You are on page 1of 2

ggh

Pres. Rodrigo Duterte

Si Rodrigo “Rody” Roa Duterte o Digong ay isa sa pinakamatagal na nanungkulan bilang alkalde ng Davao
City. Nagsilbi siya sa loob ng 22 taon kasama na rito ang paninilbihan bilang bise-alkalde at congressman.
Bakit siya nagtagal? Kasi walang nagtangkang lumaban dahil napakalakas niya sa kanyang nasasakupan.
Mataas ang respeto sa kanya ng mga ito. Ang matapang at maayos niyang pamamalakad sa naturang lungsod
ang naglagay sa kanya bilang isa sa pinakamahusay na Mayor ng nasabing siyudad. Ngayong Hunyo, susumpa
si Digong bilang ika-16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Tutuparin niya ang pangakong lilinisin niya ang
kriminalidad at aayusin ang ekonomiya ng bansa. Mabuhay ka, Digong! Mabuhay ang bagong Pangulo ng
Pilipinas!
Si Duterte ay popular dahil sa tapang na sugpuin ang kriminalidad sa lungsod na walang pag-aalinlangan. Siya
ang action star ng kanyang mga kababayan. Tinawag siyang “The Punisher.” Mga vigilante na malapit kay
Duterte ang hinihinalang responsable sa pagpatay ng mga drug trafficker, kriminal, gang member at iba pang
mga masasamang loob. Sa loob ng 20 taon, ang Davao City ay naging “murder capital of the Philippines.” Sa
ngayon, para sa iba’t ibang tourists organization, ang Davao ang “the most peaceful city in Southeast Asia,” at
nakuha pa ang ika-apat na pwesto bilang “safest place in the world.” Nakakuha ng sari-saring reaksiyon si
Duterte mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan na kumokondena sa kanyang paraan ng paglilinis sa
kriminalidad.
Humble beginnings
Si Rodrigo Duterte ay ipinanganak sa Maasin, ngayo’y kapital ng Southern Leyte. Ang kanyang ama ay
abogado at ang ina naman ay guro at civic leader. Ang ama ni Digong ay naging alkalde ng Danao, Cebu bago
pa maging provincial governor ng Davao. Ang pinsang si Ronald naman ay nagsilbing alkalde ng Cebu City
mula 1983 hanggang 1986. Ang ama ni Ronald ay naging alkalde rin noong 1957 hanggang 1959. Kaya
masasabi nating ang mga Duterte ay hindi na baguhan sa pulitika. Sila ay kilala at iginagalang sa mundo na
kanilang ginagalawan. Kinokunsidera nilang kamag-anak ang mga Durano at Almendras.
Lumipat ang mga Duterte sa Mindanao noong 1948 subalit nagpabalik-balik sila sa Visayas at Mindanao at
noong 1951 ay nanatili na sa Davao. Si Vicente, ama ni Digong, ay naging abogado muna bago nahatak sa
mundo ng pulitika at ang asawang si Soledad Roa na isang guro sa public school. Nagretiro siya nang ang
kanyang asawa ay naging governor at tumulong na lamang ito sa iba’t ibang proyektong pang-gobyerno ng
kanyang kabiyak. Sa pangyayaring ito ay natutuhan niya at naging pamilyar siya sa mga suliraning pang-
sosyedad at ekonomiya lalo na ang mga out-of-school youth, kababaihan, kabataan at mga may kapansanan.
Si Duterte ay nag-aral sa mababang paaralan ng Laboon Elementary School sa Maasin, sa loob lamang ng
isang taon. Ang natitira pang mga taon sa elementarya ay kanyang ipinagpatuloy sa Santa Ana Elementary
School sa Davao City kung saan siya nag-graduate. Hindi itinago ni Duterte na siya ay dalawang beses na na-
expel sa paaralan dahil sa misconduct. Siya ay nag-graduate noong 1968 sa Lyceum of the Philippines sa
kursong Bachelor of Arts in Political Science sa Maynila. Nagtapos din siya ng abogasya sa San Beda College
of Law sa Maynila taong 1972. Sa parehas na taon ay pumasa siya sa bar exam. Naging Special Counsel siya
sa City Prosecution Office sa Davao City mula 1977 hanggang 1979; Fourth Assistant City Prosecutor mula
1979 hanggang 1981; Third Assistant City Prosecutor mula 1981 hanggang 1983; at Second Assistant City
Prosecutor mula 1983 hanggang1986.
Pagkatapos ng People Power ay na-appoint si Duterte bilang OIC Vice Mayor ng Davao. Pagkatapos nito ay
tumakbo siya sa mataas na posisyon na alkalde ng lungsod at nanalo. Siya ang kauna-unahang public official
na naglagay ng mga deputy mayor na mula sa Lumad at Moro sa city goverment. Ito ay sinundan ng iba’t
ibang siyudad ng Pilipinas dahil nakita nilang ito ay may magandang hangarin.
Taong 1998 ay muling tumakbo si Digong at ito ay sa pagka-kongresista ng unang distrito ng Lungsod ng
Davao. Pagkatapos ng kanyang termino bilang kongresista ay muli siyang tumakbo bilang alkalde at muli
siyang nagwagi. Ang kanyang termino ay nagtagal hanggang umabot sa kasalukuyang taon.
Ang Davao City sa pamumuno ni Duterte ay nanalo ng National Literacy Hall of Fame Award dahil sa tatlong
beses na pagwawagi bilang Outstanding Local Government Unit sa Highly Urbanized City category.
Sa mga panahong ito ay kilala na ng buong Pilipinas si Duterte bilang isang matipuno at matapang na lider.
Unti-unti na siyang umuukit ng pangalan sa mundo ng pulitika. Kung sa iba ay nakikita siyang bilang marahas
na pulitiko, sa kanyang nasasakupan ay isa siyang mabait at matulunging tao. Tumatawid pa siya sa ibang
probinisya na kahit hindi niya nasasakupan upang tumulong.
Hindi lamang sa loob ng bansa nakapukaw ng atensiyon si Duterte kundi maging sa ibang bansa. Mayroong
maganda at hindi magandang reaksiyon mula sa international community. Ang mga napapabalitang extra-
judicial killings ay kinondena ng mga ito kasama na rito ang international human rights group.
Sa unang yugto pa lamang ng 2015 ay naghahanda na ang iba’t ibang political parties kung sino ang kanilang
ilalagay bilang kanilang pambato sa pampanguluhang eleksiyon. Una nang lumabas ang pangalang Vice
President Jejomar Binay na umani ng iba’t ibang batikos sa kinasasangkutan nito at ng pamilya na anomalya,
sumunod si Senator Grace Poe na malakas ang dating dahil anak ni Fernando Poe Jr., si Mar Roxas na
inendorso ni Pangulong Aquino at si Senadora Miriam Defensor-Santiago. Walang nag-akala na sasali si
Digong sa pampanguluhang eleksiyon. Hanggang sa huling sandali ay nag-anunsyo si Digong na siya ay
tatakbo. Biglang nagbago ang takbo ng simoy ng hangin. Ang mga tao ay nabuhayan ng loob dahil may nakita
silang pag-asa kay Digong.
Sa hindi malamang dahilan ng international political communities, hindi sila makapaniwala na si Rodrigo
Duterte ang nagwagi sa laban. Si Digong, “The Punisher,” si “Duterte Harry,” si “Trump of the East” at kahit
na ano pa ang itawag sa kanya, siya si Rodrigo Roa Duterte. Ngayong Hunyo, susumpa si Digong bilang ika-
16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Tutuparin niya ang pangakong lilinisin niya ang kriminalidad at
aayusin ang ekonomiya ng bansa. Mabuhay ka, Digong!

You might also like