You are on page 1of 39

Makabagong Metodolohiya sa pagtuturo ng Filipino sa Kolehiyo

ng mga mag-aaral sa Pasig Catholic College

Isang Pananaliksik na Iniharap sa Dalubguro


Sa Kolehiyo ng Edukasyon ng
Pasig Catholic College

Ni:
Mary Jane C. Castillo

Hulyo 2013

PAGKILALA

Ang mananaliksik ay malugod na nagpapasalamat sa mga


taong

tumulong

sa

kanyang

pananaliksik

upang

ito

ay

maisakatuparan.
Kay

Gng.

Aida

Jabilles,

ang

labraryan

at

sa

mga

namamahala dito na tumulong sa mananaliksik na makakuha ng mga


impormasyon sa silid-aklatan ng isang halimbawa ng tesis na
nailimbag.
Kina Teddy Villanueva at Manuel Olario sa pagtulong sa
pagsasaling wika ng mga impormasyong nakalap sa wikang Ingles.
Sa tagapayo, Gng. Marivic Solon na naging patnubay ng
pananaliksik na ito upang maiharap sa mga dalubguro ng edukasyon.
Ang mga taong nabanggit ng mananaliksik ay naglaan ng
oras at panahon upang ang pananaliksik na ito matapos ng maayos at
maging kapaki-pakinabang sa mga nangangailangan ng pag-aaral na
ito.

PAGHAHANDOG

Ang mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat sa Poong


Maykapal sa paggabay sa kanya upang maisakatuparan ang pag-aaral
na ito.
Sa mga magulang, upang ipagpatuloy ang pananaliksik
na kanyang pinaglaanan ng panahon upang maging maayos at
matagumpay.
Sa mga kaibigan niyang sina Jazelle Cena, Rica Canales,
Jenalyn Salinas at Angel Morales na nanghikayat sa kanya na gawin
ang pag-aaral na ito, isang pasasalamat.
Isang espesyal naman na paghahandog kay Teddy
Villanueva na naging

inspirasyon upang magkaroon ng pag-asa ang

mananaliksik na matapos ito na organisado at matapos sa lalong


madaling panahon.

ii

Kabanata 1
ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO

Panimula

Ang pananaliksik sa Makabagong Metodolohiya sa pagtuturo


ng Filipino sa Kolehiyo ng mga mag-aaral sa Pasig Catholic College
ay naglalayong mailahad ang mga metodolohiyang marapat gamitin sa
pagtuturo ng asignaturang Filipino sa mas higit nitong kapakinabangan
sa edukasyon.
Ang mananaliksik ay nagkaroon ng ideya upang pag-aralan
ang mga makabagong metodolohiya ng pagtuturo sa Filipino dahil sa
kanyang obserbasyon sa mga mag-aaral kapag ito na ang pinagaaralan, sila ay tinatamad makinig sa guro, hindi natututo sa mga
aralin at bumabagsak dito gayong ito ay itinuturo sa sariling wika. Ang
mga nasabing problema ay nagbigay sa mananaliksik ng kaisipan sa
pagsasaliksik ng mga makabagong metodolohiya na kung saan ang
mga problemang ito ay masolusyunan at malaman ang interes ng mga
mag-aaral upang ilahad sa mga guro o tagapamahala sa departamento
ng edukasyon na mabigyan ng pansin ang epektibong pagtuturo sa
Filipino.

Layunin ng pag-aaral na ito na mapag-aralan ang mga


karaniwang metodolohiyang ginagamit noon at kung ito ba ay dapat o
hindi na dapat pang gamitin sa pagtuturo upang mapaunlad ang mga
pamamaraan na naaayon sa panahon at panlasa ng mga mag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin
Minarapat alamin ng mananaliksik ang isang pag-aaral sa
makabagong metodolohiya sa pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo.
Sisikapin ng mananaliksik na sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.
1. Maunawaan ang kahalagahan ng paggamit ng makabagong
metodolohiya sa pagtuturo
2. Malinang ang wastong metodolohiya sa paksang tatalakayin
3. Mapalawak ang pagkatuto sa wikang Filipino na ayon sa
interes ng mga mag-aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Isang

pag-aaral

ang

isinagawa

tuklasin ang makabagong metodolohiya

ng

mananaliksik

upang

sa pagtuturo ng Filipino sa

kolehiyo. Ang mananaliksik ay pumili ng ilang mahahalagang bagay na


dapat isaalang-alang sa ikalulutas ng pag-aaral.
2

Anuman ang matuklasan sa pag-aaral na ito ay magsisilbing


patnubay at makakatulong sa mga sumusunod.
Sa mga Tagapamahala
Inaasahan na ang pag-aaral na ito ay higit na makatulong sa
tagapamahala ng paaralan upang mapaigting ang makabuluhang
pagtuturo

ng

asignaturang

Filipino

sa

pamamagitan

ng

mga

makabagong metodolohiya.
Sa mga Guro
Mahalaga ang pag-aaral na ito para sa ikauunlad ng
kaalaman ng mga guro. Ito ay nagsisilbing gabay sa pagpili ng mga
makabagong pamamaraan sa pagtuturo. Sa gayon, magagawa ng mas
makabuluhan ang kanilang diskurson sa paksang aralin. Isang
paraan ito na makapagdudulot ng produktibong pagkatuto ng kanilang
mga mag-aaral at matugunan ang nagpapabigat na suliranin na
kanilang hinaharap sa paguturo ng Filipino.
Sa mga Magulang
Sa mga magulang kinakailangan ang kanilang pagsubaybay
sa kanilang mga anak. Bigyan ng panahon at atensyon upang lubos na
madagdagan ang kanilang kaalaman hindi lamang sa pagpapalaki.
3

Subalit, marapat na maging bahagi sila sa pag usbong ng kaalaman


ng mga anak sa mga asignaturang kailangan ng modernong panahon,
bagkus mapahalagahan ang sariling pinagmulan.
Sa mga Mag aaral
Para sa mga mag aaral, pagtuunan ng pansin ang Filipino
sapagkat ito ang kanilang panitikan at kumikilala sa kanila bilang isang
Pilipino. Ang pagpapahalaga sa sariling wika ang siyang magiging daan
tungo sa ikatatagumpay at nagpapatunay ng lahing pinagmulan.
Bagaman, ang pagyakap sa wikang dayuhan ay marapat din malaman
ng bawat isa subalit hindi maaaring gawing dahilan upang kalimutan
ang kinagisnang literatura.

Pala-palagay

Ang mga metodolohiya ng pagtuturo ay hindi mabibigyan ng


katuturan kung hindi maalam ang isang guro.

Nasa guro ang ikagaganda ng mga metodolohiya

Ang paggamit ng makabagong metodolohiya ay hindi sapat kung


walang maayos na silid-aralan.

Ang tradisyonal na pamamaraan ng pagkatuto ay kailangan pa


rin upang mapaunlad ang pagkatuto ng mga mag-aaral

Ang patuloy na paggamit ng teknolohiya ay magiging sanhi ng


kawalan ng kakayahan ng isang guro dahil dito na lamang aasa
ang marami.

Sa edukasyon, ang marapat bigyang-pansin ay ang kakulangan


ng kagamitang panturo bago ang makabagong metodolohiya

Wala ni isa mang pamamaraan ang aangkop sa lahat ng magaaral.

Ang lalim ng pagkatuto ay nasa paraan ng pag-uugnay sa


nakaraan

Makabubuo
nakaraang

ng

makabuluhang

karanasan

at

ang

maiugnay sa iba pang disiplina.


5

pagkatuto

kung

makabagong

ang

karanasan

mga
ay

Sa pagtuturo ng mga metodolohiya, marapat na malawak ang


sakop nito upang ang mga impormasyon ay mabigyan ng
kahulugan.

Konsepto ng Pag-aaral
Independent Variable

Dependent Variable

Metodolohiya ng Pagtuturo
1. Paglalapat
2. Pamamaraan
3. Estratehiya

Makabagong Metodolohiya ng
Pagtuturo
1. Integrasyon na
pamamaraan
2. Aktibidad
3. Demonstrasyon na
Pamamaraan
4. Talakayan
5. Indaktiv at dedaktiv
6. Lekyur

Saklaw ng Pag aaral


Ang pag aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga
makabagong metodolohiya sa pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo.
Ang tumugon sa pag aaral na ito ay binubuo ng dalawampung
(20) mag aaral sa lahat ng antas na nagpakadalubhasa sa Filipino
ng Pasig Catholic College.
6

Pagbibigay Katuturan sa mga Katawagan

Aspeto. sangkap o bahagi


Daybergent. pagkakaroon ng sariling ideya mula sa kaalamang
natutunan
Disiplina. tumutukoy sa asignatura
Estratehiya. mga kagamitan na gagamitin sa pagtuturo
Hinuha. kaisipan sa paksa o pagbibigay ng konklusyon
Integrasyon. pag-uugnay ng dalawa o higit pang asignatura sa iisang
paksa
Konbergent. kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga
nakukuhang impormasyon
Lohikal. mahusay na pagsusuri, pag-aanalisa at pag-aaral ng mga
ideya
Lupon. isang grupo ng mga tao
Metodolohiya. pamamaraan sa pagtuturo
Pagsasalita. kasanayan ng pagkatuto na kung saan ginagamit ang
tunog sa pagbigkas ng mga salita
Paradigma. ang banghay o balangkas ng isang pag-aaral
Pilosopiya. pagmamahal sa karunungan
Punto de bista. opinyon o palagay
Teknolohiya. elektronikong mga kagamitan; pinagagana ng makina
Teorya. pag-aaral na mayroong basehan at napatunayan

Kabanata 2
KAUGNAY NA PAG AARAL AT PAGSUSURI NG MGA PANITIKAN

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng ilang pagsusuri sa


mga kaugnay na pag aaral. Sa pag aaral ay napag alaman na ito
ay may maitutulong sa bawat pangangailangan ng pang unawa sa
kahalagahan ng pagsasaliksik na ito. Sa kabanatang ito tatalakayin
ang independent variables na kung saan tumutukoy sa metodolohiya
ng

pagtuturo

at

ang

dependent

variables

ay

tumutukoy

sa

makabagong metodolohiya sa pagtuturo ng Filipino. Nakapaloob din sa


kabanatang ito ang presentasyon ng balangkas ng pananaliksik o
paradima at ang pagbibigay katuturan sa mga katawagan.

Independent Variables (Malayang Baryabol): Metodolohiya ng


Pagtuturo
Ang metodolohiya ay ang pamamaraan ng pagtuturo
ng isang guro sa kanyang paksa na kung saan mas medaling
mauunawaan sa pagtalakay.

Ayon kay Battle at Shannon (1968) ang metodolohiya


ay tumutukoy bilang isang hanay ng mga pamamaraan na natutupad
ayon sa ilang mga panuntunan.
Ayon pa rin kina Battle at Shannon, batay sa mga
naunang

nabanggit

na

talakayan,

ang

mga

sumusunod

ay

pangkalahatang pagpapalagay tungkol sa pamamaraan ng pagtuturo


ay ibinigay:
1. Ang pamamaraan ng pagtuturo ay isang organisado, may sistema
at mahusay na pamamaraan sa nakaplanong hakbang na naglalayong
magpabuti ng pagkatuto ng mga mag aaral.
2. Ito ay isasagawa ayon sa ilang mga panuntunan na kung saan ay
karaniwang sikolohikal, isinasaalang-alang nito lalo na ang kakayahan,
mga pangangailangan, at interes ng mga mag-aaral.
3. Ginagawa upang makamit ang ilang mga tukoy na layunin ng
pagtuturo. Upang gawin na isang epektibong instrumento at ito ay
kailangang maging presentable upang makamit ang mas mataas na
pagtuturo at pag-aaral kaya ang paglalaan ng oras at pagsusumikap.
4. Ito ay dumidirekta sa gabay ng guro at ng mag-aaral sa
pamamahala sa anumang klase ng aralin o gawain.

Pamamaraan ng Pagtuturo mula sa iba pang mga kaugnay na


termino
Isang karaniwang pagkakamali sa mga guro ay ang
gamitin ang mapaghahalinhinang termino tulad ng pamamaraan,
approach at technique. Ang tatlong (3) konsepto na ito ay may
kaugnayan sa isat isa subalit may natatanging silang kahulugang
tinataglay. Ang Dayagram sa ibaba ay nagpapakita ng kanilang
pagkakaiba:

Paglalapat
Pamamaraan
Estratehiya

Ang "paano" ng pagtuturo


(How of Teaching)

Batay sa dayagram na ito,

malinaw na nagpapakita na ang

isang Teknika o estratehiya (technique) ay isang bahagi ng isang


pamamaraan (method) at paglalapat (approach).
10

Ayon kay Allen at Campbell nilinaw nito na ang pagkakaiba


ng tatlo sa How of Teaching ay:
1.

Ang

estratehiya

pamamaraan

at

wala

ay

hindi

din

maisasakatuparan

mabubuong

kung

paglalapat

walang

kung

hindi

magagawa ang isang method o pamamaraan.


2. Ang istratehiya ay isang hanay ng mga pagpapalagay upang
maiugnay sa proseso ng pagtuturo. Pagiging malinaw na kung saan ito
ay naglalarawan sa likas na katangian ng paksa na itinuro. Ito rin ay
nagpapahayag ng isang punto de bista at pilosopiya.
3. Ang paglalapat ay isang pangkalahatang plano para sa maayos na
presentasyon ng isang aralin, Ang paglalapat ay isang pamamaraan na
kung saan sa loob ng isang isyratehiya, maaaring magkaroon ng
maraming mga pamamaraan o method.
4. Ang istratehiya ay isinasagawa ng aktwal sa silid aralan.

Pag uuri ng mga Pamamaraan sa Pagtuturo


Ayon naman kay Kilgore, ikinategorya ang estilo ng pagtuturo
sa dalawang pangunahing paraan: 1. direkta at 2. hindi direktang mga
pagtuturo.
Sa direktiya, tinutukoy ang kahusayan ng pagtuturo kung saan ang
guro ay nagbibigay ng mga bagong o mga karagdagang impormasyon
sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng lektyuring, pagpapakita ng
isang pelikula o filmstrip, o pagkuha ng isang pild trip o field trip.
11

Ang hindi direktang mga pagtuturo ay nagbibigay lamang ng


direksyon sa mga guro sa pagpili ng angkop na pamamaraan na kung
saan ang mag-aaral ay magiging aktibo. Halimbawa: paglalaro ng mga
laro

na

may

kaugnayan

sa

paksa,

mga

pangkatang

gawain,

pagtatanong, pagsasanay, at laboratoryo.


Ayon pa rin kay Kilgore, may isa pang paraan ng pag-uuri ng
pamamaraan ng pagtuturo na lalong binigyang-diin ang pagkuha ng
kaalaman (katalusan) ay kung ang mga ito ay nagtatagpo sa isang
kaalaman tungo sa bagong ideya ng pagkatuto. Ito ay ang konbergent
at daybergent.
1. Ang konbergent ay ang pagkakaroon ng kaalaman ng mga magaaral sa pamamagitan ng mga nakukuhang impormasyon.
2. Sa daybergent naman ay sinasabi na ito ay ang pagkakaroon ng
sariling

ideya

mula

sa

kaalamang

natutunan.

Pagkakaroon

kahulugan at pagkakabuo ng mga kaisipang makabuluhan.


Narito ang mga kategorya ng mga Metodolohiya ng Pagtuturo:
Mga Metodolohiya
1. Indaktiv and Dedaktiv
2. Lektyur
2.1 Pagbabalangkas
2.2 Pangkatan
2.3 Kapanunuran
2.4 Kahalagahan
2.5 Paglilipat
12

ng

3. Talakayan
3.1 Pangkatang Gawain
3.2 Partisipasyon
3.3 Pagtuturo
3.4 Diskurson ng Lupon
3.5 Resitasyon
3.6 Interbiyu
4. Pag uulat
4.1 Maramihan/Pangkat pangkat
4.2 Isahan
4.3 Pagbabasa ng kwento
5. Pagsisiyasat
5.1 Laboratoryo
5.2 Paghahawi ng Sagabal/ problem-solving
5.3 Pananaliksik
5.4 Field Study
5.5 Experimento
6. Aktibidad
6.1 Proyekto
6.2 Field trip
6.3 Dramatisasyon
6.4 Pagsasadula/Role playing
6.5 Pagtatalas - Isip
6.6 Debate
13

7. Demonstrasyon/ Pagpapakita
7.1 Gawain ng Guro
7.2 Gawain ng Mag aaral
7.3 Gawain ng guro at mag aaral
7.4 Pag imbita ng Tagapagsalita
8. Indibidwal na Gawain
8.1 Epektibong Pagtuturo ng paksa
8.2 Kaalaman sa paggamit ng Pagkatuto
9. Integrasyon
9.1 Lektyur talakayan
9.2 Demonstrasyon lektyur
9.3 Pagpapanuod (Film-showing)
9.4 Pag uulat
10. Tradisyonal
10.1 Mga aklat panturo
10.2 Pangkalahatang Gawain ng guro
10.3 Pagsasaulo
3. Ang pagbabago ng pamamaraan ng pagtuturo ay maisasakatuparan sa
mabisang pagpaplano.
- Ang isang guro ay marapat na magkaroon ng wastong
pagpapasya bago gawin ang isang bagay sapagkat kinakailangan
nitong bigyang pansin ang mga bagay na maaaring maging sagabal sa
pagsasakatuparan ng nilalayong kaayusan ng pagtuturo.
14

4. Ang isang guro ay hindi marapat gumamit ng iisang metodolohiya


hanggang sa huli.
- Ang paggamit ng isang metodolohiya ay hindi maaaring
gamitin ng paulit-ulit upang malinang ang kakayahan ng mga magaaral at maiwasan ang kawalan ng interes ng mga mag-aaral. Mainam
na gumamit ng ibat ibang metodolohiya upang ang mas higit na
mapalawak ang pagkatuto.
5. Ang kahusayan ng guro sa pagtuturo.
- Ang isang kaalaman ay nabibigyan ng malalim na kahulugan
kung ang guro ay may mahusay na pamamaraan. Ang tatlong
karanasan ng pagkatuto na marapat gawin ay ang pagkakaroon ng
aktwal

na

pagkatuto

na

kung

saan

ang

mga

mag-aaral

ay

magkakaroon ng pagdiskubre sa isang bagay, pangkatang gawain at


indibidwal na gawain na naaayon sa kanilang kakayahan.
6. Pagkakaroon ng magkaparehong pagpapahalaga estratehiya ng pagtuturo
sa estratehiya ng pagkatuto.
-

Ang

mga

estratehiya

sa

pagtuturo

ay

kinakailangang

nakadepende sa pagkatuto upang ito ay maging ganap na epektibo sa


mga mag-aaral.
15

7. Ang paggamit ng isa mang pamamaraan sa pagtuturo ay nakapagbibigay


ng maraming kapakinabangan.
8. Ang bawat isang pamamaraan ay hind dapat nakatuon sa iisang
kaalaman.
- Ang mahusay na pamamaraan ay nakagagawa ng ibat ibang
produkto ng pagkatuto na kung saan ang mga bagay-bagay ay
naiuugnay sa isa pang kaisipan na nakapagbibigay ng iba pang ideya.

Dependent

Variable

(Di-malayang

baryabol):

Makabagong

Metodolohiya sa Pagtuturo

Ang mga makabagong metodolohiya ay inuugnay sa patuloy na


paglinang ng kakayahang modernismo na kung saan ang paggamit ng mga
teknolohiya ay mabilis na naipakalat sa buong mundo.
Ayon kay Madula (2009), ang makabagong metodo, estratehiya at
teknika ay naaayon sa takbo ng panahon. Ibig sabihin, nababago ang mga
pamamaraan

ng

pagtuturo

sa

paglipas

ng

mga

henerasyon

manatiling buhay at makabuluhan ang pagtuturo ng isang guro.

16

upang

Sa

kagawaran

ng

edukasyon,

si

madula

ay

nabigyan

ng

pagkakataon na magkaroon ng seminar worksyap sa paaralan ng De La Salle


ng Maynila. Nilalayon nitong maturuan ang mga guro ng wastong paggamit
ng mga makabagong metodo upang maging mahusay na tagapagturo ng
mga kaalaman lalong higit sa pagtuturo ng asignaturang Filipino.

Ang mga makabagong Metodolohiya sa Pagtuturo ng Asignaturang


Filipino

1. Integrasyon na Pamamaraan

Ayon sa edukasyonal ng sikolohiya, ang layunin ng edukasyon


ay linangin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa isang paksa tungo sa
malawak na kaisipan. Ang pagsasanib ng dalawang asignatura na may
kaugnayan sa isat isa.

Ayon pa rin dito, ang mga mag-aaral ay kinakailangang


maiugnay ang paksa sa ibang ideya na kung saan ang intektwal, pisikal,
sosyal, emosyonal, at ispiritwal na aspeto ng pagkatao ay patuloy na
magamit tungo sa maayos nitong pag-unlad. Noong 1960, mayroong
tinatawag na integration process na kung saan ang mga mag-aaral ay
binibigyan ng konkretong pagkatuto sa pamamagitan ng mga sumusunod:

17

1. Ang mga mag-aaral ay nakakapag-organisado at nagkakaroon


ng makabuluhang katunungan tungo sa ideyang nabuo sa kanilang kaisipan.

2. Nakakapagplano ng mga aktibidad na makasasagot sa mga


katungang inilahad.

3. Naisasagawa ang mga aktibidad na naiplano

4. Ang mga nagawang aktibidad ay nakapagdudulot sa kanila ng


karagdagang karanasan sa pagkatuto.

Ang mga teknika ng integrasyon na pamamaraan ay ang mga sumusunod:

1. Lektyur talakayan
- Tumutukoy sa pagsulat ng mga mag-aaral at ang
pagpapalitan ng mga ideya nito sa guro. Sinasabi sa kagawaran ng
edukasyon, ang layunin ng paaralan ay malinang ang kakayahan ng mga
mag-aaral at magkaroon ng pagkakataon na maibahagi ang kanyang
kaisipan at mapakinggan ng kapwa mag-aaral at ng kanyang guro.
Ang

pagsusulat

at

pakikinig

ay

ang

tradisyonal

na

pamamaraan ng pagtuturo na ngayon ay hindi na pinapayagan sa edukasyon


sapagkat ang pagtuturo ay mabibigyang katuturan at kahulugan kung ito ay
may pagtutulungan sa pagitan ng guro at ng mag-aaral.
18

2. Demonstrasyon lektyur
-

Sa

aklat

ng

Principles

of

Teaching

ang

demonstrasyon ay kailangan upang maipakita ng makatotohanan ang


paksang tinatalakay. Narito ang hands on sa asignaturang kompyuter na
kung saan ang mga mag-aaral ay malayang naisasagawa ang natutunan sa
aralin. Ang kombinasyon rin ng lekyur ay nakatutulong sa pagbibigay diin sa
mga mahahalagang impormasyon.
3. Pagpapanuod (Film-showing)
- Sa patuloy na paghahanap ng kasagutan sa pagtugon
ng makabagong metodolohiya sa pagtuturo, ang mga teknolohiya ay nalikha
bilang midyum ng mga kaalaman at ito ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng
pagtuturo. Ang pagpapanood ng mga drama, videos at iba pang maaaring
maiugnay sa paksang tinatalakay ay naghahatid ng makabuluhang pagkatuto
lalong higit sa mga mag-aaral na may kahusayan sa biswal na aspeto.
4. Pag uulat
- Ang pag-uulat ang siyang mahalagang pamamaraan
na sinabi ni Garcia (1989) sapagkat ang pagsasalita ng mga mag-aaral ay
nabibigyang pansin upang maging mahusay na tagapagsalita.

19

2. Aktibidad
- Ang popular na prinsipyo ng pagtuturo ay ang Learning is by
doing na nangangahulugang ang pagkatuto ay naisasagawa sa mga gawaing
kapaki-pakinabang

na

magkakaroon

ng

mahalagang

karanasan

ng

pagkatuto.
Narito ang mga teknika sa aktibidad na pamamaraan:
1. Proyekto
- Maraming nagsasabing ang proyekto ay ang tapos
na gawain na kung saan nilikha ng isang indibidwal. Ngunit, ang proyekto ay
hindi lamang natatapos sa paglikha ng isang bagay kundi tumutukoy sa
gawaing pangkalahatan. Sa pagbibigay kalinawan ng proyekto, sinabi ni
Kilpatrick, isang dalubguro, at pilosopiya ang apat na uri ng proyekto. Ito ang
mga sumusunod:
1.1 Proyektong konstruksyon ang paglikha ng isang
bagay o isang modelo tulad ng paggawa ng isang
laruan.
1.2 Proyektong panglibangan ang isang indibidwal ay
Nagsasadula sa mga tanghalan at programa.
20

1.3 Proyektong Pangsuliranin Tumutukoy sa


pakikipagkompetensya ng mag-aaral sa klase, sa
mga programang pampaaralan at pagsagot sa
mga pagsusulit.
1.4 Proyektong Pagkatuto Narito ang paggamit ng
mga teknolohiya, isahang pagtuturo o maramihan
(tutoring) at pagsama sa mga organisasyon.

2. Field trip Ang teknikang ito ay naisasagawa ng may


mahusay na pagpaplano. Nagbibigay ng oportunidad sa mga mag-aaral na
matuto sa labas ng silid-aralan. Sa pag-aaral nina Renner, Staffold at Ragan,
ang pagkatuto ay marapat na may aplikasyon ng sosyal na aspeto upang ang
mga mag-aaral ay magkaroon ng pag-aanalisa, pagtataya at paghinuha.
3. Dramatisasyon Sa mga pag-oobserba, ang mga magaaral ay napag-alamang mas natututo kung ito ay naipapakita sa pag-arte.
Sa katotohanan, ang mga lokal na sikolohiyang mananaliksik ay naglahad na
ang

dramatisasyon

ay

naaayon

sa

kasalukuyang panahon.
21

interes

ng

mga

mag-aaral

sa

4. Pagsasadula/Role playing Ito ay nahahawig sa


dramatisasyon na kung saan ang mga mag-aaral ay nagsasadula o
nagtatanghal sa entablado. Ngunit, ang pinagkaiba ng dalawang teknika ay
ang role-playing ay isinasagawa na mayroong kasuotan, paggamit ng mga
bagay upang mapaganda ang presentasyon.
5. Pagtatalas - Isip Sinasabi ni Good (1973) na ang
pagtatalas-isip ay ang teknika na kung saan ang mga mag-aaral ay nalayang
nakasasagot sa mga katungan upang mahawi ang mga sagabal ng aralin. Ito
ang pag-iisip na naaayon sa kanilang hinuha upang ibahagi sa klase.
Ayon pa rin sa kanya, ito ay may mga katangiang tinataglay:
5.1 Ang teknika ay nakasentro sa suliranin
5.2 Ang mga kasagutan ay malayang tinatanggap
bilang isang opinyon
5.3 Sa mga opinyon, kukuha ng isang akmang
kasagutan
5.4 Binigyang halaga ang kasagutan ng lahat
6. Debate Isang pormal na presentasyon ng pagtatalo ng
dalawang grupo sa paksang tinatalakay.
22

Layunin nitong ilahad ang mga makatotohang impormasyon


upang ang mga manunuod ay magkaroon ng ideya kung ano ang papanigang
isyu sa pinapaksa. Sa debate, ang mga kalahok ay binibigyan ng parehong
oras, pagsasalita at paglalahad ng kanilang nakalap na impormasyon upang
idepensa ang kanilang panig sa mga manunuod. Kinakailangan itong may
basehan upang ang ugat ng suliranin ay maipakita ng makatotohanan.
Sa pag-aaral, ito ay kailangan upang ihanda ang mga magaaral sa pagsasalita, pagbabahagi ng kaalaman, mahusay na pag-aanalisa at
tagapakinig na kung saan ang epktibong komunikasyon ay mabigyang-pansin
na kanilang magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.
3. Demonstrasyon na Pamamaraan Ang teknika na nagbibigay ng
makatotohanang pagkatuto. Ang mga mag-aaral ay hinihikayat na matuto sa
pamamagitan ng paghawak ng aktwal sa modelo tulad ng mga globo sa
asignaturang Hekasi, aktwal na eksperimento sa agham na ginagawa sa
laboratoryo at marami pang iba.
Ibinigay

naman

ni

Good

ang

kahalagahan

demonstrasyon na pamamaraan:
3.1 Ito ay higit na mabisa kaysa sa pagsasalita
3.2 Nilalayon nitong ipakita ng makatotohanan ang
mga itinuturo sa konkretong paraan.
23

ng

3.4 Ang mga mag-aaral ay magkaroon ng


obserbasyon at malalim na pagkaunawa sa
paksang tinatalakay na hindi magagawa lamang
sa pagsasalita.
4. Talakayan Ang pagbabahagi ng kaalaman sa pagitan ng guro at mga
mag-aaral. Ayon sa aklat na Facilitating Learning, ang mahusay na guro ay
may kakayahang gawing interaktibo ang kanyang klase. Ibig sabihin, ang
mga mag-aaral ay mayroong pagkakataon na makipagpalitan ng ideya sa
guro at kapwa mag-aaral. Ayon sa pag-aaral, lumalabas na ang talakayan ay
nakapagbibigay ng makabuluhang pagkatuto at makabagong karanasan sa
guro at sa mga-aaral.
Ang talakayan ay maisasagawa sa mga sumusunod na
pamamaraan:
1. Pangkatang talakayan
2. Pangkalahatang talakayan
3. Lupon na talakayan
4. Talakayan sa klase
5. Resitasyon
6. Interbyu
24

5. Indaktiv at dedaktiv
1. Indaktiv Ito ay nagsisimula sa ispesipiko papunta sa
pangkalahatan (specific-general).
Ang guro ay nagbibigay ng mga halimbawa tungkol sa paksang
kanyang tatalakayin sa mga mag-aaral. Narito ang pagkakasunod-sunod ng
paradima ng indaktiv na pamamaraan.
1. Pagbibigay ng mga halimbawa
2. Pagbibigay ng mga aktibidad
3. Paglalahad ng hinuha o konklusyon ayon sa
mga teorya na nadiskubre ng mga mag-aaral.
Sa pamamaraan na ito, ang mga mag-aaral ay malilinang ang
tatlong Es ng pagkatuto. Ito ang Explore, Exposure at Experience na sa
tagalog ay: Paggalugad, pagpapakita at pagkakaroon ng karanasan. Bukod
dito, ang kurikulum ng edukasyon ay mas higit na nalilinang na nagiging
daan sa mataas na kalidad ng pagkatuto. Ayon kay Tandingan, ang mga
mag-aaral ay kinakailangang may matutunan bago ito lumabas ng silidaralan. Idinagdag pa niya na ang pagpapangkat-pangkat sa mga mag-aaral
ay dapat naaayon sa kakayahan ng kanilang pagkatuto. Mula sa magaling
hanggang sa hindi gaanong magaling na maaaring pagsamahin ang upang
maturuan ang bawat isa. Ito ay ang Cooperative Learning Group.
25

2. Dedaktiv Ito ang kabaliktaran ng indaktiv na pamamaraan.


Ang guro ay nagsisimula sa pagbibigay ng mga alituntunin, impormasyona at
teorya. Mula dito, siya ay magbibigay ng mga pagsasanay at kasunod ang
konklusyon o hinuha ayon sa alituntuni, impormasyon at teorya.
Ang

mga

impormasyon ay hinihimay-himay

upang ang

malaman ang pangkalahatang kaisipan ng paksang tinatalakay. Madalas


itong nagsisimula sa mga katunungan sa paksa.
6. Lekyur Ang pamamaraan na ito ay tumutukoy sa presentasyon ng mga
mahahalagang impormasyon. Ang pagsulat ng mga ideya o kaisipan ang
nagbibigay ng kahalagahan sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Narito ang mga
paglilinaw sa aralin at pagtanda sa mga ideyang marapat malaman sa
matutunan.

Katulad ng ibang mga pamamaraan sa pagtuturo, ang lektyur


ay may mga hakbangin bago isagawa. Ito ang mga sumusunod:

1. Preparasyon sa lektyur

2. Panimula sa lektyur

3. Pagbibigay sa nilalaman ng lektyur

4. Konklusyon ng lektyur
26

Basehang Paniniwala

Sa pag-aaral na ito, ang mga makabagong metodolohiya na patuloy


na napahahalagahan ay nakalap at nabigyang kasagutan kung aling metodo
o pamamaraan ang marapat gamitin ng mga guro upang makuha ang
intensyon ng mga mag-aaral sa pagkatuto. Ang paradigmang nasa ibaba ang
binigyang basehan sa paniniwala ng pag-aaral na sinaliksik ng mananaliksik
upang maipabatid sa mga guro ang lumabas na datos ng pangangalap ng
kagamitan sa mga makabagong metodolohiya.

Paradigma ng Pananaliksik
Independent Variable
Metodolohiya ng Pagtuturo
1. Paglalapat
2. Pamamaraan
3. Estratehiya

Dependent Variable
Makabagong Metodolohiya ng
Pagtuturo
1.
2.
3.
4.
5.
6.

Integrasyon na pamamaraan
Aktibidad
Demonstrasyon na Pamamaraan
Talakayan
Indaktiv at dedaktiv
Lekyur

27

Kabanata 3
PAMAMARAANG GINAMIT
Sa kabanatang ito napapaloob ang mga pamamamaraang ginamit ng
mananaliksik upang makakuha ng sapat na impormasyon na kinailangan
upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito. Nakapaloob din ang mga
hakbang

na

isinakatuparan

ng

mananaliksik

at

mga

pamamaraang

istadistikang ginamit.
Pananaliksik na Ginamit
Ang mga pamamaraang ginamit ng mananaliksik upang makatipon ng
mga datos ay ang survey method. Ang mananaliksik at nangalap ng mga
datos sa pamamagitan ng pagbibigay ng talatanungan na kung saan ang
mga mag-aaral na nasa kursong edukasyon ay pumili ng mga angkop na
metodolohiya sa pagtuturo ng Filipino.
Paraan ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng paraang paglalarawan
(descriptive method) dahil ito ay ginawa sa kasalukuyan at gumamit ng
surbey na pamamaraan.Ang nasabing uri ng pananaliksik ay tumuklas sa
mga makabagong metodolohiya sa pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo sa mga
mag-aaral ng Pasig Catholic College. Pinili ng mananaliksik ang paaralan na
ito upang mas maharap ang pag-aaral na ito sa madaling paraan ng
paghahagilap ng mga respondenteng kumukuha ng kursong edukasyon.
28

Pangkalahatang Kabuuan at Halimbawa


Ang mga tumugon sa pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral ng
Pasig Catholic College. Ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa
departamento ng kolehiyo ay dalawampu na nagpapakadalubhasa sa Filipino
at mga nasa elementarya. Ang kabuuan ng mga mag-aaral na kumukuha ng
programang edukasyon ay siyamnapung mag-aaral (90). Ang dalawampu
dito ang tumugon sa pananaliksik na ito.

Pamamahala sa mga Talatanungan


Ang mananaliksik ay naghanap ng mga mag-aaral na kumukuha ng
kursong edukasyon sa Pasig Catholic College. Magkahalo ang tumugon sa
talatanungan upang makakuha ng mga datos, ang mga nagpapakadalubhasa
sa Filino na magtuturo sa sekondarya at mga magtututuro sa elementarya.
Ipinaliwanag ang mga nilalaman ng talatanungang napapaloob sa survey
method na ginawa ng mananaliksik.

Pagtalakay sa Istatistika
Upang higit na maunawaan ang mga nalikom na mga datos ang mga
sumusunod ay gagamitin: (Frequncy) sa bilang ng mga mag-aaral,
(respondent) sa kabuuang bilang ng kasali sa pag-aaral at iminutiplika sa
100 (constant value).
29

Na ang ibig sabihin ay:


P (Percentage) bahagdan
F (Frequency) kadalasan, kalimitan
N (Numbers of respondent) bilang ng mga nagsitugon
100 (constant value)

Susuriing mabuti ng mananaliksik at bibigyang kahulugan ang mga


nalikom na datos. Ayon sa pormulang ito na nasa ibaba:

Wtd mean = ( F x r )
N
Wtd = weighted mean
F frequency
- summation of frequency
R rating of options
N number of student

30

Talahanayan ng Pananaliksik 1:

Mga Metodolohiya

Kadalasan

Bahagdan

(Frequency)

(Percentage)
%

1. Indaktiv and Dedaktiv

17

85%

2. Lektyur

17

85%

3. Talakayan

18

90%

4. Pag uulat

15

75%

5. Pagsisiyasat

20%

6. Aktibidad

19

95 %

7. Demonstrasyon/
Pagpapakita
8. Indibidwal na Gawain

18

90%

13

65%

9. Integrasyon

20

100%

10. Tradisyonal

40%

x 100 = %
N

Sa talahanayan na ito, lumabas na ang mga makabagong


metodolohiya sa pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo ay ang mga sumusunod:

31

Talahanayan 2:

Mga Makabagong Metodolohiya

Bahagdan (Percentage)

Integrasyon

100%

Aktibidad

95%

Demonstrasyon

90%

Talakayan

90%

Indaktiv at Dedaktiv

85%

Lektyur

85%

Konklusyon:
Ang anim na makabagong metodolohiya sa pagtuturo ng
Filipino sa kolehiyo ay lumabas sa pananaliksik sa pamamagitan ng
pangangalap ng datos. Sinasabi ng dalawang talahanayang ipinakita sa itaas
na

ang

mga

sumusunod

na

metodolohiya

ay

ang

naoobserba

sa

kasalukuyang kurikulum ng edukasyon.


Sa kabilang dako naman ng pananaliksik, ang mababang
bahagdan ay nakuha ng mga sumusunod na metodolohiya: pagsisiyasat,
tradisyonal, indibidwal na dawain at pag-uulat.

32

Rekomendasyon:
Ang

mananaliksik

ay

napag-alamang

nasa

mga

metodolohiyang ginagamit ng bawat guro ang interes ng mga mag-aaral


upang

mag-aral

at

magkaroon

ng

makabuluhang

pagkatuto.

Ang

mananaliksik ay nagbibigay lamang ng mga datos kung paanong ang mga


guro, tagapamahala ng paaralan, mga nasa departamento ng edukasyon, sa
mga magulang at sa mag-aaral na makipagtulungan sa mas higit na
ikauunlad ng pagtuturo at maitaas ang kalidad ng pagkatuto hanggang sa
susunod pang henerasyon. Ang metodolohiyang lumabas sa pag-aaral ay
dapat na malinang sa mga tagapagturo ng kaalaman upang ito ay
mapakinabangan sa pamumuhay ng mga nagnanais na magtagumpay.

33

TALAAN NG MGA NILALAMAN

Pagkilala at Pasasalamat
Paghahandog
Talaan ng Nilalaman

i
ii
iii

Kabanata
1. ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO

1-2

Panimula
Paglalahad ng Suliranin

Kahalagahan ng Pag-aaral

2-4

Assumption Pala-palagay

5-6

Konsepto ng Pag-aaral

Saklaw ng Pag-aaral

Pagbibigay katuturan sa mga Katawagan


2. KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

7
8

Independent Variable (Malayang Baryabol)

8-16

Dependent Variable (Di-malayang Baryabol)

16-27

3. PAMAMARAANG GINAMIT

28

Pananaliksik na Ginamit

28

Paraan ng Pananaliksik

28

Pangkalahatang Kabuuan at Halimbawa

29

Pamamahala sa mga Talatanungan

29

Pagtalakay sa Istatistika

29-31

Konklusyon

32

Rekomendasyon

33

Talasanggunian

iii

TALASANGGUNIAN

Mga Aklat
Garcia, M.B. (1989).Focus on Teaching.Quezon City:
Rex Printing Company, Inc.
Gregorio, H.C. (1976).Principles and Methods of Teaching.Quezon City:
Garotech Publishing.
Landizabal,A.S., Bustos,A.S., Bucu,L.C. & Tangco,M.G. (1995).Principles and
Method of Teaching.Quezon City: Phoenix Publishing House,Inc.
Salandanan,G.G. (2007).Elements of Good Teaching.Metro Manila:
Lorimar Publishing Inc.
Salandanan,G.G.(2012).Methods of Teaching.Metro Manila:Lorimar Pub. Inc.

Jornals
Adelaida,G.(2013).Without a play,education for young
children is boring. The Modern Teacher. Vol.62.no.01.
Miguel,J.T.(2011).Teach the children the proper use of TV, Video games and
computer.The Modern Teacher.Vol.LX.no.7.
Moreno,A.F.(2013).Motivation and theories.The Modern Teacher.
Vol.61.no.08.

You might also like