You are on page 1of 1

Hamon sa mga Kabataan

Bawat komunidad ay napapaligiran ng ibat-ibang sigalot, subalit dapat nating intindihin


na ang hindi pagkakaunawaan at alitan ay minsang nangyayari. Isa sa mga solusyon ay ang
pagbabago ng imahe ng ating lipunan sa pagiging mapayapa.
Ang kakayahan ng ating mga kabataan ay madalas hindi napagtutuunan ng pansin sa
bawat sulok ng mundo o kahit sa isang maliit na pamayanan.
Dapat nating isaalang-alang na bawat mamamayan, bata man o matanda, ay may
magagawa upang mapabuti ang ating komunidad. Ang mga kabataan ay may maiaambag tungo
sa kapayapaan ng kanyang lipunang ginagalawan.
Ang ating lipunan ay napapaligirang ng mga makapangyahirang tao, sila ang mga
kabataang may kakayahang mag-isip na gampanan ang ibat-ibang gawain. Kailangang bigyan ng
karapatan ang mga na maisagawa ang ninanais nila para sa pagbabago ng ating lipunan.
Ilan sa mga iskolar ay nagmungkahi na nangngailangan tayo ng mekanismo upang
magamit natin ang kakayahan ng mga kabataan bilang kasapi ng lipunan. Ating gamitin ang
kanilang mga talento upang mapagbago ang ating pamayanan.
Kaya naman isang malaking hamon sa mga kabataan na patunayan na sila ay may
magagawa upang mabago ang pamayanan upang magkaroon ng mapayapa at ligtas na lipunan.
Gaya ng sinabi ni Gat Jose Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, naway ang
bawat isang kabataan ay maging kapakipakinabang upang sila ang maging liwanag at pag-asa ng
ating Inang Bayan.

You might also like