You are on page 1of 3

Marian inilantad ang kaseksihan sa

Siargao
Seksi-seksihan si Marian Rivera sa Siargao. Yup, nakapuslit ang mag-anak na Dingdong, Marian
and Zia sa paborito ngayong puntahan ng mga sikat, ang Siargao Island.
At hindi lang si Marian ang rumampa-rampa, pati si Zia, obvious na maligayang nasa nasabing
isla sila. Cute na cute na si Zia na lumalaking madaldal at matsika. Manang-mana raw ang bagets
kay Marian kaya masayang kausap.
Twinny twinny sila sa suot na swimsuit kaya super cute ng mag-ina.
Pagbalik nila ng Maynila ay sasabak na sina Marian at Dingdong sa walang humpay na trabaho
para sa kanilang eereng primetime series ang Super Maam for Marian and Alyas Robin Hood ni
Dingdong.
By the way, dawit ang Siargao sa isyu kina Direk Paul Soriano at Erich Gonzales. Yup,
binibigyan ng malisya ng iba ang naging closeness umano nila habang nagsu-shoot ng pelikula
sa nasabing isla.

Lady Warriors di isinuko ang laban


Pinabagsak ng nagdedepensang Pocari Sweat ang Philippine Air Force, 25-22, 16-25, 23-25,
25-21, 15-12 upang maipuwersa ang rubber match sa Premier Volleyball League Open
Conference best-of-three semifinal series kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Hindi hinayaan ni Reinforced Conference Finals MVP Myla Pablo na umuwing luhaan ang
kanilang tropa matapos maglatag ng 22 puntos galing sa 20 attacks at dalawang krusyal na
blocks para manduhan ang Lady Warriors.

Naging mindset lang namin na kailangan naming manalo. Nag-usap-usap lang kami sa loob ng
court kailangan buo kami, sama- sama kaming lalaban, wika ni Pablo na kandidato para sa
Season MVP award.

Nakatuwang ni Pablo sa opensa sina Elaine Kasilag at Jeanette Panaga na gumawa rin ng mga
importanteng puntos sa deciding fifth set habang nagsilbing lider naman si team captain at
playmaker Gyzelle Sy sa buong panahon ng laro.
Task Force Marasigan, binuo ng EPD
Bumuo kahapon ng Task Force Marasigan ang pamunuan ng Eastern Police District (EPD) na
siyang tututok sa imbestigasyon para mabilis na malutas ang ginawang pananambang at
pagpatay sa dating mamamahayag at sa kapatid nitong negosyante sa San Juan City noong
Huwebes ng gabi.

Ayon kay EPD Director P/Chief Supt. Romulo Sapitula, ang pagbuo ng task force ay
naglalayong mabigyan ng mabilis na hustisya ang pagkamatay ng magkapatid na Michael
Mike Marasigan, 60 at Christopher Marasigan, 50, kapwa residente ng San Juan City.

Si P/Supt. Florendo Quibuyen, Deputy District Director for Operations, ang siyang hinirang ni
Sapitula na mamuno sa Task Force Marasigan.

Sinabi ni Sapitula na dalawang anggulo ang tinututukang motibo sa naganap na pananambang


sa magkapatid na Marasigan.

Una ay may kinalaman sa trabaho at pangalawa ay personal na kaaway.

Si Michael ay dating editor ng Business World, dating video producer ng Living Asia Channel,
naging PR man at nagtrabaho din sa Department of Finance.

6 na SHS building itatayo ng QC govt


Tuluy na tuloy na ang pagpapatayo ng karagdagang anim na school buildings ng Quezon City
government matapos na mabili ang anim na private properties sa lungsod.

Nabatid na naglaan ang pamahalaang lungsod ng pondo na P176 milyon para sa anim na lugar
base na rin sa report na isinumite ng QC local school board.

Ito ay ang EJ Property sa Brgy. Pasong Tamo kung saan itatayo ang Emilio Jacinto Senior
High School; Cardenas property, Tandang Sora High School; Madja-as property sa Brgy.
Payatas ang Justice Cecilia Muoz Palma High School Annex; sa Ernesto Chan property ang
Nagkaisang Nayon Senior High School; AMLAC property sa Brgy. Payatas ang Justice Cecilia
Muoz Palma Senior High School at Rivera property sa Brgy. Kaligayahan ang pagpapa-tayo
ng Leandro V. Locsin Senior High School.

Binigyan diin ni QC Mayor Herbert Bautista na kaila-ngan nang maisakatuparan ang


pagpapatayo ng karagdagang mga school buil-dings upang matugunan ang pagdagsa ng mga
papasok sa senior high school at ka-kulangan ng classrooms.

Ani Bautista, nagpapa-hanap pa siya ng iba pang mga private property na maaaring pagtayuan
ng school building gayundin ang mga national government properties kung pupuwede.

Nabatid na binigyan din ng karapatan si Bautista na ipangalan ang mga senior high schools sa
mga national artist at historical figures.
Paraaque, PLDT sanib puwersa sa 911
hotline
Philippines - Nagsanib puwersa ang lokal na pamahalaang lungsod ng Paraaque at Philippine
Long Distance Telecommunication Co. (PLDT) matapos ilunsad nito ang 911 Emergency
Hotline para sa mabilisang pagresponde sa mga rescue operation sa naturang lugar at sa mga
karatig nitong lungsod.

Ang Paraaque City ang kauna-unahang local government unit sa Metro Manila na
nakapagpatupad ng sariling 911 command center na nagkokonekta sa publiko at sa
emergency, rescue, police, at fire services.

Ayon kay Paraaque City Mayor Edwin Olivarez, matapos ang pirmahan ng memorandum of
agreement sa pagitan ng mga opisyal ng kanilang lungsod at mga miyembro ng PLDT sa
Paraaque City Hall noong Lunes, ipatutupad nila ang 24 oras na pagtugon sa mga residenteng
nangangailangan ng tulong.

Ang command center naman ay pamumunuan ng Paraaque Disaster Risk Reduction


Management Office (CDRRMO) sa pangunguna ni Ted Gonzales, na siyang naatasang
magsagawa ng mga partikular na aksyon sa kabila ng sitwasyon na pawang hindi inaasahan.

You might also like