You are on page 1of 2

JULIUS CEAZAR Q.

MANRIQUE

1. Ano ang CLIMATE CHANGE?

Ang climate change ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mg greenhouse gases na
nagpapainit sa mundo. Nagdudulot ito ng mga sakuna kagaya ng heatwave, baha at tagtuyot na maaaring
magdulot ng pagkakasakit o pagkamatay. Kapag tumaas ang temperatura ng mundo, dadami ang mga
sakit kagaya ng dengue, diarrhea, malnutrisyon at iba pa.

2. Sanhi at bunga ng CLIMATE CHANGE

Ayon sa pag-aaral, ang dalawang sanhi ng climate change ay ang:

1. Natural na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga nagdaang matagal na panahon. Ito ay
sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo, at sa init na nagmumula sa ilalim
ng lupa na nagpapataas ng temperatura o init sa hangin na bumabalot sa mundo.

2. Mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide at iba pang greenhouse
gases )GHGs). ANg GHGs ang nagkukulong ng init sa mundo. Ang pagbuga ng carbon dioxide ng mga
sasakyang gumagamit ng gasolina, ang pagputol ng mga puno na siya sanang mag-aalis ng carbon dioxide
sa hangin, at pagkabulok ng mga bagay na organic na nagbubunga ng methane (isa pang uri ng GHGs) ay
ilan sa mga dahilan ng climate change.

Ang mga sumusunod ay ang pwedeng maging bunga ng climate change:

Patuloy na pagtaas ng temperatura Mas lalong iinit ang mundo


Paghaba ng panahon ng tag-init Hahaba ang season ng tag-init at El Nio
Pagdagsa ng maraming bagyo Dahil sa sobrang init nagbabago ang precipitation, may mga
lugar na hihina ang dagsa ng ulan at meron din lugar na dadagsain ng bagyo.
Pagtaas sa antas ng tubig dagat Ang mga nyibe at yelo sa north at south pole ay matutunaw at
magiging dahilan ng pagtaas ng tubig dagat.

3. Paano maiiwasan ang CLIMATE CHANGE?

12 Paraan para makatulong sa paglaban kontra global warming/climate change:

Lahat tayo ay may maitutulong sa pangmalawakang pagkilos laban sa climate change. Ito ay mga bagay
na maaari nating gawin sa pamamagitan ng pagbabago sa uri ng ating pamumuhay.

1. Magpalit ng inyong gamit na bumbilya. Gumamit ng tinatawag na compact fluorescent light bulbs
(CFLs).
2. Buksan ang inyong mga bintana. Hayaan natin na makapasok ang natural na ilaw o liwanag sa ating
mga tahanan. Kung hindi rin lang kainitan ay huwag nang buksan ang inyong aircon.
3. Maglaba nang maramihan. Ipunin ang inyong maruruming damit at labhan ito nang sabay-sabay para
makatipid sa paggamit ng kuryente. Isampay na lamang ang damit upang matuyo.
4. Bunutin ang plug ng mga appliances kung hindi rin lang ginagamit. Ang mga TV, stereo, at video
players na naka-stand-by mode ay kumukunsumo pa rin ng kuryente. Bunutin ito kung hindi naman
ginagamit. Bumili lamang ng mga kasangkapan na matipid sa kuryente.
5. Panatilihing maayos ang inyong mga sasakyan. Siguraduhing ang makina ng sasakyan ay nasa ayos at
ang mga gulong ay may sapat na hangin. Ang sasakyang wala sa kondisyon ay maaksaya sa gasolina.
6. Magmaneho nang maayos. Huwag magpadalos-dalos sa pagmamaneho. Iwasan ang biglang pag-
aarangkada. Singkwenta porsyento ng gasoline ang naaaksaya dito.
JULIUS CEAZAR Q. MANRIQUE

7. Maglakad, sumakay ng bisikleta, bus, at LRT o MRT. Hindi lamang ito makakatipid sa gasolina,
mababawasan pa ang polusyon na nagdudulot ng climate change.
8. Sumali sa mga Carpool. Makisakay sa mga carpool o mag-alok sa iba na sumabay sa iyo kung ikaw ay
gagamit ng kotse.
9. Magbayad ng inyong bills sa pamamagitan ng internet. Gamitin ang online payment facilities para
bayaran ang mga bills ninyo. Ito ay makakatipid sa paggamit ng tseke at mga papel na nagpapadadag
lamang sa naiipong dumi sa kapaligiran.
10. Huwag palagiang gumamit ng kompyuter. Huwag gumamit ng kompyuter nang patuloy-tuloy. Kung
apat na oras lamang sa isang araw natin gagamitin ito ay makakabawas tayo ng carbon dioxide emission
ng 83%.
11. Huwag nang gumamit ng mga plastic bags. Gumamit ng bag na pwedeng gamitin nang paulit-ulit para
mabawasan ang plastic bag na ating itinatapon. Ito ay nagdudulot ng tinatawag na greenhouse gases.
12. Gumamit ng nirecycle na papel. Sa paggamit nito ay 60% ng kuryente ang matitipid sa paggawa ng
recycled paper kumpara sa paggawa ng bagong papel. Ito ay magdudulot ng katipiran na 4,400kwh sa
kunsumo sa enerhiya, 30,000 litrong tubig, at 19 na puno sa bawat tonelada ng nirecycle na papel na
magagawa.

o Sumuporta at sumali sa mga usapin ukol sa kung ano ang climate change.
o Maging resposabling mamamayan at wag magsunog ng mga plastik.
o Maging matipid sa enerhiya.
o Tigilan ang pag putol ng mga punong kahoy bagkos magtanim nito.
o Gumamit ng Biofuels.

You might also like