You are on page 1of 14

<center><h1>CHAPTER 1: Mikaela</h1></center>

<hr>
This is NOT a continuation of the Finale, guys. Chapter 64 is really the finale.
Bigla lang pong nawala 'yung dating Chapter 1 sa table of contents. So for the
meantime, I just added it in here so new readers can start the story. And to my new
readers, just proceed with the normal flow on Chapter 2 from above after reading
this. Thanks a lot! ^___^

___________________________________

Mikaela Maghirang. Ang nag-iisang anak ni Rafael Bonifacio Maghirang na kabilang sa


mga pinakamayamang business tycoon sa industriya. Kilala ang kanyang ama bilang
Chief Vice-President ng Dela Rosa Empire, Inc., Isang kumpanya na tanyag sa
larangan ng exportation ng quality wood carvings at iba't iba pang business
ventures like perfumes, winery, and so much more. Just recently, nahirang ang
kumpanya ng kanyang ama na isa sa Top10 Forbes Most Successful Companies in the
World. She's proud of it dahil kabilang ang papa niya sa nagtaguyod ng kumpanya.

Anyway, Mikaela Maghirang is raised with a high profile lifestyle. All the things
she wants, she gets. Mikay, as friends call her grew up without a mother. She died
when she was just born. Ang tanging alaala niya sa kanyang ina ay ang mga pictures
and fond stories about her.

Yaya: Uy! Mikay! Gising na! May lunch date kayo ng papa mo ngayon di ba?! Anong
oras na oh!

Mikay: Hayyyy! Yaya! it's early pa naman eh! Kainis naman!

Yaya: Oy! Mikay! Kilala kita! Maaga pa nga pero sus! kung makapag-ayos ka daig mo
pa ang isang primadonna!

She's so used to her yaya treating her like that. They're really close. Eto na ang
tumayong ina niya and she can't imagine life without her.

Mikay: Ayan na po! Babangon na po!

Habang nakahiga sa bathtub, iniisip niya na special ang araw na to because she's
going to ask her dad a favor to travel with her friends for a month long vacation
in Europe. Nakarating na sya doon ng ilang beses but she kept on falling in love
with the place for the nth time. Maganda ang buhay doon. Malaya, kakaiba, full of
adventures.

At the age of 21, isa siyang spoiled brat with a two-year degree in Secretarial
course sa isang unibersidad sa Manila. She took that course because she felt it's
an easy one. It's not like she's dumb or something. Ayaw lang niya ng pressure or
great responsibility. She has a choice to study abroad. But for her, going abroad
is just meant for vacation and having fun and just living the life. She'd been to a
lot of places all over the world. She met a lot of people. Well, some intimately...

As she stepped out of the car opened by her chauffeur, flashes of camera ang
sumalubong agad sa kanya. Well, she's a socialite. Everyone's interested on
everything about her. What she wears, how she looks, everything! She doesn't mind
at all! Madalas pa siyang ma-feature sa mga high-end magazines. And she definitely
loves the attention.

She's not the typical goddess beauty but she exudes with great confidence. She's
morena with long shiny hair, quite skinny and quite short in stature na nadidismula
lamang ng pagsuot niya ng high-heeled shoes. But according to the guys she had
dated, they get attracted with her angelic face. She has this doll eyes, matangos
na ilong and that captivating smile.

Reporter: Mikaela, anong masasabi mo sa eskandalong kinasasangkutan ni Mr.


Maghirang?

What the?! Ano raw? Anong eskandalo? Dali-dali siyang tumungo sa loob ng restaurant
and saw her father in a state that she had never seen before.

Mikay: Papa, Okay lang po ba kayo? Ano po yung sinasabi nila sa labas? Ano pong
eskandalong kinasasangkutan niyo daw po?

Papa: Mikay, you sit first. We'll talk later. We're here for lunch, okay?

Mikay: Pero papa...

Papa: No buts... I ordered your favorite dish.

Habang kumakain, napapansin niyang nasa malayo ang isip ng kanyang papa. He's not
on his usual mood. Parang pinagbagsakan ng langit ang itsura nito ngayon.

Papa: Did you enjoy the food?

Mikay: Yes po... Pa, ano po ba nangyayari?

Papa: Anak, I got fired...

Mikay: Huh!... Papa, hindi ko po maintindihan...

Papa: I was terminated from the company.

Mikay: Pero bakit po? That company is your life! Bakit nila gagawin yon?

Papa: Naaalala mo yung sinabi ko before na the only son of Mr. Dela Rosa will be
the one who'll take his position after he retires. Well, he's in charge now. And
sadly, he doesn't want me there.

Mikay: That's unfair! You don't deserve that kind of treatment! There must be a law
against it! Idedemanda natin siya, Papa!

Papa: No need, anak! He told me that he's going to file a case against me.

Mikay: What?!!! How could he?! Ano namang ikakaso niya eh siya na nga tong
nagtanggal sa inyo!

Papa: It's related with corruption...

Mikay: Ano?!! Papa! Wala siyang karapatang gawin sa inyo to! Wala siyang karapatang
dungisan ang pangalan ninyo!

And she just started crying....

Papa: Calm down, anak. May paraan naman eh. We can always go to Europe and live
there. Let's get out of here and start a new life.

Pangarap niyang pumunta muli sa Europe but not like this... Not this way!

Mikay: No, Papa! We'll get through this! Kelangan natin silang harapin! Kelangan
nating malinis ang pangalan mo!
__________________________________________________

Hope you, guys like my first wattpad story! Watch out for Chapter2!

Abangan natin si Gino Dela Rosa... :D

__________________________________________________

<center><h1>CHAPTER 2: Gino...</h1></center>
<hr>
Gino Dela Rosa. Ang tagapagmana at nag-iisang anak na lalaki ng nagmamay-ari ng isa
sa pinakamalaking kumpanya sa buong mundo, ang Dela Rosa Empire, Inc. He has it
all... Fame, money, everything. Lumaki siya sa Amerika. Nagtapos sa isang
unibersidad sa New York...

All his life, he has been trained to be the one who'll replace his dad on ruling
the "Empire" when the right time comes. At his age of 23, that time already
came......

Habang nakaupo sa sofa ng kanyang penthouse unit, Gino is sipping a cup of coffee
while reading the morning newspaper nang magawi ang tingin niya sa isang artikulo.
Larawan ito ng isang babae, "Mikaela Maghirang, the daughter of a corrupt business
tycoon?" ang nakalahad na titulo ng artikulong iyon.

Napatitig siya sa mukha ng larawan. Nakangiti iyon at nakahawak sa braso ng isang


lalaking anak ng isang politician. Nagdilim ang mukha ni Gino sa nakita. Ibinaba
ang pahayagan sa mesa sabay kuha sa kanyang cellphone.

Gino: Sino ang nag-leak sa press tungkol sa kaso ni Mr. Maghirang?! Di ba sinabi ko
walang makakaalam?!

Exec. Dir: Mr. Dela Rosa, wala pa pong nakakaalam pero gumagawa na po ng
investigation kung sino po ang may kagagawan.

Gino: Siguraduhin niyong may mananagot! Or else ikaw ang papanagutin ko!

Exec. Dir: Mr. Dela Rosa, with all due respect, kung tutuusin proven na po and
beaming with evidence ang kaso ni Mr. Maghirang. So, ano pang silbi kung ma-leak
man sa press?

Gino: Do as I say, Henry! Kung ayaw mong ikaw ang isunod ko!!!

Gino sat back on the sofa. He stared on the picture in the article sabay
buntonghininga.

____________________________________________

In the office...

Sec.: Sir, you really have to go to New York next week. Yung mga business
associates natin dun gusto muna daw po kayong makausap bago sila mag-invest ng
stocks.

Gino: Akala ko ba naayos na yan ni dad bago siya umalis? At ako pa pala lahat
sasalo ng mga yan. Okay, magpareserve ka na lang ng ticket wednesday next week.

Sec.: Okay, sir.

Gino: And Bianca, please tell Ashi na pagtimpla ako ng kape.

Sec.: Uhm... Sir... That's another problem...

Gino: Ano nanaman?!

Sec.: Ashi, your P.A., AWOL po siya, sir eh and sabi daw po niya, babalik na daw po
siya ng probinsya.

Gino: Anak ng **** naman oh! Sabi ko na eh mukha talagang may toyo utak nun eh.
Maghanap agad kayo ng kapalit. Kelangan ko ng P.A. when I'll go to New York.

1AM... Gino went back to his penthouse. He loosen his tie sabay salampak sa sofa.
He closed his eyes. Hell yes! He's dead tired! Minsan naiisip niya na sana may iba
pa siyang kapatid na lalaki para yun na lang ang magmana ng lahat ng
responsibilidad na 'to. Nakakainggit ang mga kapatid niyang sina Margaret at
Carmela. They're living their own dreams.

Gino got up. Went to the bathroom. Turn on the water in the tub. He removed all of
his clothes. And started to relax. Ah! He needed this. He closed his eyes while on
the tub. And dreamt the place he calls heaven. It's a heaven being with her...

After almost an hour, naalimpungatan siya. He fell asleep on the tub... again! He
got up. Took the towel at binalot sa baba ng katawan. He went to his drawer, pull
up some boxers... when he noticed something weird....

Bukas ang ilaw sa kusina. Naaaninag niya sa bukas na door ng kangyang room. He was
damn sure he didn't switch it on awhile ago. Slowly, he went there. But everything
seems to be in order. Nagkibit-balikat na lamang siya and switched off the lights.

He went straight to bed only with his boxers where he's most comfortable at. And
fell asleep fast...

3AM... He woke up... Bakit parang ang lakas ng aircon. Hindi naman ganito kanina
'to ah. He increased the temp. Went back to bed. Pull up the blanket. Nang may
maramdaman siyang kakaiba. He touched something! Something is on the other side of
his bed! And it moved! Lumayo siya. Quite terrified. Switched on the light. And saw
not something!... Someone!

Gino: Anak nang ****!!!! Anong ginagawa mo dito?!!!

That face! How could he ever forget that face! Hindi na ito nawaglit sa isipan niya
eversince the day he met her!

Mikay: Grabe ka naman! Para ka namang nakakita ng multo!

Gino: Akala mo ba nagbibiro ako?!!! Pwede kitang idemanda ng trespassing sa ginawa


mong 'to!!!

Mikay: Eh di gawin mo! Jan ka naman magaling eh! Mang-agrabyado ng mga taong wala
namang kasalanan!

Gino: Kung tungkol ito sa tatay mo, may tamang proseso ang lahat! Lumaban kayo ng
tama! Magdemanda rin kayo kung gusto niyo!
Mikay: Hindi ako papayag na masira mo ang buhay ni papa! He doesn't deserve this!
Kung ginaawa mo 'to para makaganti sa 'kin...

Gino: Wow! Mikay naman! Makaganti?! Ano bang iniisip mo na nasaktan ako sa nangyari
noon?! Wow! Hindi ba ikaw ang nasaktan? Dumugo pa nga eh 'di ba?

Mikay: Ang bastos mo! Wala ka talagang modo!

Gino: Sabihin mo, Mikay, pinadala ka ba ng papa mo dito para akitin ako? Para
iurong ko ang kaso?

Mikay: Walang alam si papa dito!!! Leave him out of this!!!

Gino: Then, what are you doing in my bed sa ganitong oras ng madaling araw?

Mikay: Gusto kitang makausap...

Gino: Wow! At sa kama ko pa talaga? Sa pagkakaalam ko, ang mga gustong kumausap sa
'kin ay magpapaset ng appointment sa opisina hindi didiretso sa kama ko.

Mikay: May utang ka sa 'kin na hindi mo kayang mapalitan!

Gino: Naniningil ka ba?

Mikay: Oo! Pumunta ako dito para sabihin ko sa 'yo na iurong mo ang kaso, give his
job back, at linisin mo ang pangalan ni papa. 'Yon ang kapalit ng utang mo sa 'kin!

Gino: Mikay, ganon ka ba kamahal?! And besides, ginusto mo naman ang nangyari!
Hindi kita ni-rape!

Mikay: Lasing ako! Sinamantala mo ang kahinaan ko!

Gino: At ako?! Wala rin ba akong kahinaan? Lalaki ako, Mikay!

Mikay: Okay! Tama na! Tapos na 'yun! Hindi ko na mabababago ang isang pagkakamali!
Pero ikaw, meron ka pang magagawa para kay papa!

A glimpse of pain flashed in Gino's eyes...

Gino: Hindi ko na hawak ang desisyong yan. Nasa board na ang kaso...

Mikay: Hindi ako naniniwala! Huwag mo akong gawing tanga, Gino!

Gino: Eh ano naman, Mikay?! Ano bang magagawa mo kung ayokong gawin ang sinasabi
mo? Ano? Lalabas ka sa press? Sasabihin mo na pinagsamantalahan kita? Gusto mo bang
mapagtawanan ng mga tao? Such a desperate move to save your father!

Mikay: Gino, kung may konsensya ka pang natitira, gagawin mo ang pinapagawa ko.

Umalis si Mikay mula sa kama. Inayos ang nagulong mini skirt. Hindi nakaligtas sa
mga mata ni Gino ang makinis nitong legs. Memories came flashing by...

Gino: Mikay, pwedeng magbago ang isip ko if you'll stay the night.

He smiled coyly...

Napahinto si Mikay...

Mikay: What if I said yes, tutuparin mo ba yang sinabi mo?


Mikay looked at him intensely. He knew she's being serious. Of course, she'll do
anything for her father. Napalunok si Gino. It's quite hard not to resist the
offer.

Gino: Look, Mikay! Kelangan kong pag-isipang mabuti ang lahat. Seryoso ang kaso ng
papa mo. Kelangan ko ring isipin ang kapakanan ng kumpanya.

Mikay: He didn't do anything, Gino. He's innocent...

He can see tears about to fall on her eyes. But she turned her back. Then, he heard
the door shut.

His mind drifted away. Then, he smiled. He has to do something. This time, no
mistakes...

____________________________________________

On the garage, sa bahay ng kaibigan niyang si Seth, ay kinaugalian na nilang limang


magkakabarkada ang magkita-kita at least once a week para mag-ensayo bilang isang
banda. Siya ang bassist ng naturang grupo, ang Parking5. Ngunit ang araw na ito
para sa grupo ay kakaiba dahil hindi niya maiwasang ikwento ang nangyari nang
nagdaang araw.

Seth: Wow! Ginawa niya talaga yun?!

Gino: Oo nga! Ang kulit niyo naman!

Katsumi: You could have taken her again if you want to, bro! Pinakawalan mo pa!

Gino: May plano ako. At ayokong madaliin ang lahat.

JC: Don't you think that's a little bit too late? Namadali na nga nun di ba?!

Gino: Alam mo, isa pa, tatamaan ka na talaga sa 'kin!

Lester: So, bro, anong plano mo ngayon? Paiibigin mo siya ganon?

Seth: Bro, masasaktan ka lang ulit. Laro lang ang lahat sa kanya nung nasa New York
kayo.

Gino: Puwes, nagkamali siya ng kinalaro dahil hindi ako nakipaglaro! And I intend
to get her back. This time, it's for good...

They're laughing at him. But he's dead serious...

____________________________________________

Hope you always leave your votes and comments... :)))


<center><h1>CHAPTER 3: The Deal?</h1></center>
<hr>
Julia: Mikay naman! Ano bang pinaggagawa mo ha? Gusto mo ba ulit maulit ang
pagkakamaling 'yon?

Mikay: Si papa na ang pinag-uusapan natin dito. Julia, he is all I've got! Ayokong
pati siya mawala sa 'kin.

Julia: So you'll take matters into your own hands, ganon?


Mikay: Kung ano pa ang makakaya kong gawin, gagawin ko para lang kay papa.

Julia: Wala naman na akong magagawa eh. Kahit ano pang sabihin ko. No wonder you're
making the same mistake all over again.

Mikay: Julia...

Julia: Tapos ano, Mikay? Tatakbo ka ulit sa 'kin na iiyak-iyak?!

Mikay: Iba na ngayon, Julia. I know what I'm doing now. Hindi na ako bata!

Julia: Sana nga, Mikay... Sana nga...

_______________________________________

Pagkatapos ng pag-uusap nilang magkaibigan, bumalik na siya sa tinutuluyan niyang


condo unit. Ayaw na muna niyang bumalik sa bahay. Wala rin naman lagi dun ang
kanyang papa eversince the news went out.

Napabuntung-hininga siya. Nasa Paris na sana siya ngayon enjoying that month long
vacation. Kung hindi lang dahil sa pagsulpot ng Gino Dela Rosa na yan. She never
thought na magkikita pa silang muli...

Right after her 18th birthday party, sinorpresa siya ng kanyang papa with a 2-month
vacation in New York all by herself. She was so thrilled knowing that it's going to
be her first taste of independence... A taste of freedom....

That was her first flight of being alone. She's quite nervous but more excited. It
was going to be a long trip. It had a stopover in Japan nang biglang sinabi na
delayed daw ang flight because of the bad weather. Lalo siyang kinabahan. She
didn't know what's going to happen.

Napapansin niyang kanina pa may lalaking nakatitig sa kanya. On other


circumstances, malamang magpapa-cute siya. The guy's really cute. The typical
Daniel Padilla look-alike with the same style of fashion. Pero iba ngayon dahil
kinakabahan na siya. Her father didn't know what's happening yet. Suddenly, papunta
sa kanyang direksiyon ang lalaki.

Gino: Hi! Napapansin ko na wala ka yatang guardian na kasama...

Mikay: Uhm... Mister... I think that's none of your business. And do you know that
it's very rude to stare on other people?

Gino: I'm sorry if I made you uncomfortable. If you wouldn't mind, magpapakilala na
ako. My name's Gino. Gino Dela Rosa.

Mikay: Ahh.. Well, nice meeting you Gino. But if you wouldn't mind, I need space.

He laughed...

Gino: Okay, okay... But I need to ask, where's your guardian?

Mikay: Talaga bang nang-iinsulto ka? I'm 18years old and I don't need any guardian.

Gino: Talaga? You don't look 18. Akala ko 15 or 16 lang.

He smiled at her.
Mikay: Well, I don't see it as a compliment.

Gino: I'm not complimenting you. Nagsasabi lang po ng totoo.

Mikay: Pwede ba lumayo-layo ka sa 'kin or I'll call the security!

Gino: Fine, then. Aalis ako. Pero magpakilala ka muna...

Aba! The nerve of this guy! May gana pang magpakita nang nakakalokong ngiti...

Mikay: Para umalis ka na... It's Mikaela Maghirang. My dad's the Chief Vice-Pres.
of Dela Rosa Empire. So don't do anything bad to me kung ayaw mong lumabas ka sa
media at mabulok sa kulungan!

She had it with this guy! Nakakairita na eh! She needed to scare him off. But the
guy just laughed. Well, he must be crazy!

Gino: Hindi ko alam na empleyado pala namin ang dad mo. Again, I'm Gino Dela Rosa,
the only son and the heir to the throne of Dela Rosa Empire, Inc.

Natigilan siya. Yes, she heard about the son. But...

Gino: This is me and that's my dad...

May pinakita itong picture mula sa wallet nito. OMG! What have she done?!

Mikay: Okay, I'm sorry. But it's really rude what you have just done...

Gino: Look, delayed ang flight by tomorrow. Our group will be sent to a nearby
hotel. If you want, I could accompany you for awhile.

Somehow, she felt relieved. She knew this guy wouldn't hurt him. Pag nalaman pa 'to
ni papa, malamang ipagkakanulo pa siya... Playing cupid and all...

Mikay: Okay, then. It's fine with me...

Ngmiti siya dito.

Gino: Uhm... Lalo ka palang gumaganda pag nakangiti, Mikaela....

She smiled even more. Now, she's kinikilig already...

Mikay: It's Mikay.

Gino: Then, Mikay it is...

He smiled at her. She knew then that everything's going to be different...

____________________________________________

Nabulabog ang pagtanaw sa nakaraan ni Mikay ng tumunog ng kanyang cellphone.

Mikay: Hello? Sino 'to?

Gino: It's Gino...

Mikay: Sana napatawag ka para sa magandang balita...

Gino: Mikay, hindi lahat ng bagay na gusto mo, makukuha mo na lang ng ganun kadali.
Mikay: Anong ibig mong sabihin?

Gino: Didiretsahin na kita. May kapalit ang hinihingi mo.

Mikay: Wow naman, Gino! At ikaw pa talaga humihingi ng kapalit ha?

Gino: Wala ka namang choice, Mikay eh. It's either pumayag ka o tuloy ang demanda.

Mikay: Anong kapalit?!

Gino: Simple lang... Be my P.A.

Mikay: Ano?!

Gino: P.A., Personal Assistant. Kelangan ko ng P.A. sa office at sa pagpunta ko sa


New York next week.

Mikay: Are you insane?! Gino, that's never gonna happen!

Gino: Only for the meantime. Habang naghahanap pa sila ng kapalit. I found out you
finished a secretarial course. It will be a good start for you. And you need a
favor so...

Mikay: Ang kapal talaga ng mukha mo! You're doing me a favor? After you've just
taken away something from me that you can never bring back! Ugh! Go to hell!

Gino: Give it a time to think about. You know how to contact me... And Mikay... I
didn't take it away from you... You gave it to me...

Then, he ended the call immediately. Just like that! Napaupo siyang muli. Gulung-
gulo na siya. May iba pang paraan. May iba pa... Then, she just cried. She just
feels so hopeless. Maybe, karma's getting back at her...

____________________________________________

Back in Japan, everything was different. Pakiramdam niya parang dinuduyan ang
kanyang mga paa habang nakahawak sa braso ni Gino at naglalakad sa park. They
cancelled their flight to New York and decided to stay for a few weeks...

For just a short period of time, naging magaan ang loob nila sa isa't-isa. They
found out they have the same interests. And Gino never failed to make her laugh.
Sobrang makulit nito na hindi mo aakalaing galing siya sa prominenteng pamilya.

Marami na silang napasyalang lugar sa Tokyo. They're currently on their 2nd week...

Gino: Mikay, sa pagpunta pala natin sa New York, you can just stay at my place.
Naisip ko lang, tutal, magkasama naman na tayo ngayon sa isang hotel room, 'di
ba?...

Yes, they're sharing a room together after their 3rd day of stay. Napakabilis ng
mga pangyayari. They already have this certain understanding. Parang sila na pero
hindi naman official. No labels. But they can't deny the fact that they're totally
attracted with each other.

They're sleeping on one bed. Pero wala pa namang nangyayari. They would just talk
for hours on the bed. Share their stories until the wee hours of the morning. Then,
they'd kiss passionately and hug each other tight hanggang sa makatulog na sila.
Gino: Mikay... Mikay...

Mikay: Huh?... Uhm... Iniisip ko lang kasi may ni-rent si papa na apartment sa
Manhattan for my stay sana dun. Hirap lang kung pano ko ulit i-explain kay papa...

Buti na lang may kaibigan siyang nakatira sa Tokyo. Ipinaalam na lang niya sa papa
niya na delayed ang flight. Got stucked in Japan. Then, fell in love with the city.
And decided to extend the stay and live with her so-called friend. Her father knew
nothing about this...

Gino: It's not gonna be a problem then. Ako na lang mag-stay sa apartment mo para
wala ng complications. Okay ba?

Muli itong ngumiti sa kanya.

She smiled back. Why is she letting this to happen? She doesn't know... She doesn't
know...

Mikay: Okay! No problem, then!

Napansin niyang nakatitig sa kanya si Gino.

Mikay: Bakit, Gino? May dumi ba ako sa mukha?

Natatawa niyang sabi dito.

Gino: Ang ganda-ganda mo, Mikay... Maniniwala ka ba pag sinabi kong mahal na yata
kita?

Nakatingin ito sa kanya ng nakakaloko.

Mikay: Gino, ano na namang pick-up line yan ha? Hindi ka na ata nauubusan eh!

Bigla siyang napahinto sa pagtawa. Nakatitig si Gino sa mga labi niya. Unti-unti
lumalapit ang mga labi ni Gino sa mga labi niya. He's going to kiss her! Dito sa
gitna ng maraming tao. And he did! They kissed right then and there on a starry
night in the most unexpected place...

_______________________________________

Nagising si Mikay sa tunog ng kanyang cellphone. Napabalikwas siya. Nakatulugan na


niya ang sobrang pag-iisip. Alas-onse na pala ng umaga. Naisipan niyang tawagan ang
kanya ama...

Mikay: Hello, papa? Kamusta po?

Papa: Anak, I'm sorry if hindi tayo nakakapag-usap lately. The case is really
taking so much of my time.

Mikay: Pa, it's okay. Isipin niyo po ang health niyo. Kumakain pa po ba kayo ng
maayos? Yung mga medicines niyo po?

Papa: Don't worry about me, iha. Everything's fine.

Mikay: Papa, mapapanalo po natin yung kaso, 'di po ba? Hindi po kayo makukulong 'di
ba?

Narinig niyang bumuntung-hininga ito.


Papa: I don't know, iha... I don't know...

Mikay: No, papa! They can't take you away from me! Pano na po ako?!

She's crying again...

Papa: Don't cry, my child. Let's just pray. Look, I really have to go now. But you
have to promise me that you're gonna be strong, okay? Promise me, Mikaela...

Mikay: ... Pro-... Promise po...

When the call ended, she wasn't really sure if she can be strong. But she needed to
do something... for her father...

____________________________________________

Hope you, guys like my first wattpad story! Abangan ang CHAPTER 4! :D

Please leave your votes and comments...

____________________________________________
<center><h1>CHAPTER 4: It's A Deal! But...</h1></center>
<hr>
Thank you po sa lahat ng nagbasa, nag-vote at nag-comment at nag-fan! It means a
lot. At lalo pa talaga ko na-inspire magsulat. Here's chapter4!

____________________________________________

In the office...

Sec.: Sir, may nagpupumilit po dito. Gusto daw po kayong makausap. (Talking thru
intercom)

Gino: Pag wala siyang appointment, then what's the use of telling that to me?
Bianca! Just get rid of him! I'm busy!

Sec.: Uhm... Sir... Si Miss Mikaela Maghirang po ang gustong kumausap sa inyo.

Natigilan si Gino.

Sec.: Sir?

Gino: Papasukin mo siya...

Sec.: Pero sir you have an appointment with Mr. Anand by 12pm.

Gino: Sabihin mo, I might gonna be late for a few minutes.

Sec.: Okay, sir. Papapasukin ko na po si Ms. Maghirang.

He had an idea why she came here. At mukhang umaayon ang plano sa kanya. When she
opened the door, he could tell she doesn't want to be here.

Gino: Upo ka, Mikay.

Mikay: Alam mo kung bakit ako nandito. Ayoko nang magpaliguy-ligoy pa. Pumapayag na
ako sa gusto mong mangyari. It's a deal... But you have to keep your side of the
bargain...
Gino: Mikay, marunong akong tumupad sa usapan. Hindi tulad ng iba...

He needed to tell her that...

Mikay: Kelan ako pwedeng magsimula as your P.A., then?

Gino: I need your service now, Mikay. May pupuntahan akong lunch meeting with Mr.
Anand. And I need you there. You might be my P.A. but you could also be my
secretary sometimes.

Mikay: Hindi ba pwedeng bukas na lang? I'm not on the proper attire and...

Gino: Mikay, you're just gonna be on the sidelines. You don't need a proper attire,
okay?

Mikay: Okay, fine! Wala naman na akong magagawa pa 'di ba?

Gino: And Mikay, I don't want that tone of your voice lalo na pag may mga
nakakarinig. It is just not proper. Baka gayahin ka nila. And you have to call me
'Sir' just like everybody else's doing. Is it clear?

Mikay: Yes, sir! (Sarcasm)

____________________________________________

Mr. Anand: Well, Mr. Dela Rosa, I didn't know na makakasama pala natin ngayon sa
lunch si Miss Maghirang. it's a pleasure to see you again, Mikaela.

Mikay: Nice to meet you din po ulit. (Sweet smile)

Hindi nakaligtas 'yun kay Gino. God! He missed those smiles...

Gino: Uhm... Mr. Anand, Mikaela here is my Personal Assistant for the moment, if
you wouldn't mind?

Mr. Anand: Personal Assistant?

Mikay: Yes po. I finished a secretarial course so I might as well use it. For a
start, uhm... I think I need to be labelled as P.A., first.

Mr. Anand: Welll said, then. If that's what makes you happy... (Smiles)

They ordered some lunch and discussed some business matters. Hindi nakaligtas sa
paningin ni Gino that Mikay's taking some notes of the coversation while she's
eating. She's multitasking and doing it so easy. Gusto niyang sabihing kumain na
muna siya at 'wag alalahanin ang trabaho. In fact, he wanted to show that he cares
for her. But no, kailangan niyang pigilan ang sarili... Kailangan...

When the lunch was over...

Mikay: Excuse me, gentlemen. I need to go to the restroom.

Pagkaalis nito...

Mr. Anand: Mr. Dela Rosa... We don't want the press to know about this. Miss
Maghirang is the daughter who embezzled the company's stock. Makakasama 'to para sa
kumpanya.

Gino: Mr. Anand, alam ko ang ginagawa ko. I was trained for this company. I hope
you'll not question the way I run things.

Mr. Anand: Does your dad knows about this?

Gino: No, and he doesn't want to know. As far as I know, he trusted everything to
me.

Mr. Anand: Then, I really hope you know what you're doing... (Exhales)

After the lunch meeting, Gino drove all the way to the penthouse with Mikay.

Gino: I need you to get some papers, Mikay. Nasa drawer 'yon sa tabi ng T.V.
They're on a brown envelope. And nga pala, dito muna tayo sa penthouse ko
magtratrabaho bago tayo lumipad papuntang New York next week. Everything's well
taken cared of in the office already.

Narinig niyang bumuntong-hininga si Mikay ng malalim. She just followed quietly


what he'd said. After a few minutes...

Mikay: Eto ba 'yung mga papers?

Gino: Yeah, yan nga. Uhm, Mikay, gawa ka na rin ng meryenda natin ha. Nasa study
room lang ako.

Mikay: Sir, ano naman ang gagawin kong meryenda?

Gino: Ikaw na bahala. Basta something light lang. Uhm... Just make any of those
that you cook back in New York.

Mikay: Sir, hindi ko na maalala mga 'yun eh.

Gino: Whatever, then... Mikay, Gino na lang. Wala namang ibang tao eh...

Mikay: Nakakalito lang kasi 'pag paiba-iba kaya kelangan ko na lang sanayin.

Hindi na niya sinagot ang tinuran ni Mikay. What's the use? The girl could really
be feisty sometimes.

After a few hours sa harap ng computer, he smelled something from the kitchen.
Mikay's cooking his favorite dish.

Back in New York...

Gino: Wow! Mechado pala niluluto ng baby ko ah!

Mikay: Alam ko namang favorite mo 'to baby eh.

Lumapit siya sa likuran ni Mikay habang ang huli ay kasalukuyang nagluluto. Niyakap
niya ito sa bewang sabay halik sa leeg nito.

Mikay: Uy, Gino! Ano ba! Alam mo namang may kiliti ako jan eh! Sige ka! Masusunog
ko tong paborito mo! (Laughs)

Gino: Ikaw naman talaga ang paborito ko eh. Ikaw na lang kaya kainin ko...

They've been living together on her apartment for almost a month now. Nirerespeto
niya si Mikay nang sinabi nitong ayaw niya munang ibigayang sarili sa kanya dahil
masyado pa raw itong bata. Nakukuntento na lamang siya sa mga paghalik at pagyakap
dito. Ngunit kung minsan...
Mikay: Uy!

You might also like