You are on page 1of 1

BALIMBING

Ang salitang BALIMBING ay may ibat-ibang kahulugan tulad nalang kung sinasabihan mo ang isang tao na balimbing na ibig sabihin ay doblekara. Ang balimbing ay isang uri ng punongkahoy na may hugis tatsulok ang limang gilid,tinatawag din itong AVERRHOA CARAMBOLA na maaaring gamitin bilang isang sangkap sa ibatibang potahe sa pagluluto,kagaya na lamang sa pagluto ng paksiw. Ang puno ng balimbing ay maliit hanggang katamtaman ang taas,karaniwang hindi tataas sa 5-12 metro. Kabilang ito sa pamilyang Oxalidaceae at kamag-anak ito ng kalamias o kamias. Madali itong patubuin at palakihin at maaring makita sa kahit saang lugar sa Pilipinas. Ang prutas nito ay karaniwang maberde,minsan manilaw-nilaw kapag hinog na at maari nang kainin,pwede din itong kainin ng puro-puro kahit hindi lutuin. Mataas ito sa bitamina B at C pati na rin sa Iron. Ang mga dahon at bulaklak naman nito ay ginagamit na halamang-gamot. Dahil sa anyo nitong may ilang gilid,ang prutas ng balimbing ay inihahalintulad sa mga baligtaring politiko at pinunong-bayan na madalas magpalit ng kinaanibang partido ayon sa inaakala nilang makukuhang-bayan na madalas dito. Ito ay karaniwang inihahalintulad sa mga politikong tao na hindi tapat sa kanilang panig dahil sa ang prutas nito ay maraming ibat-ibang mukha. Ang ganitong uri ng mga politico ay nakagawian nang bansagang balimbing. Sa ibang lugar ang balimbing ay tianatawag din bilimbi, bimbli, belimbing, blimbling, biling at bimbiri. Talagang kilala sa buong mundo ang balimbing ma salita man o prutas,isa ang pilipinas sa pinakamaraming balimbing na tumutubo sa ating lupain at sa ating congreso na napakaraming balimbing.

You might also like