You are on page 1of 7

*5 KSP Balita tungkol sa Eleksyon 2016*

=MAY mga balitang pinag-aaralan na ng Bureau of Customs (BoC) na buhayin ang fuel marking
program.
Ang programa ay naglalayong masawata ang smuggling. Kung maipapatupad ang marking program
ay gaganda rin ang koleksiyon ng import duties at taxes.
Ayon sa report, balak daw ni BoC Chief Alberto Lina na ilabas sa susunod na buwan ang terms of
reference para sa gagawing bidding na kung saan pipiliin ang kompanyang magpapatupad sa
programa. Sinabi pa ni Lina na kukunsultahin niya ang mga BoC stakeholder tungkol sa pagbuhay sa
programa.
Matatandaan na dati nang ipinatupad ng BoC ang programang ito. Ang SGS Philippines, Inc. noon ang
service provider. Pero kalaunan ay inihinto rin ang pagmamarka ng mga imported duty and tax-exempt
diesel oil at kerosene.
Ang balak ngayon, ayon sa report, ay markahan ang lahat ng kargamentong bayad na ang duties
kasama na ang mga locally refined oil. Ang tingin natin ay aalma dito ang mga kompanya ng langis
dahil gagastos sila sa gagawing pagmamarka ng mga kargamento.
=Good news para sa mga exporter pero bad news sa mga taga-BoC. Nagkasundo na ang mga
miyembro ng World Trade Organization (WTO), kabilang na ang Pilipinas, na alisin na ang taripa na
ipinapataw sa 201 Information Technology (IT) products.
Ang mga produktong sakop ng agreement ay kinabibilangan ng new generation semiconductors, GPS
navigation systems, medical products, machine tools for manufacturing printed circuits, touch screens
at telecommunications satellites.
Ayon sa WTO records, ang Pilipinas ay 13th largest exporter at 17th largest importer ng IT products sa
buong mundo. Sa ilalim ng kasunduan, karamihan sa taripa ay mawawala sa loob ng tatlong taon.
Magsisimula ang pagbabawas ng taripa sa 2016.
Kagaya ng paulit-ulit nating sinasabi, wala sa kamay ng mga taga-BoC ang laki ng makukolekta nilang
buwis at taripa. Nakasalalay ang revenue collection ng ahensiya sa dami at halaga ng mga inaangkat
na produkto.

Kagaya niyan, simula sa 2016 ay mababawasan ang koleksiyon kapag ipinatupad na ng WTO ang
pag-alis sa taripa ng mga IT product. Ang maganda lang, bababa ang presyo ng imported IT products
sa bansa. Mas magiging affordable ito sa ating mga kababayan, lalo na sa mga medyo kapos ang
budget. Sa kasalukuyan, maraming produkto na ang bumaba o tuluyan nang nawala ang duties and
taxes na kinukolekta ng gobyerno

= Sa obserbasyon ng marami, malamang na magiging matindi ang bakbakan sa kasaysayan ng


halalan sa 2016. Siguradong all-out ang pagtulong ng mga taga-administrasyon sa kanilang kandidato
sa pagka-presidente. Kailangang gawin nila ito dahil ang dalawang huling naging pangulo natin ay
nakulong.
Hanggang ngayon nga ay nakakulong pa rin si dating presidente Gloria Macapagal-Arroyo. Sa
administrasyon ding ito nakulong ang ilang malalaking personalidad. Nandiyan din sina Senador Juan
Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada. At sino ang makakalimot kina ousted Supreme Court
Chief Justice Renato Corona, na hanggang ngayon ay may mga kinakaharap pang kaso.
Ngayon pa lang nga ay marami ng nagpupustahan kung meron ngang makukulong na malalaking isda
sakaling taga-oposisyon ang mananalong presidente sa 2016. Sa katunayan, maraming malalaking
isda ang nadadawit ang pangalan sa ibat ibang kontrobersiya ngayon. Sa tingin din ng marami ay
ibang-iba na ang takbo ng pulitika sa bansa.
Hindi na isyu ang pinag-uusapan. Ang dami na kasing partido pulitikal sa bansa. Ang maganda siguro
ay bumalik na tayo sa two-party system.
=Ayon kay Commission on Elections chairman Andres Bautista tinatayang 5 milyong botanteng Pinoy
ang hindi pa nagpapa-rehistro at nagpapakuha ng biometrics data. Sang-ayon sa RA 10367 o ang
Mandatory Biometrics Registration Act of 2013, ang lahat ng hindi makukuhanan ng nasabing datos
bago ang deadline sa October 31 ng taong ito ay ide-deactivate sa voters' list at hindi makakaboto sa
2016.
Sa nasabing proseso kukuhanin ng COMELEC ang larawan, pirma, at fingerprint ng isang botante.
Napakahalaga ng hakbang na ito upang magkaroon tayo ng malinis na voters' list. Ito ang una at kung
tutuusin ay isa sa pangunahing paraan ng corruption prevention sa darating na halalan. Nag-uumpisa
kasi sa voters' list ang irregularities at pandaraya sa election dahil na rin sa dami ng bilang ng mga
naglipanang ghost voters. Minsan nga patay na pero bumuboto pa. Sa'n ka pa 'di ba? Upang
maiwasan ito, kinakailangan ang kooperasyon ng bawat botanteng Pinoy.

Sabi ni dating US president Lyndon Johnson, "voting is the first duty of democracy." Maaari natin itong
dagdagan, "registration is the first duty of every election." Marami diyan, kapag kainitan na ng halalan,
sankaterba ang komento sa mga tumatakbong kandidato at sandamakmak ang reklamo sa proseso ng
COMELEC. Pero sila mismo hindi naman pala makakaboto dahil in the first place ay hindi naman
nagpa-rehistro. Kumbaga sa kasabihan, "kasama sa gayak pero hindi kasama sa lakad."
=Gaano kahalaga ang 5 milyong botante? Tingnan natin ang ilang datos: noong 1992 presidential
elections, wala sa 1 milyon ang naging lamang ni former President Fidel Ramos kay Miriam Defensor
Santiago (5,342,521 vs. 4,468,173), noong 1998 elections 6 million ang kinailangan ni Erap upang itala
ang kauna-unahang landslide victory sa kasaysayan ng Pilipinas (10,722,295 vs. 4,268,483), noong
2004 elections isang milyon lang ang ikinatalo ni "Da King" Fernando Poe Jr. (FPJ) kay PGMA
(12,905,808 vs. 11,782,232), at nitong 2010 mahigit 5 milyon lang sana ang kinailangan ni dating
Pangulong Erap upang mag-return of the comeback sa Malacanang at talunin ang kasalukuyang
presidente na si Noynoy Aquino (15,208,678 vs. 9,487,387).
Gaano kahalaga ang 5 milyong botante? It can make or break a Presidential candidate. Kaya nitong
baguhin ang magiging gobyerno ng Pilipinas sa susunod na anim na taon. Nakataya ang year 2023 ng
Lupang Hinirang sa 5 milyong magpapa-rehistro sa natitirang limang buwan ng taong ito. Ang

pagpapa-rehistro ay unang hakbang upang tuparin ng isang mamamayan ang kanyang tungkulin sa
bayan na maghalal ng karapat-dapat na pinuno.
Pero higit sa lahat, ito ay isa ring tungkulin sa Diyos dahil ayon sa Bibliya, sa kamay ng tao Niya
ipinagkatiwala ang tungkulin na pamahalaan ang kanyang nilikha. Ayon sa Genesis 1:26, "Sinabi ng
Diyos: Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis. Sila ang
mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o
mailap, malaki o maliit." Tungkulin sa Diyos ng bawat Pilipino na maghalal ng mga lider na maayos na
pamamahalaan ang buong sambayanan at ang yaman ng buong kapuluan

*kandidato para sa magiging president


ngayong eleksyon,Back Ground*

Si Mary Grace Sonora Poe Llamanzares (ipinanganak 3 Setyembre 1968), kilala bilang si Grace PoeLlamanzares o sa mas simpleng Grace Poe, ay isang politiko mula sa Pilipinas na nagsilbi bilang Tagapangulo
ng Lupon sa Pagrerepaso at Pag-uuri ng Sine at Telebisyon (MTRCB) mula 2010 hanggang 2012. Siya ay tumatakbo
para sa pagkapangulo ng Pilipinas sa darating na halalan sa taong 2016.
Isinilang sa Iloilo subalit inabandona ng kanyang tunay na nanay. Siya ang inangking anak ng Pambansang Alagad
ng Sining na si Fernando Poe, Jr., ang Hari ng Pelikulang Pilipino, at ang kaniyang asawa na si Susan Roces, na
nagpalaki sa kanya sa Maynila bilang kanilang nag-iisang anak na babae. Nag-aral sa Pilipinas at sa Estados Unidos,
kung saan siya nakapagtapaos saBoston College. Lumaki siya sa Estados Unidos bago siya bumalik sa Pilipinas
noong 2004, nang pumanaw ang kanyang ama ilang buwan pagkatapos ng halalan ng 2004.

Si Manuel "Mar" Araneta Roxas (Ipinanganak noong Mayo 13, 1957) ay isang senador ng Pilipinas na apo ng
dating presidente Manuel Roxas at anak ng dating senador na si Gerry Roxas.Iniluklok siya sa puwesto noong 2004,
at nagtamo ng 19,237,888 na mga boto--ang pinakamataas na bilang na nakuha ng sinumang kandidato sa
kasaysayan ng halalan sa bansa.
Si Roxas ay ipinanganak sa Maynila at isa sa tatlong anak nina Judy Araneta at Gerardo "Gerry" Roxas. Ang iba pa
ay sina Maria Lourdes at ang namayapang kongresistang si Gerardo Roxas Jr.
Nakapagtapos ng elementarya at hayskul si Roxas sa Pamantasang Ateneo de Manila noong 1970 at 1974, at
nakakuha ng antas sa Economics mula sa Wharton School of Economics ng University of Pennsylvania noong 1979.
Matapos nito ay nagtrabaho siya sa New York bilang investment banker, at sa Allen and Company kung saan siya ay
naging assistant vice president.SI MAR ROXAS AY WAG NATING IBOTO DAHIL SIYA AY KURAKOT ,, ALAM NIYO
BA NA MARAMI NANG NAPATAY ANG KUPAL NA TO TANG INA NETONG MAR ROXAS NA TO KURAKOT KA
TANG INA MO ULOL

Si Jejomar "Jojo" C. Binay ay ang ika-labinglimang pangalawang pangulo ng Pilipinas. Naglingkod rin siya bilang
alkalde ng Lungsod ng Makati. Siya rin ang tagapangulo ng United Opposition (UNO), Partido Demokratiko PilipinoLaban (PDP-Laban), at Boy Scouts of the Philippines.
Napangasawa niya ang isang doktor, si Elenita Sombillo, na naging alkalde rin ng Makati noong 1998 hanggang
2001. Nagkaroon sila ng limang anak, sina Maria Lourdes Nancy, Mar-Len Abigail (Kinatawan ng Ikalawang Distrito
ng Makati), Jejomar Erwin (Konsehal ng Makati), Marita Angeline, at Joanna Marie Bianca.
Supling nina Diego Medrano Binay at Lourdes Cabauatan, ipinanganak si Binay noong Nobyembre 11, 1941
sa Paco, Maynila. Nang mamatay ang kanyang mga magulang, nanirahan siya sa Makati kasama ang kanyang
tiyuhin na si Ponciano Binay. Nagtrabaho siya sa murang edad bilang tagapag-alaga ng mga baboy at panabong
na manok ng kanyang tiyo upang masuklian ang pagsusustento sa kanya.

Si Binay rin ang nagpaaral sa sarili sa pamamagitan ng pagtatrabaho. Nakapasok siya sa Philippine Normal
College Training Department, University of the Philippines Preparatory High School, at Unibersidad ng Pilipinas,
kung saan nakapagtapos siya ng mga kursong Political Science at Abogasya. Matapos pumasa sa bar
exams noong 1968, kumuha siya ng ilang kursong masteral sa public administration sa UP at Abogasya
sa Unibersidad ng Santo Tomas. Naging propesor rin si Binay ng batas, political science, at public
administration sa Philippine College of Commerce (ngayon ay Polytechnic University of the
Philippines), Philippine Women's University at St. Scholastica's College habang nag-aaral ng masteral at
nagtatrabaho.

Si Rodrigo Roa Duterte (ipinanganak Marso 28, 1945 sa Maasin, Leyte) ay ang alkalde ng Lungsod ng
Davao sa Mindanao at isang abogado. Siya ay unang inihalal noong 1987 at dalawang beses muling nahalal.
Siya ay umalis sa opisina dahil sa limitasyon sa termino at naging isang kinatawan para sa unang distrito
ng Lungsod ng Davao sa Maynila mula 1998 hanggang 2001. Nang taong iyon, siya ay tumakbo muli sa pagkaalkalde sa Davao at matagumpay na nakuhang muli ang puwesto. Noong 2004, siya ay muling nanalo bilang
alkalde sa panibagong termino.
Sa ilalim ng pamamahala ni Duterte, ang antas ng krimen sa Davao ay sukdulang bumaba, sa punto na ang
pulong ng lokal na turismo ay maaaring ipahayag ang lungsod bilang "pinaka-mapayapang lungsod sa Timogsilangang Asya." Binansagang "The Punisher" ng Time Magazine, paulit-ulit na kinundena ang alkalde ng ilang
lokal na mamamayan at ng Amnesty International dahil sa pagkakaroon at maging pagpapahintulot sa mga
maliliit na kriminal (madalas ay kabataan na nadadawit sa krimen tulad ng paggamit ng bawal na gamot at
pagnanakaw) na patayin ng death squads.

Si Miriam Defensor Santiago (ipinanganak 15 Hunyo 1945), ay isang politiko at kasalukuyang Senador
ng Pilipinas. Siya ay isang abogado, dating hukom, at guro ng saligatang batas at batas internasyunal.
Naglingkod siya bilang komisyonado ng Kawanihan ng Pandarayuhan at Deportasyon ng Pilipinas noong 1988
at naging kalihim ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan mula 1989 hanggang 1991. Nakatanggap siya ng
Gawad Magsaysay (Magsaysay Award) nang siya ay komisyonado ng Kawanihan ng Pandarayuhan at
Deportasyon.Tumakbo bilang Pangulo ng Pilipinas si Defensor Santiago noong 1992; nanguna siya sa
pambansang bilangan ng mga boto noong unang mga araw ng bilangan, subalit natalo lamang ng ilang daang
libong mga boto. Napaulat na nagkaroon ng malawakang dayaan sa halalan, lalo na ang madalas na pagkawala
ng kuryente noong unang limang araw. Nagsampa siya ng protesta, na pinawalang-saysay noong 1995 nang
tumakbo siyang muli bilang senador at nagwagi.

*Tourist spot in the Philippines*

Boracay is a small island in the Philippines located approximately 315 km south of Manila and 2 km off the
northwest tip of Panay Island in the Western Visayas region of the Philippines.
Area: 10.32 km
Population: 12,003 (2000)
Island group: Visayas
Municipality: Malay, Aklan
Province: Aklan

The Banaue Rice Terraces are 2,000-year-old terraces that were carved into the mountains of Ifugao in the
Philippines by ancestors of the indigenous people. The Rice Terraces are commonly referred to as the "Eighth
Wonder of the World.
Address: Nueva Vizcaya - Ifugao - Mountain Province Rd, Banaue, Ifugao

The Chocolate Hills are a geological formation in the Bohol province of the Philippines. There are at least 1,260
hills but there may be as many as 1,776 hills spread over an area of more than 50 square kilometres.
Address: Loay Interior Road, Carmen, Bohol
Area: 50 km

Mactan or Maktan is a densely populated island located a few kilometres from Cebu Island in the Philippines.
The island is part of Cebu Province and it is divided into Lapu-Lapu City and the municipality of Cordova.
Island group: Visayas

Mount Pinatubo is an active stratovolcano in the Cabusilan Mountains on the island of Luzon, near the tripoint of
the Philippine provinces of Zambales, Tarlac, and Pampanga.
Last eruption: 1991
Elevation: 1,486 m
Prominence: 1,486 m
Mountain range: Zambales Mountains
Parent range: Zambales Mountains

You might also like