You are on page 1of 7

Awiting Panudyo -Easy

Piliin ang letra ng tamang kasagutan. Itiman ang bilog na iyong sagot sa sagutang papel.

Kayo po na nakaupo
Subukan nyo naming tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko

Sino kaya ang tinutukoy ng salitang “nakaupo”?


a. mga taong may kapansanan c. mga taong tamad
b. mga taong may pwesto sa lipunan d. mga taong masisipag

Anong damdamin ang namayani sa kumakanta sa koro ng awit?


a. pagkalungkot c. paghihinakit
b. pagmamalaki d. panghihinayang

Kahit sa patalim kumapit


isang tuka isang kahig
Ang mga kamay na may bahid ng galit
Kasama sa buhay na minana
Isang maling akala na ang taliwas kung minsan ay tama
Ang hari ng Tondo, hari ng Tondo
Baka mabansagan ka na hari ng Tondo
Hari ng Tondo, hari ng Tondo-ohh
Baka mabansagan ka na hari ng Tondo

Ano ang nais ipahiwatig sa unang saknong ng awitin na may salungguhit?


a. Ang kahirapan ay sadyang minana
b. Ang kahirapan ay bunga ng walang ari-arian
c. Ang kahirapan ay dulot ng kawalan ng hanapbuhay
d. Ang kahirapan ay bunga ng katamaran

Anong pahayag ang tumutukoy sa paglalarawan sa awit sa mga sumusunod na titik?


a. kumakapit sa patalim ang taong gutom
b. gumawa ng masama ang taong hikahos
c. nagsisiga-sigaan ang taong mahirap sa buhay
d. kahit masama gagawin para di magutom

Ipinapahayag ng awit sa saknong na ito na ________________


a. magsumikap sa buhay
b. magnakaw sa kahit anong paraan
c. pumatay ng kapwa
d. maghari-harian kahit saan
Alamat - Hots
Pansinin ang bahagi ng alamat na nasa kahon sa kasunod na pahina . Ano ang kapuna- puna
sapangyayari
a. makatotohanan b posibleng magana c. kapani-paniwala d. hindi kapani-paniwala

“ Huwag kang makialam, matandang hukluban! Bubunutin naming lahat ang aming magustuhan
upang mailipat sa aming tahanan.” Sabay-sabay na nagtawanan ang mga kabataan. “ Huwag kang makialam,
matandang hukluban! Bubunutin naming lahat ang aming magustuhan upang mailipat sa aming tahanan.”Sabay-
sabay na nagtawanan ang mga kabataan.“Mga lapastangan! Hindi na kayo nagpaalam ay sinira pa ninyo
ang aking halaman. . Mula ngayon kayo ayaking paparusahan.” Hindi pinapansin ng mga kabataan
ang sinabi ng matanda, bagkus lalo pa silang nagbulungan at naghagikgikan. Hindi nila namalayan
na unti-unti na pala silang lumiliit at tinutubuan ngpakpak. Sila ay naging ganap na
bubuyog. Nagliparan sila sa paligid ng mga bulaklak habang nagbubulungan.Bzzzzzzzz,
Bzzzzzzz. Bzzzzzzzzzz.
-Halaw sa Alamat ng Bubuyog
Karunungang Bayan - Hots
Usong- uso sa mga kabataan ang “fliptop”. Nais mong maging “in“ sa bagong henerasyon na iyong
kinabibilangan ngunit gusto mong maging makabuluhan ang nilalaman ng fliptop na iyong ibabahagi . Ano
ang dapat mong gawin?
a.Humalaw ng makabuluhang kaisipan mula sa mga karunungang-bayan ng ating panitikan
b. Gayahin ang estilo ng isang sikat na rapper .
c. Magpagawa ng fliptop sa mahusay bumuo nito .
d. Mangopya ng mga fliptop na napanood sa video .

Sanaysay –

Easy
Ito ang dahilan ng pagliit ng pandesal sa pagdaan ng panahon batay sa sanaysay na “Pandesal”.
a. Kakaunti ang kumakain nito.
b. Nagmamahal ang sangkap nito.
c. Dumarami ang kumakain nito.
d. Nagkaroon ng iba’t ibang uri ng tinapay

Ito ay isang uri ng pangangalap ng mga importanteng impormasyon.


a. pananaliksik c. pagsasalita
b. pananahimik d. pagkukuwento

Medium
“Tinapay na may asin” ang literal na ibig sabihin ng Espanyol na pan de sal. Ang
sangkurot na asin (sal sa Espanyol) marahil ang ikinatangi nito upang maging
paboritong panghalili sa almusal ng isang bansang higit na sanay kumain ng
kanin. Sinimulan ang talata sa pamamagitan ng ____.
A. Pagkilala sa paksa
B. Pagbibigay-kahulugan
C. Pagpapahayag ng kasabihan
D. Pagtukoy sa dating kaalaman

Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng di-kathang isip, maliban sa isa.


A. Pandesal
B. Ang Hukuman ni Sinukuan
C. Pork Empanada
D. Si Malakas at si Maganda
20. Ang dahilan ng pagliit ng pandesal sa pagdaan ng panahon batay sa sanaysay na
“Pandesal” ay ______.
A. Kakaunti ang kumakain nito.
B. Nagmamahal ang sangkap nito.
C. Dumarami ang kumakain nito.
D. Nagkaroon ng iba’t ibang uri ng tinapay.

Ayon sa pagkakasalaysay, ang uring ito ng tuluyan ang huling nakakita ng liwanag samga akdang
pampanitikan na naglalaman ng mga opinyon at saloobin ng sumulat tungkol sa isang
mahalagang paksa o isyu.
a.tula b. dula c.sanaysay d. maikling kuwento

Medium

“Ayoko nang makinig sa mga usapan noong araw, na hindi ko makita ang kabuluhan sa kasalukuyan.”
Ang kalagayan ng lipunan na mahihinuha sa pahayag ay ______.
a. naghahangad ng pagbabago
b. may pagnanais na mag-alsa
c. naghahanap ng katarungan
d. nawawalan ng tiwala sa saril

Hots
Bakit mahalagang maunawaan ang mga detalyeng nagbibigay –suporta sa pangunahing ideya?
a.nagbibigay ng tulong sa pag-unawa sa mga halimbawa
b.madalas na itinatanong sa pagsusulit
c.nagbibigay- daan upang matandaan ang mga detalye
d.susi para sa lubusang pagkilala at pag-unawa sa pangunahing ideya
Maikling Kuwento –Easy

Elemento ng maikling kuwento na tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na nag-iiwan ng


kakintalan sa isipan ng mga mambabasa.
a.banghay b. tauhan c.tagpuan d. tema o paksa

.”Sa pag-alis ko kina Mamay, mabigat ang aking paa. Ngayon nakakita ako ng gusto ko,
kailangan naming iwanan.” Ang sitwasyon ay nagpapakita ng tunggalian na nagaganap
sa tao laban sa _______.
A. kalikasan C. kapwa
B. lipunan D. sarili

Kahulugan ng mga Salita


Easy
Napaka “sarcastic” ng mga sinasabi niya. Ibig sabihin _________________.
a. matalinong pahayag c. nakakalungkot na pahayag
b. nanunuyang pahayag d. nakakatuwang pahayag

Ang mga bata ay “malimit” lumabas ng bahay tuwing hapon, na nangangahulugang _____________.
a. madalas c. araw-araw
b. palagi d. hindi madalas

Ang “hangad” ko lamang ay ang pag-ibig mo, Joy, na ang kahulugan ay ____________.
a. gusto c. pilit
b. ayaw d. a & b

Elemento ng kwento
Panuto: Basahin ang kwento at punan ng wastong sago tang tsart sa ibaba.

Ang Umiibig na Leon


Sa isang pamayanang kahuyan noong nakalipas na panahon, isang mabangis na leon ang
umibig sa anak ng mangangahoy. Hiningi niya sa ama ang kamay ng dalaga. Ayaw ng ama na ipakasal
ang anak sa Leon. Ngunit takot siyang tanggihan ang hari ng kagubatan.
Nag-isip ang ama. Tiwanag niya ang Leon at sinabihan. “ Tatanggapin kita, mapapatunayan
mo iyong katapatan at pagmamahal sa akng anak”. Payagan mo akong tanggalin ang iyong mga ngipin at
putulin ang iyong mga kuko”.
Tinanggap ng Leon ang mungkahi ng ama. Mabilis na binunot ng ama ang ngipin ng Leon at
pinutol ang kanyang mga kuko. Makalipas ang dalawang araw bumalik ang Leon upang hingin ang
kamay ng dalaga. Ngunit handa ang ama. Hndi na siya takot sa Leon. Hinampas niya ng malaking piraso
ng kahoy ang Leon. Tumakas ang Leon at nagtago sa kagubatan. Magmula noon hindi na ginambala ng
Leon ang mag-ama.

Tauhan Tagpuan Kasukdulan Wakas


47. 48. 49. 50.

a. Sa kabundukan noong unang panahon


b. Sa isang pamayanang kakahuyan noong mga nakalipas na taon
c. Tumakas ang Leon
d. Ama, Leon, Dalaga
e. Matandang babae, binata, Leon
f. Nang sinabi ng ama ang kanyang gusto upang mapatunayan ng Leon ang pag-ibig niya sa dalaga
g. Binunot at pinutol ng ama ang ngipin at kuko ng Leon
h. Hindi na ginambala ng Leon ang mag-ama
i. Pinakasal ng ama ang kanyang anak sa Leon.

Panuto: Ayusin ang mga sumusonod na salitang magkakaugnay ayon sa tindi ng kahulugan.
Titik lamang. ( mababa patungo sa pinakamataas)

A. kadamutan 5__________________35
B. katusuhan 4________________________ 34
C. katipiran 3_______________________________33
D. kasakiman 2_____________________________________ 32
E. kakuriputan 1____________________________________________31

Ang mga sumusunod na salita ay halos nagkakalapit ang kahulugan subalit magkakaiba ang tindi ng nais ipahayag. Pagsunud-
sunurin ang mga pahayag gamit ang A-para sa matindi, B- mas matindi at C bilang pinakamatinding pahayag.

1-3 suklam galit poot

4-6 ligaya galak lugod

6-9 nalulungkot namimighati nalulumbay

Sa pangungusap na” Kahit nang siya ay nasa America na, hindi pa rin naniniwala si Kris na dapat na niyang lisanin ang sariling
bayan. Alin ang ANAPORA sa pangungusap?
a. siya b. nang
c. na d. niyang

14. Sa pangungusap na” Kahit nang siya ay nasa America na, hindi pa rin naniniwala si Kris na dapat na niyang lisanin ang sariling
bayan. Alin ang KATAPORA sa pangungusap?
a. siya b. nang
c. na d. niyang

. Ito ay mga panandang diskurso na nagpapahiwatig ng pagkasunud-sunod ng pangyayari maliban sa isa.


a. pagkatapos b. saka
c. sa dakong huli d. una

15. Ito ay mga panandang diskurso na nagpapahiwatig ng pagkabuo ng diskursoi maliban sa isa.
a. sunod b. pagtatapos
c. sumunod na araw d. una

Kapansin-pansin ang nangyayari sa ating bansa. May ilan tayong kababayang nagkasakit ng AIDS (Acquired Immune Deficiency
System), isang sakit na nagbubunga ng paghina ng depensa ng katawan. Hindi rin nakaligtas ang ilang Pilipino sa sakit na SARS
(Severe Acute Respiratory Syndrome), isang viral respiratory illness na nagging sanhing pagkatakot ng buong mundo at unang
natagpuan sa Timog China noong Nobyembre, 2002
talata, aling pangungusap ang nagpapahayag ng pangunahing ideya.
a. Unang Pangungusap b. Ikalawang Pangungusap
c. Ikatlong Pangungusap d. Ikaapat na pangungusap

27. Anong salita ang nagpapakilala ng negatibong pahayag tungkol sa sakit na AIDS at SARS.
a. nagkasakit b. nakaligtas
c. pagkatakot d. paghina ng depensa

28. Aling pangungusap ang nagpapahayag ng sanhi at bunga?


a. Unang Pangungusap b. Ikalawang Pangungusap
c. Ikatlong Pangungusap d. Ikaapat na pangungusap

29. . Anong uri ng teksto ang binasa?


a. informativ b. persweysiv/argumentativ
c. deskriptiv d. narativ
30. Ano ang kahulugan ng unang salitang may salungguhit ayon sa pagkagamit nito sa pangungusap?
a.pagkukulang b. depensa
c. nakakahawa d. masamang kalagayan
31 Ano ang kahulugan ng ikalawang salitang may salungguhit ayon sa pagkagamit nito sa pangungusap?
a. sakit b. lagnat
c. virus d. tumor

You might also like