You are on page 1of 1

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

Filipino Department

Tatlong Buwan ang Nakalipas


Tatlong buwan na ang nakalipas simula ng unang pagkikita ng klase at ni sir
Cedric. Sa tatlong buwan na iyon ay marami akong natutunan hindi lamang tungkol sa
wikang Filipino kungdi sa buhay din. Kalakip noon ay marami rin kaming ibat ibang
karanasan na napagdaanan sa kursong Filipino 1.
Dahil kay ginoong Cedric, mas lalong napalawak ang aking natutunan noong
gradeschool at highschool ukol sa wikang filipino. Ito ay kanyang pinalawak at
pinaliwanag sa paraan na aming mas maiintindihan. Sa paraan na kami ay hindi lamang
makikinig dahil kailangan kundi dahil kami ay interesado sa kanyang itinuturo. Ang mga
lektyur ay kanyang itinuturo sa masigasig na paraan kaya kami ay ginaganahan na
makinig.
Dahil din sakanya kami ng aking mga kakalase ay nakapagbonding sa ibat ibang
paraan. Katulad sa paggawa ng music video ng isang OPM song. Kami ay nasiyahn sa
paggawa nito dahil kasama ng pagkikita ng maaga upang magshooting ay kami ay
natuwa sa output na aming nagawa. Dahil sa kanyang mga project na pinagawa mas
tumibay ang bond naming magkakaklase sa isat isa. Isa rin sa kanyang proyekto ay ang
pagpapanood ng isang ballet sa Aliw theater na mayroong libreng ride all you can sa
Star City pagkatapos manood. Muli, kami ng aking mga kaklase ay nagbond sa
pagpapanood at sa pagsakay ng mga rides pagkatapos.
Marami akong natutunan sa wikang Filipino sa terminong ito. Hindi lamang sa
akademiko kundi pati na rin sa morals. Natututo rin ako makasalimuha sa ibang tao sa
paraan na kinakailangan magtulungan sa paggagawa ng mga output at iba pa. At dapat
ang opinon o ideya ng lahat ay ipagiincorporate sa proyekto na hindi lamang opinion ng
isang tao ang masusunod.

Navarro, Geraldine Jhaymia T.

MWF/10:00-11:00 am

1H-Pharmacy

Sir. Elimar Ravina

You might also like