You are on page 1of 3

ANG DIWATA NG KARAGATAN

Sa isang nayon, ang mga tao ay masaya at masaganang namumuhay. Mapagpala ang
kalikasan sa kanila. Ang pangunahing hanapbuhay nilay ay ang pangingisda. Sagana sa
maraming isda ang karagatan. May isang diwatang nagbabantay at nag-aalaga sa mga
isda at ito'y nalalaman ng mga taganayon. Ngunit may mga taong sakim, ibig nilang
makahuli ng maraming-maraming isda upang magkamal ng maraming salapi. Gumamit
sila ng dinamita kaya't labis na napinsala ang mga isda, pati ang maliliit ay namatay.

Nagalit ang diwata sa kasakiman ng mga tao kaya't mula noon ay wala nang mahuli kahit
na isda ang mga tao. Naghirap at nagutom ang mga tao at naging pangit na rin ang
karagatan na dati'y sakdal ganda. Nagpulong ang mga taganayon at napagpasyahan nilang
humingi ng tawad sa diwatang nangangalaga sa karagatan. Nakiusap din silang ibalik na
ang dating ganda ng karagatan at gayundin ang mga isda. Nangako sila na hindi na
gagamit ng anumang makasisira sa kalikasan.

Mula nang sila'y humingi ng tawad sa diwata ay bumalik na ang ganda ng karagatan at
muling dumami ang mga isda. Nanaganang muli ang kabuhayan ng mga tao.

LUHA NG BUWAYA

Inilahad sa nobela ang sistemang piyudal na kinakatawan nina Donya Leona at Don
Severo Grande, na nag-aari ng malalawak na lupain sa Sampilong. Ginamit ng mag-
asawa ang kanilang salapi, impluwensiya, at kapangyarihan upang paikutin at bulukin
ang mga institusyong gaya ng hukuman, simbahan, at pamahalaan nang mapanatili ang
kanilang interes. Kalaban ng mag-asawa ang pangkat ng mga dukhang mula sa pook-
maralita, na pinamumunuan ni Bandong. Si Bandong ay isang guro na naging gabay ng
mga tao sa makatwirang pagkilos laban sa mga pamamalakad ng mag-asawang Grande.
Nagbuo ng kooperatiba ang mga dukha sa pagnanais na makaraos sa kahirapan. Tumindi
ang tunggalian sa kuwento nang ipakulong si Bandong gayong wala naman siyang
kasalanan, at sa halip ay naghasik ng lagim ang mga tauhan ng mag-asawang Grande. Sa
dakong huli ng nobela'y matutuklasan na ang lupaing kinatitirikan ng mga bahay ng mga
dukha ay hindi pag-aari ng mag-asawang Grande. Mauunawaan din sa wakas ng mga tao
na sama-sama lamang na pagkilos nila mababago ang bulok na sistemang piyudal sa
lipunan.

Ang "luha ng buwaya" ay bulaklak ng dila na nangangahulugang "mapagbalatkayo" o


"pagkukunwari."

ANG ALAMAT NG SAGING


Noong unang panahon, may isang kaharian ng luntiang
mga bukid,malinaw na mga batis at asul na mga burol sa
Lanao. Pinamumunuan ito ngisang maganda, mabait at napakarunong na
prinsesa kaya ginagawa ngkanyang nasasakupan ang lahat upang
mapaligaya siya.Pasaganain natin ang ani sa ating mga bukirin, wika ng mga
lalaki.Sa gayon, maliligayahan ang ating reyna.Panatilihin nating malinis ang
ating mga kabahayanan at maayos anga t i n g m g a t a h a n a n , w i k a n a m a n
n g m g a k a b a b a i h a n . S a g a y o n , ikararangal tayong lahat ng ating
reyna.Maging masunurin at magpakabait tayo, sabi ng mga
kabataan. Sagayon, palagi tayong mamahalin ng ating mga magulang at ng
reyna.At ginawa nilang lahat ang kanilang ipinangako. Sinunog
ng mgakalalakihan ang kanilang mga sabungan at sugalan at gumawa sa mga
bukidsa buong maghapon. Pinanatiling malinis at makintab ng mga babae
angkanilang tahanan. Nagpakabait nang husto ang mga kabataan kaya
itinaponnang lahat ng mga magulang ang kanilang pamalong patpat,
samantalangitinurong mabuti ng mga guro ang mga araling nararapat ituro sa
mga mag-aaral.Lumipas ang mga taon at patuloy ang reyna sa pamumuno nang
nag-iisa.Ngunit may isang taong hindi nasisiyahan sa kaharian. Isa
siyangmasamang pinsan ng reyna. Nais niyang siya ang mamuno sa kaharian
atnag-isip ng maraming masasamang bagay upang maagaw ang trono
ngreyna.Marami pang taon ang nagdaan. Nag-iisang pinamumunuan ng
reynaang kaharian. Napakaraming mangingibig mula sa ibang mga
bansa, mgahari at prinsipe ang nagmamakaawa sa kanyang pag-ibig, ngunit
sinagot silang reyna ng: Kapag tinanggap ko ang isa sa inyo, magagalit
ang iba.Magkakaroon ng digmaan. Mamabutihin ko pang manatiling
walang asawaat maging payapa ang aking kaharian kaysa mag-asawa at
maging dahilanng kaguluhan.Samantala, lihim na may pag-ibig ang masamang
pinsan ng reyna saisa sa kanyang mga mangingibig. Nagbalak siya at
binulungan niya ito:Bakit ka nagsasayang ng oras? Mahal ka ng
pinsan kong reyna. Hindilamang niya matanggap ang iyong pag-ibig sapagkat
maglulunsad ngdigmaan ang iba niyang mangingibig. Dalhin mo rito ang
iyong mga kawalat ipapatay mo ang iyong mga karibal at ang mga
guwardya
ng reyna.P a s u k i n m o a n g l u n g s o d , a t m a g i g i n g i y o a n g r e y n
a a t a n g k a n y a n g kaharian.Pinaniwalaan siya
ng mangingibig at matuling umuwi sa kanyangbayan. Tinipon niya ang
pinakamahuhusay niyang mga sundalo at nagbaliksa kaharian ng reyna.

Isang matingkad na kulay ng ibong may mahiya,


a n g N o r i , a n g nakarinig sa pataksil na pakana ng pinsan ng reyna at ng
mangingibig.Lumipad ang Nori sa may bintana ng reyna, iwinasiwas ang
kanyang mgapakpak at nagsabi: Pakinggan ninyo ako, mahal na
reyna. May nais akongsabihin sa inyo.Magsalita ka, sagot ng reyna.Dapat po
ninyong malaman na may balak ang isa ninyongmangingibig na patayin
ang lahat niyang karibal at ang inyong mgaguwardya. Binabalak din po
niyang agawin kayo nang sapilitan at pakasalankayo. Ngunit hindi iyan ang
lahat. Nais ng inyong pinsan ang inyong koronaat hindi siya titigil hanggat hindi
niya kayo napapatay at nakakamit ang pag-ibig ng inyong
asawa.Matapos makapagsalita ay lumipad nang papalayo ang
ibong maymahiya. Lubhang nabahala ang reyna.Aba, hinagpis niya,
sinikap kong pamunuan ang aking kahariannang buong husay
at katalinuhan. Sinikap kong mabigyang-kasiyahan angaking mga tauhan
sa lubos ng aking makakaya. Ngunit ang sarili kongpinsan pala ang
magtatraydor sa
akin.Natigib ng kalungkutan ang kanyang puso. Buong pait siyangnanangis
na parang madudurog ang kanyang puso, ngunit hindi niyaipinakita ang
kanyang pighati kaninuman.Nang sumapit ang gabi, inutusan niya ang lahat ng
nasa palasyo mgakatulong, mensahero, at mga guwardya na lumabas sa
bakod ng palasyo.Nag-alinlangan ang mga tao kung bakit gumawa ng ganoong
pakiusap angreyna, subalit naisip nilang may mainam na dahilan ang reyna
sapagkat walapa siyang nagagawang anumang bagay na hindi
makatarungan.Nang makalabas na ang lahat, kinulong ng reyna ang sarili sa
kanyangsilid at sinilaban niya ang silid. Mabilis na kumalat ang apoy sa
iba pangmga silid. Nakita ng mga tao ang apoy at tinangka nilang
apulahin ito.Ngunit isinusi ng reyna maging ang mga pinto ng palasyo kayat
natupok siyakasama ng buong palasyo.Ipinagluksa ng mga tao ang
pagkamatay ng kanilang reyna. Nagtayosila ng magarang bakod sa palibot ng
kanyang mga abo. Nararapat natinsiyang dakilain sapagkat minahal nila tayo ng
lubos, wika
nila.I s a n g u m a g a , h i n d i p a n a t a t a g a l a n p a g k a r a a n
n o o n , i s a n g mahiwagang halaman ang lumitaw sa bunton
ng mga abo. Malalakingpahaba ang berde nitong mga dahon na nakakapit sa
isang tuwid na puttingsanga. Walang tinik sa katawan ng puno at iwinasiwas
sa hangin ang mgadahon nito.Nakilala ang halaman bilang saging. Ito ay
ang ating reyna, sabi ngmga tao sa isat isa. Nabuhay
siyang muli. Tumubo ang halamang saging at hindi nagtagal, isang
hugis-pusongbulaklak ang lumitaw mula sa ubod nito. Hubog-daliring mga
bunga anglumitaw mula sa mga bulaklak nito. Nang mahinog ang bunga,
tinikman itong mga tao at nagsabi: Napakasarap! Handog ito ng ating reyna sa
atin.

Kinain nila ang bunga at lahat ay sumang-ayon na handog sa kanila ngkanilang


reyna ay kasintamis niya.Ginawang tsonggo ng Diyos ang masamang pinsan ng
reyna.Natuklasan nitong napakatamis ng handog ng reyna kaya naging
paboritoniya ito sa lahat ng mga prutas.

You might also like