You are on page 1of 4

ADR

Script for Presentation


Title: Common Conflict Scenarios in the Workplace and How to Resolve Them Using
Non-Adversarial Communication
Cast:
Narrator Jay Paul Carlos
Boss Apollo Francisco
Office Girl 1 Ivy Manigos
Office Girl 2 Faith Ecleo
Scenario # 1
Nakaabang si Boss sa pinto ng office, tumitingin-tingin sa kanyang relo. Halatang
inis na si Boss.
Narrator: Simula na naman ng isang bagong araw sa Apollo Corporation! Pero
itong si Boss, ang aga-aga, nakasimangot na agad! Bakit kaya?
Saka naman darating si Office Girl 1 and 2.
Boss: Anong oras na! Bakit ngayon lang kayo! Lagi na lang kayo late, e kung
sisantehin ko kayo!
Girl 1: Sorry na sir!
Girl2: Sir, di na po mauulit!
Boss: Wala ng pali-paliwanag! Isang late na lang talaga at tatanggalin ko na kayo!
Mag-wa-walk-out si Boss
Girl 2: Grabe naman si Boss, kalalakeng-tao, nagmemenopause na!
Girl 1: Oo nga! E first time kung ma-late ngayon sa 48 years ko dito sa company
grabe!
Exit stage na rin ang mga girls
Narrator: Tsk, tsk, kung hindi lang sana nag-sungit si Boss, e di sana tuluyan ng
naging maganda ang araw nilang lahat! Kung gumamit lang sana si Boss ng nonadversarial communication or NAC language.
Nakaabang uli si Boss pero iba na ang aura niya ngayon. Nakangiti na siya.

Saka darating ang office girls, nagmamadali dahil late.


Boss: Good morning! O wag masyadong magmadali baka madapa kayo.
Girl 1: Ay good morning, sir! Sorry po late ako!
Girl 2: Sorry din sir!
Boss: Okay lang yan, first time nyo lang namang ma-late e Im sure na meron
kayong reason kung bakit kayo na-late.
Girl 2: Opo sir, traffic po grabe! Pero hindi na po talaga mauulit!
Girl 1: Promise sir, hindi na po mauulit.
Boss: Okay!
Scenario # 2
Nag-aabang uli si Boss, tumitingin sa relo inis na inis na naman!
Narrator: Tapos na ang lunch break, bakit bad trip na naman si Boss?
Saka darating ang office girls, masayang nagkwekwentuhan
Boss: Anong oras na!
Girl 1: 1:15, sir!
Boss: Antagal-tagal niyong nag-break! Pasaway talaga kayo! Andaming nawawala
sa kumpanya dahil hindi kayo marunong tumingin sa oras!
At mag-wa-walk-out uli si Boss.
Girl 2: Bayan! Exag ha, parang 15 minutes lang malulugi na ang kumpanya!
Girl 1: Wag mo na lang pansinin si Boss, madalas ng inaatake ng senior moment!
Narrator: At dahil sa adversarial approach ni Boss, nagkalat ulit ang negativity sa
office! What if gumamit siya ng non-adversarial approach?
Nakaabang uli si Boss sa harap pero mas maayos na ang itsura niya. Naka-smile.
Saka darating ang office girls
Boss: Mukhang napa-sarap ng lunch natin ha?

Girl 1: Ay, oo nga po sir! Sorry po!


Boss: Okay lang. Fifteen minutes lang naman e. Basta wag nyong dadalasan!
Girl 2: Sorry, sir! Promise po, hindi na mauulit!
Sabay-silang aalis
Scenario # 3
Paalis na ang girls, tapos na ang office pero nakaharang si Boss sa daan.
Narrator: Uwian na! Pero parang merong last-minute problem pa ang ating
friends!
Boss: Saan kayo pupunta?
Girl 2: Uuwi na po!
Boss: Hindi pwede! Marami tayong rush na dapat tapusin! Balik sa trabaho,
overtime tayo!
Girl 1: Eh sir, may gagawin pa po ako!
Boss: Wala akong pakialam basta overtime tayo! Hala, balik sa pwesto!
Padabog na bumalik ang girls sa office
Narrator: Medyo mabigat-bigat na problema ito. Sino ba naman kasi ang gustong
mag-overtime? Kaya rin ba itong i-solve ng non-adversarial communication?
Paalis na ang girls ng office dahil uwian na. Sasalubungin sila ni Boss. Naka-smile si
Boss.
Boss: Girls, pwede bang humingi ng tulong sa inyo?
Girl 1: Ano po yun,sir?
Boss: Pwede ba tayong mag-overtime, meron lang kasi tayong urgent na dapat
tapusin. E kayo lang ang maaasahan ko dito.
Girl 2: Ganun ba, sir! Sige po.
Girl 1: Willing naman po kaming mag-overtime.

Boss: Ok, thank you!


Narrator: As you can see, sa pamamagitan ng paggamit ng non-adversarial
communication or NAC language, ay mas magiging productive, effective at maayos
ang turing natin sa isat isa, hindi lang sa workplace kundi sa iba ding mga
sitwasyon.

You might also like