You are on page 1of 2

HANDIONG

Si Baltog ay isang batang lalaki na malakas mabait


at matipuno. Anak siya ni Handiong ang pinuno
ngkanilang bayan. Isang araw ikinuwento sa kanya ng ama
ang kalunos lunos nilang kalagayan sa kanilangbayan.
Marami silang kaaway na dumating upang patayin at
sirain ang kanilang pinagkukunan ngikabubuhay. Ang iba
sa kanila ay namatay na dahil sa kagutuman."Pagod ng
lumaban ang mga tao atgusto na nila ng mapayapang
buhay" sambit ng kanyang ama. "Ano ang gusto mong
ipagawa sa akinama" tanong ni Baltog.

Tumingin ng direstso sa kanyang mata ang kanyang


ama at hinawakan sa balikat.

"Humanap ka ng lugar kung saan makakapamuhay tayong


panatag at payapa." Iginala nya ang kanyangmata sa
paligid at nakita nya ang kahirapan na nangyayari sa
kanilang bayan at siya din ay nalungkot."Masyado na
akong matanda kaya inaatang ko na ito sa iyong mga
balikat. Bata ka pa, malakas atmatapang. Alam kong
magagawa mo ito. Para sa akin at sa ating mga
mamamayan." muling dugtong niHandiong.

Nagbigay ng basbas si Handiong kay Baltog.


Kinagabihan naglayag si Baltog sakay ng isang maliit
nabangka na magdadala sa kanya sa lugar ng Kabikulan.
Sa malawak na dagat, nasagupa ni Baltog angmalakas na
hangin at malalaking alon na sumira sa kanyang bangka.
Kinailangan niyang lumangoy atmuntikan na siyang
malunod bago niya ligtas na narating ang dalampasigan
ng baybaying bayan ngKabikulan.

Nang makarating siyanagsimula siyang magikot


hanggang nakita niya ang lupain ng
Ibalon isangmagandang lugar para sa kanya at sa mga
mamamayan. Ang lupa ay mataba at magandang pagtamnanng
mga halamang ugat, palay at mga gulay. Ito rin ay
maganda para sa kanilang mga hayop. Para itonglupain ng
gatas at pulot.

Nagustuhan ni Baltog ang lupain. Ngunit meron


palang naninirahan ditong ilang buwaya na may pakpakna
nakakalipad, mga baboy ramong kasinglaki ng elepante at
isang sawa na may ulo ng isang babae.Pero desidido si
Baltog na mapasakanila ang lupain ng Ibalon.

Kaya nilabanan niya ang mga buwaya at mga baboy


ramo ng buo niyang lakas. Dahil sa kanyang galing
samano-manong pakikipaglaban natalo niya lahat ng
buwaya at baboy ramo, pinatay niya ito at pinagpira-
piraso. Ngunit, ang sawa na may ulo ng babae
ay nakatakas at humanap ng ibang matitirahan.

Bumalik na siya sa kanilang bayan at ibinalita sa


kanyang ama ang tungkol sa lupain di na
sila nagsayangng oras at agad agad silang umalis kasama
ang mga mamayanan. Tinuruan nina Handiong at Baltog ang
mga mamamayan ng ilang paraan upang magkaroon ng
kabuhayan. At hindi nagtagal ay gumanda angkanilang
pamumuhay. Pinuno nila ang lupain at nagkaroon sila ng
masaganang ani. Sa lupaing iyon anggutom ay naging
alaala na lamang ng nakaraan.

You might also like