You are on page 1of 4
(wa AMBUHAY |[){!) ST PAULS MEDIA Eeetacbe illness 1ka-30 Linggo sa Karaniwang P Taon 29 Blg.17 ;nahon (B) — Berde Oktubre 25, 2015 Tayo ang Bulag Kaeser ang mensahe ng mga pagbasa ngayong Lingo. Sa gitna ng pagkawala at pagkalayo ng bayang Israel, dumating ang Diyos na handang kumupkop muli sa kanila bilang mga anak. Sa gitna ng pagkabulag ni Bartimeo, dumating si Hesus na handang maghandog ng kanyang habag at awa. Hindi na nga dapat mag-atubiling awitin ang Salmo: "Gawa ng D’yos ay dakila kaya tayo’y natutuwa.” Hinirang ng Diyos ang bayan ng Israel. Walang maipagmamalaki ang Israel sapagkat siya’y iniligtas lamang sa malupit na pang-aalila ng Paraon. Ipinakilala ng Diyos ang kanyang sarili upang ipabatid »_ sa kanila na dumating na ang kaligtasan. Sa pagpapakilala ng Diyos, ipinanumbalik niya ang pagkakilala nila sa kanilang mga sarili: Hindi sila alipin; sila'y mga anak ng Diyos na nagtataglay ng karapatang pantao. Ngunit, sa maraming pagkakataon, binalewala ng Israel ang Diyos na kumukupkop sa kanila. Sa huli, tuluyan na silang napariwara. Nadungisan sila, ipinatapon sa sulok ng sanlibutan, dumaan sa baku-bakong daan, at nadapa. Nakalaya man sila sa mga Paraon, nasadlak naman ang mga Israelita sa pagkaalipin sa kanilang sariling kasalanan. Sa kabila nito, hindi sumuko ang Diyos sa kanila; bagkus nilingap pa sila ng Diyos: “Pagkat ang Israel ay para kong Anak.” Higit na malalim ang ninanais ng Diyos—ang maging Ama sa kanila. Hindi nalalayo ang ating ‘ karanasan sa karanasan ng bayan ng Israel. Pinakikita sa atin ng Unang Pagbasa na, sa maraming pagkakataon sa ating buhay, pinipili natin ang ating sarili kaysa ang Panginoon. Kalimitan itong nagdudulot sa ating ng kapahamakan. Sa pagsasantabi sa Diyos, napapalayo tayo sa piling niya, nagiging alipin tayo muli sa kasalanan, at sa huli, natatagpuan na lang natin ang ating sarili sa kawalan. Ngunit tuloy pa rin ang pagmamahal ng Diyos sa atin at hindi tayo sinusukuan. Pinatunayan niya ito sa Israel at muli niya itong patutunayan sa atin. Kaugnay ng Unang Pagbasa ang Ebanghelyo ngayon. Bulag man si Bartimeo, dilat naman ang kanyang pananarnpalataya. Ang pananampalatayang ito ay nagmumula hindi sa NEG ores W ks Dream Satellite Ch 1 © Destiny Cable Ch 94 Sky Cable Ch 160 kanyang nakikita kundi sa kanyang naririnig. Narinig niya ang Diyos kay Hesus. Kaya nang malaman niyang papalapit na si Hesus, hindi na siya nag-atubiling sumigaw nang malakas, “Hesus, Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!” Tunay ngang pinagaling siya ng kanyang pananalig. Taliwas kung minsan sa ipinakita ni Bartimeo ang ating pananalig sa Diyos. Dilat nga ang ating mga mata, bulag naman ang ating pananampalataya. Sa gitna ng kagalakang ating naririnig, mas pinipili nating tumahimik at magmukmok sa gilid. Mas mainam sa atin ang nakapikit sa katotohanan. Ngunit sa gitna ng ating paghihimagsik, darating pa rin ang Diyos at magtatanong, “Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo?” Higit na malalim ang ninanais ni Hesus—na makita nating muli ang Diyos sa kanya upang ihatid ang kanyang habag at awa. Patutunayan niya ito sa atin tulad ng pagpatunay niya nito kay Bartimeo, Hindi bulag ang Diyos. Tayo ang bulag. Bago pa man natin makita ang Diyos, nakita na niya tayo. Batid niya ang ating mga pangangailangan, mga pagkukulang, at mga kahinaan. Tulad ng sinabi ng mga nakapaligid sa bulag, “Lakasan mo ang iyong loob... Tumindig ka. Ipinatatawag ka niya.” Hindi siya susuko. Pinatunayan niya ito noon. Patutunayan na pa rin niya ito ngayon. —Dindo D. Purto, SSP Bt) aeRO Antipona sa Pagpasok (Sim 105:3-4) (Basahin kung walang pambungad na awit) Magdiwang sa Poon natin. ay ating sambahin. Siya ay ating hanapin nang tayo ay palakasin ng mukha niyang maningning. Pagbati in dito ang tandang krus) P- Sumainyo ang Panginoon. B- At sumaiyo rin. Paunang Salita Maaaring'gamitin ang mga ito « intulad na mga pahayag) P - Ipinagdiriwang natin ang Linggo para sa mga Bilanggo Ipanalangin natin ang mga kapatid nating nakapiit habang pinagbabayaran nila ang kanilang mga krimen. Ang ilan sa kanila ay maaaring mga inosenteng biktima lamang ng iba’t ibang dahilan. Nawa ang panahong ginugugol nila sa preso ay magdulot sa kanila ng bagong buhay. Pinakinggan ni Hesus ang panaghoy ni Bartimeo sa gitna ng maraming tao. Binuksan rin ni Hesus ang pananaw ng mga tao at ipinamukha sa kanila kung gaano kamahal ng Diyos ang mga dukha at mga bulag. Ganito rin nawa ang maging saloobin natin sa mga bilanggo at sa mga dating bilanggo. Pagsisisi P- Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo'y maging marapat gumanap sa banal na pagdiriwang. (Tiynahimik) P - Panginoon, kami’y nagkasala sa iyo, B - Panginoon, kaawaan mo kami. P - Kaya naman, Panginoon, ipakita mo na ang pag-ibig mong wagas. B - Kami ay lingapin at sa kahirapan ay iyong iligtas. P- Kaawaan tayo ng makapang- yarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnu- bayan tayo sa buhay na walang hanggan B- Amen. Gloria Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong Kinalulugdan ni Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin, inagbubunyi ka namin, inasasalamatan ka namin dahil sa dakila mong angking kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama, Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin, Tkaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan. [kaw na naluluklok sa kanun ng Ama, maawa ka sa amin. Sapaghat ikaw lamang ang banal. ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen, Pambungad na Panalangin P= Manalangin tayo. (Twnahimik) Ama naming makapangyari- han, ang pananampalataya, pag- asa, at pag-ibig namin ay iyong dagdagan at gawin mong mahalin namin ang iyong mga kautusan upang sa mga pangako mo kami"y maging dapat makinabang sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpa- sawalang hanggan. B- Amen. LNA Ue ee eat eee Unang Pagbasa [Jer 31:7-9] (Umupo) Nakaranas ang mga Israclita ng matinding paghihirap sa kanilang pagkakatapon sa Babilonia. Ngunit ayon sa propeta Jeremias, muling darating ang Panginoon upane iligias ang kanyang bayan at muli silang ihahatid paiwi sa kanilang tahanan Ang kaligtasan ay isinasalarawan ng pagpapagaling ng Diyos sa kanyang bayan. Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias ITO ang sinasabi ng Panginoon: “Umawit kayo sa kagalakan alang-alang kay Jacob. ipagbunyi ninyo ang pinakadakilang bansaz magpuri kayo at inyong ipahay: na iniligtas ng Panginoon ang Kanyang bayan. ang mga nalabi sa Israel. Narito, sila’y ibabalik ko mula sa hilaga; titipunin ko sila mula sa mga sulok ng sanlibutan, kasama ang mga bulag at mga pilay, ang mga inang may pasusuhin, pati yaong malapit nang manganak; sila’y talagang napakarami! Uuwi silang nag- iiyakan habang daan, nananala- ngin samantalang inaakay ko. Dadalhin ko sila sa mga bukal ng tubig, pararaanin sa maayos na landas upang hindi sila madapa Pagkat ang Israel ay para kong anak, at si Efraim ang aking panganay.” — Ang Salita ng Diyos. B- Salamat sa Diyos. Salmong Tugunan (Sim 125) T - Gawa ng D’yos ay dakila kaya tayo’y natutuwa. ee pS Ere karya ta-yoly na-tu-tu-wa. 1, Nang lingapin tayo ng Diyos at sa Sion ay ibalik/ ang nangyaring kasaysaya’y parang isang panagi- nip./ Lahat tayo ay natuwa, masasayang nagsiawit. (T) 2. Ang sabi ng mga bansang nag- mamasid sa paligid/ “Ang ginawa ng Diyos nila ay dakila, anong rikit!"/ Dakila ngang masasabi, pambihira ang ginawa, kay naman kami ngayon, kagalaka’y di kawasa! (T) 3. Kung paanong inuulan yaong mga tuyong batis/ sa sariling bayan namin, kami, Poon, ay ibalik./ Silang mga nagbubukid na nag- tanim na may luha/ bayaan mo na mag-aning masasaya’t natutuwa. (1) 4. Yaong mga nagsihayong dala’y binhi’t nananangis/ ay awit na may galak, dala’y ani pagbalik! (T) Ikalawang Pagbasa (Heb 5:1-6) Si Hesus na muling nabuhay ang ating tagapamagitan sa Ama. Dakil nakibahagi siya sa ating kahinaan noon siva’y naging tao, siva ngayon ang ating maawain at dakilang saserdote sa harapan ng luklukan ng Dives. Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo ANG BAWAT dakilang saser- dote’y pinili sa mga tao at itina- lagang maglingkod sa Diyos para sa kanila upang maghandog ng mga kaloob at mga hain dahil sa mga kasalanan, Mahinahon niyang napapakitunguhan ang mga mangmang at naliligaw ng landas, sapagkat siya’y mahina rin. At dahil sa kanyang kahinaan, kinakailangang siya’y mag- handog ng hain, hindi lamang para sa kasalanan ng mga tao kundi para sa kasalanan din niya. Ang karangalan ng pagiging dakilang saserdote ay hindi maaaring kamtan ninuman sa kanyang sariling kagustuhan. Ang Diyos ang humihirang sa kanya, tulad ng pagkahirang kay Aaron. Gayun din naman, hindi si Kristo ang nagtaas ng kanyang sarili sa pagiging dakilang saser- dote. Siya’y hinirang ng Diyos na nagsabi sa kanya, “Ikaw ang aking Anak, Ako ang iyong Ama.” Sinasabi rin niya sa ibang bahagi ng Kasulatan, “Ikaw ay saserdote magpakailanman ayon sa pagka- saserdote ni Melkisedec.” — Ang Salita ng Diyos. B - Salamat sa Diyos. Aleluya [2 Tim 1:10) (Twmayo) B - Aleluya! Aleluya! Si Kristo ay nagtagumpay, nalupig ang kamatayan, nagningning ang pagkabuhay. Aleluya! Aleluyal NOONG panahong iyon, duma- ting si Hesus sa Jerico, kasama ang kanyang mga alagad at marami pang iba, Nang umaalis na sila roon, may naraanan silang isang bulag na nakaupo sa tabi ng dan at namamalimos. Siya’y si Bartimeo, anak ni Timeo Nang marinig niyang naroon si Hesus na taga-N: ni David, mahabag po kayo sa akin!” Pinagsabihan siya ng mga tao at pinatatahimik, ngunit lalo pa siyang nagsisigaw, “Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!” Tumigil si Hesus at kanyang sinabi, “Tawagin ninyo siya.” At tinawag nga nila ang bul: “Lakasan mo ang iyong loo sabi nila, “Tumindig ka. Ipinata- tawag ka niya.” Iniwaksi niya ang kanyang balabal, paluksong tumayo at lumapit kay Hesus. “Ano ang ibig mong gawin ko sa ”* tanong sa kanya ni Hesus. Sumagot ang bulag, “Guro, ibig ko po sanang makakita.” Sinabi ni Hesus, “Humayo ka: magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” ‘Noon di'y nakakita siya, at sumu- nod kay Hesus. — Ang Mabuting Balita ng Panginoon. B - Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo. Homiliya (Uinupo) Pagpahayag ng Pananampalataya (Twnayo) B-Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay Hesukristo, lisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. naog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao. ‘Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika,sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan, Amen, Panalangin ng Bayan P - Manalangin tayo sa Diyos Ama na palayain tayo sa ating pagkabilanggo sa kasalanan at tanglawan ang ating puso at isip sa pamamagitan ni Hesus na Tagapagligtas, nang sa gayo’y lingapin natin ang mga kapus- palad tulad ni Bartimeo at ng mga bilanggo. Buong tiwala nating hilingin: T- Buksan mo ang aming mga mata, Panginoon. L - Para sa Santo Papa, mga obispo, at mga pari, upang lingapin nila ang mga kapatid naming nasa bilangguan at turuan ang mga nasa laya na magmalasukit sa mga bilanggo. Manalangin tayo: (T) L- Para sa mga nangangasiwa sa mga bilangguan, igalang nawa nila ang mga karapatang-pantao ng mga bilanggo at pairalin nawa isang programang tutulong tungo sa pagbabagong-buhay ng mga nasa piitan. Manalangin tayo: (T) L = Para su ating bayan, upang bawat isa sa atin ay matuklasan ang biyaya na nagmumula sa pananampalataya kay He magpapabago sa atin bilang bayan namamuhay ayon sa Ki moralidad at paninindigan Manalangin tayo: (T) L - Para sa mga kubilang sa Prison Ministry, patuloy nawa silang magbigay pag-asa sa mga bilanggo sa pamamagitan ng kanilang buhay na pagmamahal at pagtulong sa kapwa. Manalangin tayo: (T) L- Para sa ating laha huwag tayong magbul: sa paghihirap n; at sa halip ay tumulong tayo sa abot ng ating makakaya. taglay ang pananalig sa paghalinga sa i yyos. Manalangin tayo: upang P - Panginoong aming Ama, itulot mong makita namin ang panga kapatid at marinig a panaghoy. Matulungan nawa namin sila, sapagkat anumang gawin namin sa kanila ay ginagawa na rin namin sa iy nabubuhay at naghahari at magpakailanman B-Amen. Lg Xe} ANG NG T = PUM Tem EL 2 eee Paghahain ng Alay gailangan ng aming (Tumayo) P- Manalangin kayo... B - Tanggapin nawa ng Pangi- mga kamay sa kapurihan niya at karangalan, sa ating kapaki- nabangan at sa buong Samba- yanan niyang banal. Panalangin ukol sa mga Alay P- Ama naming Lumikha, tung- hayan mo ang mga alay na aming inihahain sa iyong kadakilaan upang ang paglilingkod na aming ginagampanan ay humantong sa iyong lalong ikadarangal sa pama- magitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. B- Amen. Prepasyo (Karaniwan Il) P- Sumainyo ang Panginoon. B- At sumaiyo rin. P.- Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa, B- Itinaas na namin sa Pangi noon. P-- Pasalamatan natin ang Pangi- noong ating Diyos. B- Marapat na siya ay pasala- matan. P.- Ama naming makapangyari- han, tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan sa pama- magitan ni Hesukristo na aming Panginoon. Lubhang nabagabag ang kan- yang loob sa pagkakamali ng tao sa sansinukob, kaya’t minabuti niyang siya’y ipanganak ng Bir- heng bukod mong pinagpala sa babaing lahat. Sa labi ng imbing kamatayan kami ay inagaw namatay mong Anak. Sa pagka- buhay niya, kami’y kanyang binuhay upang kaugnayan namin sa iyo’y huwag magwakas. Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo na walang humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan: B - Santo, Santo, Santo... (Lumuhod) Fagbobengi (runaio) 5: B - Aming ipinahahayag na namatay ang ‘yong Anak, nabuhay bilang Mesiyas at magbabalik sa wakas para mahayag sa lahat. Lxeladbati tee kd Ama Namin B-Ama namin... P- Hinihiling naming... B - Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan magpakailanman. Amen. Pagbati ng Kapayapaan Paanyaya sa Pakikinabang (Lumuhod) P- Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan PAGLALAKBAY KASAMA ANG MGA DUKHA NG DIYOS Katesismo sa Taon ng mga Dukha Fr. James H. Kroeger, MM Ang Paglilingkod sa Dukha ay Paglilingkod kay Hesus Si San Vicente de Paul, ipinanganak sa Pransya noong 1581, ay sukdulang nagtalage ng sarili sa paglilingkod kay Hesus sa pamamagitan ng pagtulong sa mga dukha. Nagtatag siya ng isang pamayanang relihiyoso, ang Kongregasyon ng Misyon (lalong kilala bilang mga Vincentians), para sa dalawang adhikain: ang paghuhubog sa mga pari at paglilingkod sa mga dukha. Tiningnan niya ang dalawang adhikaing ito na lubhang magkaugnay. Para kay San Vicente, sa pagtulad kay Hesus, “kailangan taglayin natin ang kanyang katulad na diwa at tularan ang mga gawa ni Kristo, yaong pag-aruga sa mga dukha, sila, tulungan sila, itaguyod ang kanilang kapakanan... Kung isasaalang-alang natin ang mga dukha sa liwanag ng pananampalataya, mapapansin natin na pumapalit sila sa lugar ng Anak ng Diyos na pinili maging isang dukha.” “Dahil pinili ni Kristo na isilang siya bilang mahirap, pinili niya para sa kanyang sarili ang mga alagad na mga mahihirap din... Dahil sadyang minamahal ng Diyos ang mga dukha, minamahal din niya yaong nagmamahal sa dukha.” “Tungkulin natin na pahalagahan ang paglilingkod sa mga mahihirap higit se ano pa man, at ialay ang ating paglilingkod sa tamang panahon... Huwag malumbay 0 makonsyensya dahil naputol ang iyong pagdarasal dahil naglingkod ka sa mahirap... Ang isang gawain ng Diyos ay napuputol para lamang matupad ang isa pa niyang gawain... Ang ng sanlibutan, Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging. B - Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuldy sa iyo ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako. Antipona sa Komunyon (Slm 20:5) Magiging kaligayahang aming pakikinabangan ang iyong pagtatagumpay. Panginoon, ang ‘yong ngalan ay aming papupurihan. Panalangin Pagkapal (Tumayo) bang P- Manalangin tayo. (Tumnahimik) Ama naming mapagmahal, maging lubos nawa ang aming pakikinabang sa tina namin sa piging mong banal upang ang aming ginaganap nang lantaran ay siyang aming makamtang tunay. sa pamama- gitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo: magpasawalang hanggan. B-Amen. Lr Ceurur Ue l) P- Sumainyo ang Panginoon. B - At sumaiyo rin. kabutihang -loob ay walang duda na nakahihigit sa ano pa mang utos.” Pagbabasbas P’- Yumuko Kayo’t hingin ang biyaya ng Diyos. (Tiunahimik) Gawaran nawa kayo ng pag- papala ng maawaing Diyos upang lagi ninyong pahalagahan ang karunungang nagdudulot ng kaligtasang walang hanggan. B-Amen. P - Gawaran nawa ng Diyos ng katatagan ang inyong pananam- palataya na nasasalig sa kanyang pagmamahal upang lagi kayong magsikap gumawa ng kabutihan ngayon at magpasawalang hanggan. B-Amen. P.- Patnubayan nawa ng Diyos ang inyong paglalakbay sa daang hahantong sa kanya upang inyong taluntunin ang landas ng pag-ibig at kapayapaang walang hanggan B- Amen. P - Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos, Ama at Anak (*) at Espiritu Santo, B-Amen. Pangwakas P-- Tapos na ang pagdiriwang ng Misa. Humayo kayo't sundan si Hesus sa pagbabahagi sa kapwa. B - Salamat sa Diyos.

You might also like