You are on page 1of 3

AEMC

Nang ika’y nakilala


Kakulangan sa buhay ay nawala
Mundo kong matamlay
Iyong binigyang kulay

Sa tuwing ika’y aking kausap


Ngiti ay umaabot sa alapaap
Mga salitang iyong binibitawan
Hatid sakin ay kaligayahan

Mga mata mong maririkit


Talaga namang kaakit-akit
Mga ngiti mong kay tamis
Tibok ng puso ko’y bumibilis

Mahal na prinsesa
Maari ba kitang maging reyna
Sa aking kahariang
Ikaw na lamang ang kulang?
Dagat

Kay sarap damhin ng simoy ng hangin


Tila hinahaplos ang iyong damdamin
Pati ang alon na laging dadalhin
Sa isang lugar na mahirap tunguhin

Bawat hampas ng alon may binubulong


Bawat ihip ng hangin ay dumadaing
Naiwan akong nag - iisa
Tila ba nawalan ng pag asa

Malalim ang tubig, sadyang malalim


Tila ba hihilain ka nito pailalim
Ngunit kagandahan nito'y hindi maipagkakaila
Parang pag asa, hinding hindi magmamaliw

Ang dagat ay masarap sapitin


Dito ka makakapag palabas ng iyong damdamin
Kaya't dagat ating pahalagahan
Ingatan natin ito at pangalagaan
October 2017 ang 1 year anniv

You might also like