You are on page 1of 1

Ako ay masayahin.

Ako ay makulit.
Ako ay mabait.
Ako ay palabiro.
Ako ay tahimik.
Ako ay palangiti.
.
Pero ako ba talaga to sa mga sinasabi ko ?
Minsan pag magisa ako, napapatanong ako kung ano nga ba.
Ano nga ba ang rason at dahilan nitong pagkakilanlan.
At pilit nililito't pinaglalaruan itong, magulo kong isipan.
Hinanap kung saan at nagtanong kung kani-kanino, Ngunit ang sagot ay nanatiling
magulo at palaisipan
.
Napaisip at napatungo sa upuang aking kinalalagyan
Napapagod at napapaisip dahil ang tanong ko'y wala pang kasagutan.
.
Hindi ko sinukuan itong aking paghahanap sa magiging kasagutan
Litong lito na nawiwindang
Hanggang sa makita at maliwanagan itong aking isipan.
Kung ano ang tamang rason at dahilan sa mga kalituhan.
Walang libro o kung sino man ang makakasagot sa aking katanungan dahil AKO lang
ang siyang susi sa aking kaliwanagan.
.
Sa huli ay napagtanto ko, sa harap ng isang salamin.
Natunghayan ko ang aking Repleksyon..Repleksyon na nagsasabing sino ba ako ?.
Tuwa at kaba sa naging mga kasagutan sapagkat tatanggapin pa kaya nila ako bilang
ako ?

You might also like