You are on page 1of 1

Michael S.

Calugay

Paano pahalagahan ang kapwa tao?

Pakikipag-ugnayan o pakikipag-kapwa tao ay tunay na mahalagang aspeto


ng social life. Ang pagtugon sa pangangailangan ng ating kapwa ay
nangangailangan ng ilang mahahalagang kasanayan at pagpapahalaga.
Para sakin pinapahalagahan mo ang kapwa tao sa pamamagitan nang
mabuting pakikipagkapwa. Dapat nating panatilihing maganda ang pakikipag-
ugnayan sa ating kapwa. Dapat din nating unawain sila. Maipapakita mo ang
pagpapahalaga sa kapwa sa pamamagitan nang paglilingkod at pag unawa sa
pangangailangan. Ang paglilingkod sa kapwa ay siyang pinaka ubod ng anumang
pakikipag ugnayan. Sa paglilingkod napapayaman an gating pagkatao at karanasan
at nagiging makabuluhan sa ating buhay. Maglingkod nang may galak sa puso.
Ibigay ang iyong buong pusong paglilingkod sa kapwa. Tumulong sa kapwa sa
abot ng makakaya. Iwasang tumulong para lamang makilala at mabigyan ng papuri
ng iba. Magkaroon ng pag-ibig sa kapwa. Maging handang gumawa para sa iba ng
higit pa kaysa inaasahan ninyo sa kanila kung nagkapalit kayo ng sitwasyon.Hindi
sapat na maging mabuti ang tao, kailangan niyang ipakita ito.Ang pinakasinserong
tao na tumutulong sa kanhang kapwa ay ang mga hindi nagpapakilala, hindi
nalalalaman ng mundo ang kabutihang ginagawa, puno ng kababaang-loob at hindi
kailanman naghahangad ng pagkilala sa kanyang ginawa.
Naniniwala pa din ako sa sabi nila na kung ang hangarin ng isang tao sa
ginawang kabutihan ay makakuha ng paggalang mula sa kapwa ya nawawalan ng
saysay ang kabutihan na kanyang ibinigay.

You might also like