You are on page 1of 2

Liza: Minsan kami’y nangarap man din

Isang pangarap na ninais abutin

Ngunit sadyang tadhana’y mapagbiro

Sa isang iglap lahat ito’y naglaho

Miguel: Bata pa lang kami’y namulat na

Mga pagsubok dama ang gabay niya

Mga mali tila bay naitama na

Walang hangan ang pag-ibig niya.

Liza: Masalimuot man sa umpisa

Sa dulo naman kami’y naging isa

Mga hangarin unting-unting natupad

Sa aming paglalakbay kami ay napadpad

Sa banal na AMA na puno ng kagalakan

Mga balakit sa buhay aming nalagpasan

Miguel: Ang kamay ng AMA ang siyang gumabay

Naglaho ang lahat pati ang lumbay

Tila kami ay nakahinga

Ang puso ay punong puno ng saya

Both: Nang halos sumuko na

Ang AMA ay nakilala

Kami ay itinayo Sa aming pagkalugmok

Mula ngayo’y isisigaw ang pangalang ng hari

Hindi mahihiya at magsasawang magpuri

‘Di na muling mangangamba

Dahil nariyan ka AMA

Ikaw ang pag-ibig at ang pag-asa


GRAND CHOIR:
Ang madilim na nakaraan na minsa’y bumalot

Tinalupan ito ng pagmamahal Mo

Ngayon kami’y nariririto

Handang magbago at magsilbi sa’Yo

O Ikaw na aming tanglaw na nagbibigay ng pag-asa

Nagsisilbing liwanag patungo sa Iyo

Ikaw na naghanda ng aming tatahakin

Ipinapangakong utos Mo’y susundin

Kami’y Iyong lingkod aming manunubos

Buong pusong nagsasabi na kami’y Iyung-Iyo

Lahat ng gagawin ay naaayon sa salita Mo

Aming tagapagligtas, aming dakilang guro.

You might also like