You are on page 1of 1

EL FILIBUSTERISMO

Ang nobela ay nagsisimula sa isang paglalakbay ng isang bapor,


ang Bapor Tabo. Doon ipinakilala ang ilang tauhan ng nobela na
si Simoun, Isagani, at Basilio. Si Crisostomo Ibarra ay nagbalik
sa Pilipinas at nagbalatkayo bilang isang mayamang alahero na
nagngangalang Simoun. Taglay ang poot at layong makapaghiganti
at iligtas si Maria Clara sa kumbento, naglunsad si Simoun ng mga
plano upang bulukin at pahinain ang pamahalaan upang maging
sanhi ng himagsikan.
Lihim at masinop siyang nagbalak at nakipagkuntsaba sa iba't ibang
tauhan sa nobela, kabilang na si Basilio. Una, binalak niyang
manghimagsik at manggulo sa isang pulutong na sapilitang
magbubukas sa kumbento ng Santa Clara upang agawin si Maria
Clara. Ngunit hindi natuloy ang planong ito sapagkat namatay nang
hapong iyon si Maria Clara. Pangalawa, nagkaroon ng pagkakataon
si Simoun sa kasal ni Paulita Gomez at Juanito Pelaez kung saan
dadalo ang lahat ng makapangyarihan sa pamahalaan. Niregaluhan
ni Simoun ang ikinasal ng isang magarang lamparang may hugis
granada na kasinlaki ng ulo ng tao.Lingid sa kaalaman ng lahat, ang
ilawang ito ay nagtataglay ng granada na kapag itataas ang mitsa
upang paliwanagin ay sasabog ito. Sa kasawiang palad at sa
pangalawang pagkakataon, hindi natuloy ang balak na ito ni Simoun
sapagkat nalaman ni Isagani ang maitim na balak na ito at mabilis
na inihagis ang ilawan sa ilog.
Matapos ang pangyayari, namundok si Simoun dala ang kaniyang
mga alahas at nakipagkita kay Padre Florentino. Nangumpisal si
Simoun at pinatawad naman ng pari. Uminom si Simoun ng lason
upang hindi mahuli ng mga guardia sibil na buhay. Nagwakas ang
nobela nang ihagis ng pari ang kayamanan ni Simoun sa dagat at
umasang matatagpuan iyon at magagamit para sa kabutihan ng
taumbayan.

You might also like