You are on page 1of 6

Noong dalawang libo BC, may isang lupain na nangangalang

Heretic….
Lupain kung saan naninirahan ang mga magigiting at masisipag na
nilalang.
Sila ang mga Helds.
Ang mga Helds ay buong tapang at puso nilang inaalay ang
kanilang mga sarili maprotektahan lamang ang kanilang lugar, at
mga pamilya dahil minsan na silang sinaktan at pinarusahan ng
mga Guàiwù.

Mga hayop na may kakayahang lumipad at bumuga ng asido. Sila ang


umuubos at nanakot sa mga mamamayan ng Heretic.

“Ubusin nyo silang lahat!!!” sabi ni Seonjang, ang kanilang


tagapamuno.

Lahat ng kilos at galaw ng bawat Helds ay nakabase sa kanya


dahil sya ang may pinaka - maraming alam tungkol sa mga Guàiwù.

Sumugod na naman ang mga Guàiwù sa Heretic para kuhanin ang mga
pagkain mayroon ang mga Heretics. Dahil dito, lumaban na naman
ang mga Helds.
“Wag nyong hayaan na maubos ang mga pagkain natin! Gamitin nyo
ng maayos ang mga kapangyarihan nyo” Sambit ng matalik na
kaibigan ni Seonjang na si Leon.
Noon pa man ay nagtataglay na ng iba’t ibang kapangyarihan ang
mga Helds. Maaari nilang magamit ito pagtungtong ng 10 taon.
Kaya nilang tumakbo ng napakabilis, makontrol ang apoy, hangin,
tubig at lupa at marami pang iba, ngunit may isang kakayahan ang
wala sa kanila…. Ang lumipad.
“woooooh! Sawakas!!” diwa ng grupo sa kadahilanang napaalis nila
ang mga Guàiwù.
Si Seonjang ay limangpu’t pitong taong gulang, makisig,
tinataglay ang pinakamaraming kapangyarihan,apoy, hangin kidlat
at ulan. May asawa at anak. Ngunit sa di inaasahan ay napatay ng
mga Guàiwù ang kanyang asawa kayat magisa nyang pinalaki ang
kanyang anak na si Labkor.
Si Labkor ay sampong taong gulang pa lamang, kaya’t hindi pa sya
bahagi ng mga Helds.
Kada taon ay nagkakaroon ng pagsasanay para sa mga batang edad
sampong taon, ito’t ginagawa upang maging handa ang mga ito sa
mga nagbabadyang laban nila sa hinaharap, at upang malaman kung
anong kapangyarihan ba mayroon sila.
Ngunit ang pagsasanay na ito ay hindi lamang ordinary, kundi
matinding pagsasanay.
Kasama nila sa pagsasanay ang mga nahuling Guàiwù ng mga Helds,
para subukan ang tapang at liksi ng mga bata.
Ngayong taon, sina Bulan, Simbulan, Ambin, Paul at si Labkor ang
napili upang magsanay.
“Grabe, nakakatakot ditto. Hindi ko pa naman masyadong gamay ang
aking power.” Wika ni Bulan, sya ay may kakayahang magpagalaw ng
mga bagay.
“E ano naman, bahala ka sa buhay mo lagot ka sa mga Guàiwù”
sambit naman ng kanyang kapatid na si Simbulan. Hindi maiiwasan
ng dalawa ng hindi magbungit.
“Wag nga kayong duwag, gamitin nyo lang ng maayos ang mga yan,
makakayanin natin sila.” Si Ambin, isang matapang at metalinong
batang babae.
“Oo, tama si Ambin, magfocus lamang tayo at matatalo natin
sila.” Sagot naman ni Paul.
“………” si Labkor.
Lumapit na sila sa baul at kumuha na ng mga gamit at panangga
laban sa mga Guàiwù.
Sa tulong ni Leon, inilabas na ang isang Guàiwù na mataba,
maliit ang pakpak, tatlo ang mata ngunit mabangis, na natural na
mayron ang mga Guàiwù. Ito ang Spenikles.

”ARRRRRRRH!” Nagbuga ng mainit na asido ang Spenikles.


“Ilag!!!!’” sabi ni Ambin kay Labkor.
Itinulak ni Ambin si Labkor dahil ito ay tulala at mukhang hindi
alam ang gagawin. Buti na lamang ay mabilis ang kilos nitong si
Ambin.
“Ano bang ginagawa mo???? Gusto mo bang malusaw yang pangit mong
ichura? Umayos ka nga!” sigaw ni Ambin.
Apoy, hangin bilis at metal ang umikot sa loob ng pagsasanay at
dumating na ang oras upang tumigil at ipagpatuloy sa susunod na
araw.
“Nakakapagod yon, isang Guàiwù lang pero hindi natin matalo.
Kailangan talaga natin ang pagsasanay ano?” si Paul.
“Tama ka Paul, kailangan talaga natin to. Yung iba dyan hindi na
dapat nagsasanay nakatanga lang naman sila sa loob. Pabigat pa
sa grupo.” Si Ambin
“sino naman yon? Ikaw no Bulan!?” inasar na naman ni Simbulan
ang kanyang kapatid.
“Anak pa naman sya ni Seonjong” at tinukoy ni Ambin na si Labkor
ang kanyang sinasabi.
“Pasensya na” wika ni Labkor.
“sa susunod wag kang tatanga – tanga. At may kapangyarihan tayo.
Gamitin mo ng maayos” galit na sabi ni Ambin.
Nalungkot si Labkor sa sinabi ni Ambin ngunit alam nyang tama
naman sya sa kanyang mga sinabi.
Naglakad lakad si Labkor sa kanilang lugar at napunta sya sa
isang gubat. Habang sya ay nagmamasid may narinig syang
kakaibang sigaw. Hinanap nya ito at nakita nya ang isang pilay
na Guàiwù. Hindi ito makaalis at makalipad dahil sa kanyang
pilay. Nagulat si Labkor sa kanyang nakita dahil ngayon lamang
sya nakakita ng ganito, ito ang Lucid. Isang uri ng Guàiwù na
tinataglay ang pinakamalakas na asido.
Tumakbo si Labkor at natamaan nya ang isang kahoy na nagbigay tunog sa
paligid. Narinig ito ng Lucid at hinabol sya nito. Napada si Labkor.
Takot na takot at hindi alam ang gagawin dahil plano ng ibuga ang
sobrang lakas na asido ng Lucid.
Ngunit……
Hindi ito tinuloy ng Lucid.
Umalis ang Lucid at iniwan si Labkor.
Tumakbo na si Labkor paalis.
Pagod na pagod at binalot ng takot si Labkor dahil sa nangyari sa
kanya. Ngunit may gumugulo sa kanyang isipan.
“Bakit hindi nya tinuloy ang kanyang pagbuga?”
Lumipas ang araw.
Nagsanay na naman sila at ganun pa rin ang pangyayari, hindi pa rin
alam ni Labkor ang gagawin. At ganun parin ang pakikitungo ng mga
kanyang kasama.
Pagkatapos ng pagsasanay ay binalikan ni Labkor ang Lucid.
Pagdating sa gubat ay nadatnan ni Labkor ang Lucid na matamlay at wala
ng lakas. Ito’y mukhang gutom at wala pang kinakain kaya naman ay
naghanap ng pagkain si Labkor upang ibigay sa Lucid.
Sa una ay nagalangan pang lumapit si Labkor ngunit hindi nya
mapaliwanag ang kanyang damdamin kung bakit nya tinutulungan ang
Guàiwù. Kaya’t ibinigay nya na ang pagkain na dala nya.
Sa una ay ayaw kainin ng Lucid ang ibinigay ni Labkor ngunit
kinain nya rin ito kinalaunan.
Araw araw ay pinupuntahan ni Labkor si Tutlis, ang Lucid.
Binigyan nya ng pangalan ang Guàiwù dahil sila ay naging malapit
na. Pagkatapos ng kanilang pagsasanay ay dumederecho sya kay
Tutlis.
Sina Ambin ay nagtataka na dahil walang nagbabago sa mga kilos
at galaw ni Labkor.
“Alam mo Tutlis, yung pagsasanay namin? Wala naming tulong sa
akin yun e. Kasi wala naman talaga akong kapangyarihan.
Nakakahiya mang sabihin sa kanila pero kasi yun yong totoo. Sana
matanggap ako ni Ama” wika ni Labkor.
“………” Si Tutlis. Hindi nakakapagsalita ang mga Guàiwù.
“At alam moba, ngayon ko lang napagtanto na hindi naman kayo
ganun kasama” Labkor.
“……” Nakatitig lamang si Tutlis kay Labkor na para bang
nakikinig sya dito.
Sumasapit na ang dilim kayat napagpasiyan ng umuwi ni Labkor at
iniwan na ang kaibigang si Tutlis. Magaling na si Tutlis ngunit
ayaw nyang lumisan sa gubat dahil ayaw nyang iwanan si Labkor.
Hindi pa man sumisikat ang araw ay nagkaroon ng laban sa pagitan
ng mga Helds at Guàiwù.
Sumalakay sila sa Heretics!
“Gumising kayo!!!” Sigaw ni Seonjong
“Anong nangyayari!?” tanong ni Leon.
“Sumugod na naman ang mga Guàiwù, humanda ang lahat!” sambit ni
Seonjong.
At lumaban na nga ang mga Helds. Ngunit marami ang mga Guàiwù at
kailangan pa nila ng mga tao.
Kahit hindi pa maaari ay isinalang na nila ang mga bata na may
kanya kanyang kapangyarihan.
Sina Simbulan, Bulan, Paul at Ambin ay matapang na hinarap ang
mga Guàiwù.
Ngunit nagtataka sila dahil hindi nila mahagilap si Labkor.
Nagpatuloy ang laban, at marami na ring sugatan sa mga Helds.
Tanging ang mga malalakas nalamang ang natitirang nakatayo’t
lumalaban.
Si Seonjong ay buong tapang nyang inaalay ang kanyang lakas
ngunit halatang pagod na rin sya.
“Laban pa!!!!!!!” sigaw ni Seonjong.
……
Nakarinig ng sigaw si Labkor kaya’t pumunta sya sa sibilasasyon
at nakita nyang nagkakagulo ang mga Helds. Nakita nya ang mga
sugatan at wala ng lakas na kasamahan.
Nakita nya ang ama na nawawalan na ng lakas at susugarin na ng
mga Guàiwù kaya’t sya ay napasigaw.
“Amaa kooooo!!!” Labkkor.
Narinig ni Tutlis ang sigaw ng kaibigan kayang lumipad sya
papunta rito.
Nagulat ang lahat ng dumating si Tutlis at mabait ang
pakikitungo kay Labkor. Umiiyak si Labkor at labis na nagagalit
sa nangyayari kaya naman ay sumakay sya kay Tutlis at lumipad
sila upang puntahan ang kanyang ama. Labis na nanunuot sa dugo
ni Labkor ang kagustuhang mapaalis ang mga Guàiwù.
Ng biglang umapoy ang kanyang mga kamay. Nagulat sya, dahil
sawakas ay may kapangyarihan na sya. Bawat suntok ang ginagawa
nya ay napapatomba nya ang mga Guàiwù.

Natamaan ng asido si Tutlis na naging dahilan ng pagkalaglag ni


Labkor sa kanya ng bigla…
“Ano to??? Lumulutang ako???” Pagduda ni Labkor sa nangyayari.
May kakayahang lumipad si Labkor, nagulat ang lahat.
Sa una ay hindi nya kayang kontrolin ito, pero kinalaunan ay
nakontrol na nya rin.
Suntok dito, apoy doon. Kahit saan ay ipinapakita ni Labkor ang
kanyang kapangyarihan at umaalis ng paunti unti ang mga Guàiwù.
Hanggang sa tuluyan na silang umalis.
Natalo ang mga Guàiwù.
“Ama? Ayos ka lang ba Ama???” Pag-aalala ni Labkor sa ama.
“Anak, ang husay mo. Napaka husay mo. Manang mana ka sa Ina mo”
“Ama, umuwi na tayo. Ang mahalaga maayos kana. Patawad ama, at
ngayon lang ako”
At natapos na ang lahat.
Makalipas ang isang taon.
“Maganda ito ama, hindi na masyadong nagpapakita ang mga
Guàiwù.” Labkor.
“At dahil sa iyo yon anak, dahil sa kapangyarihan mong taglay.
Maraming salamat Anak”

At dahil don, natapos na ang gulo sa pagitan ng mga Helds at


Guàiwù.

The end.

You might also like