You are on page 1of 1

Malate Catholic School

Malate, Manila

Setyembre 3, 2018

Minamahal na mga magulang,

Purihin si Hesus at Maria!

Isa sa mga misyon ng Malate Catholic School ay palaganapin ang pagmamahal ni Kristo sa
pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa. Kaugnay nito, itinatag ng paaralan ang “Tanglaw ng Kabataan”
upang isabuhay ang nasabing misyon. Ang mga kasapi ng nasabing samahan/organisyon ay
magkakaroon ng “Saturday Apostolate” sa mga kalapit na pamayanan ng paaralan. Ang layunin ng
nasabing gawain ay paunlarin ang kaisipan at ispiritwal na aspeto ng buhay ng mga bata sa
pamamagitan ng libreng pagtuturo ng mga asignaturang Math, English at Science at pagbibigay ng
Katesismo. Magkakaroon din ng simpleng pamiryenda sa mga bata pagkatapos ng “apostolate”.

Ninanais din ng aming samahan na paunlarin pa at palawakin ang sistema ng aming paglilingkod.
Dahil dito, inaanyayahan namin kayo bilang mga magulang ng mga napiling bata sa isang pagpupulong
na gaganapin sa ika-8 ng Setyembre, 2018, Sabado, sa ganap na ika-12:30 ng hapon sa Malate
Catholic School Gymnasium upang mabigyan namin kayo ng mga impormasyon tungkol sa aming
organisasyon at sa aming sistema.

Kami po ay lubos na umaasa sa inyong pagtugon.

Maraming salamat po!

Sumainyo kay Kristo,

G. Kenjie G. Eneran
Tanglaw ng Kabataan Moderator

Binigyang-pansin ni,

G. Frankmar M. Cabeltis
CCF Coordinator

You might also like