You are on page 1of 1

Lyndon D.

Cabillo
Bm- Voice
MW 4:00-5:30

Noli mi tangere
(Huwag mo akong salingin)

Ito ay isang akda na nagsimula sa pagdating ni Crisostomo Ibarra, isang binata na nagbalik sa
pilipinas buhat ng kanyang pitong taon na pag-aaral sa Europa. Isang masayang pagbabalik
ngunit naging isang nakakagulat at malungkot dahil sa isang balita tungkol sa kanyang ama na
namatay sa loob ng kulungan sapagkat nagkaroon ito ng alitan sa isang paring espanyol, si
padre damaso. Si Ibarra, na nakatakdang ikasal sa isang magandang dilag na nagngangalang
Maria Clara, anak ni Kapitan Tiyago, isang mayaman at nakatataas na tao sa lipunan.

Nais ni Ibarra ang ikagiginhawat ikauunlad ng mga tao kayat siyay nagpatayo ng isang
eskwelahan. Ngunit isang aksidente dito ang naging hadlang upang matupad ang layunin niyang
ito. Siya ay naging sentro ng mga pangungutya at insulto gamit ang pangalan ng kanyang
yumaong ama. Kung kayat nawala si Ibarra sa tamang pagiisip at kamuntik ng mapatay ang
paring nagsabi ng mga di magagandang salita laban sa kanyang ama, si pari damaso, ngunit
napigilan ito dahil kay maria clara.

Kaugnay nito ay naging excomulgado si Ibarra, at sa takot ni kapitan tiyago sa mga pari ay
pinawalang bisa nito ang pagkakatakda ni Ibarra at maria clara. Pumayag ng labag sa loob nito si
Maria Clara kayat kasunod ng kanyang pagpayag ay nagkaroon ng sakit ang dalaga, na
napagaling lamang ng mga gamot na sikretong ipinapadala ni Ibarra sa kaniya.

Napawalang bisa ang pagiging excomulgado ni Ibarra, ngunit bago pa magkaron ng pormal na
paguusap upang siyay makapagpaliwanag ay nagkaron ng pag-aalsa sa mga guwardiya sibil na
sikretong inorganisa ng mga tauhan ni padre salvi, upang muling mapasama ang binata. Si
ibarray nasabihan ng isang kaibigan, si elias, na iniligtas niya sa isang aksidente noon. Ngunit
dahil sa kagustuhan niyang Makita ang kanyang irog na si Maria Clara, si Ibarray tumanggi na
tumakas at nakulong ang binata nang nagsimula ang pag-aalsa, dahil siyay inakusahan na
nagpasimula nito.

Muling napawalang sala si Ibarra sa akusasyon sa kaniya, ngunit ng dahil sa sulat niya kay Maria
Clara na napasakamay ng mga hukom, ang binate ay muling nalagay sa alanganin. Nalaman ni
Maria Clara sa isang sulat ang tunay niyang ama, na si pari damaso, at kaniyang sinabi kay
Ibarra na siyay magpapakasal na kay Linares, upang maprotektahan ang dignidad ng kanyang
ina ngunit ang pagibig niya kay Ibarra ay hindi magbabago.

Tumakas ang binata kasama si Elias. Sumakay sila sa isang Bangka at habang binabaybay ang
kahabaan ng ilog pasig, Pinahiga niya at tinakpan ng dayami si Ibarra ng sa gayon ay hindi ito
Makita ng mga guwardiya sibil, at tumalon si Elias sa Bangka upang mailigtas ang kanyang
kaibigan. Pagkatapos nito, ang balitang patay na si Ibarra ay nakarating kay Maria Clara, at sa
hinagpis nito ay pinilit nito na siyay magmongha kung hindi ay itoy magpapakamatay, kayat
napilitan si padre damaso na pumayag na dalhin sa kumbento ang dalaga.

Noche Buena nang makarating si Elias sa maalamat na gubat ng mga Ibarra, sugatan at
nanghihina. Dito ay nakatagpo niya si Basilio, at ang ina nitong si sisa na wala nang buhay. Dito
sa gubat na ito unti unting nawalan ng lakas si Elias at ito ay namatay.

You might also like