You are on page 1of 4
Taon 29 Big. 18 | AMBUHAY ||!!! ST PAULS MEDIA Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Nobyembre 1, 2015 Katatakutan, Katuwaan, at Rete sa kaisipan ng Simbahan ang dahilan para sa pagdiriwang sa Kapistahan ng mga Banal o All Saints Day. May mga Banal na kilala natin se kanilang mga pangalan, at higit na nakararami ang bilang ng mga santo at santa bagamat hindi kilala ng Simbahan sa kanilang mga pangalan ay sinasampalatayanang kapiling na ng Diyos. Subalit sa kabila ng pagtuturo ng Simbahan sa tunay na kahulugan at tamang pamamaraan ng pagdiriwang ng mahalagang araw na ito, kapansin- pansin na mayroon pa ring mga kaisipan at pamamaraan ng pagdiriwang na tila taliwas sa inaasahan ng Simbahan na kapag hindi naipaliwanag ay maging mga gawaing sa akalang marami ay tama. Katatakutan. Kapuna-puna na sa tuwing sasapit ang araw ng pag-alala sa mga banal at maging sa ating mga yumaong mahal sa buhay, nababago ang tema ng mga panoorin sa telebisyon at maging ng mga pelikula sa mga sinehan. Tila palagi na lang may kinalaman ang tema sa mga kwentong "katatakutan” o kababalaghan. Hindi nawawala ang usapin tungkol sa mga multo, aswang, maligno, at iba pang kwentong may kinalaman sa mga kababalaghan at masasamang espiritu. Ito marahil ang dahilan kung bakit nauso ang paggamit ng salitang “Halloween” sa tuwing sasapit ang unang araw ng Nobyembre. Hinango ang kaisipang ito mula sa isang paganong paniniwala na sa araw na ito, sa paglubog ng araw ang mga kaluluwa ng mga namatay at ang mga masasamang espiritu ay gumagala sa kalawakan upang manakit ng tao lalo na ang mga kaluluwang sinakian o pinaslang bago pa man sila mamatay. Kung ito ang paghahariin natin sa ating Kabanala kaisipan at paniniwala, magiging as ang ating pagdiriwang sa tunay na kahulugan ng Dakilang Araw na ito na inilalaan ng Simbahan para sa itinuturing na mga bayani ng ating pananampalataya— ang mga Santo at Santa. Katuwaan. Mapapansin din nna ang araw na ito ay tila nagiging okasyon para sa mga bata upang magkatuwaan. Pinagsusuot sila ng mga costumes na nakakatakot 0 kung hindi naman ay mga comic attire alang-alang sa diwa ng kasiyahan o katuwaan maging makulay lang para sa mga bata ang pagdiriwang. Hindi rin mawawala sa kanilang kaisipan ang “trick or treat” na mistulang siya namang kanilang buong pananabik na hinihintay. Kung *katuwaan” na lang ang magiging sentro ng pagdiriwang, maaaring unti-unti na ring mawala sa ating kaisipan lalo na sa kaisipan ng mga bata ang tunay na dahilan ng ating pagsasama-sama bilang mga Kristiyano sa araw na ito—ang ipagdiwang ang Kapistahan ng mga SUNDAY ¢ TV MARIA © 8:30AM © 3:30PM © 9:00PM Dream Satellite Ch 1 © Destiny Cable Ch 94 ® Sky Cable Ch 160 n Banal. Isang paalala: tayo po ay mga Kristiyano at nararapat lamang nna gunitain natin ang araw na itosa diwa at pamamaraang Kristiyano, Ang dating paganong pagdiriwang ay ginawang Kristiyano ng Simbahan. Bakit tila bumabalik tayo sa paganong pamamaraan ng pagdiriwang? Kabanalan. Ipinagdiriwang ng buong Simbahan sa araw na ito ang tagumpay at kabanalan ng Diyos na sinasalamin sa buhay ng mga kilala nating mga Santo at Santa at silang maaaring Kilala natin subalit hindi nababanggit ng Simbahan sa kanilang mga pangalan. Ang kabanalan ng Diyos na sinikap isabuhay ng mga banal ang tunay na sentro ng ating pagdiriwang. Nawa'y pagnilayan natin kung bakit kinikilala ng Simbahan ang kabayanihan ng mga Banal. Ang hamon sa pagiging banal sa tulong ng Diyos na siyang bukal ng kabanalan ang dapat na maging sentro. ng ating mga pagsisikap. Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa sakaling hindi madali ang magpakabanal. Hindi kailanman masasayang ang ating mga pagsusumikap. Kapos man ang ating mga kakayahan, palagi namang sapat ang tulong na ibinibigay ng Diyos. Sinabi ni Papa Francisco: ‘Maging ang mga banal ay hindi naligtas dahil sa kanilang mga mabubuting gawa lamang, kundi sa pamamagitan ng dugong ibinuhos ni Kristo.” Tumibay nawa ang ating pag-asa sa langit na ating inaasahan. Nawa'y dumating ang araw na makamtan nating lahat ang buhay na pinapangarap ng Diyos para sa kanyang mga anak— ang mapabilang sa “mapalad” na kapiling ang Diyos at ng kanyang mga Banal sa langit na ating tahanan. —Fr. Emil A. Urriquia = = ve (Basahin kung walang pambungad naawit) Halina’t tayo’y magdiwang sa araw ng mga banal na ‘pinagsasayang tunay ng anghel sa kalangitan sa pagpuri sa Maykapal. Paghati (Gavin dito ang tanda ng ku P- Sumainyo ang Panginoon. B- At sumaiyo rin. Paunang Salita (Maaaring gamitin ang mga'ito 6 kahalintulad na mga pahavaz) P- Sa tuwing “Todos los Santos” ginugunita natin ang mga pumanaw mula sa daigdig na ito. Nananalig tayong kasama na sila ng Panginoon sa kaluwalhatian ng langit kaya't may galak sa ating puso habang inaalala natin sila. Wala man sila ngayon sa ating piling, nananampalataya tayo sa “kasamahan ng mga banal.” Nawa’y ipanalangin nila tayo upang atin ding matanggap ang kaluwalhatian ng Diyos. Pagsisisi P- Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo'y maging marapat gumanap sa banal na pagdiriwang, ( Zuuriahimth) B - Inaamin ko sa makapang- yarihang Diyos at sa inyo, mga kapatid,na lubha akong nagkasala (ide sa div) saisip, sa salita, sa gawa, at sa aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel at mga banal, at sa inyo, mga kapatid, na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos. P-Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan. B-Amen, P-Panginoon, kaawaan mo kami. B- Panginoon, kaawaan mo kami, P- Kristo, kaawaan mo kami. B - Kristo, kaawaan mo kami. P-Panginoon, kaawaun mo kami B- Panginoon, kaawaan mo kami. Gloria Papuri su Diyos sa kaitaasan at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin. pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila mong angking kapurihan, Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak, Panginoong Diyos. Kordero ng Diyos, Anak ng Ama. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin, Tkaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan. [kaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin, Sapagkat ikaw lamang ang banal, ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen, Pambungad na Panalangin P- Manalangin tayo. (Tivnuhimih) Ama naming makapangyari- han, ipinagkaloob mong aming maparangalan sa isang dakilang kapistahan ang kagitingan ng lahat ng iyong mga banal Iniluluhog namin, pakundangan sa napakaraming dumadalangin, na paapawin mo sa amin ai kinasasabikang batis ng iyong awa sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. B- Amen. LAGU ont yaar cer) Unang Paghasa [Pag 7:2-4, 9-14} (Cimupo) Inilalarawan sa aklat ng Pah ang samahan ng mga banal sa tang Katulad ng mga banal na ngayo'y nasa harap ng Divos at ni Hesus na Kordero ng Diyos| sana tayo rin ay maging marapat zapie ng Kataas- taasan Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag AKO’y si Juan, at nakita kong umuakyat sa gawing silangan ang isa pang anghel, taglay ang pantatak ng Diyos na buhay. Hlumiyaw siya sa apat na anghel na binigyan ng Diyos ng kapangyarihang maminsala sa Tupa at sa dagat, “Huwag muna ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat, o ang mga punongkahoy Hintayin ninyong matatakan sa noo ang mga lingkod ng ating Diyos.” At sinabi sa akin ang bilang ng mga tinataken—sandaa’t apatnapu’t apat na libo bubat sa labindalawang lipi ng Israel. Pagkatapos noo’y nakita ko ang napakaraming taong di kayang bilangin ninuman! Sila’y mula sa bawat bansa, Iahi, bayan, at wika, Nakatayo sila sa harap ng trono ng Kordero nakadamit ng puti at may hawak na palaspas, Sabay-sabay nilang sinabi, “Ang kaligtasan ay mula sa Kordero, at sa ating Diyos na nakaluklok sa trono! Tumayo ang lahat ng anghel sa palibot ng trono, ng matatanda, fat ng apat na nilalang na buhay. Sila’y nagpatirapa sa harap ng trono at sumamba sa Diyos. Ang wika nila, “Amen! Sa ating Diyos ang kapurihan, kadakilaan, karunungan, pasasalamat, karangalan, kapangyarihan, at kalakasan magpakailanman! Amen!.” Tinanong ako ng isa sa matanda, “Sino ang mga taong nakadamit ng puti at saan sila nanggaling?” “Hindi ko po alam,” tugon ko. “Kayo ang nakaaalam.” At sinabi niya sa akin, “Sila ang mga nagtagumpay sa kabila ng mahigpit na pag-uusig. Nilinis nila at pinaputi sa dugo ng Kordero ang kanilang damit.” — Ang Salita ng Diyos. B- Salamat sa Diyos. Salmong Tugunan (Sim 24) ‘T- Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. du-mu-du-log sa iyo. 1. Ang buong daigdig, lahat ng naroon,/ may-ari’y ang Diyos, ating Panginoon;/ ang mundo’y natayo at yaong sandiga’y/ ilalim ng lupa, tubig kalaliman, (T) 2, Sino ang marapat umahon sa burol,/ sa burol ng Poon, sino ngang aahon?/ Sino’ng papayagang pumasok sa templo?/ Sino'ng iutulutang pumasok na ta0?/ Siya, na malinis ang isip at buhay,/ na hindi sumamba sa diyus-diyusan;/ tapat sa pangako na binibitiwan. (T) 3. Ang Panginoong Diyos, pagpapalain siya, ililigtas siya’t pawawalang-sala./ Gayun ang sinumang lumalapit sa Diyos’ silang Iumalapit sa Diyos ni Jacob. (T) Tkalawang Pagbasa (Jn 3:1-3) Tayo'y tinawag ng Diyos bilang kanyang mga anak dahil sa kanyang ‘mataking pagmamahal sa atin. Kung namumuhay tayo nang tapat bilang kanyang mga anak, makakasama rin tayong mga banal sa piling ng Divos. Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol Juan MGA PINAKAMAMAHAL, isipin ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama! Tinatawag niya tayong mga anak ng Diyos at iyan ang totoo. Ito ang dahilan kung bakit hindi tayo nakikilala ng makasanlibutan; hindi nila kinikilala ang Diyos Mga minamahal, sa ngayon, tayo"y mga anak ng Diyos, ngunit hindi pa nahahayag ang magiging kalagayan natin. Gayunman, alam nating sa pagparitong muli ni Kristo, tayo'y matutulad sa kanya, sapagkat makikita natin siya sa kanyang likas na kalagayan. Kaya't ang sinumang may pag-asa sa kanya ay nagpapakalinis, tulad ni Kristo— siya’y malinis. — Ang Salita ng Diyos B - Salamat sa Diyos. Aleluya [Mt 11:28] (Tamayo) B - Aleluya! Aleluya! Kayong mabigat ang pasan ay kay Hesus maglapitan upang kayo’y masiyahan, Aleluya! Aleluya! 12a) P- Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo B - Papuri sa iyo, Panginoon. Mabuting Balita (Mt 5: Noong panahong iyon, nang makita ni Hesus ang napakakapal nna fa0, umahon siya sa bundok Pagkaupo niya’y lumapit ang kanyang mga alagad, at sila'y tinuruan niya ng ganito: “Mapalad ang mga aba na wala nang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.” “Mapalad ang mga nahahapis, sapagkat aaliwin sila ng Diyos.” “Mapalad ang mga ‘mapagkumbaba, sapagkat tatamuhin nila ang ipinangako ng Diyos “Mapalad ang mga nagmimithing makatupad sa kalooban ng Diyos, sapagkat ipagkakaloob sa kanila ang kanilang minimithi.” “Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.” Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos. “Mapalad ang mga g magawa ng daan sa ikapagkakasundo, sapagkat sila’y itururing ng Diyos na mga anak niya.” “Mapalad ang mga pinag- vuusig dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.” “Mapalad kayo kapag dahil sa aki’y inaalimura kayo ng mga tao, pinag-uusig, at pinagwiwikaan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang kasinungalingan, Magdiwang kayo at magalak, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit, — Ang Mabuting Balita ng Panginoon B - Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo. Homiliya (Umupo) Pagpahayag ng Pananampalataya (Tumayo) B- Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao, Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao. ‘Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika,sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Amen. Panalangin ng B: P- Manalangin tayo sa Diyos nating ‘Ama upang bigyan tayo ng lakas na sumunod kay Kristo at sa landas ng kabanalan at katapatan sa Diyos. Idalangin natin: yan T-Panginoon, gawin mong banal ang iyong bayan. L - Para sa Simbahang laganap sa buong mundo, magsilbi nawa itong dan ng pagkakaisa para sa lahat ng naglalayong magmahal sa Diyos at sa kapwa. Manalangin tayo: (T) L- Para sa Santo Papa, mga obispo, atmga pari, upang araw-araw silang lumago sa kanilang katapatan kay Kristo at sa Simbahan nang sa gayo’y maakay nila ang kawang ipinagkatiwala sa kanila kay Kristo, ang Mabuting Pastol. Manalangin tayo: (T) L- Para sa mga pinuno ng bayan ng mga bansa, isaalang-alang nawa nila hindi lamang ang kaunlarang pangkabuhayan ng mga mamamayan kundi maging ang kanilang kapakanang espirituwal. Manalangin tayo: (T) L~ Para sa ating lahat, matutunan nawa natin ang pagiging dukha sa espiritu ayon sa pag-ibig ni Hesus, nang sa gayo'y ilaan natin ang ating sarili sa kaluwalhatian ng Diyos at sa kapakanan ng ating kapwa. Manalangin tayo: (T) P - Amang mapagmahal, pinasasalamatan ka namin sapagkat niloob mong sa pamamagitan ng Eukaristiyang ito, makaisa namin sa panalangin ang mga banal sa iyong keluwahatian. Punuin mo kami ng iyong biyaya at akayin kami sa iyong piling. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. B-Amen. atc) 2 Daa Un ee Paghahiain ng Alay (Tuniayo) P- Manalangin kayo... ( B - Tanggepin nawa np Pangi- noon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan, sa ating kapaki- nabangan at sa buong Samba- yanan niyang banal. Panalangin ukol sa mga Alay P- Ama naming Lumikha, maging kalugud-lugod nawa sa iyo ang aming mga alay sa paghahain namin bilang pagpaparangal sa lahat ng mga banal at ipagkaloob mong madama namin ang pagmamalasakit saaming kapakanan ng mga kapiling mo sa langit sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. B-Amen. Prepasyo (Ang Kaluwalhatian ng Lungsod na Inang Jerusalem) P- Sumainyo ang Panginoon. P- Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa B- Itinaas na namin sa Panginoon. P - Pasalamatan natin ang Pang noong ating Diyos. B - Marapat na siya ay pasala- matan. P-Ama naming makapangyarihan, tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan. Negayo’y niloob mong maging tampok ang mga mamamayan sa banal na lungsod. Sa lungsod naming inang Jerusalem natitipon ang mga kapanalig namin. Sa iyo'y masaya kaming dumudulog sapagkat kami’y nananalig nang lubos. Kaming sambayanan mo ngayo’y natutuwa sa iyong pagkadakila sa aming mga kapwa. Sila’y naghahandog ng dalangi’t halimbawa upang sa pagdulog nami’y di kami manghina, Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan, B-Santo, nto, Santo... Lvn/iod) Pagbubunyi (Tumayo) B - Sa krus mo at pagkabuhay kami’y natubos mong tunay. Poong Hesus naming maha iligtas mo kaming tanan ngayon at magpakailanman. PAKIKINABANG Ama Namin B- Ama namin. P- Hinihiling naming... B- Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapu- rihan magpakailanman. Pagbati ng Kapayay Paanyaya sa Komunyon (Lumuhod) P - Ito ang Kordero ng Diyos. [to ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging, B- Panginoon, hindi ako karapat- dapat na magpatuldy sa iyo ngunit sa isang salifa mo lamang ay gagaling na ako, Antipona sa Komunyon (Mt 5:8-10) Mapalad ang may dalisay na puso at nagbibigay daan sa kapayapaan at ang mapagtiis naman sa pahirap ng kalaban, Panalangin Pagkapakinabang (Tumayo) P- Manalangin tayo, (Tivmahimit) 0 PAGLALAKBAY KASAMA ANG MGA DUKHA NG DIYOS Katesismo sa Taon ng mga Dukha Fr. James H. Kroeger, MM seen fess Dorothy Day: Kampeon ng mga Dinudusta Si Dorothy Day na isang aktibista (1897-1980) ang nagtatag ng Catholic Worker. Isa itong pagkilos na nagprotesta laban sa giyera at sumuporta sa mga pagwewelga sa mga pagawaan. Pinili niyang mamuhay na isang mahirap, at sa kasalukuyan ang usapin ukol sa kanyang pagiging isang, santa ay masugid na isinusulong ng Arsobispo ng New York. Makatatagpo tayo ng mahahalagang karunungan sa mga salitang binitiwan ni Day na maituturing na mga hiyas. “"Yaong hindi nakakakita kay Kristo sa mga dukha ay sadyang mga taong walang Diyos.” “ailangan magsalita tayo tungkol sa karukhaan, dahil ang mga taong nakukulong sa kanilang sariling layaw ay hindi nakakakita ng kerukhaan.” “Ang nais nating gawin ay baguhin ang daigdig—gawin itong mas simple nang sa gayo'y mapakain, maramtan, at magkaroon ng masisilungan ang mga tao tulad ng plano ng Diyos para sa lahat. At sa pakikipaglaban para sa lalong mabuting kalagayan, sa pagtataguyod sa mga karapatan ng mga manggegawa, mga mahihirap, at mga walang-wala—ang mga karapatan ng mga kerapat-dapat na mahihirap pati yaong mga hindi karapat-dapat, sa ibang salita—mababago natin ang daigdig sa abot ng ating makakaya.” “Magagawa ko lamang mahalin ang Diyos kung magagawa kong mahalin ang taong hindi ko hinahangad mahalin.” ““Wulitin natin, Wala tayong ibang magagawa kundi magmahal, at mahal naming Diyos, nawa’y buksan mo’ang aming mga puso para mahalin namin ang isa’tisa, para mahalin ang aming kapwa, para mahalin ang aming mga kaaway bilang ating kaibigan.” "Kung nagmamahal tayo nang sapat, makapagnininges tayo ng apoy sa puso ng iba.” Ama naming mapagmahal, sa pagsamba namin sa iyong kadakilaan bilang tanging Banal sa gitna ng tanang mga Banal, hinihiling namin ang iyong kagandahang-loob na aming pinakikinabangang kabanalan sa iyong pag-ibig na lubos upang mula sa hapag na ito ng mga naglalakbay patungo sa iyo kami"y makabagtas sa salu-salo sa langit na bayan naming totoo sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. B-Amen. PAGTATAPOS P- Sumainyo ang Panginoon. B- At sumaiyo rin. Pagbabasbas P - Yumuko kayo’t hingin ang pagpapala ng Diyos, (Tivmaliimik) ‘Ang Diyos na nagkaloob ng kadakilaan at kaligayahan sa lahat ng mga banal na ngayon ay pinangangaralan ay siya nawang magpala sa inyo ngayon at magpasawalang hanggan. B-Amen. P- Ang mga panalangin ng mga banal ay magbunga nawa ng inyong paglaya mula sa kasalukuyang kasamaan, ang halimbawa ng kanilang pamumuhay ay lagi nawang makaakit sa inyo upang ang Diyos at kapwa tao ay paglingkuran ngayon at magpasawalang hanggan. B-Amen. P - Ngayong ikinagagalak kaisa ng buong Simbahan ang pagsapit sa langitng mga banal para kamtin ang walang maliw na kapayapaan, makarating nawa kayo sa tahanan ng Diyos Ama upang makaisa ng mga banal sa kaligayahang walang hanggan. B-Amen. P- Pagpalain nawa kayo ng maka- pangyarihang Diyos, Ama at Anak (+) at Espiritu Santo, B-Amen. Pangwakas P - Tapos na ang pagdiriwang. Humayo kayo taglay ang kapayapaan ni Kristo. B- Salamat sa Diyos.

You might also like