You are on page 1of 2

PAGTATALUMPATI

Filipino sa Piling Larang

Pangalan: Nadinel V. Serrana Seksyon: 12 Galileo Petsa: ____________ Iskor: ___/10

I. Paksa : Militar
II. Pamagat : Dumanak ang Dugo
III. Talumpati :
Sa pang-araw-araw kong buhay ay tila normal na ang mga balita na tungkol sa pagkamatay ng mga taong
sangkot sa droga o ‘di kaya mula sa digmaan laban sa Maute group. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos ang
isyu ukol sa digmaan sa Marawi sapagkat hindi lang ito nag-iwan ng bakas ng dugo at kamatayan kundi pati
pagkasira ng buhay ng mga taong mula roon. Unti-uting namuo sa aking isipan ang kyuryosidad, ‘Bakit ganoon ang
ginawa ng military? Ito ba ng kahulugan ng trabaho bilang military? Sumusunod lamang ba sila sa utos ni Presidente
Duterte?’ Ilan lamang iyan sa mga katanungan ko kaya napagdesisyonan kong magbasa ukol dito.
Ang sandatahang lakas ay isang organisasyon na binuo ng mismong gobyerno ng bansa na may
kakayahang gumamit ng mga sandata alinsunod sa kagustuhan ng estado. Mula sa Constitusyon ng Pilipinas nuong
1986, binuo ang militar ng Pilipinas para ipagtanggol ang mga mamamayan nito at layunin nitong siguraduhin at
kasatuparan ang soberanya at integridad ng pambansang teritoryo. Ito ay nahahati sa iba't-ibang sangay, halimbawa
ay ang hukbong sandatahan ang pumoprotekta sa bansa at mga likas na yaman nito. Sunod ay ang marine corps na
nangunguna sa mga labanan sa lupa at katrabaho ang hukbong dagat na nagtatanggol ng mga karapatan ng bansa
sa pakikipagkalakalan sa pamamagitan ng paglalakbay sa karagatan. Sunod ay ang Air force na ginagamit ang
himpapawid upang protektahan ang interes ng bansa dito mismo o sa ibang bansa. At ang huli ay ang coast guard
na pinangangalagaan ang karapatang maglayag sa tubig ang mga tao at produkto saan mang katubigan.

Alam niyo ba na ako yung tipo ng tao na sigurista, plano ko na mag-aral ng medisina kung papalpak man ako ay
mag-aartista ako. Kung hindi talaga ako papalarin, sasali na lang ako sa militar. Gusto ko dapat kung mangyari man
ito, kasali ako sa mga unang ipadadala sa harap ng gyera tapos mag rararatat-ta-tat ako ng mga kalaban. Kaya paano
nga bang sumali sa militar? Ang tao ay maaring sumali sa militar basta na sa kanya ang sumusunod na
pangangailangan, dapat pinanganak na Pilipino at hindi lalagpas sa 18-23 ang edad, nakapagtapos manlang ng
mataas na paaralan, maganda ang kalagayan ng katawan at mentalidad. Mula sa Republic Act No. 7077 ng 1991,
Artikulo VI, Seksiyon 17 ang mga taong may kapansanan sa matalidad o katawan, may iskedyul sa korte, at mga
nahatulan ng pagkakulong ay hindi maaring sumali sa militar.
 Marami palang proseso ang nangyayari sa loob ng militar, sana ay may natutunan kayo sa paglalahad ko.
Salamat sa pakikinig at sa uulitin.

IV. Ipaliwanag ang hulwarang ginamit sa pagbuo ng talumpati:


Topikal na hulwarang ang ginamit sa talumpati sapagkat mula sa pangunahing paksa ay nangangailangan ito ng
pangsuportang ideya at pagkatapos ay mahahalagang detalye na maaring magkaroon ng kaugnay na detalye.

V. Mga tiyak na impormasyon:


a. Binuo ang militar ng Pilipinas para ipagtanggol ang mga mamamayan nito at layunin nitong siguraduhin at kasatuparan
ang soberanya at integridad ng pambansang teritoryo.
b.

c.

VI. Sanggunian:

a. Aklat
1. Ateneo Law Journal (Vol. 57, 325 to 684). (2012).
2. Moreno, F. B. (1988). Philippine law dictionary. Manila: Vera-Reyes.
3. The Constitution of the Republic of the Philippines, 1986. (1986). Quezon City: The Commission.

b. Online
1. (n.d.). Retrieved from
http://www.chanrobles.com/presidentialdecrees/presidentialdecreeno1638.html#.W0ZkCzozbIW
2. (n.d.). Retrieved from http://www.chanrobles.com/republicacts/republicactno242.html#.W0ZkCzozbIX
3. What is the importance of the military in the United States? Why do we need the military? (n.d.). Retrieved from
https://www.enotes.com/homework-help/whats-importance-military-forces-u-s-like-all-286156

c. (Iba pa..)

You might also like