ang daang maluwang,
niyapakan ng hindi mabilang na paa, ang daang tigang sa
misteryo.

JULIA
Misteryo... Ngunit pansamantala lamang ito hindi ba?

ALFREDO
Julia—

Umikot si JULIA at tinignan si ALFREDO sa mata. Hawak-hawak ni ALFREDO ang mga balikat ni JULIA.

ALFREDO (CONT’D)
Ako’y nahihiwagaan pa rin sa ‘yo, Julia.

Hinawakan ni JULIA ang mga kamay ni ALFREDO. Ibinababa niya ito ngunit hindi binibitawan.

JULIA
Ngunit ilang linggo na tayong magkakilala, Alfredo. Tiyak na
wala na ang mister—

ALFREDO
Kahit pa magkasama tayo magpakailanman, ika’y
mananatiling misteryo sa akin.

JULIA
Magpakailanman? Gusto mo akong makasama
habambuhay?

ALFREDO
Kung maaari, Julia.

Nagyakapan sina ALFREDO at JULIA.


Page 11 of 25

FADE IN AND CUT TO:

EXT. AZOTEA NG MGA SALAZAR – UMAGA

Makikita si DON JULIAN na nagbabasa ng pahayagan sa may azotea ng kanilang bahay. Lumabas si
CARMEN na may dalang kape na nasa tasa.

CARMEN
(Inilapag ang kape sa mesa)
Here’s your coffee, Papa.

DON JULIAN
(Hindi inalis ang tingin sa pahayagan)
Salamat, Carmen. Si Alfredo? Hindi pa yata bumababa.

CARMEN
Probably still inside his room, Papa. Reminds me, hindi pa
ba siya mag-aasawa?

DON JULIAN
(Isinantabi ang pahayagan)
Don’t rush them, Carmen.

Uminom ng kape si DON JULIAN.

DON JULIAN (CONT’D)


If what I’ve heard is right, I think Esperanza wants it to be
next month.

CARMEN
Bakit ba ang tagal nilang mag-decide? Lagpas kalendaryo na
ang edad ni Alfredo and yet he’s still a bachelor! Papa, ayaw
ko siyang matulad kay P-Noy.

Tumawa si DON JULIAN. Uminom ulit siya ng kanyang kape.

CARMEN (CONT’D)
By the way Papa, do you remember how much in love he
was?
Page 12 of 25

DON JULIAN
In love? Kanino?

CARMEN
Sino pa ba Papa? Eh di kay Esperanza! Anyways Papa, do
you remember nung kaka-engage pa lang nila laging
binibigyan ni Alfredo si Esperanza ng mga bulaklak,
tsokolate, tsaka kung ano pang mga regalo?

Tumango si DON JULIAN at uminom mula sa tasa.

CARMEN (CONT’D)
What do you think happened, Papa?

Ibinaba ni DON JULIAN ang tasa.

DON JULIAN
Siguro ganyan talaga ang mga taong matagal ng engaged.
Warm now, cool tomorrow. The very fact that an
engagement has been allowed to prolong itself argues a
certain placidity of temperament—or of affection—on the
part of either, or both.

CARMEN
Alam mo Papa, sa mga dunong mong ganyan, na-n-
nosebleed ako!

Tumawa ang dalawa. Lumabas si ALFREDO at hinalikan sa pisngi si CARMEN at si DON JULIAN.

ALFREDO
Alis na po ako Papa, tita.

Tumungo sa gate si ALFREDO nang tinawag siya ni CARMEN. Lumingon siya.

CARMEN
San ka pupunta Alfredo?

ALFREDO
Hindi ko po alam, tita. Nais ko sanang magliwaliw. Baka sa
mall, sa parke, ewan.

Lumakad muli si ALFREDO nang tinawag naman siya ni DON JULIAN.


Page 13 of 25

ALFREDO
Papa? Hindi niyo ba ako gustong paalisin?

DON JULIAN
Hindi naman, Alfredo. May ibibilin lang sana ako. Kung
sakaling makakapunta ka kina Dionisio, paki-sabing iniimbita
ko sila sa pagtitipon sa ating plantasyon. Imbitahan mo na
din si Julia.

Pagkarinig ni ALFREDO sa pangalan ni JULIA, siya’y napangiti. Nagpa-alam siya kay CARMEN at DON
JULIAN.

ALFREDO
(Pasigaw)
Sige po Papa! Pupunta ako doon bago maggabi!

CARMEN
(Nagtataka)
Papa, bakit ganoon siya mag-react nung sinabi mong
pumunta siya kina Judge del Valle? Ano bang meron dun?

DON JULIAN
Carmen, sabihin na lang nating masaya siya doon.

Itinuloy ni DON JULIAN ang pagbabasa ng pahayagan samantalang nagtataka pa rin si CARMEN.

CUT TO:

EXT. PLANTASYON NG MGA SALAZAR – UMAGA

Nagkukuwentuhan sina ALFREDO, DIONISIO, at DON JULIAN sa ilalim ng isang puno ng niyog.
Nakahawak sila ng tig-isang baso. Umiinom sila paminsan-minsan.

DIONISIO
Congratulations nga pala, hijo. Congrats sa upcoming
wedding mo.

Iniabot ni DIONISIO ang kanyang kamay at nakipagkamay naman si ALFREDO.

ALFREDO
Salamat, tito. Ang tagal nga pong hinintay ni Esperanza ito.
Page 14 of 25

DON JULIAN
Exactly. Three years?! Imagine that.

DIONISIO
Three years?! Wow, Alfredo. You two waited too long!

ALFREDO
It’s the right time, tito.

CUT TO:

INT. BAHAY SA PLANTASYON – UMAGA

Nag-aayos ng mesa sina CARMEN at JULIA.

CARMEN
So, ikaw pala si Julia?

JULIA
Opo, ma’am.

CARMEN
Ma’am? Just call me tita, hija. I don’t mind. Anyways, alam
mo Julia, you’re beautiful.

JULIA
Salamat po, tita.

CARMEN
I was just wondering kung bakit wala ka pang boyfriend.
May I ask, do you love somebody?

Napatigil ng saglit si JULIA, nagbuntong-hininga.

CARMEN (CONT’D)
Sorry. Hindi ko naman sinasadyang manghimasok sa love
life mo.

JULIA
Okey lang po tita. May mahal naman po ako eh. Kaso, hindi
ko siya maaaring mahalin.
Page 15 of 25

CARMEN
Ang sad naman ng love life mo. Pang-teleserye!

Nagtawanan ang dalawa.

CARMEN (CONT’D)
Tawagin ko lang yung mga boys ha?

Lumabas ng saglit si CARMEN at tinawag sina ALFREDO, DIONISIO, at DON JULIAN. Pumasok ng sabay-
sabay ang apat. Kumain sila.

FADE AND CUT TO:

EXT. DALAMPASIGAN – DAPIT-HAPON

Naglalakad sina ALFREDO at JULIA. Sumisipa si ALFREDO sa buhangin paminsan-minsan.

ALFREDO
Nag-enjoy ka ba?

JULIA
Sobra. Alam mo, parang sa Laguna lang dito. Pero siyempre,
walang baybaying ganito kaganda.

ALFREDO
Pagod ka na ba? Gusto mo munang umupo?

Umupo na lang si JULIA at hindi sumagot. Umupo din si ALFREDO sa tabi ni JULIA. Nakatanaw sa kagiliran
si JULIA habang nakatitig naman si ALFREDO sa mukha ni JULIA. Tinignan ni JULIA si ALFREDO na nabigla
at tumanaw naman sa kagiliran. Ngumiti silang dalawa. Ibinalik ni JULIA ang kanyang tanaw sa kagiliran.

JULIA
Ang ikli ng araw, hindi ba Alfredo? At sa tingin ko, eto na
ang huli kong pagbisita rito.

ALFREDO
Huli? Bakit Julia?

JULIA
Magiging okupado ka na sa mga bagay-bagay—pamilya,
trabaho siguro.
Page 16 of 25

Walang umimik ng ilang segundo.

ALFREDO
Julia?

JULIA
Hmm?
ALFREDO
Masipag ba ako?

JULIA
Oo. Ang mga taong tulad mo ay dapat masipag hindi ba? Hindi dapat
pagpawisan, ni hindi nga dapat tumigil upang huminga—

ALFREDO
Pero—

JULIA
Hindi nagmamadali. At laging kalmado.

ALFREDO
Ako ba talaga yan? Hmm. Sana nga ako.

Ngumiti si JULIA. Wala na namang umimik ng ilang segundo.

ALFREDO (CONT’D)
Alam mo, tama ka din. Masmasaya nga ang tao kung siya’y
kalmado at matiwasay na namumuhay.

JULIA
Gaya ng isang kalabaw sa putikan?

ALFREDO
(Gulat)
Kalabaw sa putikan?! Sino?! Ako?!

Nagtawanan silang dalawa.

ALFREDO (CONT’D)
Julia, nais ko sanang makita ang kinagisnan mong lugar.
Page 17 of 25

JULIA
Sa amin? Ano lang ba ang makikita mo doon? Mga liku-
likong lansangan, mga bubong na puno ng eletso. At
kalabasa. Madaming kalabasa.

ALFREDO
Yan ba ang wala? E ang dami na nga ng sinabi mo.

JULIA
Wala kaming mall. O bar. O restaurant. Wala.

ALFREDO
Eh nandoon ka naman, hindi ba?

JULIA
Ako? Eh nandito na ako sa tabi mo.

ALFREDO
Siyempre hindi ako pupunta doon hanggang nandito ka pa!

JULIA
O sige. Kung sakaling mapadpad ka doon sa amin, hanapin
mo ang Calle Luz. Mahahanap mo iyon. Huwag mo lang
tanungin kung saan nakatira si Binibining del Valle.

Nagtawanan sila.

ALFREDO
Tatanungin ko na lang kung saan nakatira ang
pinakamagandang babae sa bayan.

Nagngitian silang dalawa. Nang biglang pinalo ni JULIA ang braso ni ALFREDO.

JULIA
Binobola mo lang yata ako eh!

ALFREDO
Hindi! Totoo ang aking sinasabi Julia. Maganda ka talaga.

Ilang segundong hindi umimik ang dalawa.


Page 18 of 25

ALFREDO (CONT’D)
Bakit nga ba ulit sinabi mong hindi mo na madadalaw dito?

JULIA
Uuwi na ako sa Laguna, Alfredo.

ALFREDO
Kailan ka aalis?

JULIA
Bukas. Natanggap ko kahapon ang isang liham mula sa aking ama.

Nagbuntong-hininga si ALFREDO. Hinawakan niya ang mukha ni JULIA. Nang biglang tinawag sila ni DON
JULIAN mula sa malayo. Tumayo silang dalawa. Nagpagpag ng damit si JULIA habang tinitignan pa rin
siya ni ALFREDO.

JULIA
Alfredo...paalam.

Paalis na sana si JULIA nang biglang pinigilan siya ni ALFREDO. Lumingon si JULIA. Naglapait ang kanilang
mga mukha. Hinalikan ni ALFREDO ang noo ni JULIA.

ALFREDO
Paalam din, Julia. Ngunit sana’y magkita pa tayo.

FADE IN AND CUT TO:

EXT. SIMBAHAN – DAPIT-HAPON

Katatapos lamang ng misa. Lumabas si ALFREDO mula sa simbahan. Tumingin-tingin siya sa paligid. Nang
biglang natanaw niya sa di kalayuan si JULIA.

ALFREDO
(Gulat)
Julia?!

Napatingin sa direksyon ni ALFREDO si JULIA ngunit hindi niya ito napansin. Tumuloy si JULIA sa
paglalakad. Hinabol naman siya ni ALFREDO, paminsan-minsang tinatawag ang kanyang pangalan. Di
kalayuan mula sa simbahan, naabutan ni ALFREDO si JULIA.
Page 19 of 25

ALFREDO
(Hinahabol ang hininga)
Julia...

Lumingon si JULIA, gulat din ng makita si ALFREDO.

JULIA
Alfredo...

ALFREDO
Julia, akala ko bumalik ka na sa Laguna.

JULIA
Eh kasi pinakiusapan ako ni ate na manatili muna dito
hanggang handa na silang umalis.

ALFREDO
(Medyo okey na ang lagay)
Sasama ba si Judge del Valle?

JULIA
Oo.

ALFREDO
Ganoon ba?

JULIA
Ganoon nga. Nga pala Alfredo, binabati kita sa kasal mo.

ALFREDO
Salamat, Julia. Gusto mo bang dumalo sa aking kasal?

JULIA
Kailan ba?

ALFREDO
Sa susunod na buwan.

JULIA
Sa Mayo? Sabi nila buwan ng lubos na kasiyahan ang Mayo.
Page 20 of 25

ALFREDO
Sabi nila...dadalo ka ba, Julia?

JULIA
Alfredo, kung hindi lang kita kaibigan.

ALFREDO
So dadalo ka?

Tumango si JULIA at ngumiti si ALFREDO.

CUT TO:

EXT. TIRAHAN NG MGA DEL VALLE – GABI

Naglalakad sina JULIA at ALFREDO patungo sa bahay ng mga del Valle.

ALFREDO
Julia, naranasan mo na bang mamili sa pagitan ng paggawa
ng iyong nais at paggawa ng dapat mong gawin?

JULIA
Hindi pa. Bakit, Alfredo?

ALFREDO
Akala ko kasi, naranasan mo na nang malaman mo kung ano
ang pinagdadaanan ng isang taong gayon ang kinakaharap.

Hindi nakasagot si JULIA. Itinuloy nila ang paglalakad na walang umiimik.

ALFREDO (CONT’D)
Masuwerte ka, Julia...

JULIA
Itong— Itong taong ito, sigurado ba siya sa gagawin niya?

ALFREDO
Hindi ko alam, Julia. Maaaring hindi. Nahihirapan kasi siyang
magpasiya dahil hindi sa kanya nakasalalay ang desisyon.
Page 21 of 25

JULIA
Ngunit bakit— Bakit— Ano ba naman kasi ang alam ko?!
Problema naman niya iyon, hindi ba?

ALFREDO
(Nasaktan)
Hindi ka ba interesado?

JULIA
Bakit ako magiging interesado? Alfredo, kailangan ko ng
magpaalam. Sapat nang naihatid mo ako ng maayos.
Paalam.

ALFREDO
(Mababa)
Paalam... Julia...

FADE IN AND CUT TO:

INT. TIRAHAN NG MGA SALAZAR – GABI

Naka-upo si ESPERANZA sa sofa habang nagbabasa ng isang magasin. Tumitingin siya sa kanyang orasan
paminsan-minsan. Nang pumasok si ALFREDO, malungkot, ibinaba ni ESPERANZA ang babasahin at
sinalubong siya. Nagyakapan sila. Pina-upo ni ESPERANZA si ALFREDO sa tabi niya.

ESPERANZA
Is something wrong, Alfedo?

ALFREDO
Wala, Esperanza. Wala naman. Ba’t ka nga ba nandito?

ESPERANZA
Gusto ko lang sanang kumustahin ka.

ALFREDO
Balita ko, you fired Manang Calixta. Why’d you do that?

ESPERANZA
Si Manang?! Ha! Grabe! Nakikipag-live in sa hardinero ng
kapitbahay!
Page 22 of 25

ALFREDO
Eh ano ngayon, Esperanza?!

ESPERANZA
(Nagulat)
Alfredo? She’s a flirt! Gosh! Why are you very positive about
her badness? Alfredo, do you approve it?

ALFREDO
Approve what? Her actions? No.

ESPERANZA
Naman pala. Then why are you defending her?

ALFREDO
I’m not defending Manang. Besides, what I meant to say
was it’s not necesarrily wicked, is it?

ESPERANZA
Alfredo! You talk like— Like an immoral man! Hindi ko alam
na ganyan ang mga pinaniniwalaan mo sa buhay!

ALFREDO
My ideas? Esperanza, I’m just conducting the test of
fairness! May nasasaktan ba ako? Wala! Then I’m justified in
my conscience. Tama ako. Ang pakikipag-live in? Sus.
Maaaring mali nga, ngunit maaari din namang tama. The
problem with you Esperanza is that you are—

Sinampal ni ESPERANZA si ALFREDO. Nagsimulang umiyak si ESPERANZA. Sinuntok-suntok niya ang


dibdib at mga braso ni ALFREDO. Hindi na nakasalita si ALFREDO.

ESPERANZA
Ba’t ka ba nagagalit sa akin, Alfredo! Hindi kita
maintindihan! I think I know why you have been indifferent
to me lately. Tingin mo bulag ako?! Bingi?! Gosh, Alfredo!
Alam kong mga pinaggagagawa mo! Why don’t you speak
out frankly before it’s too late?! Bakit di ka umamin? You
need not think of me and of what people will say!
Page 23 of 25

ALFREDO
Yes... One tries to be fair—according to his lights—but it is
hard. Mas gugustuhin ng taong maging patas sa kanyang
sarili muna. Ngunit masyado itong madali. One does not
dare—

ESPERANZA
Anong ibig mong sabihin, Alfredo? Whatever my
shortcomings are, and alam kong madami para sa iyo, I have
never gone out of my way! Of my place! To find a man!

ALFREDO
(Humihingi ng tawad)
Esperanza— If you— suppose I—

ESPERANZA
Ano Alfredo?! Take back your word?! If you are tired of—
Why don’t you tell me you are tired of me?!

Sinampal niya muli si ALFREDO at umalis na ng kanilang bahay. Umupo na lamang si ALFREDO sa sofa at
tinakpan ang mukha ng kanyang mga palad.

FADE IN AND OUT:

EXT. TIRAHAN NG MGA SALAS – DAPIT-HAPON

Makikita si JULIA na naka-upo sa may bintana ng kanilang bahay kubo. Nakatanaw siya sa malayo, nag-
iisip ng malalim.

JULIA
Alfredo... Ikaw nga ba ang naririto? Alfredo...

Nakarating si ALFREDO sa bahay ng mga Salas.

ALFREDO
Magandang gabi!

JULIA
Alfredo?!

ALFREDO
Julia! Kumusta na?!
Page 24 of 25

JULIA
Papang! May pupuntahan ako saglit!

Lumabas si JULIA mula sa kanilang bahay at sinalubong si ALFREDO. Nagyakapan silang dalawa.

JULIA (CONT’D)
Alfredo. Ba’t ka naparito?

ALFREDO
May kailangan kasi akong asikasuhin.

JULIA
Gusto mo bang pumasok? Halika.

ALFREDO
Huwag na, Julia. Mas gusto ko yatang maglakad-lakad sa
dalampasigan niyo.

JULIA
Sige. Halika.

Tumungo sina JULIA at ALFREDO sa dalampasigan. Naglakad-lakad sila.

ALFREDO
Kumusta ka na, Julia?

JULIA
Mabuti naman, Alfredo. Masaya ako sa piling ni Papang.
Ikaw? Kumusta na kayo ni Esperanza?

ALFREDO
Mabuti naman. Masaya din. Sa katunayan nga,
manganganak na siya sa susunod na buwan.

JULIA
Talaga?! Binabati ko kayo. Gusto mong umupo? Panoorin
natin ang paglubog ng araw.

Umupo silang dalawa sa buhangin. Tumanaw sila sa kagiliran.


Page 25 of 25

JULIA (CONT’D)
Akala ko hindi na kita muling makikita. Buti na lang at
tinupad mo ang iyong pangako.

ALFREDO
Ako nga din, Julia. Akala ko hindi na tayo magkikita.

Isinandal ni JULIA ang kanyang ulo sa balikat ni ALFREDO. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at ngumiti.

ALFREDO
Alam mo, Julia. Pag kasama kita, ibinabalik mo talaga ang
diwa ng aking kabataan. Yun bang damdamin ng unang
pagmamahal? Tuwing gabi, hindi ko makalimutan ang iyong
mukha, ang tamis ng iyong mga ngiti, ang galak sa iyong
mga mata. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit hindi ko
ipinaglaban ang pagmamahal nating dalawa. Siguro dahil
ayaw kong mapahiya si Esperanza. Ayaw kong marinig ang
mga sasabihin ng ibang tao sa akin, sa amin, sa atin. O di
kaya’y isa lang akong tanga.

Hindi sumagot si JULIA. Nakatanaw pa rin si ALFREDO sa kagiliran. Ilang segundo ang lumipas nang
magsalita si ALFREDO.

ALFREDO (CONT’D)
Julia. Tila ang ating pag-iibiga’y parang mga patay na bituin
sa kalangitan. Matagal nang nawala ang liwanag ngunit
wari’y nasa itaas pa rin.

Wala pa ring sagot na narinig mula kay JULIA.

ALFREDO (CONT’D)
Julia... Mag-gagabi na. Julia...

Hindi umiimik si JULIA. Hinawakan ni ALFREDO ang kanyang mukha at siya’y nagulat. Pumikit si
ALFREDO, isang luha ang namutawi mula sa kanyang mata. Sa huling pagkakataon, niyakap ni ALFREDO
si JULIA na nawalan na ng hininga.

FADE TO BLACK

ROLL MAIN TITLE

You might also like