You are on page 1of 96

PITÓNG GULOD PA ANG LAYO

at iba pang kuwento


n.v.m. gonzalez

PITÓNG GULOD PA ANG LAYO


at iba pang kuwento
Salin ni
Ed Maranan

Pambansang Komisyon Komisyon sa Wikang Filipino


para sa Kultura at mga Sining

Aklat ng Bayan
Metro Manila
2015
Pitong Gulód pa ang Layo at Iba Pang Kuwento

Karapatang-sipi © 2015 ng salin ni Ed Maranan

reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng librong ito ang maaaring sipiin o
gamitin nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may-akda at tagapaglathala.

Tagasalin: Ed Maranan
Disenyo ng aklat at pabalat: Fidel Rillo

The National Library of the Philippines CIP Data

Recommended entry:

Maupassant, Guy de, 1850-1893.


Ang kuwintas at iba pang mga kuwento /
Guy de Maupassant ; salin ni Allan N. Derain.
-- Maynila : Komisyon sa Wikang Filipino, [c2015].

p. ; cm

ISBN 978-971-xxx-xx-x

1. Short stories, Filipino. I. Derain, Allan N. II. Title.

899.211301 PL6058.9.M3 2015 P520150126

Inilathala ng
Komisyon sa Wikang Filipino
Gusaling Watson, 1610 Kalye JP Laurel, San Miguel, Maynila 1005
Tel. 02-733-7260 • 02-736-2525
E-mail: komfil.gov@gmail.com • Website: www.kwf.gov.ph

sa tulong ng grant mula sa


Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining
633 Kalye General Luna, Intramuros, Maynila 1002
Tel. 527-2192 to 97 • Fax: 527-2191 to 94
E-mail: info@ncca.gov.ph • Website: www.ncca.gov.ph

The National Commission for Culture and the Arts (ncca) is the overall coordination and
policymaking government body that systematizes and streamlines national efforts in pro-
moting culture and the arts. The ncca promotes cultural and artistic development: con-
serves and promotes the nation’s historical and cultural heritages; ensures the widest dis-
semination of artistic and cultural products among the greatest number across the country;
preserves and integrates traditional culture and its various expressions as a dynamic part of
the national cultural mainstream; and ensures that standards of excellence are pursued in
programs and activities. The ncca administers the National Endowment Fund for Culture
and the Arts (nefca).
NILALAMAN

N.V.M. Gonzalez sa Lipunan at Panitikang Filipino  |  vi


Tagapagbukás | 11
Búhay at Kamatayan sa Isang Kaingin sa Mindoro  |  16
Ang Malayòng Abot-tanaw  |  23
Ang Pagpupunla | 29
Kuwago sa Buwan  |  35
Ang Gútom sa Barok  |  43
Ang Puting Kabayo sa Maisan  |  50
Pareng Lucio | 55
Ang Sanggol | 63
Ang Matandang Pari  |  68
Ang Pinakamasayang Batà sa Mundo  |  75
Pitóng Gulod pa ang Layo  |  80
N.V.M. Gonzalez sa Lipunan at Panitikang Filipino
Si N.V.M. (Nestor Vicente Madali) Gonzalez, ang manu-
nulat na ginawaran noong 1997 ng parangal bílang Pambansang
Alagad ng Sining ng Pilipinas sa Panitikan (National Artist of
the Philippines for Literature), ay isinilang sa Romblon noong
8 Setyembre 1915, bagaman sa bayan ng Mansalay sa Oriental
Mindoro siya lumaki at nagbinata. Batà pa’y nahirati na siyang
mabuhay sa pagbabatak ng butó—katu-katulong siya ng kani-
yang ama sa paghahatid ng karne sa mga bahay-bahay sa iba’t
ibang nayon—at sa paglilinang ng kaniyang gáling sa sining, na
nagkataóng musika at hindi pa ang panulat. Tumutugtog siya
ng biyolin at gitara, at nakagagawa pa nga ng gitarang klasikal
na pangkonsiyerto.
Noon na lámang tumuntong siya sa Maynila nagsimulang
magpamalas si N.V.M. ng kakayahan sa pagsusulat nang ma-
ging kontribyutor sa Philippine Graphic at patnugot sa Evening
News Magazine at Manila Chronicle. Lumabas sa Philippine
Graphic ang una niyang salaysay, at sa magasing Poetry naman
nalimbag ang kaniyang unang tula noong 1934. Hindi na siya
nakatapos ng anumang kurso sa kolehiyo, at itinalaga ang ka-
niyang buong búhay sa pagsusulat, at kalauna’y sa pagtuturò na
rin. Nakilala siya bílang tagapagtatag na patnugot ng Diliman
Review, unang pangulo ng Philippine Writers Association, at
isa sa mga tagapayo ng Likhaan (UP Creative Writing Center).
Lalo pang nahasa ang talino at husay ni NVM sa pagkatha
nang siya’y dumalo sa mga klase sa malikhaing pagsulat ng
ı  vi  ı
PAUNANG SALITA  ı  MARANAN  ı  vii

mga batikang sina Wallace Stegner at Katherine Ann Porter


sa Stanford University. Nang siya’y bumalik sa Pilipinas noong
1950, kinilala ang kaniyang kakayahan bílang isang manunulat
at guro ng panitikan nang siya’y pinapagturo sa Unibersidad ng
Santo Tomas, Philippine Women’s University at Unibersidad ng
Pilipinas kahit na wala siyang diploma mula sa kolehiyo. Sa su-
munod pang mga taon, tinanggap din siyang guro ng panitikan
at pagsusulat sa iba’t ibang mga unibersidad sa Estados Unidos.
Sampung taon bago siya itanghal na Pambansang Alagad
ng Sining, ginawaran ng Unibersidad ng Pilipinas si N.V.M.
González ng karangalang Doctor of Humane Letters,  honoris
causa, “For his creative genius in shaping the Philippine short
story and novel, and making a new clearing within the English
idiom and tradition on which he established an authentic voca-
bulary... for his insightful criticism by which he advanced the li-
terary tradition of the Filipino and enriched the vocation for all
writers of the present generation... for his visions and auguries by
which he gave the Filipino sense and sensibility a profound and
unmistakable script read and reread throughout the international
community of letters...”
Sa kabilâng dako, ang sariling karanasan ng isang bantog
na manunulat at mananaliksik na si Alberto Florentino na di-
miminsang nakapalitang-kuro ni NVM sa mga hulíng taon ng
kaniyang búhay ay naglalantad ng isang aspekto ng dakilang
nobelista at kuwentista sa wikang Ingles na marahil ay lingid sa
karamihan. Narito ang ulat ni Florentino:

“Tinanong ko siya kung bakit, sa kabila ng pagsu-


sumikap at paminsan-minsang pananagumpay nina
Jose Garcia Villa, Carlos Bulosan, Bienvenido Santos,
Stevan Javellana, at Wilfrido Nolledo, ang mga manu-
nulat na Filipino ay nahihirapang matanggap ng mga
pangunahin (‘mainstream’) na pabliser sa New York.
viii  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO
Ang kaniyang enigmatikong sagot sa akin ay: ‘Sapagkat
táyo’y nagsusulat sa Ingles!’
“Sa Ateneo ko hulíng nakasáma si NVM nang siya’y
magsalita roon. Nabigla ang mga bata at nakatatan-
dang manunulat sa kaniyang mga sinabi. Pagkaraan ng
animnapung taóng pagsusulat sa Ingles—dekada 30 sa
Mindoro, dekada 50 sa Maynila, at dekada 70 sa pana-
hon ng batas militar—kaniyang ipinahayag na ang mga
Filipino (o ang mga manunulat na Filipino) ay nahira-
ti sanang magsulat sa Tagalog o Filipino o sa alinmang
wikang kanilang sinuso at kinalakhan.”

Si Florentino at iba pang mga kapalagayang-loob ni


N.V.M.—bukod pa sa matatalas na kritiko at historyador ng
Panitikang Filipino—ang makapagsasabi sa atin kung ano kayâ
ang naging saligan o ‘pinaghugutan,’ wika nga, at kung ano
ang kahalagahan para sa ating panitikan, ng pahayag na iyon
ni N.V.M. Gonzalez. Ang alam natin ngayon ay nakakausad
naman sa ibayong dagat ang mga akdang Filipinong nasusulat
sa Ingles—lalo na sa nangungunang merkado ng pinipithaya
nating mambabasá na walang iba kundi ang America. Umaani
na rin ng pagkilala lalo na ang mga manunulat na Filipinong sa
ibang bansa na nananahan at nagsusulat.
Ang aklat na Seven Hills Away ang unang kalipunan ng mga
maikling kuwento sa wikang Ingles na isinulat ni NVM. Ang
pinakamaagang pagkakalimbag nitó ay sa Denver, Colorado
noong 1947, edisyong Allan Sparrow. Bílang tagasalin ng kalipu-
nang ito, gumugol din ako ng maraming oras sa paghahanap di
lámang ng mga kahulugan o tuwirang salin ng maraming kata-
gang Ingles na ginamit ni N.V.M., kundi maging ng mga katum-
bas ng maraming ekspresyong ‘idiomatiko’ sa wikang Ingles.
Marahil, bukod sa usapin ng kung anong wika ang pinaka-
mabisang makapagsusuri sa “Kalagayan ng Tao” at makapagla-
larawan ng buong katapatan sa lipunang ginagalawan ng isang
PAUNANG SALITA  ı  MARANAN  ı  ix

manunulat, ay ang panananatiling nakaugat sa búhay ng mga


karaniwang táong may payak na pangarap, tulad ng mga mag­
kakaingin sa Mindoro na tinutukan ni NVM ng kaniyang pan-
sin. Sa masining na paraan ay kaniyang nailarawan ang kaliit-
liitang detalye ng puso’t kaisipan, diwa’t galaw ng mga tauhang
kilála o hinalaw ng manunulat sa aktuwal na lipunang sakop ng
kaniyang karanasan, kayâ’t damá natin ang halas sa palad ng
naghahawan, ang pait ng pagsasamantala ng nakaaangat sa mga
kapos, ang pangungulila ng mga iniiwan ng mahal sa búhay, at
ang magkahalong tuwa at lumbay, pananabik at pag-asam, há-
bang hinihintay ang buhos ng ulan sa lupang tigang.

Ed Maranan
Setyembre 2015
Tagapagbukás

B inatilyo na si Virgil nang siya’y magtungo sa Loob-Loob,


isang pamayanan sa paanan ng Bundok Baco sa Mindoro.
Nauna nang nakarating doon ang kaniyang ama maraming
taon na ang nakalilipas, at hindi na ito bumalik. Nais maláman
ni Virgil kung ano ang nangyari sa ama kayâ’t naisipan niyang
hanapin ito. Matangkad siya, matikas at matapang, kayâ’t nati-
tiyak niyang mapangingibabawan niya ang anumang hírap na
nag-aantay sa iláng.
Sinabi niya sa kaniyang inang si Aling Benita ang kaniyang
balak, at maghapong nag-iiyak ang matanda. Mabigat ang loob
na ipinagbalot nitó ang anak ng sinaing na kanin at ilang pi-
rasong daeng sa sinalab at pinalambot na dahon ng saging.
Napatakan pa ito ng sambutil na luhang namalisbis sa kaniyang
pisnging pinagaspang ng katandaan.
Humayo si Virgil kinaumagahan. Ipinagsagwan siya ng
isang bata pailaya ng ilog sa isang pook na kung tawagi’y Troso.
Ilang oras ding tinulungan ni Virgil ang bata sa paggaod sapag­
kat di káya ng paslit na mag-isang makaisod sa lakas ng agos.

ı  11  ı
12  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

Upang maibsan ang hirap ng bata, kinuwentuhan ito ni Virgil


ng tungkol sa kaniyang mga pakikipagsapalaran.
“Papasukin ko ang malayo’t liblib na pook,” wika niya.
“Paglaki mo, Totoy, palagay mo kayâ’y makakasunod ka sa
akin?”
Napatingin sa kaniya ang bata, na di mawari kung ano ang
ibig tukuyin ng kaniyang malaki’t matipunong kaibigan.
“Hanggang saan ang túngo mo paglampas ng Troso?” ta-
nong nitó. Para sa bata, Troso ang pinakamalayong dulo na ma-
aabot ng tao.
“Alam mo ba kung násaan ang Loob-Loob?” tanong ni
Virgil sa bata.
“Ngayon ko lang narinig ‘yang Loob-Loob,” tugon ng bata.
Napapakurap sa lunting kinang ng agos, dugtong pa nitó,
“Napakalayo na marahil ng pook na ‘yan.”
Sa kaniyang biyaheng pabalik, paayon sa ilog at mabilis na
sumasagwan pauwi, ang isipan ng bata ay hitik sa mga larawan
ng malalayong lupain.
Inábot nang ilang linggo ang paglalakbay ni Virgil patú­
ngong Loob-Loob. Sa gabi’y nakiumpok siya sa ilang tao na
may mabuting-loob hábang silá’y nagsisiga sa hinawang lupa, at
sa araw ay ipinagpatuloy niya ang nakapapagal, matagal, at tíla
walang-katapusang paglalakbay sa landas na tíla patugpa sa di-
tiyak na patutunguhan, bagkus ay papaloob lalo sa pinakapuso
ng iláng.
Nagitla na lámang siya isang araw nang biglang tumambad
ang isang malaking pamayanan. Nakatayo ito sa pampang ng
isang dati’y malalim na ilog na malaon nang natuyuan. Paglabas
ni Virgil sa makapal na kawayanan, nasilaw ang kaniyang mga
mata sa mga damit na nakalatag at pinatutuyo sa mapuputi’t
nangingintab na bato sa halos ay patay nang ilog. Sa di-kala-
yuan, mula sa likod ng isang natumbang punongkahoy, narinig
niya ang tampisaw sa tubig at ang pagkakaingay ng mga babae
at mga bata.
TAGAPAGBUKÁS  ı  GONZALEZ  ı  13

Ito ang Loob-Loob, may nagsabi kay Virgil. At sa bandá pa


roon, waring nangingibabaw sa anumang pagkakakilanlan sa
nayon, ay ang Bundok Baco. Sakâ lámang natiyak ni Virgil na
narating na nga niya ang Loob-Loob nang kaniyang ipagtanong
ang maaaring kinaroroonan ng ama. Tiniyak sa kaniya ng mga
mandarayo na minsan nga ay napatirá ang kaniyang ama roon,
at sa katunayan ay isa pa ito sa naunang maghawan. Subalit wala
na siya, ayon sa kanila, matagal na itong namayapa.
Nagpatúloy siya at tumawid sa mga di pa nararating na mga
ilog, umuugit ng sariling landas sa makapal na gubat ng yan-
tok gámit ang kaniyang itak, hanggang narating niya ang isang
pook na di-gaanong masukal at tinutubuan ng talahib. Siya’y
nagpasiyang huwag nang magpatúloy at doon na humimpil,
tulad ng ginawa ng kaniyang ama pagsapit sa Loob-Loob.
Tinawag niyang Bagong-Loob ang pook na iyon. Bago
pumatak ang unang ulang-init ng Abril, malaki na ang sak­
law ng kaniyang nahahawan, at siya’y bumalik sa Loob-Loob.
Isinalaysay niya sa kaniyang mga nakilala roon ang kaniyang
sinuong na hírap, at humiling sa kanila ng isang salop ng palay
na maipupunla niya. Hindi naman siya nabigo, at pagsapit ng
Mayo ay kaniya nang natamnan ang kaingin.
Di kalaunan ay nakita na niya ang bunga ng kaniyang
paghihirap, at ibang pakikipagsapalaran naman ang nasok sa
kaniyang isipan. Matinding lungkot ang kaniyang nadama sa
Bagong-Loob. Násanay na siya sa mga panganib ng kagubatan,
sa gútom at kapaguran, subalit hindi niya maiwaksi ang mala-
lim na pangungulila sa isang makakasáma sa búhay. Kayâ’t nag­
papalipas siya ng ilang araw o isang linggo sa Loob-Loob, lalo
na’t nakatuklas siya ng pinaigsing paglalakbay na wala pang
kalahating araw, mula sa kaniyang lupa hanggang sa pamaya-
nan. Kung minsan ay hahayo siya sa madaling-araw, at kapag
ang putik ay hindi napakalalim, aabutin pa niya ang agahan sa
Loob-Loob bago magtanghali.
14  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

Lagi siyang tumutuloy kina Tatay Borong, sapagkat mainam


na kausap ang matanda, at bukod pa’y maganda ang anak ni-
tóng dalaga, na kaniya nang nakahulugan ng loob. Sa pakiwari
ni Virgil, ang pangalan ni Teodora ay tíla tunog ng batis na na-
yungyungan ng mga pakô, ng daloy ng tubig na nakikipagtalik
sa makikintab na bato. Tuwing dadalaw si Virgil sa Loob-Loob,
lagi siyang may daláng pasalubong sa dalaga—bagong-kuhang
pulut na nása biyas ng kawáyan, o kayâ’y pumpon ng ligaw na
bulaklak na tinalian ng isang pilas ng punòng saging. At minsan
ay dinalhan pa niya ito ng isang maingay na lorong marilag ang
kulay ng balahibo.
Kapag tumatagal siya kina Tatay Borong nang mahigit isang
araw, sinasamahan niya si Teodora sa isang pagdiriwang o pa-
sinaya sa nayon, sapagkat kanugnog man ng mga tao ang iláng,
hindi pa rin nilá nakakaligtaan ang ganitong mga pagkaka-
taon. Nadamá niyang si Teodora ang makatutugon sa kaniyang
matinding pangungulila para sa isang makakasáma sa búhay,
sapag­kat marami itong mabubuting katangian, at tulad niya’y
may pagkagiliw rin sa kagubatan. Tuwing hapon, namamas-
yal ang dalawa sa kahabaan ng tuyot na ilog, hábang-daan ay
umaawit at naghahalakhakan. Mabulaklak ang dila ni Virgil, at
pinupog niya ng matatamis na kataga ang tainga ng dalagang
nasisiyahan naman. Isang araw, hábang padahilig ang araw sa
kanluran, hiniling nilá kay Tatay Borong ang kaniyang pahintu-
lot na silá’y makasal.
“Walang ikinakasal sa Loob-Loob,” banayad na sagot ng
matanda. “Walang pari sa iláng, at mahirap mangyaring dadayo
pa rito ang isang huwes mula sa kabayanan...”
“Napakalayo kasi...” damdam ni Teodora.
“At aabutin naman nang ilang linggo ang pagsadya roon,”
dugtong ni Tatay Borong.
“Totoo, kunsabagay,” salo ni Virgil.
Kayâ’t isinama ni Virgil si Teodora sa kaniyang kaingin sa
Bagong-Loob. Sinamahan silá ni Tatay Borong at ng buong
TAGAPAGBUKÁS  ı  GONZALEZ  ı  15

ang­kan ng malalápit at malalayong kamag-anak. Lahat ng nása


pamayanan ay nanabik maláman ang pagkatao ni Virgil at ang
kaniyang malayong pook, sapagkat ang pagkakakilala nilá rito
ay isang mahiwaga’t mailap na tao.
Dinalá silá ni Virgil sa iláng na gubat na nása dako pa roon
ng Loob-Loob. Dumaan silá sa maigsing landas na kaniyang na-
tuklasan, kayâ’t ang paglalakbay ay di kasintagal ng una niyang
pagtúngo roon. Hábang-daan ay usapan at tuksuhan ang pulu-
tong, at madalas ay nagpapahinga silá sa isang batis na higit pa
sa panighaw-uhaw ang halina ng tubig. Tanghaling tapat nang
silá’y sumapit sa lupa ni Virgil.
Isang araw siláng nagpiging. Tigib ng ligaya si Teodora, pa-
kiramdam niya’y nása isang daigdig siya na sarili niláng mag­
kasintahan. Si Virgil naman ay maasikaso sa kanilang mga pa-
nauhin, at mag-isa niyang hinainan ang mga ito ng mabangong
sinaing na kanin at inihaw na baboy sa isang mahaba’t magas-
pang na dulang.
Ang lupa ni Virgil ay naging dayuhín ng tao pagkaraan, at
si Tatay Borong ay napadalas ng dalaw doon. Bago dumating
ang sumunod na taníman, karamihan sa angkan ay lumikas sa
bagong pook at doon na nanahan. Kinilala ng balana na lupa ni
Virgil ang Bagong-Loob, na mag-isa niyang hinawan at pinag-
yaman, bagaman may karapatan din ang ibang tao na mamuhay
doon, tulad ng magiting nitóng tagapagbukás.
Bago tuluyang umunlad ang pamayanan at naging maya-
mang nayon, lumisan si Virgil kasama si Teodora. Pumaloob
pa siláng lalo sa malawak na iláng, upang magpasimula uli sa
laylayan ng isa pang malumbay, maputlang-asul na bundok.
Buhay at Kamatayan sa Isang Kaingin sa Mindoro

B atid ng mga kalalakihang nagtungo sa Kagulangan


upang magtrabaho na inilagay nilá sa panganib ang kanilang
búhay. Noong araw na sinimulan niláng hawanan ang makapal
na dawag at baging bílang paghahanda sa pagputol sa mala-
laking punongkahoy, may nagpakitang isang itim na kuwago
at puting kakok na walang tigil ang paghuni sa kanila—isang
masamâng pangitain. Mga tagahatid ng balita mula sa diyablo,
ayon kay Tatay Kanut.
Noong una, hindi ito pinansin ni Ka Pedro. Matangkad
siya, nása gitnang-gulang, may matikas, makinis, at mukhang
sunóg sa araw na kawangis ng sa mandirigma, at napaismid
ang kaniyang makapal na labì nang sabihan niya ang kaniyang
mga tauhan na walang katotohanan ang pinagsasabi ni Tatay
Kanut. Nang hapong iyon ay ipinamudmod niya ang kanilang
mga sahod.
“Ipinamimigay ko ba ang salaping pilak na ito para lámang
ibulid kayo sa diyablo?” parunggit niya.
Nagtawanan na lámang ang mga mamumutol, bakâs ang
kasiyahan sa pagkakatanggap ng makikintab na salaping pilak.

ı  16  ı
BUHAY AT KAMATAYAN SA ISANG KAINGIN SA MINDORO  ı  GONZALEZ  ı  17

Ang Kagulangan ay isang mahabang gubat ng mga batang


punongkahoy sa kanlurang bahagi ng Ilog Barok. Nakalatag
itong animo’y dambuhalang banig ng makapal na kaluntian,
abot hanggang doon sa kabiláng dalisdis ng bundok. Sakop ito
ng pag-aari ng pamahalaan, at di ito gaanong nabigyan ng pag­
papahalaga, bagaman bukod pa sa pagiging tahanan ng mga
baboy-damong naglipana sa kawayanan ay hitik rin ito sa mala-
laking punòng ipil.
Isang umaga ng Enero, hábang siya’y nangangaso ng baboy-
damo, naligaw si Ka Pedro sa gubat ng Kagulangan. Batikán si-
yang mangangaso at madalas niyang ipagyabang na nagalugad
na niya ang lahat ng pangasuhan sa buong timog ng Mindoro.
Ngunit sa pagkakataong ito, inábot siya nang ilang araw bago
niya uli nakita ang kaniyang tatlong kasamahan, at pakiram-
dam niya’y nawalan na silá ng pagtingala sa kaniya. Nalipos
ng ngitngit sa sarili si Ka Pedro, na tíla bagá may dumaig sa
kaniya at lumait sa kaniyang pagkatao, at upang mabawi ang
kaniyang karangalan, ipinahayag niyang sarili niyang pag-aari
ang buong Kagulangan. Idinulog niya ang mga kaukulang kasu-
latan sa isang notaryo na nakatirá sa malayong munisipalidad
ng Bongabon, at pagkaraa’y sinimulan na niyang hawanan ang
gubat.
Ang kalalakihang nagtatrabaho para sa kaniya ay pulos ka-
bataan. Si Andong, halimbawa, ay labing-anim na taóng gulang
lámang, at bagaman apó siya ni Tatay Kanut, hindi ito nani-
niwala sa signos ng kuwago at ng kakok. Nakatapos siya ng ika-
apat na baitang sa paaralang-nayon, at papasá sana sa ikalima
kung di lámang siya naglayas isang umaga ng Oktubreng pana-
hon ng anihan, at hindi na umuwi.
Isa pa si Rufo, na ayon kay Ka Pedro ay mukhang sanggano
dahil sa makapal at kulot nitóng buhok. Si Angelo naman ay
matipuno ang pangangatawan tulad ni Rufo, at sintalas ng laba-
ha ang gulok. Hindi pumayag ang ina nitó na sumáma kay Ka
Pedro, at sinabi pang ang kaniyang anak ay isang dalag-onon,
18  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

isang taóng ang kapalaran ay naitadhana na ng Masásamâng


Espiritu. Ngunit nang mangako si Ka Pedro na pasasahurin
niya ito ng limampung sentimo bawat araw, o isang salapi, pu-
mayag na rin ito.
“Pakaingatan mo sana ang iyong sarili,” payo ng ina sa ka-
niyang anak.
Sabi naman ng kaniyang tiyo, “Hindi pa namin napapasok
ng iyong ama ang Kagulangan, kayâ’t wala akong gaanong mai-
papayo sa iyo tungkol doon.”
“Para itong isang pagkalawak na luntiang tahanan, at ako
ang may-ari,” pagmamalaki ni Ka Pedro, upang palakasin ang
loob ng babae, at pagkatapos ay nagwika sa kapatid nitóng lalá-
ki, “Ano kayâ’t sumáma ka na rin?”
Ngunit ngumiti lámang ang tinanong. “Mahina na ang
aking mga binti, anaki’y sanga ng patay na punò.”
“Kung ako’y isang dalag-onon at may kahinaan, Nanay,” wika
ni Angelo sa ina, “bakit di ninyo ako gawan ng anting-anting?”
“Igagawa kitá, antayin mo,” sabi ng babae, at nang handa
nang sumáma ang kaniyang anak kay Ka Pedro, binasbasan niya
ito at inabután ng isang agimat—ilang hiwà ng luya at bawang
na itinahi sa loob ng munting súpot mula sa pulang tela.
Noong unang umaga nilá sa gubat, bumubuhos ang ulan, ma-
lamig ang hangin, at pakiramdam nilá’y gabi na. Nababanaagan
lámang ang araw sa patak ng ulan at sa makapal na kahuyan.
“Gumagabi na yata,” banggit ni Rufo.
Narinig ng lahat ang huni ng dalawang ibon, at nawika
tuloy ng isang kasama, “Gabi na nga, sapagkat tumatawag na
ang kuwago at kakok.”
Kinakabahang inapuhap ni Angelo ang kaniyang anting-an-
ting, at nang masalat niya ito sa kaniyang bulsa, kaagad niyang
ikinuwintas ito sa kaniyang leeg. Natawa si Rufo nang makita
niya ang ginawi ni Angelo, ngunit kinabukasan nang umaga,
nakita na lámang niyang may kawangis na agimat na nakalawit
sa kaniyang leeg.
BUHAY AT KAMATAYAN SA ISANG KAINGIN SA MINDORO  ı  GONZALEZ  ı  19

Isang hapon, hábang gumagawa silá sa isang pook na na-


pakakapal ng yantok at baging, ang labing-anim na taóng si
Andong ay tinuklaw ng ahas, isang magkal, sawáng malapad
ang tiyan at sinlaki ng bisig ng isang laláki. Hindi niya ito naki-
ta agad, at násagpang siya ng mga pangil nitó sa kaniyang ka-
liwang binti. Humiyaw siya ng pasaklolo, ngunit hindi na nakita
ng mga kasamahan kung saan nagsuot ang sawá.
Binuhat nilá si Andong sa kúbong kanilang itinayo sa gilid
ng hinahawanang lupa. Gámit ang kaniyang balaraw, hiniwa ni
Rufo ang sugat ni Andong, at nang malayang sumágo ang dugo,
násambit niyang ito’y dahil sa paglaki ng tubig sa Ilog Barok.
Patuloy sa pagdaing at pagdahuyhoy ang binatilyo, kayâ’t nag-
tungo si Andong sa lolo niyang si Tatay Kanut na isang mang-
gagamot. Nang dumating ang matanda at mapag-alaman kung
anong uri ng ahas ang nakakagat sa bata, sinabi niyang ligtas na
ito sa panganib, sapagkat hindi makamandag ang kagat ng ahas
na iyon.
Gabi na noon, at nagkulumpon ang kalalakihan sa paligid
ng sigâ upang maghuntahan. Palibhasa’y Enero, malamig ang
gabi, anaki’y sukàng inimbak sa isang lumang tapayan. Rinig
ang dagundong ng Ilog Barok sa di-kalayuan—lumaki ang
tubig nitó may tatlong araw na—at ang matatayog na punòng
nakapaligid sa kaingin ay mistulang mga dambuhalang ding-
ding sa karimlan. Nakinig silá sa mga salaysay ni Tatay Kanut
tungkol sa magkal, kuwago, at kakok.
“Ang magkal, mga anak, ay hindi nilikha ng Diyablo!”
Kinaumagahan, nagdaos si Ka Pedro ng gapi—isang ritwal
ng pagtataboy sa Masásamâng Espiritu sa lupa. Nagpakuha siya
ng puting dumalaga at tinanggalan ito ng balahibo. Pagkatapos
ay pinapaghanda niya si Rufo ng tubâ na mula sa isang punòng
niyog sa malapit. Pinunô ng tubâ ang tatlong malalaking taga-
yang bao ng niyog. Inihanda rin ang manok na nakalatag sa
dahon ng saging sa bilao, ilang piraso ng malambot na karneng
20  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

baboy, isang pinggan ng umaasong kanin, at dahon ng búyo at


ngangà. Lahat ng ito ang ginamit sa kanilang pag-aalay.
“Ang pinakamasarap lámang ang maaari nating ialok sa
mga Espiritu,” at pagkasabi nitó ay humayo na si Tatay Kanut
patúngo sa kaingin, dalá ang mga iaalay. Nakamasid lámang
ang mga kalalakihan hábang sumusuot siya sa matatayog at
abuhing punò.
“Nangangatog ang kaniyang mga tuhod,” pakli ni Rufo.
“Tíla siya pilay na kalabaw na ligáw kung maglakad.”
“Napakabigat marahil ng bitbit niyang buslo ng pagkain,”
tugon ni Ka Pedro. “Sana’y di mabubo ang tuba.”
Walang imik si Angelo. Nakatitig lámang siya hábang ang
mga punò’y kinukulapulan ng araw ng kumikinang na pilak.
Dahil dito’y napansin niyang maaliwalas ang umagang iyon, at
iniisip niya kung ano kayâ ang uusalin ni Tatay Kanut hábang
inilalatag sa paanan ng Diyablo ang iniaalay.
Marahil ay sasabihin nitó: “Handog po ito ng sinag ng
araw! At kung inyong mamarapating tanggapin, at ililigtas si
Ka Pedro at ang kaniyang mga tauhan mula sa inyong mabagsik
na pagmamatyag hábang kanilang hinahawan ang Kagulangan,
magiging matamis ang tubâng ito at lalong lalambot ang kar-
neng ito!”
Sinimulan niláng itumba ang malalaking puno ng ipil pag­
sapit ng Marso. Walang maririnig liban sa bagsak ng palakol ng
mga mamumutol, at umalingawngaw ito sa buong Kagulangan.
Sa kahabaan ng araw, ilang ulit na sumabay sa ingay ng pa-
mumutol ang malakas na langitngit ng natutumbang punò.
Kinikilabutan si Angelo tuwing maririnig niya ito.
May ilang bagong tauhang dumating upang magtrabaho
para kay Ka Pedro. Isa na rito si Maldo, kaibigan ni Angelo.
Isang araw ay tinanong ni Maldo si Angelo kung bakit patúloy
pa itong namumutol ng punò, gayong kinikilabutan siya sa gi-
nagawang ito. Napangiti na lámang si Angelo, ngunit kalaunan
ay inamin niyang kailangan niyang kumita.
BUHAY AT KAMATAYAN SA ISANG KAINGIN SA MINDORO  ı  GONZALEZ  ı  21

“At bakit ka naman naghahangad ng maraming salapi?”


usisa ni Maldo.
“Marso na,” tugon ni Angelo, “mayâ-mayâ’y Abril, at mag­
kakaroon ng pista...”
“Ikakasal ako sa Abril, pagkatapos ng pista,” sambit ni
Maldo.
Di nagtagal at alam na ng lahat nang mga magkakasama ang
tungkol sa napipintong kasal ni Maldo. Isang araw ay nawika ni
Ka Pedro sa kaniya:
“Ipapuputol ko sa iyo ang isang punò ng balete at bibigyan
kitá ng tatlong piso para sa págod mo. Maibibili mo na ng isang
pares ng tsinelas ang iyong mapapangasawa.”
Akala ni Maldo’y nagbibiro lámang ang nakatatandang lalá-
ki, kayâ’t laking gúlat niya kinabukasan nang siya’y abután nitó
ng isang bagong palakol na bago rin ang puluhan, at itinuro siya
nitó sa isang punò ng balete. Matayog ito at madahon, at tatlong
dipa ang súkat pabilog.
“Piso bawat isang dipa,” sabi ni Ka Pedro.
Kaagad na itinayo ni Maldo ang kaniyang binalay na ga-
gawing tuntungan hábang pinuputol niya ang punò ng balete.
Binubungan pa niya ito ng mga dahon upang magmukhang
kakatwang bahay-bahayan, at sinuhayan ng mga payat na tag-
dang kahoy na nakasandig sa punò.
“Palagay mo ba’y matatagalan ako sa pagputol sa baleteng
ito?” tanong niya kay Angelo.
“Malakas ka naman,” pakli ni Angelo. “Hindi ka aabutin
ng mahigit sanlinggo kung titiyakin mong laging matalas ang
iyong palakol.”
“Kung gayo’y di maglalao’t makakabili na ako ng isang ma-
gandang pares ng tsinelas para kay Angkay,” bulalas ni Maldo
sabay kindat.
“Di nga maglalaon, kayâ lang, ang sabi ni Tatay Kanut...” at
napahinto si Angelo, napatitig sa kaibigan na wari’y naghahagilap
22  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

ng sasabihin. Napasulyap siya sa manipis na kamiseta ni Maldo


na hábing-bahay, at napansin niyang wala itong suot na anting-
anting. Hinawakan niya ang sa kaniya, at hábang pisil-pisil ng
kaniyang mga daliri ang munting bulsikot na nagtataglay ng
bawang at pira-pirasong luya, nakaramdam siya ng katiyakan
at kaligtasan.
“Sabi ni Tatay Kanut,” pagpapatulóy niya, “ang kuwago at
kakok ay mga sugo ng Diyablo, at...” pagwawakas niya, “siláng
tatlo raw ay nakatirá sa baleteng ito. Ito ang kanilang tahanan.”
Ang Malayòng Abot-tanaw

M ay lumubog na bangkang di-layag malápit sa baybay-


dagat ng Sta. Cruz, Marinduque, at isa lámang ang nabuhay
sa anim nitóng tripulante. Násagip siya ng isang dumaraang
barko at kaagad dinalá sa Maynila, kayâ’t nagtagal bago siya
nakauwing muli sa Maricaban na kaniyang pinagmulan. Nang
kaniyang isalaysay ang naganap na sakuna, hindi siya agad
pina­niwalaan, at sinabi pa ng mga tao na napakabata pa niya
at marahil ay nagsisinungaling lámang. Lumipas pa ang ilang
buwan bago natanggap ng mga may-ari ng sasakyan na lubusan
na nga itong nawala, at sakâ pa lámang umusal ng panalangin
para sa namatay ang matandang kababaehan.
Nagunita ni Juancho, ang binatilyong nakaligtas sa paglu-
bog, na isa sa kaniyang mga kasamang nangalunod ay hindi tu-
bòng pulo ng Maricaban, ngunit mula sa isang malayong nayon
sa Mindoro. Gorio ang ngalan nitó, at natitiyak ni Juancho na
malamáng na hindi nakarating sa nayong iyon ang kinasapitan
ng biyahero. Paano pa maipagdadasal ng kaniyang mga kamag-
anakang babae ang kaniyang kaluluwa? Hindi mapalagay si
Juancho, sapagkat si Gorio ay naging kaibigan niya.

ı  23  ı
24  ı  PITONG GULÓD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

Minsan ay binalak niyang sulátan ang ama ni Gorio ngunit


di niya alam kung ano ang pangalan nitó, at isa pa’y bakâ hindi
pa makabuti o paniwalaan man lámang ang kaniyang sulat, nai-
sip ni Juancho. Di nagluwat ay may nakilala siyang isang ka-
puwa maglalayag na ang pangala’y Bastian, na nagsabing siya ay
taga-Mindoro. Maaari ba niyang ipaalám sa mga kamag-anak
ni Gorio ang nangyari sa kaniya? Nang banggitin ni Juancho
ang pangalan, nalipos ng lungkot si Bastian, sapagkat kapatid
palá nitó si Gorio.
Ngunit bandáng Mayo na nang magpasiya si Bastian na
umuwi, sapagkat noon lámang siya nagkaroon ng pagkaka-
taon. Patúngo noon ang batel na Pag-asa sa Bulalacao sa timog
ng Mindoro, nang ito’y tumirik sa kawalan ng hangin malápit
sa Dayhagan. Hindi kalayuan doon ang nayong tinitigilan ni
Bastian, at noong payapang umagang yaon, tanaw niya ang
mga bahurang buhangin sa bunganga ng kaniyang kinalakhang
ilog. Sa maaliwalas na liwanag ng araw, wangis nitó ay isang
dambuhala’t makinis na bisig na nakadantay sa dagat.
May kaiba siyang pakiramdam. Pakiwari niya’y nanganga-
ti ang kaniyang talampakan at malakas ang pitlag ng kaniyang
púsong tíla nag-uumalpas sa kaniyang dibdib. Naisip niyang
sa gulang niyang iyon ay kakatwang makaramdam pa siya ng
ganito, ngunit naalaala rin naman niya na mga pitó o walong
taon na ang nakalipas mula nang kaniyang lisanin ang kanilang
pook.
Kayâ’t kinailangan niyang kausapin ang may-ari ng batel.
Una muna’y sinabi lámang niya ritong nais niyang balikán ang
kaniyang nayon na matagal na niyang hindi nadadalaw, ngu-
nit nakinig lámang sa kaniya si Ka Martin na tíla ba wala itong
pakialam. Pagkatapos ay isiniwalat ni Bastian ang naganap na
sakuna sa Sta. Cruz, inisa-isa ang lahat ng detalye tulad ng pag­
kakakuwento sa kaniya ni Juancho. Bigla namang naantig si Ka
Martin. A, sige, sabi nitó kapagdaka, makakalapag si Bastian.
ANG MALAYÒNG ABOT-TANAW  ı  GONZALEZ  ı  25

Dahil sa samâ ng panahon, aabútin pa ng madaling-araw kina-


bukasan bago nilá marating ang bunganga ng ilog. Kailangang
makabalik si Bastian sa dalampasigan paghudyat ng budyong.
“Ngunit kailangang kayo ang magpatunog nitó,” ani Bastian
sa batikang manlalayag, “sapagkat napapatunog ninyo itong
anaki’y silbato ng isang barko, at tiyak na ito lámang ang
makakagising sa akin.”
Natuwa naman si Ka Martin sa tinurang iyon ni Bastian at
pinagmadali ang batang gagaod para kay Bastian patungong
dalampasigan.
Ilang oras na siyang naglalakad pauwi sa kaniyang nayon,
at hábang-daan ay iniisip niya kung paano niya sasabihin sa ina
ang balita. Tiyak na magdadalamhati ito. Ngunit di ba’t malakas
pa siya at buháy na buháy, at nakahandang mag-alaga sa ina?
Marahil ay makabubuting huwag na muna niyang sabihin.
Kapag nabalitaan ng ina kung ano ang nangyari sa kaniyang
kapatid, bakâ mahirapan siyang makapaglayag uli. Napamahal
pa naman sa kaniya ang dagat, kahit batid niyang balang-araw
ay ito rin ang maaring kumitil sa kaniya.
Mabanas ang kaniyang paglalakbay. Dalawang nayon
ang nalagpasan niya sa umaga at dalawa rin sa maghapon.
Papalubog na ang araw nang sapitin niya ang Paclasan, ngunit
marami man siyang kilaláng tao sa pook, hindi siya nagpalipas
ng gabi roon. Ang nayon ko na ang susunod, inulit-ulit niyang
ipaalala sa sarili.
Nakarating siya sa baybay-dagat hábang umaangat ang
buwan. Sa malayong abot-tanaw, naaaninag niya ang Pag-asa.
Nakabukadkad ang mga layag nitó, na wari’y liwanag ng buwan
ang hinuhúli sa halip na ang hangin. Naisip niyang madali na
siyang makakauwi mula roon kayâ’t nagmadali siya. Napaasa
siyang aabútan pa niya ang hapunan. Sa wakas ay sinapit niya
ang pampang at ipinatawag niya ang bangkero. Sumalampak
siya sa malamig na buhangin at nag-antay. Sa kabilâng ibayo,
26  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

nagkakaingay ang mga bahay sa kung ano-anong gawain ng


mga tao. Naulinig niya ang kalanting ng mga gitara at ang rub-
dob ng bayó sa lusóng. Sumagi sa kaniyang isipan na Mayo na
nga palá.
Nang magkita-kita silá ng kaniyang mga kamag-anak, nag-
taka pa siya kung bakit lahat silá’y nagkaipon sa nayon. Inakala
niyang ang mga ito ay nása parang at inihahanda na ang kani-
kanilang kaingin, sapagkat malápit na ang taníman. Ngunit tíla
bagá talos ng mga ito ang kaniyang pagdating, at sunod-sunod
siláng nag-usisa sa kaniya.
“Bakit ngayon ka lang dumating?”
“At gaano katagal ka lalagi rito?”
“May-asawa ka na ba, at mayroon ka na bang mga anak?”
Ngiti lámang ang itinugon ni Bastian sa mga pagtatanong,
sapagkat di niya káyang sagutín lahat ng mga iyon. May kaba-
baehang pumipigil sa kaniyang siko at masasayáng mangusap.
“Pagkatangkad na ng táong ito!” wika ng ilan.
“Pagkagandang laláki’t kulot pa ang buhok, aba’y parang
bayani!”
Pagkaraan ay kinaladkad siya ng mga ito patúngo sa kubo
ng kaniyang ina, at walang pagsidlan ng galak ang magulang.
Napahalakhak siya nang malakas, at anitó’y napakabait ng ka-
palaran sapagkat nakauwi rin siya sa wakas. Dalawa ang kani-
yang anak na laláki, at ngayo’y nakita niyang muli ang isa man
lámang sa kanila. May ilang matatandang nagdalá ng tubâ sa
mahahabang bumbong ng kawayan, at di-naglaon ay nag-iinu-
man na ang lahat. Pinapagliwanag ng buwan ang mabuhanging
bakuran sa harap ng bahay.
“Dumito ka na muna nang matagal-tagal,” wika sa kaniya ni
Aling Betud.
“Patawad po, ngunit ngayong gabi lámang po,” pakli ng
anak. Inákay niya sa isang sulok ang ina at sinabi rito ang ka-
sunduan nilá ni Ka Martin, ang kapitán ng Pag-asa.
ANG MALAYÒNG ABOT-TANAW  ı  GONZALEZ  ı  27

Nang gabing iyon, ipinaglatag siya ng banig na marikit ang


pagkakahabi. Ramdam niya sa kaniyang likod ang mga pinong
disenyo ng makukulay na buling ginamit sa paggawa nitó.
Gaano kayâ katagal hinabi ang banig na ito, tanong niya sa sari-
li, hanggang sa tuluyan na siyang maidlip.
Lampas hatinggabi nang siya’y magising mula sa isang pa-
naginip, at hábang kinukusot ang mata’y pilit niyang hagilapin
kung ano ang napaginipan, at nang wala siyang matandaan ay
nabalisa siya. Humihip ang hangin sa bukás na bintana, taglay
ang maraming tunog, maging ang ragasa ng lumalaking ilog.
Naulinig din niya ang gibik ng isang ulilang ibon—at ang tunog
ng tambuli ng dagat. Malagom iyon at malinaw, subalit bana-
yad, anaki’y nakisakay lámang sa hihip ng hangin.
Bumangon siya at maingat na humakbang patúngong pin-
tuan. Madilim pa, at siya’y napatapak sa banig ng kaniyang ina.
Muntik pa niyang masagi ang mga paa nitó.
Sa may dalampasigan, ang bangkerong si Mang Tiago ay
nagsindi ng sigâ. Nakaupo sa harap nitó ang matanda at siya’y
nilápitan ni Bastian. Wala munang imikan ang dalawa, hang-
gang basagin ni Bastian ang katahimikan nang makaramdam
na siya ng init. Ikinuwento niya rito ang tungkol sa Pag-asa at
ang kaniyang naglahong kapatid na si Gorio. Sa pagtatapos ng
salaysay, kaniyang sinabi:
“Kayo lámang sa buong nayon ang nakaaalam nitó,” sabay
dantay ng kamay sa butuhang balikat ng matanda.
Ang hudyat ng sirena ay muli na naman niyang narinig,
kayâ’t tumayo na siya at nagpaalam sa bangkero.
“Kayo na ang bahalang magsabi sa iba tungkol sa naikuwen-
to ko sa inyo, at ako’y yayao na,” wika niya.
Sa may bunganga ng ilog, dumuduyan sa alon ang Pag-asa
sa pagkakaangkla. Tulad ng dati’y nakabukadkad ang mga layag
nitó. Sa pagbubukang-liwayway, unti-unting gumapang ang
liwanag sa kaniyang lona.
28  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

Naiwang nag-iisa sa kaniyang sigâ, nagnilay-nilay si Mang


Tiago sa kaniyang pagkakalikmo. Totoong napakalungkot ng
isinalaysay ni Bastian. Nakaramdam siya ng awa sa naglahong
kapatid nitóng si Gorio, at inisip niya kung paano niya ito isasa-
laysay sa mga taganayon. Sa palagay niya’y nagkamali si Bastian
sa pagkakalihim nitó.
At kumalat na nga ang kuwento mula kay Mang Tiagong
bangkero, sapagkat ipinagsabi niya ito sa bawat táong sumakay
sa kaniyang bangka upang tumawid sa ilog. Di kalaunan ay nag­
sitúngo ang mga tao kay Aling Betud upang aluin ito.
Ngunit halos ni gaputok ay walang násabi ang matanda.
Ang kalungkutan mandin ay hindi kaagad nangibabaw sa kani-
ya, at dumaan ang mga araw na nakapangalumbaba siya sa bin-
tana at walang ginawa kundi maglimi nang maglimi. Hanggang
isang araw, bigla niyang naisip na bakâ naman pati si Bastian ay
matagal na ring patay, at ang anak na dumalaw sa kaniya ay isa
lámang multo. Sinadya niya ang kaniyang malalapít na kamag-
anak upang ibahagi ang kaniyang sapantaha.
“Kung sabagay, sino nga ang makapagsasabi?” sabi ng isa.
“Maaari ngang totoo, sapagkat hindi man lámang siya nag­
paumaga bago lumisan.”
“Ganiyan ang ugali ng mga multo,” paliwanag ng isa pa.
Nainis si Aling Betud sapagkat pakiwari niya’y di lubos na
naniniwala ang mga kausap. Mapait ang kaniyang ngiti nang
siya naman ang magsalita.
“Malaláman din natin. Malaláman din natin ang lahat. Ang
isa ko pang anak na si Gorio ay uuwi, siya ang ating tatanungin,
at siya ang magsasabi sa atin.”
Ang Pagpupunla

M adaling-araw pa noon, at hindi pa naitataboy ng liwanag


ang karimlang nakalambong sa magubat na kabundukan,
ngunit mahihinuha sa pagitan ng mga nakayungyong na punò
na ang langit ay nalalatagan ng matamlay, mamula-mulang asó.
Pasan sa balikat ang sako ng palay, dumaan si Paulo sa maik-
sing landas sa taníman ng abaka upang marating ang kaniyang
kaingin sa ituktok ng buról. Ang kaniyang asawang si Paulina
ay kasunod niya, at taglay nitó ang kanilang isang-taóng-gulang
na anak na balót ng kumot at nakasalabay sa kaniyang likod.
Wala siláng imikan sa paglalakad, ngunit pagsapit sa paanan
ng buról, ibinaba ni Paulo ang sako at huminga nang malalim.
“Naku, hindi pa kayâ táyo hulí?”
Kinipkip ni Paulina ang sanggol sa kaniyang dibdib.
“Aba’y hindi naman.”
“Tingnan mo,” pakli ni Paulo, sabay turo sa kalangitan.
Napatingala si Paulina. Sa ibabaw ng silangang hanggahan
ng lambak, lumalaganap ang kinang ng lila. Bahagya nitóng
binago ang anyo ng kagubatan, at mandi’y lalong lumayo ang
gulugod ng mga bundok.
“May araw na!”
ı  29  ı
30  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

Hindi umimik si Paulo. Naisip niyang kakatwa pang bang­


gitin iyon. Bílang isang babaeng laking-parang, di ito dapat
nag­sásalitâng animo’y dayuhan sa lupang yaon. Muli niyang pi-
nasan ang sako at nagpatúloy silá sa paglalakad. Di naglaon ay
nakaligid na silá sa paanan ng buról at nakarating sa makitid na
landas patúngo sa kanilang kaingin.
Wala pa ring ipinagbago sa kanilang iniwan nitóng naka-
raang araw. Mainit pa ang lupa sa abong nagmula sa kahoy na
kaniyang sinilaban at ilang araw nang nagdirikit. Sa gilid ay na-
roon ang buo pang troso na may dingas sa magkabilâng dulo,
bagaman bahagya na lámang ang usok nitó sa manipis at mabi-
lis na umaangat na ulap.
Buong akala niya’y napag-iwanan niya ang kaniyang asawa,
palibhasa’y bitbit nitó ang kanilang sanggol, ngunit paglingon
niya’y halos nása kaniya lámang likuran ito. Pakiramdam niya’y
dinig niya halos ang hingal nitó. Nagkatinginan silá at napansin
niyang tíla nanlálakí ang butas ng ilong ng asawa hábang sina-
sagap nitó ang malamig na hanging-bundok.
“Sabi ko na sa iyo, hindi pa naman táyo hulí, at di pa nga
halos nagsisimula ang araw…” pangangatwiran ng babae.
“E, kung gan’on, ibaba mo na iyang bata, upang makapagsi-
mula na táyo,” tugon ni Paulo, sabay lapag ng sako sa ibabaw ng
pinagputulan ng punò.
Umingit ang batang natatakpan ng kumot nang ilapag ito
ni Paulina sa tabi ng sako ng palay. Itinali niya ang magkabi-
lâng dulo ng kumot sa dalawang batang punò ng niyog upang
gawing duyan. Kaniyang iniugoy ang bata at inawitan ito hang-
gang matahimik.
Si Paulo nama’y nása malayong panig ng kaingin, at naka-
tanaw sa silangan. Mag-isa lámang siya roon at nakatayong
anaki’y isang dayo. May isang lorong lumipad sa itaas, at para
siyang napapatda sa kinatatayuan. Tinawag siya ni Paulina na
may himig panunudyo ang tinig.
ANG PAGPUPUNLA  ı  GONZALEZ  ı  31

“O, hayan, napatulog ko na rin ang bata, gaya ng nais mo.”


Nilingon ni Paulo ang asawa. Tumatakbo ito paakyat sa
gulod at papunta sa kaniya, isang larawan ng rilag ngayong
humahapit sa katawan nitó ang damit na hinihipan ng hangin.
Nawaksi muna sa kaniyang isipan ang kanina’y pinagtuunan
niya: ang paghingi ng paglingap mula sa mga Espiritu upang
kasihan siláng managana ang inaasahang ani. Nalimot na niya
ang tamang mga kataga ng panalanging itinuro sa kaniya noon
ng kaniyang ama, ngunit natatandaan pa niya ang buong ritwal.
Payak lámang iyon: haharap sa silangan at taimtim na manana-
langin, kipil sa kamao ang sandakot na lupa at palay.
Ngayo’y tapos na siya at siya namang paglapit ni Paulina.
Naghanap siya ng dalawang mahabang tambo, ginawa itong
mataas na krus, at ito’y kaniyang itinulos sa lupang kaniyang
kinatatayuan.
Buong paghangang nakamasid sa kaniya ang asawa, na
nagsisisi pa nga’t ginambala siya ng pagkakatawag sa kaniya.
Dahan-dahan itong lumapit sa kaniya nang walang imik.
“Kung gayo’y magsimula na táyo!” atas ni Paulo. “Punuin
mo ng palay ang iyong takuyan. Magsisimula táyo sa ibaba, pa-
taas ng buról.”
Hábang nagmamadali ang asawang pabalik upang kunin
ang palay, sinimulan ni Paulo ang pagdukal ng mga bútas sa
lupa, gámit ang tinulisang patpat. Pinatakan ng babae ang mga
bútas na ito ng ilang butil ng palay, at pagkatapos ay tinakpang
muli ng lupa, gámit ang paa. Magkatuwang niláng ginawa ito
nang walang imikan. Nagkagising na ang mga ibon at nagsi-
mulang mapunô ang papawirin ng pagaspas ng mga pakpak. Sa
wakas ay lumitaw ang araw sa tuktok ng kagubatan sa bandáng
silangan.
“Tiyakin mong sapat lámang ang dami ng butil sa iyong
mga daliri,” atas ni Paulo.
32  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

“At tiyakin mo rin,” mabilis na tugon ng asawa, “na hindi


napakalalim ng ginagawa mong bútas, sapagkat bakâ abútin pa
ng isang taon bago sumibol ang ipinunla!” Sinundan niya ito ng
kaniyang malutong na halakhak na tíla sa bata.
“Makinig ka. Basta’t tiyakin mong mahusay ang pagkakata-
kip mo sa butil ng palay, upang di mahukay ng mga langgam at
matangay nilá ang mga ito.”
“Aba, kung magsalita ka’y para bang hindi ako naturuan ng
tama ng aking mga kaanak! Ako ba’y walang muwang at di ma-
aaring matuto?”
“Pinaaalalahanan lang naman kitá…”
Ganoon silá mag-usap. Si Paulina, na pinakasalan ni Paulo
matapos ang anihan noong nakaraang taon, ay di kailanman
naging mapurol, o kagyat na mapapagalit. Sa pagtáya ni Paulo,
may sapat itong pandama sa nakatutuwa, at may matinong
pag-iisip, tulad ng dapat asahan sa isang babae. Gayundin din
naman ang pagtingin sa kaniya ng asawa, at naisip pa nga ni
Paulina na maaaring ipinanganak siláng magkatugma ang mga
kaluluwa, sapagkat gayon na lámang ang kanilang pagkakasun-
do. At naramdaman pa niyang pinatunayan ito nang silá ay big-
yan ng anak. Iniluwal ito sa banig, isang kamangha-manghang
niláláng ng búhay. Noong araw ding iyon, umalis si Paulo ng
bahay, dalá sa balikat ang matalim na palakol. Nasiyahan siya
noong marinig ang pamumutol ni Paulo, hábang hinahaplos
niya ang sanggol at buong ingat itong kinandong.
Pagkaraan pa ng ilang saglit ay bumalik siya sa pinag-iwa-
nan sa bata upang tiyaking nakakanlungan ito sa tama ng araw.
“Kinailangan ko siyang tingnan,” malakas niyang sambit upang
siya’y marinig.
Gisíng ang sanggol, abaláng nilálaro ang dahon ng isang
ligáw na baging na bibitin-bitin mula sa itaas. Nakayungyong
ang ilang palapa ng niyog, at nagsilbing panangga ang mga ito
ANG PAGPUPUNLA  ı  GONZALEZ  ı  33

sa init ng araw. Maginhawa at ligtas ang bata, kayâ’t bumalik


siya sa kaniyang ginagawa.
Nauna na si Paulo matapos nitóng lagyan ng mga bútas ang
malaki-laking sukat ng lupang di pa natatamnan at nag-aantay
kay Paulina.
“Matatapos ang araw na ito’y di ka makakaagapay sa akin,”
hámon ni Paulo sa asawa.
“Aba’y tiningnan ko naman ang sanggol,” balik niya, “na
anak mo rin naman!”
Kapuwa silá natawa, at ikinagaan iyon ng kanilang loob sa
pagtatrabaho. Hawak ang patpat, umakyat si Paulo sa gulod
na anaki’y mandirigmang nagbabalak ng pananambang. Nang
humalakhak si Paulina ay napatuwid ang kaniyang katawan at
siya’y napalingon sa asawa, gayundin sa luntiang kalikasan na
nakapaligid sa kainging nakukulapulan ng abo.
Naisip niyang di maglalaon at ang lupang iyon ay hindi na
kakikitahan ng abo at mga sinilabang troso. Susuloy na ang iti-
nanim na palay mula sa lupa, mga mumunting luntiang sibat na
kumikinang sa liwanag ng araw. At pagkaraan pa ng ilang araw
ay darating sa gabi ang unang ulang panay-panay, hanggang
ang lupa’y maging luntiang kalawakan. Hudyat iyon ng simula
ng pagdadamo, upang tiyaking ang mabuti’y hindi masasakal at
ang masamâ ay malilipol—iyon ang batas ng kaingin.
“Marami pa táyong dapat gawin, Paulina,” naibulalas niya,
at bahagya na niyang napansin na noon lámang niya násambit
ang pangalan ng asawa sa buong umagang magkasama silá.
“Magiging napakahirap, sapagkat dadalawa táyo. Sa ibang
pook, maaasahang tumulong ang mga kapitbahay, ngunit dito’y
táyo lámang dalawa. At magiging ganito marahil nang matagal-
tagal pang panahon. Di ba nakapagtatakang ito ang nása isipan
ko ngayon lámang?”
34  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

Hindi siya ganap na narinig ng asawa. May bahagi ng kai­


ngin sa dakong kaliwa na kaniyang nakaligtaan. Ngunit nauuli-
nigan naman niya si Paulo, na wari’y sarili ang kinakausap.
“Nakapagtataka man o hindi, dapat táyong masanay sa ga-
nito, Paulina, hanggang lumaki ang ating sanggol, at maging
isang ganap na laláki, at sa gayo’y maghahawan na rin siya ng
kaniyang lupa, at sana’y ng kaniyang sariling lupa!”
“Palagay ko nama’y magiging sarili niya ang lupang iyon,”
wika ni Paulina, “at kung ano ikaw ay magiging ganoon din
siya, pagdating ng kaniyang panahon…”
“Para kang propeta kung magsalita,” nababaghang balik ni
Paulo.
Natahimik si Paulina. Propeta? Hindi ba dapat? Hindi lá-
mang pagsisilang sa sanggol ng asawa ang kaniyang tungkulin.
Di ba’t nakaatang sa kaniya ang pagpapalaki dito, hanggang du-
mating ang panahon, ayon nga sa kasabihan, na maghihiwalay
na ang mga landas?
Nakatindig si Paulo na nakaharap sa silangan. Ano nga ba
ang kaniyang násabi?
Sa dako pa roon, malápit sa tuktok ng gulod, nakatayo ang
mataas na krus na tambo, anaki’y pinapaglaho ng tumitinding
síkat ng araw. Sa dako pa roon ay ang madilim na kagubatan.
Mayroon kayâng mabuting Espiritu mula roon na maaaring tu-
mulong, o makapagbigay man lámang ng kasagutan sa kani-
yang mga katanungan?
Nakatitig si Paulina sa kaniya nang mapansin din niyang
lumipat na ang lilim mula sa duyan. Naisip niyang bakâ kanina
pa ito umiiyak.
“Dapat ko na siyang puntahan,” wika niya sa sarili.
Kuwago sa Buwan

Ilang taon na ang nakararaan, lumipat si Bruno sa


Mindoro kasama ang ilan pang magbubukid mula sa Simirara,
isang pulo sa timog. May kaigsian at nása gitnang-gulang si
Bruno, at marahil ay walang gaanong talinong maipagmamala-
ki, ngunit nakatagpo siya ng lupang may kalakihan ang lawak,
sa tabi ng isang natuyuang ilog at kanugnog ng makapal na
gubat. Bagaman malápit sa kasukalan, kakaunti lámang ang
mga dawag doon. Marahil ay mayroon nang nakapaghawan
doon bago siya dumating. Oo nga, maaaring gayon, ngunit
sino? Hindi na gaanong inalintana ito ni Bruno, sapagkat naibi-
gan na niya ang lugar.
Madalas na makita ang isang kuwago na aali-aligid sa pook
na iyon, at di-malaman kung bakit humuhuni tuwing lilitaw
ang buwan sa malawak na balikat ng gubat, kayâ’t binansagan
iyong Baglao. Nang tanungin siya ng mga kapuwa magbubukid
na taga-Simirara kung ano na ang kaniyang katayuan, sinabi ni-
yang mabuti naman at sa katunayan, ang lupa ng Baglao ang
matagal na niláng hinahanap—mamasa-masang kayumang-
ging lupa na mayaman sa nabulok na halaman at malumot na

ı  35  ı
36  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

luwad, tamang-tama para sa anumang maisipan niláng itanim.


kayâ’t di nagluwat, nagsilikas na rin ang iba sa Baglao.
May asawa si Bruno nang mapadpad siya roon, ngunit na-
matay itong bigla pagkaraan ng unang anihan, kayâ’t kinailangan
niyang magkaroon ng ikalawang asawa. Itong hulí ay Karia ang
pangalan, may kaliitan subalit isang magandang dilag na hindi
pa ganap na dalaga. Ngunit naging butihing asawa ito sa simula
pa lámang, at laging handang tumulong sa kaniya sa lahat ng
gawain. Sapagkat kailangan niyang lakihan ang kaniyang kubo,
ito ang nagsimulang tumahi ng mga palapa ng dahon ng yan-
tok, at gámit ang punyal ni Bruno ay nagtilad ito ng kawáyan
upang gawing sahig. Sa katunaya’y halos tangkain niyang gawin
ang kubo nang siya lámang, kundi pa siya masuyong sinansala
ni Bruno, na nagwikang di iyon gawain ng isang babae.
Masaya ang kanilang pagsasama. Isang araw ay umugong
ang balitang may nagbabantang kaguluhan sapagkat ang lupa’y
pag-aari ng ibang tao. Ito raw ay dating lupa ng isang matan-
da at mayamang negosyante, ayon sa isang expediente o talaan
ng mga lupang-kaloob noong panahon ng Castilla. Naipagbili
sa iba, at pagkatapos ay muling napasalin hanggang mapasaka-
may ito ng isang nagngangalang Ka Turano, isang retiradong
opisyal sa munisipyo ng Mansalay, ang bayang pinakamalápit
sa dagat. Matangkad siyang laláki, malapad ang balikat, humi-
git-kumulang ay limampung taóng gulang, at kabibiyudo láma-
ng, ayon sa balita. Kaybilis maláman ang tungkol sa isang tao,
sa pagpapasalin-salin lámang sa dila! Tiyak na dadalaw ito sa
Baglao upang siyasatin ang kaniyang pag-aari. Ito’y lubhang iki-
nabahala ng mga magbubukid, na di maláman kung ano ang
kanilang gagawin. Nang bumagsak ang ulan nang tatlong ling­
gong singkad, hanggang mapunô ang natuyuang ilog at bahaín
ang lupa, nagpasalamat silá sapagkat lahat ng landas ay mahirap
nang daanan.
Subalit muling umigi ang panahon. Sumikat ang mainit at
maliwanag na araw at kumislap ang hamog sa palayan. Tuwing
KUWAGO SA BUWAN  ı  GONZALEZ  ı  37

hapon at silá ay pagód na sa paggawa, nagkakaipon silá sa kani-


lang mga hagdanan at pinalilipas ang takipsilim sa paghuhun-
tahan. Kung minsa’y tíla ba sumasakay sa hangin ang halimu-
yak ng nahihinog na palay, gayong ilang buwan pa ang anihan.
Nasabi ni Karia sa kaniyang asawa ang lahat ng kaniyang
mga pangamba tungkol sa lupa, na ipinagwalang-bahala nitó’t
tinawanan lámang tuwing uungkatin niya. Ngunit di nagluwat
at biglang sumipot si Ka Turano. Magilas ito at tíla isang pa­
nginoong nasisinagan ng araw hábang naglalakad sa lansangan.
Maghapon siyang naglibot upang dalawin ang mga kaingin,
at kinausap niya ang mga taganayon, ipinaliliwanag sa kanila
ang kaniyang karapatan sa mga lupa. Dati’y maingay ang mga
tao kapag napag-uusapan ang paksa, ngayo’y mataman lámang
siláng nakinig sa kaniyang sasabihin.
“Paano po kung gano’n ang aming pakikipaghatian sa
inyo?” tanong nilá.
“At papayagan n’yo ba kaming patúloy na manirahan dito,
hangga’t naibibigay namin ang inyong parte?” wika ng isa sa
kanila.
Bahagyang natawa si Ka Turano pagkarinig nitó.
Bago siya nagbalik sa bayan isang araw, sinabi niyang pag-
iisipan niya ang mga bagay-bagay, at ang mga alituntunin hing-
gil sa pagtatrabaho ng mga magbubukid.
“Magpatuloy lámang kayo, mga mabubuting tao,” payo niya
sa kanila. “Ituloy lámang ninyo ang pagtatanim.”
Pagkaraan ng isang linggo, sa kaniyang ikalawang pagda-
law, ito ang kaniyang sinabi:
“Maaari kayong manatili rito at magsaka hanggang nais
ninyo, basta’t hindi kayo papalya sa pagtatabi para sa akin ng
ikatlong bahagi ng inyong aanihin, ikatlong bahagi ng anumang
mapapatubo ninyo…”, at huminto sapagkat nátawá, pagkatapos
ay itinaas ang isang kamay upang lalong makatawag ng pansin.
“At isa pa, kailangan ninyong dalhin sa akin sa bayan ang
manok at itlog na aking kakailanganin!”
38  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

At tíla ba isang biro ang kaniyang násambit, nátawá pa siya


nang malakas sa pagkakabanggit ng mga manok. Ngunit ma-
liwanag sa mga magbubukid ang ibig niyang tukuyin.
Masinsinan siyang nakipag-usap sa lahat ng kalalakihan,
hábang inililista ang kanilang mga pangalan sa isang maliit na
kuwadernong lagi niyang dalá. Mahaba na ang kaniyang lista-
han, buong ingat pa rin niyang sinusuri ang bawat pangalan
upang matiyak na iyon nga ang táong nása kaingin na kaniyang
iniisa-isa. At noon niya nalaman na muntik na niyang makalig-
taan si Bruno.
Napásamâ pa kay Bruno ang pagwawalang-bahala niya sa
pangamba ni Karia, at ngayo’y nangingimi siyang harapin ang
may-ari ng lupa. Minabuti niyang umiwas at pumasok sa kagu-
batan, ‘upang manguha ng pulut at pagkit’, pagdadahilan niya
kay Karia.
“Naku, senyor,” sambit ni Karia kay Ka Turano nang siya
ang lapitan nitó, “Wala po siya, senyor, nagtúngo po sa gubat
upang manguha ng pulut at pagkit.”
Ilang ulit pang bumalik si Ka Turano sa kaniya, at iyo’t iyon
din ang lagi niyang tugon. “Senyor, sumaglit lang po sa gubat
para sa pulut at pagkit!”
Naghinala na ang maylupa nang ilang ulit itong nangyari, at
nagdadahilan lámang kayâ si Bruno upang makaiwas?
“Ngunit, naku, senyor, ‘yan po ang totoo,” sumasamong
tugon ni Karia. “Nakikita n’yo naman, mag-isa lámang ako
rito!”
Hinagod niya ng tingin si Karia mula ulo hanggang paa,
tulad ng pagkilatis ng mga laláki sa isang babae, hábang ito
nama’y nakangiting nahihiya.
Sinuklian niya ng ngiti ang babae, litaw ang kaniyang ma-
gandang mga ngipin, na mukhang matibay at napakaputi ga-
yong may katandaan na siya.
May isang bakânteng kubo sa gilid ng mga kaingin. Sadya
itong inihanda ng mga magbubukid upang si Ka Turano ay
KUWAGO SA BUWAN  ı  GONZALEZ  ı  39

may­roong mapaglipasan tuwing siya’y darating. Lagi niláng


sinisikap na maging maginhawa ang maylupa: may malinis at
mainit na kama at malagablab na sigâ sa harapán ng bahay.
Ngunit sa gabing ito’y nakaramdam si Ka Turano na may ku-
lang, kayâ’t di siya makatulog, at bumabâ siya sa bakuran há-
bang maliwanag ang buwan. Malamig ang gabi. Hindi niya
inakalang magiging ganito kalamig at mamasa-masa pa ang
hangin mula sa gubat.
Bago niya namalayan ay nagmamadali na siyang nakalabas
ng tarangkahan at namamaybay sa taníman ng mais, lakad-tak-
bo hanggang siya’y hingalin. Iyon man ang pinakamadilim na
gabi, hinding-hindi siya maliligaw. Tahimik ang gabi, maliban
sa panay-panay na paghuni ng kuwago, tulad ng dati, at mga
kaluskos sa dawag na kinaroroonan ng mga bubuli.
Tumúngo siya sa bayan kinaumagahan. Wala sa listahan
niya ang pangalan ni Bruno ngunit si Karia—maliit, magan-
da, at di pa halos ganap na dalaga—ay nása kaniyang isipan.
Nagmamadali siya sa paglalakbay kayâ’t mabangis niyang hi-
naplit ang kabayo.
Walang katapusan ang gawain sa lupa. Dumating ang pana-
hon ng pagtatanim ng kamote. Hanggang baywang na ang mga
mais. Nagsimula nang pumatak sa gabi ang ulang nagmula sa
mga bundok, dumilig sa lupa at nagpalitaw sa makapal at lun-
tiang damong nagtabal sa lahat ng dako.
“Pinakamahirap sa lahat ng gawain ay ang pagdadamo sa
bukid,” wika ng isang babaeng magbubukid sa isang kasáma.
Lumago ang mais na ang bunga’y luntian at ginto, malam-
bot sa kamay ng mga umaani. Mapintog at mabigat ang kamo-
te, at ang mga dahon nitó’y mainam na pagkain ng mga baboy.
Ilang linggo matapos ang anihan, ang parte ng ani na nakalaan
sa may-ari ng lupa ay inilulan sa mga kareta. Isa-isang hinila ng
mga magbubukid ang mga ito patúngong bayan.
40  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

Magiliw siláng tinanggap ni Ka Turano. At bakit nga hindi?


Ngunit siniyasat pa rin niya ang bawat isa, ayon sa kaniyang
listahan, isinulat ang mga uri ng aning kanilang dinala, upang
tiyaking bawat magbubukid ay nagsubi ng tamang bahagi.
Sumunod ang mahahaba’t masisiglang gabi sa Baglao noong
Oktubreng iyon. Masaya ang kababaehan, palibhasa’y napasa-
lubungan ng kanilang mga asawa ng bagong tela, laruán, ka-
sangkapan, o pares ng tsinelas na matagal nang pinapangarap.
Nagkatay ng mga baboy, inihaw at inihain ito kasabay ng alak
mula sa punò ng kaong. Lango na at matabil ang dila, nangag-
umpukan ang kalalakihan sa paligid ng sigâ buong magdamag.
Ang kabinataan ay tumugtog ng gitara, nag-awitan, at nakipag-
sayaw sa kadalagahan, hábang ang matandang kababaehan ay
nangagbulong-bulungan.
Nakisali si Karia sa mga kabataan, at nang pahintulutan
ni Bruno ay lumahok din sa sayáwan. Nakatutuwa kung siya’y
paikut-ikutin, minsa’y bumabagal sa sahig na kawáyan, at bigla
na lámang magpapakasigla, walang iniwan sa isang maliksi’t
balingkinitang munting usa, kayâ’t labis na kinainggitan ng
nakababatang kababaehan. Tulad ng dati’y pandakin at tabain
pa rin si Bruno, ngunit wala siyang pakialam, lagi niyang sina-
sabi. Kayâ’t nagawa ni Karia ang nais. Ngunit hábang lumalalim
ang gabi’y lalo siyang natatauhan, at maaalala niyang siya’y…
may-asawa at batam-bata.
Ang lahat ay nagtataka kay Bruno. Wala pa siyang nadada-
la sa bayan. At walang palatandaan na mayroon siyang iniha-
handa. Araw-araw na lámang na siya’y abalá sa pangunguha ng
pulut at pagkit, ngunit para sa ano, pagtatanong nilá. Mayroon
kayâng espiritu o diyablo na pinag-uukulan si Bruno?
Ni hindi nag-abala si Bruno sa pag-aalaga ng manok upang
magkaroon si Ka Turano ng mga itlog at dumalaga na kaniyang
hinahangad.
“Tiyak na mapapahamak itong si Bruno,” mayroong
nagwika.
KUWAGO SA BUWAN  ı  GONZALEZ  ı  41

“Bakit, sino—ang asawa ko?” balik ni Karia, na nakarinig sa


parunggit.
Wala naman sana silang pakialam sa usaping iyon, ngunit
paano na kung ang maylupa ay muling dumating at maningil
ng mas malaking parte mula sa kanila, at pagkatapos ay maggiit
pa ng kabayaran para sa mahalaga’t matigas na punòng naitum-
ba at nasunog sa pagkakapaghawan?
“Talaga namang makagagawa ng malaking gulo ang maylu-
pa,” wika ng isa pa.
Nagkasundo ang lahat na si Ka Turano ay dapat na masiya-
han, at kailangang maging tapat sa kaniya ang mga magbubukid.
Dati’y pagdadahilan lámang upang siya’y makaiwas, ngayo’y
malaki na ang pakinabang ni Bruno sa pangunguha ng pulut at
pagkit. Sapagkat malaya na ngayon sa mga gawain sa kaingin,
tumatagal ang kaniyang pananatili sa kagubatan. Subalit isang
gabing umuwi siya, hindi na nahintay ni Karia na ibaba niya ang
mga bitbit at makapagpahingang saglit. Bagkus ay ikinuwento
nitó sa kaniya ang lahat ng pinagsasabi ng ibang mga magbubu-
kid, at kung ano ang isinagot nitó, walang labis at walang ku-
lang, gaya ng dapat asahan sa isang mabuting asawa. Sa kabila
ng kaniyang kapaguran, wari’y natuwa pa si Bruno nang ma-
rinig ang pag-uulat at naging pagsagot ng kaniyang asawa, na
nagtaas pa ng boses bago talikuran at iwanan ang mga kausap.
“Ngunit tama naman ang kanilang sinabi, hindi ba?” mara-
hang tugon ni Bruno. “Ano sa palagay mo?”
“Naku, ano’ng malay ko diyan.”
Napayuko si Bruno na waring nag-iisip nang malalim. Sa
wakas ay tumayo siya.
“Mabuti pa nga’y bumaba ako sa bayan bukas, dadalhin ko
ang kareta, hábang may panahon pa ako.”
Hábang naglalakad sa loob ng bahay, wika pa niya nang
may bahagyang halakhak, “Bakit ko nga palá muntik nang
malimutan!”
42  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

“Hindi ka naman kailangang umalis,” ani Karia.


“Aba, ano’ng ibig sabihin? Hindi ba’t nakaligtaan ko ang
bagay na ito noon pa man, nang magsimula akong pumasok sa
kagubatan nang walang kapararakan? Noong una siyang duma-
ting, di mo na matandaan?”
Ang Gútom sa Barok

S a Mindoro, dalawa o tatlong buwan sa buong taon ay


taggutom, halos ay ganap na tagsalat, at isang hapong pauwi
na at dumadaan sa natuyuang ilog si Cesar Manalo, ang kala-
gayang ito ang násasaisip niya. Kagagaling niya lámang mula
sa kaniyang taníman ng kape, at sumámâ ang kaniyang loob
nang makitang napabayaan ito. Matagal niyang kinausap ang
katiwalang si Selmo, at inatasan niya itong linisin sa loob ng
dalawang linggo ang sukal na gumagapang sa pagitan ng mga
punò.
Si Selmo, na tapat magsalita, ay sumagot na di niya káyang
gawin iyon, at sa katunayan ay di na niya halos nadadalaw ang
taníman ng kape sapagkat kinailangan niyang isa-isahin ang
ibang kaingin upang magdukal ng kamote, balinghoy, at iba
pang bungang-ugat na makadaragdag sa timbang ng kaniyang
namamayat nang pitóng maliliit na anak.
“Ibig bang sabihin,” tanong ni Mang Cesar sa kaniyang
sarili, “na nitóng nakaraang mga araw ay di ko man lámang
naisip na ang buong bansang ito ay nagdaranas na naman ng
kagutuman?”

ı  43  ı
44  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

Nanghihinamad siyang nagpatuloy sa paglalakbay. Ang ka-


niyang abuhing kabayong si Potro na simaron ay nag-angat ng
ulo at inamoy ang malamig na hangin ng hapon, iwinasiwas
ang buhok, humalinghing saglit, pagkatapos ay itinaas at ini-
haplit ang buntot upang itaboy ang mga lamok na nagsisimula
nang umali-aligid sa tainga ng panginoon.
Nababahiran ng usok ang langit, sapagkat may isang masi-
pag sa kaniyang kaingin, sinusunog ang mga pinutol na punò at
ang mga dawag. “Malakas umasa ang isang ito,” násabi ni Mang
Cesar sa kaniyang sarili.
May pag-aari siyang ilang lupa at isang bahay sa bayan ng
Mansalay, ngunit itinuturing siyang kakaiba sa ibang maylupa.
May mga táong lumalapit sa kaniya upang hingin ang kaniyang
pahintulot na hawanan ang dalisdis ng isang gulod, at pagka-
raan ay papartehan siya ng palay sa bawat anihán. May apatna-
pung taon na siya, at mainam ang kaniyang pakiramdam na sa
gulang niyang ito’y mayroon siyang pag-aari at iginagalang pa
ng mga tao.
Inamoy ni Potro ang hangin at pinakilig na naman ang mga
balikat. Nagtabal ang mataas na talahib sa mabuhangin at natu-
yuang ilog, anaki’y mga pulo-pulong damo na dinadaanan ng
landas, umakyat sa mababang pampang at nagwakas sa isang
niyugan na kinatatayuan ng bahay ni Mang Cesar.
Bago siya dumating sa kaniyang tarangkahan, may táong
sumalubong sa kaniya.
“Pareng Crispin?” tanong ni Mang Cesar.
“Ako nga, ang iyong Pareng Crispin,” tugon ng kausap na
nakatingala sa laláking nása síya ng kabayo, hábang nakikiming
hinahaplos ang buhok nitó. Mayabang na lumundag-lundag si
Potro pagkalapag ni Mang Cesar. Muntik na nitóng mayapakan
ang pitpit at maugat na paa ni Pareng Crispin.
“Ano’ng balita?” tanong ni Mang Cesar. Si Pareng Crispin ang
umuupa sa bahagi ng lupaing kanugnog ng sapa ng Bonbon, sa
hilagang kanluran, at may isang tao na nakatirá sa karatig-pook
ANG GUTÒM SA BAROK  ı  GONZALEZ  ı  45

ang lagi’t lagi’y nanghihimasok sa kaniyang lupa. Matapat ang


nangungupahang si Pareng Crispin, at lahat ng di-kanais-nais
na pangyayari sa may sapa ay kaniyang isinusuplong­—ang pag­
putol ng isang iningat-ingatang ipil, ang pagnanakaw ng yan-
tok, ang pang-aagaw ng pulut.
“Ano’ng balita?” ulit ni Mang Cesar.
“Wala po naman, tahimik ngayon doon,” pakli ni Pareng
Crispin, ngunit dugtong nitó, na tíla pahabol na lámang, “Iniisip
ko pong iwanan na ang kaingin.”
“Aalis ka?” wika ni Mang Cesar.
Hindi agad tumugon si Pareng Crispin. Hila ang kabesada
ng kabayo, sinabayan niya ang maylupa patúngo sa bahay nitó.
“Iiwan mo ang kaingin, kayo ng iyong asawa’t tatlong anak?”
“Wala na po akong magagawa,” sagot ni Pareng Crispin.
“Sabihin mo ang nása isip mo,” sabi ni Mang Cesar. “Ang
tagtuyot ba? Mukha ngang naligaw na ang ulan ngayong taóng
ito.”
“Ay, totoo po, mukha yatang hindi na darating ang ulan.”
Kapuwa silá natahimik.
“Iniisip ko po,” basag ni Pareng Crispin, “iniisip kong bu-
malik sa dati kong trabaho. Karpintero po ako noon. At bago
iyon, naging mangingisda din ako. Maaari akong tumúngo sa
Sumagui at bakâ makahanap ng trabaho doon.”
“Di mainam ‘yang gagawin mo,” ani Mang Cesar. “Ang
Sumagui ay hindi bagay sa iyo, na sanáy maglalagi sa isang
tahanan.”
Batid niyang ang Sumagui ay isang malaking kampo ng
pagtotroso, at doon ang kalalakihan ay tíla kalabaw kung mag-
trabaho anim na araw sa isang linggo at sa ikapitong araw ay
uubusin lámang sa sugal ang kanilang kinita.
“At isa pa’y mahusay kang mag-alaga ng lupa,” dugtong pa
ni Mang Cesar.
Napatingin si Pareng Crispin sa mga punò. Mula sa kagu-
batan ay nanawagan ang mga kakok.
46  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

“Ngunit anong magagawa ng isang tao sa lupa kung hindi


dumarating ang ulan,” tugon niya.
Malinaw sa isipan ni Mang Cesar ang larawan ng kaingin
ni Pareng Crispin. Naroon siya nitó lámang nakaraang linggo.
Isang buong dalisdis ng gulod ang ngayo’y nahawan na at handa
nang tamnan. Kayâ lámang ay labis na tuyo ang lupa, at maging
ang mga troso ay nagbitak sa salab ng araw.
“Ngunit napakahusay mong mag-alaga ng lupa,” ulit ni
Mang Cesar. “Pagdating ng ulan, ang kaingin mo ang magiging
pinakamayaman sa buong Barok. Magiging maganda ang iyong
ani, ikaw at ang iyong asawa’t mga anak. Wala ni katiting na
bahid ng katamaran sa iyong dugo!”
Napapikit si Pareng Crispin. Wala siyang imik, bagkus
ay pinakikinggan ang mga kakok sa kahuyan. Mabagal ang
pagtatakipsilim.
Lumapit ang isang utusán ni Mang Cesar, kinuha ang ka-
bayo at inalis nitó ang siya. Nása likod na ngayon ng bahay si
Potro, may basâng sako sa kaniyang likod, at ang nguso’y nása
loob ng isang timba ng ipa na hinaluan ng tubig at inuyat.
“Hindi ka naman papunta kung saang lugar, Pareng Crispin?
Ako ba talaga ang sadya mo? Sabihin mo na kung bakit ka
naparito,” wika ni Mang Cesar, hábang tinatapik sa likod ang
nangungupahan.
Napatingin si Pareng Crispin sa kinaroroonan ni Potro, na
siyang-siya sa panginginain. Waring nahihiya na tíla isang ba-
tang babae, nagsalita siya:
“Ay oo nga po, tungkol sana sa kaunting palay.”
“Kapapautang ko lámang sa iyo,” wika ni Mang Cesar.
“May asawa ako’t mga anak, alam n’yo naman ang kalagayan
namin,” tugon ni Pareng Crispin.
Napailing si Mang Cesar, bumubulong-bulong, at hinam-
pas-hampas ng latigong katad ang kaniyang pantalon. Mahirap
maningil ng pautang. Nakaugalian nang nagpapadala siya ng
tauhan na may kalabaw at kariton upang likumin ang kaniyang
ANG GUTÒM SA BAROK  ı  GONZALEZ  ı  47

parte. Wala siyang gaanong maipamimigay na palay. Naipagbili


na niya ang lahat niyang palay maliban sa ilang kaban na ga-
gamitin sa kaniyang bahay sa loob ng buong taon. At si Potro,
bukod pa sa tatlong kabayo, ay nangangailangan ng ipang
kakainin araw-araw.
“Hindi ba maganda ang ani sa iyong kamotehan ngayong
taóng ito?” tanong niya kay Pareng Crispin.
Ang magbubukid ay tumingin kay Mang Cesar, napanga­
nga bago nakapagsalita.
“Tatlong linggo na po kaming walang kinakain kundi ka-
mote. Marahil ay kagustuhan ng Diyos.”
“Ikinalulungkot ko,” marahang wika ni Mang Cesar, “wala
akong maibibigay sa iyo.”
“Dodoblehin ko po ang bayad sa susunod na anihan,” alok
ni Pareng Crispin.
“Matagal pa iyon, at isa pa’y wala na akong palay na mai-
pamimigay,” ulit ni Mang Cesar. “Naipamigay ko na sa mga
táong… kagaya mo.”
“Ay, napakahirap talaga para sa mga táong kagaya ko,” tang-
gap naman ni Pareng Crispin.
Naubos na ni Potro ang kaniyang timba ng ipa at inuyat
at nasipa na niya itong palayo. Naakit uli nitó ang pansin ni
Pareng Crispin, na waring sarili ang kausap nang muli niyang
násambit, “Mahirap talaga para sa amin… kung papatak lang
sana ang ulan.”
Parang walang narinig, binalingan ni Mang Cesar ang kani-
yang kabayo. Hinayaan niyang nakataob ang timba sa tuyot at
magabok na lupa, itinali ang kabayo sa isang punò ng niyog na
malápit, inalis ang basâng sakong nakatakip sa likod ng hayop,
na maingat niyang ipinamunas sa mga balakang nitó. Tinapat
na niya si Pareng Crispin: “Wala na talaga akong maibibigay ni
katiting kaninuman.”
Pagkasabi’y lumakad nang patúngo sa kaniyang bahay
at inu­tusan ang isang bata na maghanda ng hapunan. Ang
48  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

takipsilim ay tuluyan nang naging gabi. Maliwanag ang apoy.


Wala na ang huni ng mga kakok, ngunit humalili ang sitsit ng
kuliglig sa kahuyan.
Hindi umalis si Pareng Crispin. Matagal-tagal din siyang
nakatayo malápit sa bakuran, mandi’y nagugulumihanan sa ga-
bing lumulukob sa kaniya. Nilápitan niya ang batang nakaupo
hábang nagluluto ng hapunan ni Mang Cesar, at sinikap niyang
mayroon siláng mapag-usapan.
Dumating sa kusina si Mang Cesar upang magsindi ng ta-
bako. Nakaramdam si Pareng Crispin, at kumuha siya ng kapi-
rasong panggatong na may apoy at iniabot ito kay Mang Cesar.
Bahagyang sinulyapan ni Mang Cesar ang nangungupahan
at sa liwanag ng apoy ay napansin niya ang manipis, kulubot
na mukha, nakangangang bibig, at pangong ilong ni Pareng
Crispin.
“Masasabayan mo ba akong maghapunan?” tanong niya.
“Ay, malayò pa po ang aking lalakarin ngayong gabi,” sagot
ni Pareng Crispin. “Kailangan ko pang makipagkita sa isang tao
malápit sa tuyong ilog, tungkol sa kamote. Wala na po kaming
mahukay sa aking kaingin.”
Napaubo ito sa kung anong sanhi, anaki’y táong maysakit.
“Ang mayroon lámang ako’y palay na pananim, kung
makakatulong sa inyo ito,” wika ni Mang Cesar. “Palay na pa-
nanim nga ito, ngunit di mo kailangang itanim kung bigas ang
talagang sadya mo.”
“Maiuuwi ko po ang isang kaban nitó?” tanong ng kausap.
“Gaya ng sabi ko, di mo kailangang ipunla ito, kung ang kai-
langan mo talaga’y bigas,” ulit ni Mang Cesar.
Matapos maghapunan nang gabing iyon, pinanood ni Mang
Cesar ang paglitaw ng buwan sa ibabaw ng niyugan, at nang ka-
niyang mamataan ang kabayong si Potro sa bakuran, matikas sa
liwanag ng buwan, naalaala niya si Pareng Crispin. Nagpasiya si
Mang Cesar na kinabukasan din, tutúngo siya sa tuyot na ilog
upang sadyain ang lupa ni Pareng Crispin.
ANG GUTÒM SA BAROK  ı  GONZALEZ  ı  49

Iyon ang una niyang ginawa kinaumagahan. Makapal ang


hamog sa damo at mamasa-masa ang lupa, na para bagáng pa-
nakaw na dumalaw ang ulan noong gabing nagdaan.
Hindi niya minadali ang pangangabayo, at pinitik-pitik niya
ang kaniyang katad na latigo. Nang sapitin niya ang paliko sa
landas na patúngong Bonbon, kaniyang pinaahon ang kabayo
sa pampang ng ilog, at bumagal ang takbo nitó nang naglalagos
na sila sa sagingan. Nilátigo ni Mang Cesar ang mga dahon at
katawan ng mga punò ng saging, na lumikha ng malakas at ma-
lutóng na tunog. Mayâ-mayâ pa’y sumisipol na siya.
Akala niya’y matatagpuan niya si Pareng Crispin sa kubo
nitó sa gilid ng bagong kaingin. Inisip niyang mararatnan niya
ang tao at ang kaniyang asawa na nagbabayo ng palay hábang
nakatanghod ang kanilang tatlong nagugutom na anak. Ngunit
walang tao sa kubo nang sapitin niya ito. Ang tatlong patpating
anak na laláki at ang yayat na babaeng may matatag na bisig—
yaon ang pagkakatanda niya sa kanila—ay wala doon ngunit
nása kaingin kasáma ang ama. Hindi agad silá nakita ni Mang
Cesar, bagkus ay nakarinig siya ng mga tinig na nagmumula
sa hinawang lupa. Nakilala niya ang tinig ni Pareng Crispin.
Pagkatapos ay isa-isa niyang nakita, sa pagitan ng malalaking
troso ng mga pinutol na punò, ang kanilang mga ulo—una’y
ang sa ama, sumunod ay ang sa mga anak, at sa wakas ay ang
sa ina—na umaangat, bumababa. Ang mag-anak ay nagtatanim
ng palay na hiyang sa bundok.
“Mainam ang sangkabang palay na pananim na nakuha
niya,” ani Mang Cesar. “At mahusay siyang mag-alaga ng lupa.”
Nilatigo niya ang isang malaking palapa ng saging, at ang
tunog nitó’y sinlutong ng halakhak.
Ang Puting Kabayo sa Maisan

Isang umaga sa dulo ng Oktubre, may puting kabayong na-


ligaw sa maisan ng matandang Pantaleon Gamo, sa silangang
bahagi ng gulod ng Kabalwa sa ilaya ng Barok.
Ang nilaláng ay payat at mamatay-matay sa gútom. Marungis
na puti ang laylay nitóng balat, magulo ang buhok sa batok, at
ang dulo ng mahaba nitóng buntot ay nakukulapulan ng putik.
Maybakâs ng bagong-hilom na sugat sa likod nitó. Sa malas ay
mayroong nakasakit sa likod nitó at hinayaan na lámang itong
makawala nang hindi na maging pabigat na palamunin.
Ang matandang Pantaleon na may animnapung taóng gu-
lang at halos buong panahong mag-isang nakatirá sa kaingin
ay mayroong kasáma ngayon, isang batang pamangking ang
ngala’y Alejo, nagmula sa pulo ng Tablas, wala pang muwang at
nása murang gulang na labing-apat. Matigas ang buhok nitó at
manipis ang kilay, ngunit ang malaki, mabilog at maamo nitóng
mata ay nagpapahiwatig na mabait ang bata.
Si Alejo ang nakakita sa kabayo nang ito’y lumitaw sa pala-
nas na lambak at unti-unting umakyat sa madawag na gulod.
Banayad itong nagpalipat-lipat sa mga kumpol ng damo upang
manginain, hanggang makarating ito sa maisan ng matandang
ı  50  ı
ANG PUTING KABAYO SA MAISAN  ı  GONZALEZ  ı  51

Pantaleon. Humiyaw si Alejo upang itaboy ang kabayo, na pu-


maling naman upang bumalik na sana sa lambak, ngunit maka-
raan ang ilang saglit ay bumalik ito, nakaunat ang leeg upang
maabot ang murang sibol ng mais na wala pang isang talam-
pakan ang taas sa kabila ng bakod. Sinubukan uli ni Alejo na
itaboy ang kabayo. Sumigaw siya nang malakas at pinalo pa ang
isang lumang tambol na kawáyan. Di kalauna’y natakot na rin
ang kabayo at tumakbong palayo, hanggang maglaho sa lun-
tiang sukal ng lambak.
Ang matandang Pantaleon na noo’y nginingiki at naaalim-
pungatan ay nagising sa pagkakaingay.
“Isa pong payat at matandang kabayo,” wika ng bata sa ka-
niyang tiyuhin.
“At itinaboy mo na lámang na parang uwak?” gulát na ta-
nong ng maysakit. Kung wala lámang siyang karamdaman, ma-
rami pa sana ang masasabi niya.
Pagkaraan ng isang oras, bumalik ang kabayo. Hindi na
nanlalamig ang matandang Pantaleon at ngayo’y namimin-
tana sa kaniyang kubo, nakamasid sa kaniyang maisan na tíla
namamalikmatà.
Biglang nag-umapaw ang gálit sa kaniyang katawan nang
makita niya ang hayop.
“Kaninong kabayo ‘yan?” sigaw niya. “Asan ba ang aking
itak? At násaan ang sibat ko? Makikita mo kung ano ang dapat
na ginagawa sa isang kabayong naninira sa maisan ng isang
maralita!”
Marahil ay iyon na ang tadhana ng kabayo. Hinagilap ng
matandang Pantaleon ang kaniyang itak sa kinabibitinan nitó
sa dingding, at sa paglabas niya’y hinugot pa ang sibat na ilang
buwan nang nakasuksok sa sawali malápit sa pintuan. Ilang
sag­lit pa’y nása maliwanag na siya, sukbit ang itak sa baywang,
at kumikislap ang sibat kahit ito’y kinakalawang na.
Ngumisi ang matandang Pantaleon sa kaniyang labing-apat
na taóng gulang na pamangkin.
52  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

“Ngayon, tingnan mo ang gagawin ko, ikaw na batang


walang silbi. May ipapakita ako sa iyo. Dapat nang mayroon
kang matutuhan sa matanda mong tiyuhin!”
Namamangha at walang málay kung ano ang magaganap,
sumunod na lámang si Alejo sa matanda. Nakalukso na ang
kabayo sa bakod at ngayo’y nanginginain na sa taníman ng
murang mais. Malalim ang pagkakabaon ng mga paa nitó at
lumikha ng mga bútas sa malambot na lupang may nakalatag
na abo. At kung saan natapakan ng kabayo ang mga halaman,
nakadapa na ang mga dahon sa lupa’t hindi na nakatayo pa.
Bigla na lámang nakita ni Alejo ang pagtusok ng sibat ng
tiyuhin sa likod ng kabayo. Napaangat ang kabayo, lumundag sa
kabila ng bakod na nakabaon pa rin sa likod ang sibat. Huminto
ito sa kabila ng bakod, at pakiwari ng bata’y para itong isang tao
nang tumingin sa kanila, malungkot at nanunumbat ang mga
mata. Malakas nitóng ipinilig ang buong katawan, halos ma-
tumba, at natanggal ang sibat sa katawan nitó. Naramdaman ni
Alejo ang nakapapasong titig sa kaniya ng kabayo. násaksihan
niya ang paglandas ng pulang guhit ng dugo sa puting katawan
nitó kasabay ng pagbagsak ng sibat sa lupa.
“Nakita mo?” giit ng matanda.
Hindi tumugon ang bata, sa halip ay tinandaan niya ang pi-
naglagusan sa gubat ng sugatang hayop upang magtago.
“Pa’no mo malalaman ang dapat gawin, bata ka?” tanong ng
matandang Pantaleon. “Matanda na ako’t maysakit. Di ko na
aabútin ang maraming anihan. Panahon nang matutuhan mo
ang ilang bagay.”
Natakot si Alejo. Nakatingin lámang siya hábang isinusuk-
sok uli ng tiyuhin ang sibat sa may pintuan, at nang sabihin
nitóng “Dito dapat ito nakalagay palagi, tandaan mo,” lalo si-
yang sinagilahan ng takot. Pakiramdam ba niya’y nais niyang
maglayas, patúngong bukid, o kayâ’y doon sa gubat, tulad ng
kabayong tumakas.
ANG PUTING KABAYO SA MAISAN  ı  GONZALEZ  ı  53

Malalim ang hiwà sa kaniya ng aral na iyon. Buong araw


siyang nagmasid sa maisan na may di-matingkalang pangamba
sa kaniyang dibdib. Kung minsa’y may pangitain siyang bumalik
sa maisan ang kabayo na papilay-piláy, balî ang gulugod, at ma-
rumi ang buhok. Ngunit nakita niya kung paano tumama ang
sibat, at natiyak ni Alejo na hindi na babalik ang kabayo kahit
kailan. Pagkatapos ay mag-aanyong isang malaking lunting
banig ang di-malawak na maisan, at doo’y nakaratay ang kani-
yang tiyuhing may karamdaman, sa ilalim ng araw, nginingiki
sa kaniyang lagnat. At nilukob siya ng matinding kalungkutan.
Noong gabing iyon, hindi siya patulugin ng nanunumbat na
titig ng sugatang kabayo.
Nagpasiya siyang magtúngo sa kahuyan kinaumagahan.
Sinundan niya ang mga patak ng dugo, at di pa siya gaanong
nakalalayo ay nakita niya ang kabayo. Ngunit nagpilit na tuma-
yo ang hayop sa pagkakalugmok nitó sa mga tuyong dahon, at
papilay-pilay na tumalilis.
Kinahapunan, bumalik siya sa kayuhan ngunit di na niya
nakita ang kabayo, liban sa mga bakâs nitó na pababa sa lam-
bak. Doon ay wala nang nakita si Alejo ni anino nitó, sa ka-
bila ng maraming oras niyang paggalugad sa dawag at sukal.
Naisip niyang bakâ umuwi na ang kabayo, kung saanman ito
nanggaling.
Naglibot siya sa buong kaparangan, at sa bawat madaa-
nan niyang manaka-nakang ulilang kubo, ibig-ibig na niyang
magtanong, “Mayroon po bang nakakita sa inyo ng isang ma-
tandang kabayong puti na sugatan?” Ngunit may mahiwagang
lakas na nagpatikom sa kaniyang bibig. Sa katunayan, pagkahi-
ya ang namamayani sa kaniya. Pakiwari niya’y isang malaking
pagkakamali ang ginawa sa kabayong ang tanging pagkakasala’y
pumasok sa maisan ng kaniyang tiyuhin. Nabuo sa isip niya
ang larawan ng isang kabayong hilahod na palipat-lipat sa mga
kaingin at itinataboy, hábang nagtataka naman ang mga tao
54  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

kung sino ang makaaatim na tusukin ng sibat ang isang nilálang


na nagugutom at walang malay sulingan.
“Mayroon po kayang makakaalam?” nangahas si Alejo na
itanong sa kaniyang tiyuhin noong gabing iyon.
“Mayroon ba kamong makakaalam?” matigas na pakli ng
matandang Pantaleon. “Aba’y tiyak na malalaman ng lahat!
Bawat isa’y magsasabi, kagagawan yan ng matandang Pantaleon.
Para sabihin ko sa iyo, sa ganyan nakilala ang aking pangalan
dito! Alam ng lahat dito sa kaparangan na ang matanda mong
tiyuhin ay pumapatay ng anumang hayop na sumisira sa kani-
yang maisan!”
Kinilabutan si Alejo sa pahayag na ito, kayâ’t nawalan siya
ng loob na dalawin ang ibang mga kaingin kinabukasan at sa
sumunod pang mga araw. Pagkaraan ng isang linggo, sinabi ng
tiyuhin sa kaniyang pamangkin, “Amang, lumabas ka’t hanapin
mo ang kabayo!”
Nagtatakang napatitig si Alejo sa kaniyang tiyuhin.
“Hanapin mo iyon at sabihin mo sa akin kung malapit nang
mamatay. Marami pang laman sa loob ng kulubot na balat
niyon. At táyo’y mga maralita, tandaan mo, na mais lámang ang
kinakain.”
Pareng Lucio

N ahihinog na ang mais sa mga kaingin sa Dangay. May ha-


limuyak ng parang ang hanging humihihip mula sa timog-
kanluran. Naglipana ang mga uwak na nagkakaingay sa liwanag
ng araw, at dinudumog ng mga loro ang maisan.
Ganitong araw nang matagpuan ang isang babaeng pinas-
lang sa dawag malápit sa daang patúngo sa mga kaingin. May
nakakilala sa bangkay ng matandang dalagang si Maria, na hu-
líng nakita sa bahay ni Pareng Lucio isang linggo na ang naka-
raraan, at sabi ng ilan ay pinagtaluhan ng dalawa ang tungkol sa
dati nang pagkakautang.
Nabawasan ng halimuyak ng ani ang hangin sa maisan.
Biglang nagsilisan ang mga loro, at may pagbabantang hu-
mapon ang mga uwak sa mga sanga ng matatandang punong
kapok na wala nang dahon.
Si Taytay na nataguriang ‘Sarhento’ at tumatayong pansa-
mantalang pinunò ng pulisya sa Mansalay ay kaagad dumalo,
nakabihis ng kupas nang kamisadentrong kaki, may tsapang
nakatusok sa kaliwang bulsa nitó. Dalá rin niya ang kaniyang
baril, na nakabitin sa kaniyang baywang kasáma ang batutang

ı  55  ı
56  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

kahoy, bagaman hindi naman siya gaanong maalam gumamit


ng mga sandatang ito. Dahop ang munisipyo at di nitó káyang
bumili ng bala para sa mga pulis, kayâ’t bihibihirang maka-
pagsanay si Taytay gámit ang baril. Ngunit masunurin sa batas
ang mga tao, at kailanma’y di niya kinailangang gamítin maging
ang batutang kahoy.
Sinimulan niyang pagtatanungin ang bawat taganayon,
ngunit wala siyang nahita. Samantala’y mabilis na naaagnas
ang bangkay, at kinailangan itong ilibing na agad. Iniutos ni
Taytay na maghukay sa dawag at pinatulong niya ang lahat na
maghalinhinan sa pala’t asarol. Halos lahat ng kalalakihan ay
dumating maliban kay Pareng Lucio. Tinandaan ito ni Taytay, at
pagkatapos ng libing ay nagmadali siyang tumungo sa bahay ni
Pareng Lucio na nása banda pa roon ng kalsada, at inaresto ito.
“Wala akóng kasalanan,” tutol ni Pareng Lucio, na may
limampung taong gulang. “Pa’no magagawa iyan ng isang
matanda?”
“Aba’y ikaw ang hulíng nakitang kasáma ng babae, sumala­
ngit nawa ang kaluluwa. Totoo, hindi?”
Hindi umimik si Pareng Lucio, at nagpatuloy si Taytay.
“Naglalakad siya sa kalsada limang araw na ang nakararaan
nang makita mo siya at sinumbatan mo kung bakit di pa siya
nakakabayad ng dati niyang utang na pitóng kaban ng palay.
Iyon ang siningil mo sa kaniya kapalit ng anim na dipa ng algo-
don na ipinagbili mo sa kaniya may dalawang taon na ngayon,
nang ikaw ay naglalakó pa ng mga tela. Totoo, hindi?”
Napansin ng sarhento na gulilat si Pareng Lucio sa dami ng
kaniyang nalalaman tungkol dito.
“Sinundan mo siya sa kalsada at naging mainit ang inyong
pag-uusap. Totoo, hindi?”
Wala pa ring sagot. Sa malas ay labis ang pagkatakót ni
Pareng Lucio at di man lang maibuka ang bibig. Sinuyod ng ti­
ngin ng sarhento ang dingding ng kubo. May nakita siyang itak
na nása kaluban at nakasabit sa dingding.
PARENG LUCIO  ı  GONZALEZ  ı  57

“Hayun ang itak! Dalá mo ito noon, hindi ba?” usisa niya, at
tinungo ang kinaroroonan ng itak. Hinugot niya ito sa kaluban
at masusing sinuri ang talim.
Sa pag-aakalang mantsa ng dugo ang kaniyang nakita, na-
pangiti siya, ibinalik ang itak sa kaluban, at kinipkip ito sa ka-
niyang braso.
“Ngayon, Pareng Lucio,” sabi niya, “tutúngo táyo sa
Mansalay. Nakapatay ka ng isang babae. Sumáma ka sa akin at
titingnan natin kung ano ang nararapat gawin sa iyo.”
“Ngunit wala akóng kasalanan, sarhento,” pagmamakaawa
ni Pareng Lucio. “Nagkamalarya akó, pitóng araw na. Ni hindi
akó lumalabas ng bahay. Totoong may utang sa aking palay
ang matandang Maria, ngunit nangako siya sa akin may ilang
buwan na, babayaran niya akó ng mais sa anihang ito, at nagka-
sundo na kami.”
Tíla hindi nakikinig si Taytay, kayâ’t ulit ni Pareng Lucio,
“Pitóng araw na akóng maysakit, at ang asawa kong nása kai­
ngin ngayong umaga ay nagpatay ng manok noong nakaraang
araw at ipinagluto akó ng sabaw. Kaya may mantsa ng dugo ang
aking itak.”
“Sinungaling ka. Magtúngo táyo sa Mansalay at iharap natin
ito sa huwes de paz,” giit ni Taytay na nakangisi pa rin, siyang-
siya sa takbo ng mga pangyayari. “Wala akóng tiyaga sa matan-
dang sinungaling at mamamatay-tao na gaya mo.”
Pagkasabi niyon ay dinaklot niya sa braso si Pareng Lucio at
isinalya itong palabas ng kubo. Natapilok ang matanda sa may
pintuan. Mga tatlumpu’t limang taóng gulang ang sarhento,
matipuno at malakas. Makitid ang kaniyang noo at pango ang
ilong.
Bukod sa nakatatanda nang maraming taon, si Pareng
Lucio ay hukot, na karaniwan sa mga naglalako ng tela. Ayon sa
salaysay, noong kaniyang kabataan ay sanáy siya sa buno at es-
krima, ngunit sa tagal ng panahong nilakbay niya sa mga gulod
upang maglako ng tela, nasaid ang kaniyang lakas sa pagkabilad
58  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

sa araw at karahupan sa pagkain. Hindi nakapagtatakang ang


napili niyang mapangasawa ay isang bata-bata ngunit malusog
at masipag na babae, si Torina.
Nakakailang hakbang pa lámang sina Pareng Lucio at ang
sarhento mula sa kubo nang dumating si Torina mula sa maisan
na may sunong na bilaong walang lamán at may hawak na lubid
na nakapulupot.
“Naku, Lucio,” sambit nitó, “bumalik ang mga uwak sa mai-
san at nawawala na naman ang ating kalabaw!”
Ngunit hindi siya narinig ni Lucio.
Nang daluhan ni Torina si Pareng Lucio at yakapin ito, pi-
naghiwalay silá ni Taytay. Bumaling si Pareng Lucio at nagsu-
mamong anaki’y bata, “Wala naman akóng kasalanan!”
Paulit-ulit na binalikan ni Torina si Pareng Lucio at yuma-
pos dito, hanggang mapagod ang sarhento sa paghihiwalay sa
kanila.
“Patúngo kami sa Mansalay, ano? Wala akóng tiyaga sa mga
mag-asawang tulad ninyong dalawa, lalo na’t kailangan kong
iharap sa hustisya ang isang tao, ano?” gigil ni Taytay.
Naibato na ni Torina sa lupa ang bilao at nakapulupot na
lubid. Napansin ng sarhento ang lubid, pinulot niya ito, at ipi-
nanggapos ito sa mga siko ni Pareng Lucio sa kaniyang likuran.
“Lubid ko ’yan!” galit na tungayaw ni Torina. “Ninanakaw
mo ang aking lubid!”
Hindi siya pinansin ng sarhento.
“Paalis na kami,” aniya, walang pakundangan. “Sumunod
ka, kung mabuti kang asawa.”
Magkabila ng daan ay matataas na dawag, at paglabas nilá
ng kaingin, hindi na nilá mamataan si Torina. Dumaan silá sa
isang kulumpon ng mga kubo sa malaking daan. Nagtahulan
ang mga aso at nagsilabasan ang mga bata upang panoorin silá.
Sa wakas ay sumapit silá sa dalampasigan na kinapapali­
ngan ng landas patúngong Paclasan at Wasig, hanggang ito’y
PARENG LUCIO  ı  GONZALEZ  ı  59

magtapos sa Mansalay sa dulo ng labing-anim na kilometro.


Kalagitnaan ng umaga at lumikha ang araw ng dalawang ma-
habang anino sa dalampasigan hábang naglalakad ang sarhento
at si Pareng Lucio. Maging ang lubid na ipinanghihila niya sa
matanda ay may sariling anino.
Sa Paclasan, nanunulsi ng kanilang mga lambat ang mga
mangingisda nang magdaan ang dalawa. Itinali ni Taytay si
Pareng Lucio sa isang haliging kinásasampayan ng mga lambat
at nagwika sa mga mangingisda:
“Gáling pa kaming Dangay, at di pa kami nag-aagahan.
Mayroon ba kayong inihaw na isda at sinaing na kanin?”
Napatanga ang mga mangingisda sa sarhento at sa kaniyang
kasámang nakagapos ng matibay na abakang lubid. Ipinagtaka
nilá ang gayong kalagayan ng isang tao.
Wika ng sarhento, “Patúngo kaming Mansalay, sa huwes.
Itong táong ito’y mukhang nakapatay ng isang matandang
babae.”
Wari’y nasagot ang katanungang nása kanilang pagkaka-
titig, ang mga mangingisda ay nagsimulang magsikilos at isa
sa kanila ang nagdala ng pagkain—hindi lámang kanin at isda
kundi pati na kamoteng lumulutang sa malapot na gata ng
niyog. Dinalá ng sarhento si Pareng Lucio sa ilalim ng punong­
kahoy sa mabuhanging tabing-daan, kinalagan ang kaniyang
kanang kamay, at sinabihang kumain ito.
“Wala akóng kasalanan,” bulalas ni Pareng Lucio nang ma-
kita ang bakat ng lubid sa kaniyang pulso.
Pagkakain nilá’y iginapos uli ni Taytay ang mga kamay
ng bilanggo, at nagpatuloy silá sa paglalakad. Malayò pa ang
kanilang nilakbay patúngo sa susunod na nayon ng Wasig, at
silá’y naantala pa nang lumaki ang tubig sa ilog. Sumunod palá
si Torina, at doon silá naabútan nitó. May dalá itong pagkain,
kumot, kamiseta at pantalon para kay Pareng Lucio. Hindi nai-
bigan ni Taytay na naroon si Torina. Tinangka niyang lumakad
60  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

nang mabilis, hatak-hatak ang lubid upang papagmadaliin din


si Pareng Lucio, ngunit hindi pahuhulí si Torina. Sinabayan niya
ang matandang laláki at kapag humihirap na ang paglalakad,
pipilitin niyang tumigil muna silá. Magpapahinga silá ni Pareng
Lucio nang ilang sandali sa ilalim ng isang punò, at pupunasan
niya ang pawis sa nangungulubot nitóng mukha.
“A, wala akóng tiyaga para sa inyong dalawa,” asik ng sar-
hento. “Hala na, lumakad na táyo.”
Dahil sa kaniyang pagkainis at kasáma nilá ang asawa,
nakalimutan tuloy niyang kumain ng pananghalian at naala­
ala lámang ito nang silá’y nakarating na sa Caloocan, isa pang
nayon ng mga mangingisda. Dito’y nangag-ipon lámang ang
kalalakíhan sa paligid ng sigâ, walang ginagawa, inaantay ang
hapunan. Muling itinali ni Taytay si Pareng Lucio sa isang haligi
at ipinakilala ang mga sarili.
“Gáling pa kaming Dangay, maaari ba kaming magpalipas
dito ng gabi?”
Muli’y tíla hindi nakaunawa ang mga mangingisda. Tumitig
lámang silá kay Taytay at sa dalawa nitóng kasamahan, kayâ’t
nagpaliwanag ang sarhento:
“Patúngo kaming Mansalay, sa huwes. Ang táong ito,
mukhang nakapatay siya ng isang matandang babae. At ang ba-
baeng ito ang kaniyang asawa.”
May natitirá pang pagkain si Torina, at lihim ang pasasala-
mat ni Taytay. Ngunit kung silá’y kakain, kakalagan na naman
niya ang gapos sa dalawang kamay ni Pareng Lucio, sapagkat
ito ang iginigiit ng babae. Nag-isip siya saglit, at pagkatapos ay
napahinuhod.
Bahagya lámang nakabahala sa sarhento kung paano niya
babantayan ang mag-asawa, ngunit matapos niláng maghapu-
nan ay naging malinaw sa kaniya na alin sa magpalipas siya ng
gabi nang walang túlog, o magpatuloy agad silá sa paglalakbay
PARENG LUCIO  ı  GONZALEZ  ı  61

túngong Mansalay. Matapos magnilay-nilay, sinabi niya sa mag-


asawa nang walang pasubali:
“Patúngo táyong Mansalay, sa huwes. Itong táong ito’y dapat
kong igapos at bakâ makatakas ngayong gabi.”
Kay Torina naman, ito ang kaniyang sinabi:
“Tabihan mo’t nang hindi lamigín, kung kinakailangan.
Hindi akó matutulog, magdamag akóng magbabantay.”
Umangat na ang ulap sa bayan ng Mansalay. May sariwang
bango ang umaga sa kapaligiran nitó. Hila ang nakataling si
Pareng Lucio, naramdaman ng sarhento ang malamig at masu-
yong hangin sa kaniyang katawan.
May langay-langayang pumagaspas mula sa bubóng ng
pagiba nang munisipyo. Tanda kayâ ito na makakatakas itong
si Pareng Lucio? nasok sa isip ng sarhento. Upang matiyak sa
sarili na hawak pa rin niya ang bilanggo, marahas niyang ti-
nangtang ang lubid na mahigpit niyang pigíl magmula Dangay
hang­gang sa bayang ito. Nawalan ng panimbang si Pareng Lucio
at napaluhod.
Sapagkat napakaaga pa, nagulat ang isang pulis na naghi-
hikab sa balkon ng munisipyo sa pagkakita sa sarhento at ang
kaniyang mga kasáma, at kinusot niya ang kaniyang mata.
“Ang táong ito’y may pinatay na matandang babae sa
Dangay. Palagay ko nama’y mayroong paglalagyan sa kaniya sa
inyong kulungan?”
Tumango ang pulis, at pinasunod sa kaniya ang sarhento sa
kulungan. Maliit lámang na gusali ito at yari sa kawayan. Nang
buksan ng pulis ang pinto at itulak ng sarhento si Pareng Lucio
sa loob, si Torina na nakabuntot sa kanila ay hindi makatingin.
Di makali si Pareng Lucio sa loob ng kulungan na parang ibi-
nilanggong loro. “Wala akóng kasalanan, wala!” sigaw niya, lalo
pang malakas kaysa dati.
Hindi pa kinakalag ng sarhento ang lubid na nakagapos
kay Pareng Lucio. Hawak pa rin niya ang isang dulo, at hindi
62  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

niya agad maláman kung ano ang kaniyang gagawin dito. Nang
makakita siya ng isang haligi sa loob, ibinuhol niya doon ang
dulo ng lubid. Sa kabilâng dulo nitó, paos na si Pareng Lucio sa
kasisigaw.
“A, wala akóng tiyaga sa iyo!” ganting sigaw ni Taytay na
nakangisi, sabay lakad papalayo.
Ang Sanggol

S i Lukas Antaran, ang kaniyang batà pang asawang si Baray,


at ang kanilang pitóng-linggong-gulang na sanggol ay pabalik
sa nayon upang ipakita ang anak sa ina ni Baray, si Aling Take.
Ang batâ-batâ pang mag-asawa ay nanatili sa kaingin buong
taon sapagkat wari’y wala nang ibang mahalaga sa kanila kundi
ang lupa. Ngunit nang isilang ang kanilang anak, hindi na nilá
maipagpaliban ang pagdalaw.
Pasan ni Lukas ang sanggol sa isang manipis na kumot na
algodong ang mga dulo ay kaniyang ibinuhol at isinalabay sa
kaniyang balikat, kayâ’t ito’y naging isang maginhawa’t mun-
ting duyan. Inalalayan ng isa niyang bisig ang maliit na balutan,
at buong ingat at katiyakan siyang naglakad. Kasunod niya si
Baray na kilik naman ang ilang baro ni Toto, na siyang ipina­
ngalan nilá sa munting bata.
Palikaw-likaw ang landas sa palanas na makapal ang kahu-
yan, at sa bandáng hapon ng Sabado, pahilis ang sinag ng
araw sa mga manlalakbay at naglalagos sa kumpulang dahon
ng buli. Manaka-nakang humihihip ang ha­ngin mulang sila­
ngan, kinakalanting ang mga dahong may kakatwang tunog

ı  63  ı
64  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

na anaki’y malagom na bagting ng gitara. Ito rin ang landas na


madalas na tahakin ni Lukas nang mag-isa, bago niya napapa-
yag si Baray na sumáma sa kaniya sa hulo. Ngayong narito si-
yang muli, kasáma ang isang asawa at anak, namayani sa kaniya
ang tuwa, at bahagyang pagmamalaki. Wika niya kay Baray:
“Tandang-tanda ko pa kung paano noon.”
Naunawaan ni Baray ang kaniyang pahiwatig at mabilis ni-
tóng tugon, “Ibig mong sabihi’y nang ika’y batà pa?”
“Oo, nang akó’y bumababâ pa sa nayon upang makapanli-
gaw.” Nátawá si Baray. “Tíla ka matanda kung magsalita, gayong
lalabimpitong taon ka pa lámang!”
“At ikaw nama’y madaldal tulad ng nanay mong matandang
bungal!” balik ni Lukas sabay hagikhik.
Tahimik siláng nagpatuloy sa landas hanggang marating
nilá ang daanan ng mga kariton na malapad-lapad. Bakat sa
lupa, sa pagitan ng mga tumpok ng tuyong dahon, ang bakas
ng mga kariton, at ang batik-batik na tama ng araw ay lumikha
ng larawang anaki’y panagimpan, kayâ’t ang hapon ay tíla pa-
nahong di sakóp ng araw o gabi. Naalala ni Lukas na minsang
dumaan silá rito ni Baray at di pa silá ganap na magkakilala,
may kayumangging bubuli na tumawid sa kanilang daraanan.
May sinasabi si Baray tungkol sa maaaring kaugnayan ng pagli-
taw ng bubuli at ng kanilang búhay, ngunit sinansala niya ito at
nagwikang tíla silá naliligaw ng landas. Pagkaraan pa ng ilang
oras, may nakita siláng puting pugo sa kadawagan at laban man
sa kalooban ng babae, huminto siya upang hanapin ang pugad
ng ibon. Ramdam ngayon ni Lukas na napakábatà pa niya noon.
At ngayon ay ramdam niyang matanda na siya, hábang pasan
ang batàng si Toto na nása kumot sa kaniyang likod.
Tulad sa isang alaalang halos libing na sa límot sa pagdaan
ng mga taon, naalala niya ang kaniyang pagkakapagtayo ng ku-
bong kawáyan at kahoy para kay Baray, mga dahon ng yantok
ANG SANGGOL  ı  GONZALEZ  ı  65

ang bubóng, doon sa homsted na iniwan sa kaniya ng amang si


Mang Kiko Antaran, na ilang taon nang namamayapa.
Isa lámang iyong marupok at minadaling tiráhan, sa gabi’y
sinasambilat ng hangin tulad ng lawing naninila ng sawimpalad
na sisiw, at doo’y nakahimlay si Baray sa tabi niya’t nagsusu-
miksik bílang asawa, nagmamakaawang ibalik na siya sa bayan
pagsapit ng umaga. Ngunit may kaingin siláng dapat arugain.
Nakalatag ito sa dahilig ng gulod na pinagtamnan ng kape at
kakaw ng kaniyang ama.
Labindalawang taon na ang nakalilipas, at nang yumao ang
matandang Kiko nang manalasa ang trangkaso noong 1918,
muling sinakop ng kagubatan ang lupang iyon. Sinakal ng
yantok ang papalaki pa lámang na mga punòng kakaw, at si-
nalakay ng pakó ang hinawang lupang pinangarap pa namang
makita ng kaniyang ama na niyayabungan ng kapeng nangin-
gintab ang dahon kapag sinalubong ang araw sa umaga. Nang si
Lukas naman ang dumating, dalá niya ang sariling itak at mu-
ling hinawan ang lupa, hábang ang mga umpukan ng bughaw
at luntiang loro ay nangagpupulasan sa dawag, nagkakagulo’t
nagkakaingay, at di matiyak ni Lukas kung ito ba’y tanda ng
pagtutol o ng pagsalubong.
Hanggang baywang na ang mais sa kaniyang kaingin nang
maláman niyang magkakaanak na silá. Noong una’y nakakatu-
long pa sa kaniya si Baray, halimbawa’y sa pagdadamo, ngunit
kalaunan ay kinailangang sarilinin niya ang lahat ng gawain.
“Pagkatapos ng anihan, igagawa kitá ng matibay-tibay na kubo,”
minsa’y nasabi niya sa asawa.
“Pati na kulungan ng manok, at sakâ ng baboy?” tanong
naman nitó.“Hindi, sakâ na lámang ang mga iyan. Iniisip kong
unahin muna ang bahay.”
“Higit na maalwang gawin ang kulungan ng baboy. O kayâ,
unahin mo na muna ang kulungan ng manok.”
66  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

Hindi siya pinansin ni Lukas, na nagpatúloy. “At magkaka-


roon ng kamalig na imbákan ng mais. At isa pang kamalig para
sa maliit na gilingan ng tubó.”
“Lahat ng iyon?” sambit ni Baray, na nagpamalas ng pagka-
gulat, bagaman sanay na siya sa ganoong paraan ng pananalita.
“Makagagawa akó ng gilingan, alam mo ’yan. Madali lá­
mang itong gawin.”
“Wala kang ni isa man lámang tibuhos ng tubó.”
“Magtatanim din táyo ng tubó, pagkatapos kong hawanan
ang maisan. Alagaan mong mabuti ang anak nating darating,
at akó’ng bahalang magtanim ng tubó at gumawa ng gilingan.
Nakagawa na niyan ang aking ama.”
Nais ni Baray na palawigin ang ganitong usapan.
“At kapag mayroon ka nang gilingan at makagagawa ka na
ng asukal, ipagbibili mo ito sa bayan?”
“Aba’y saan pa naman kung di doon?” pakli ni Lukas.
“Kung gayon ay yayaman na táyo.”
“Hindi naman mayaman, kundi nakaaalwan kaysa kara-
mihan,” tugon ni Lukas. Tíla siya nakatitiyak nang sabihin
niya ito, sa tingin ni Baray, kayâ’t hindi na siya nag­tanong pa.
Nangangamba siyang mapagsabihan uli ni Lukas na batà pa
siya, samantálang nakatatanda lámang ito nang isang taon sa
kaniya. Bagaman madalas, kung naiisip niya si Lukas, ang ka-
niyang kaingin at ang buhay nilá sa iláng, pakiramdam niya’y
isang babaeng tumanda bigla. Ngayon, hábang sinusundan
niya ito sa paglalakad, alinlangan si Baray kung dapat bang du-
malaw sa kaniyang ina na matagal na niláng hindi nakakasáma.
Maaaring matutuwa si Aling Take, ngunit tiyak ring susumba-
tan silá nitó sapagkat hindi siya sinundo ni Lukas nang malápit
na siyang manganak. Bakâ ngayo’y hindi maging maganda ang
pagtanggap sa kanilang tatlo.
Pinilit ni Baray na iwaksi ang ganitong pangamba sa kani-
yang isipan, ngunit bigla’y sinakmal siya ng pangitaing karga ng
ANG SANGGOL  ı  GONZALEZ  ı  67

kaniyang ina si Toto hábang sinisiyasat nitó ang sanggol na tíla


ba hindi ito kapani-paniwala. “Napag-isip-isip ko ang tungkol
sa iyong ina,” nabigkas bigla ni Lukas sabay hinto sa kaniyang
paghakbang. “Ano kayâ ang kaniyang iisipin tungkol kay Toto?”
“Iniisip ko rin ’yon,” wika ni Baray. Minahalaga niya na nag­
katulad silá ni Lukas ng iniisip. Natitiyak na niya na mayroong
mapupulaan si Aling Take sa sanggol, at kapag nagkagayon, ano
kayâ ang dapat niyang gawin?
“Akó naman ang bibitbit kay Toto,” pahabol niya. “Tiyak na
ngalay na ang bisig mo.”
Tumigil si Lukas sa ilalim ng isang punò at iniabot sa asawa
ang sanggol. Tinulungan niya itong ayusin ang duyang kumot.
“Maaari ba táyong magpahinga na muna rito?” tanong ni Baray
nang may makita siyang pinagputulan ng punò sa tabi ng lan-
das. Tumúngo siya roon at naupo, kalong ang sanggol. Hinubad
ni Lukas ang kaniyang sambalilo at ipinampaypay ito sa pawisán
niyang mukha.
“Hindi ba nabasâ si Toto sa aking pawis?” tanong niya.
Ngunit tíla di siya narinig ni Baray na nakatitig sa kaniyang
sanggol. Agaw-túlog ang batà, at saglit na pinigil ni Baray ang
kaniyang hininga, yumuko at idinantay ang kaniyang pisngi sa
malambot na pisngi ng kalong. Hinaplos niya ang mukha at
maninipis na kamay at paa ng sanggol, at nagmukha siyang pas-
lit na nilalaro ang manyika. Binilang niya ang mga daliri nitó sa
mumunting kamay at paa.
“O, ano naman ang ginagawa mo?” tanong ni Lukas.
Hindi siya umimik, bagkus ay tumingin sa asawa hábang
pinangingiliran ng masayáng luha ang kaniyang mga mata.
Damáng-damá niya, higit lalo ngayon, na si Toto ay buo at
buháy, at lubos na tao.
“Táyo na,” wika niya. “Dalian natin at nang táyo’y makara-
ting doon bago gumabi.”
Ang Matandang Pari

A ng matandang pari ng Naujan ay madalas pa ring dumalaw


sa mga nayong nakakalat sa baybay-dagat ng katimugang
Mindoro. Mahilig siyang maglayag, at kapag maganda ang
panahon, umuupa siya ng paraw, o kayâ’y maglalakad siya at
magiging panoorin, isang matandang kaladkad ang mga paa sa
kahabaan ng buhangin.
Ayon sa ilang tao, sa gulang niyang iyon, sa nalalabi pa ni-
yang mga taon, bagay sa kaniyang magpahinga na lámang at
tumirá sa lumang kumbentong bato sa Naujan. Nása ituktok ito
ng isang gulod, nakatunghay sa dagat at sa malawak na luntiang
kaparangan. Ang hampas ng alon sa dalampasigan at ang bu-
long ng hangin mula sa kabundukan ay nakapapayapang mga
tunog sa isang may gulang na.
Minsan ay nagsugo ang Obispo ng Lipa ng isang batàng pari
sa Naujan, si Padre Paulino. Nagbigay siya ng ilang sermon at
ang mga tao’y napapalatak sa paghanga, ngunit umalis itong
mabigat ang loob, sapagkat ayaw pa ring magretiro ng matan-
dang pari.

ı  68  ı
A N G M A T A N D A N G P A R I  ı  GONZALEZ  ı  69

Sabay siláng naglakad sa kalsada ng Naujan patúngo sa da-


lampasigan, na kinaaangklahan ng batel na magdadala sa ba-
tàng pari pabalik sa Lipa noong gabing iyon. Ang mataas nitóng
palo at nakabalumbong layag ay aninag sa bughaw na salamin
ng dagat. Isinalaysay ng matandang pari sa batang pari ang bi-
nabalak niyang paglalakbay patúngong timog—sa Bulalacao,
Wasig, Socol at Sumague. Namangha si Padre Paulino pagkari-
nig sa mga pangalang ito, at kaniyang naitanong:
“Ibig n’yong sabihin, may mga di-binyágan pa roon?”
Napabulalas ang matandang pari: “Aba’y oo, isang buong lahi
silá! Dapat kang sumáma sa akin upang makapangaral sa lugar
na iyon!”
Napangiti si Padre Paulino na napahiya. Malaki ang takót
niya sa dagat. Pinangangambahan niya ang paglalakbay pabalik
sa Batangas, at sa Lipa. Napapangiwi siya tuwing makakakita ng
batel na may layag.
Nakahilera sa dalampasigan ang mga bangkang pag-aari ng
mga mangingisda, na siyang sinasakyan ng matandang pari sa
paglalakbay, at may pagmamalaking itinuro niya ang mga ito:
“Hayan, ito ang aking mga galyon na káyang tumawid ng
dagat!”
Isinalaysay niya kung paano siya nagtirik ng tiráhan sa da-
lampasigan, gumawa ng mga pansamantalang altar sa niyugan,
at kung minsa’y nagkasal sa mga magkakatuwang na magkasa-
ma na halos kalahati ng kanilang búhay, at bininyagan ang mga
kabataang nagsitanda na, naging mga ama, at nangaghawan ng
kani-kanilang lupa. At sinabi niya sa batàng pari kung paano
niya ipinakilala ang Diyos sa mga táong ito.
Naantig si Padre Paulino, ngunit kahit paano’y nasaktan din
siya sa ipinamalas na rubdob ng matandang pari. Sakâ lámang
natigil ang matandang pari sa pagsasalaysay tungkol sa kani-
yang sarili at sa kaniyang mga gawain nang magsidatingan sa
dalampasigan ang mga anak ng mangingisda.
70  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

“Jose, Juan, Rita, at ikaw, Adolfo!” tinawag niya ang mga


batà at binasbasan bawat isa nang magsilapit ang mga ito, na
nagsikapit sa kaniyang sutana bago nagsilisan upang maglaro.
Di namamalayan ay lumatag ang takipsilim at inihudyat
ang orasyon, at ang matining at matamis na tunog ng kampana
ay namalagi nang matagal sa papawirin. Sa wakas ay dumating
ang ilang matangkad, sunóg at matipunong kalalakíhan, sakbat
ang kanilang mga lambat, sapagkat oras na upang mangisda sa
laot. Nang gabing iyon, kasabay ng pagsilang ng buwan, nagla-
yag si Padre Paulino pabalik sa Lipa.
Pagkaraan ng isang linggo, matapos ayusin ang ilang mga
usapin sa parokya, lumisan na rin ang matandang pari. Mga
krusipiho, kandila at iba pang gámit para sa altar, pamalit na
sutana, isang pares na alpargata o sapatos na abaka ang suwelas,
at isang itim na payong—ito lámang ang kaniyang dala-dala sa
kaniyang paglalakbay, sapagkat ang paraw ay hindi naman gal-
yon, bagaman maipagmamalaki pa rin kapag ito’y naglalayag na
sa mga alon, at singgaan ng isang ibong-dagat. Malumanay ang
hangin noong araw na iyon, at pagkaraan lámang ng ilang san-
dali ay di na mamataan ang kumbento at kampanilya ng sim-
bahan sa lumalabòng kaluntian ng naglalahong dalampasigan.
Masaya ang matandang pari hábang sunong ng hangin.
Ipinagparaya niya sa init ng araw ang kaniyang mukha hang­
gang ito’y mamulang tíla makopa, at siya’y pinaupo ng mga
manlalayag malápit sa palo na may malamig na lilim dahil sa
layag. Pagsapit ng gabi ay nakita na nilá ang dulo ng Socol, at
dahil nása ilaya pa ng ilog ang sadya niláng nayon, malalim na
ang gabi nang silá ay makarating doon. Di-pangkaraniwan ang
katahimikan sa nayon, wala ni ásong mariringgan ng tahol.
Bagaman waring nag-aanyaya ang malamlam na liwanag sa mga
dampa, ayaw ng matandang paring gambalain ang ganitong ka-
tahimikan. Hindi niya sasamantalahin ang kabutihang-loob ng
mga taganayon, tulad bagá ng isang gobernador na mag-uutos
na siya’y bigyan ng matutulugan.
A N G M A T A N D A N G P A R I  ı  GONZALEZ  ı  71

Kayâ’t ang mga mangingisdang bumabangon sa madaling-


araw upang tingnan ang mga salakab at ang mga pastol na nag­
papakawala ng mga bákang nakakural sa kabila ng ilog kapag
gabi, ang nakakita sa matandang pari sa kaniyang kubol sa ni-
yugan. Nagparikit siya ng sigâ nang nagdaang gabi, at ngayo’y
may bága pang umuusok nang manipis, hábang sumisikat ang
araw na nagpakinang sa tubig hanggang doon sa likuan ng ilog.
Sa buong umaga’y nabinyagan ng matandang pari ang anim
na batà, at sinabihan siyang may iba pang dadalhin sa kaniya
noon ding araw na iyon. Itinitik ng kaniyang sakristan ang ka-
nilang mga pangalan sa isang aklat-talaan, gámit ang pinatulis
na kawáyan bílang pluma at ang itim na tinta ng pusit.
Pagdating ng hapon, dinalhan siya ng mga manok at itlog,
at kaniyang pinasalamatan at binasbasan ang lahat ng mga
dumalo.
Ganoon ang nangyari saan man siya magtúngo. Ang mga
tao sa baybay-dagat, sa kasabikan sa kaniyang pagdalaw, ay
maghahanda na ng mga maihahandog sa kaniya ilang buwan pa
bago siya dumating. Ang mga tagabundok naman ay magdada-
la sa kaniya ng pulut at tapang usa. Kung minsa’y mayroon pang
mag-aalok ng loro. Mayroon pa ngang isang may-ari ng niyu-
gan sa Socol na nagbigay sa kaniya ng lorong nakapagsasabi ng
“Buenos dias, Padre!” Labis itong ikinasiya ng matandang pari,
at siya’y nagdaos ng isang natatanging misa para sa táong iyon.
Ngunit marunong din siyang magalit, tulad noong minsang
nadatnan niya sa Masaguisi ang isang malaking katampalasa-
nan—ang altar ng kapilyang kawáyan at pawid ay hubad maliban
sa isang nakataob na kahong punô ng ipot ng manok, sa halip
na isang imahen ng Nuestra Señora de la Paz! Iniutos niyang
linisin ang buong kapilya, at nang sumunod na araw ng Linggo,
nagmisa siya at nagbigay ng isang mahaba at nagnga­ngalit na
sermon na di karakarakang malilimot ng mga tagaroon.
Unti-unting pinapanghina ng mga taon ang matandang
pari, at dumating ang panahong ni humawak ng payong ay di
72  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

niya halos magawa. Ang kaniyang mga sakristan—lagi siyang


mayroong tatlo o apat—ay isa-isang nagsitakas, hindi dahil sa
karupukan ng kanilang pananampalataya, manapa’y dahil sa
isang katakatakang pagbabago na bumabalot sa katauhan ng
matandang pari, isang karamdamang walang pangalan.
Sumpúngin na ngayon ang matandang pari at madalas
ay pumuputok ang gálit nang wala namang kadahi-dahilan.
Tumitindi ang kaniyang pagiging mapaghangad at maramot.
Hindi siya magpapasalamat sa mga bungang-kahoy at iba pang
pagkaing dinadalá sa kaniya ng mga tao, bagkus ay sasabihin
niya sa kaniyang mga sakristan, “Tipunin n’yo ang lahat ng iyan
at magtúngo agad táyo sa Naujan nang mailako nating lahat!”
Noong una itong mangyari, anaki’y mabagsik na súnog na
kumalat agad ang balita sa kahabaan ng baybay-dagat.
“A, sa malas ay mukhang nawawalan na siya ng bait dahil sa
katandaan,” sabi ng mga mangingisda.
Ngunit sabi naman ng isa, “Aba, bakâ naman kung ilang
taon na niyang kinakamkam ang pilak na ibinibigay sa kaniya
ng taumbayan—at dala-dala niya ito sa isang súpot na nakasabit
sa loob ng kaniyang sutanang itim!”
Walang makapagsabi kung bakit ito pang alingasngas na ito
ang pinaniwalaan ng lahat sa buong kanayunan.
Ipinagpatuloy pa rin ng matandang pari ang kaniyang pag-
dalaw paroo’t parito sa kahabaan ng baybay-dagat, ngunit hindi
na mainit ang pagtanggap sa kaniya tulad noong dati. Minsan
pa nga, sa Wasig ay nagsabi siya sa pinunò doon na kailangan
niya ng isang kariton upang hakutin ang kaniyang mga gámit
sa kabilâng nayon. Ngunit lahat ng kariton ay gámit sa mga kai­
ngin at punò ng palay, at aabútin ng isang buong umaga kung
doon pa kukuha ng isang kariton, kayâ’t walang naibigay sa
kaniya.
Sa isa pang pagkakataon ay kailangan niya ng kalabaw.
“Malakas ang alon sa dagat,” aniya, “at kung ilululan ang mga
A N G M A T A N D A N G P A R I  ı  GONZALEZ  ı  73

gámit ng pari sa isang paraw, aba’y mababasâ itong lahat! At


dapat na pakaingatan ang mga gámit ng isang pari! Sumpain
kayo ng diyablo kung di ninyo aalagaan ang inyong pari!”
Ganoon na ang tabas ng kaniyang dila ngayon, laging may
patungkol sa ibang katauhan sa halip na banggitin ang sari-
li, na tíla bagá mayroong isang pari na kakaiba at hiwalay sa
kaniya ang pagkatao. Ang ganito, pati na ang madalas niyang
pagsangkalan sa diyablo, ay kinainisan at kinatakutan din ng
mga taganayon.
Hindi niya nakuha ang hinihiram na kalabaw, at bandáng
hulí’y napilitan siyang maglakad sa kanugnog na nayon kasáma
ang dalawang tagabuhat. Nang kaniyang bayáran ang mga ito,
dinukot niya sa loob ng sutana ang isang luma’t nanlilimahid
na súpot.
Totoo nga palá—dala-dala niya lagi sa kaniyang katawan
ang súpot ng salapi. Bumalik ang mga tagabuhat sa kanilang
nayon na rindi ang mga utak sa pagkakatuklas na totoo palá
ang alingasngas tungkol sa súpot ng salapi.
“Bukod pa riyan, ni minsan ay hindi niya pinalabhan ang
kaniyang sutana mula nang ito’y kaniyang isuot!”
“Nabalitaan ko pa ngang ni hindi siya naligo kahit minsan!”
“Pudpod na ang suwelas ng kaniyang alpargatas. Bakit di
siya bumili ng bagong sapatos, gayong napakarami niyang kini-
tang salapi sa pagtitinda ng kandila sa mga tao? Hari ng kakuri-
putan, palagay ko lang!”
“Aba’y iyan din ang lagi kong paniwala…”
Kayâ’t nagbalak siláng nakawan ang pari, subalit nabigo
ang kanilang balak, sapagkat umulan noong gabing itinakda
nilá ang panloloob, at ang matandang pari na nakatirá sa tu-
mutulòng kubakob malápit sa dalampasigan ay gisíng na gisíng.
Hindi na siya makatulog sa loob ng maraming gabi.
Alumpihit siya tuwing tatangkaing makatulog. Batid niyang
74  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

malápit nang magwakas ang kaniyang mga araw kayâ’t di siya


mapalagay at di maláman kung saan siya lalagay.
Sinumpong siya ng sakít sa puso sa kumbento ng Naujan.
Pitóng buwan siyang nakaratay sa kama, unti-unting pinapa-
nawan ng búhay, hábang siya na lámang ang pinag-uusapan ng
lahat sa kahabaan ng baybay-dagat, maging Kristiyano man o
di-binyágan. Sino pa kayâ ang hindi nakakarinig ng pinakahu-
ling alingasngas tungkol sa kaniyang payong, sa kaniyang alpar-
gatas, at tungkol sa babaeng pinaghabilinan ng kaniyang sutana
upang ito’y malabhan, sa wakas?
Ang Pinakamasayang Bata sa Mundo

Isang mabanas na gabi noong buwan ng Hunyo, si Julio


na lumisan sa Tablas upang manirahan sa Barok ay sumulat
kay Ka Ponso, na nagkataóng panginoong maylupa niya. Ang
liham ay tungkol sa kaniyang anak na si Jose, na nais mag-aral
sa Mansalay nang taon ding iyon. Si Jose ay nása ikalimang bai-
tang nang si Julio at ang kaniyang mag-anak ay magpaalam sa
Tablas noong nakaraang taon at lumipat sa Mindoro, at sapagkat
ang ama’y hindi kaagad nakakuha ng sariling lupang masasaka,
ang kaniyang anak ay kinailangang huminto sa pag-aaral nang
isang taon. Itinuring ni Julio na mapalad siya’t naging kasama
ni Ka Ponso. Nang manganak ang asawa ni Julio na si Fidela,
nagkataóng dinadalaw noon ni Ka Ponso ang kaniyang lupain,
at nagpresenta itong maging ninong ng sanggol. Pagkatapos ay
nagsimula na siláng magtawagang kumpare.
“Mahal na Kumpare,” simula ng liham ni Julio, mata-
mang nakayuko hábang sumusulat sa pinilas na pahina mula
sa kuwaderno ni Jose. Maraming buwan na ang nakararaan,
nakaupo rin siyang kagaya ngayon at may hawak na panulat.
Nagtúngo siya sa munisipyo ng Mansalay upang magsampa

ı  75  ı
76  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

ng aplikasyon para sa isang homsted, at ang kaniyang gámit


ay isang pluma. Nagulat pa siya nang magawa niyang punuin
ang dokumento nang malinis. Walang nangyari sa kaniyang
aplikasyon, bagaman tiniyak sa kaniya ni Ka Ponso na napag-
aralan na nitó ang kaso at nakausap na rin ang mga opisyal na
may kinalaman. Ngayon, gámit ang isang lapis sa halip na isang
pluma, tiyak si Julio na magiging malinaw ang kaniyang liham
kay Ka Ponso.
“Tungkol po ito sa aking anak na si Jose,” pagpapatúloy
niya. “Nais ko po sanang makapag-aral siya ngayong Hunyo sa
Mansalay. Nása ikaanim na baitang na siya ngayon, at yayamang
hindi naman siya napakagaling sa pag-aalaga ng inyong mga
kalabaw, minabuti kong papag-aralin na lámang siya sa bayan.”
Tumuwid siya at sumandal sa dingding. Nagsusulat siya
sa isang mababang dulang na kahoy, ang tanging muwebles sa
bahay na iisa ang silid. Nakaupo siya sa isang sulok. Sa kabilâng
panig ay naroon ang kalan, at sa kaniyang kanan ay naroon si
Fidela at ang babaeng sanggol na si Felipa na kapuwa nahihim­
lay sa loob ng kulambong abaka. Naroon din si Jose, nakatiha-
ya sa tabi ng isang sákong palay sa may pinto, na maghapong
nása labas upang hanapin ang isang kalabaw ni Ka Ponso na
nakawala at nakarating sa katatanim na kaingin ng palay sa
kabilâng pampang ng Ilog Barok. Bahagya itong humaharok,
anaki’y pagód na binata, gayong ito’y lalabindalawang taon.
Patúloy na umandap-andap ang dilaw na apoy ng gasera.
Ang malansang amoy ng pagkain, lalo na ng sabaw ng isda na
nabubo mula sa mga mangkok at natuyo na sa dulang, ay tíla
likás nang amoy ng kahoy. Ang katotohanan ng kanilang karali-
taan ay titimo sana kay Julio bílang isang mariing dagok, subalit
hindi iyon ang kaniyang kalikasan. Pinagmasdan lámang niya
ang kaniyang paligid, kahit pa man nanunuot sa kaniyang ilong
ang lansa, tumitig siya sa kulambo at pagkatapos ay kay Jose na
nakasalampak sa sahig. Nagpatúloy siya sa pagsusulat.
ANG PINAKAMASAYANG BATA SA MUNDO  ı  GONZALEZ  ı  77

“Ang batàng ito, kumpare,” dugtong niya, “ay labis na na-


pakasipag. Kung sana’y mapapatulóy mo siya sa iyong bahay,
kumpare. Mapapagawa mo siya ng kahit anong naisin mo, kahit
anong gawain. Makapagsasaing siya, at tinitiyak kong maka-
paghuhugas din siya ng pinagkanan.”
Nagunita ni Julio ang pinakahuling dalaw niya sa tahanan
ni Ka Ponso ilang buwan na ang nakalilipas, noong kapistahan.
Nakita niya ang dami ng katulong sa bahay. Sa labis na kintab
ng mga sahig, halos maaninaw mo ang iyong sarili hábang nag­
lalakad ka roon, at lagi’y may kasambahay na kasunod mo at
may hawak na basahan upang punasan ang bahid ng duming
iniwan sa sahig ng iyong mga paa.
“Umaasa akóng hindi mo sana ito ituturing na malaking
kaabalahan,” patúloy ni Julio, pinag-iigi ang paghahanay ng ka-
niyang nasasaisip. May bahagya siyang pangamba na maaaring
masamain ni Ka Ponso ang kaniyang liham. Ngunit ipinagpa-
tuloy niya ang pagsusulat, mabagal at tiyak, at hihinto lámang
upang basahin ang naisulat na niya.
“Susuklian namin ang anumang maitutulong mo sa amin,
kumpare. Oo nga’t marami na kaming pagkakautang sa iyo,
ngunit gagawin namin ng iyong kumare ang lahat upang kami’y
makabayad.”
Nang basahin niya uli ang hulíng pangungusap at naki-
tang nabanggit niya palá ang asawa, nagunita ni Julio na noong
unang buwan pagkarating nilá mula sa Tablas, nakakuha silá
ng limang kaban ng palay mula kay Ka Ponso, at pagkatapos
ay sinabihan siyang pagdating ng anihan ay kailangang doble-
hin niya ang dami ng kabáng ipambabayad. Labis na patubo
ito, subalit iyon ang kalakaran sa pook na iyon, at hindi ugali
ni Julio ang dumaing. At isa pa’y ang kaniyang turing kay Ka
Ponso ay isang kumpareng matalik, isang tunay na kaibigan.
Bigla’y naisip niya kung paano kayâ kikilos si Jose sa loob
ng bahay ni Ka Ponso, lalo na’t hindi ito sanáy makakita ng na-
pakaraming mga gámit.
78  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

Bakâ matisod pa ito sa isang likmuan, o makabasag ng ilang


pinggan…
“At hiling ko lang sana’y ariin mo na ring sariling anak si
Jose, kumpare. Maaari mo siyang parusahan kung siya ma’y
makagagawa ng kamalian, at nais ko pa nga’y ituring ka niyang
pangalawang ama.”
Pakiwari ni Julio’y wala na siyang ibang masasabi pa, at
ito na yata ang pinakamahabang liham na kaniyang nasulat sa
buong búhay niya. Ilang sandali ring nangimay ang kaniyang
mga daliri, at kakatwa namang nangyari iyon, sapagkat ni hindi
niya napuno ang isang pahina. Napasandal siyang muli, at lihim
na napangiti.
Tapós na ang liham. Nabahala siyang bakâ di niya ito mai-
sulat. At ngayon nga’y naisulat na niya ito, at mukha namang
mainam ang kinalabasan. Kailangang suguin na niya si Jose
kinabukasan.
Bandáng alas-seis kinaumagahan, isang batàng laláking
labing-isang taon gulang ang nakasakay sa kalabaw at nagla-
lakbay sa natuyong ilog patúngong bayan. Nagmukha siyang
maliit na bagahe sa ibabaw ng malapad na likod ng kalabaw.
Sinamahan siya ng kaniyang ama hanggang sa pagliko ng
ilog, naglakad itong kasunod lámang ng kalabaw. Nang mag-
atubili ang hayop na tumawid sa isang makitid na sapang pu-
muputol sa daan paglampas sa isang kulumpon ng kawáyan,
pumulot ang ama ng patpat at pinalo-palo ito upang magpa-
túloy. Iniabot niya ang patpat sa batà, na para bang isang maha-
lagang bagay.
Hindi tumawid ang ama sa sapa kundi nanatiling nakatayo
sa pampang.
“Ingatan mong mabuti ang dalá mo,” habilin niya mula sa
kaniyang kinalalagyan. “Nása bulsa ba ng iyong baro?”
Kinapa-kapa ng batà ang sulat, at nang masalat ito’y nag­
wika, “Hindi ko po iwawala ito, Tatay.”
ANG PINAKAMASAYANG BATA SA MUNDO  ı  GONZALEZ  ı  79

“At alagaan mong mabuti yang kalabaw,” pahabol ni Julio.


“Sasaglit din akó sa bayan búkas o sa makalawa upang kunin
iyan. Nais ko lámang na tapusin muna ang pagtatanim.”
Nagsimula nang humakbang si Julio pabalik sa bahay,
walang nása isip kundi ang gawaing nag-aantay sa kaniya sa
kaingin noon araw na iyon. Ngunit may naisip pa siyang sasa-
bihin sa kaniyang anak, kayâ’t huminto siya’t tinawag ang anak.
“Ibigay mo agad kay Ka Ponso ’yang sulat na ’yan pagdating
mo sa bayan,” sigaw niya. “Magpakabuti ka, at gawin mo lahat
ang iuutos sa iyo. Tandaan mo, lahat.”
Sakay ng kalabaw, sagot ni Jose sa malakas na tinig, “Opo,
Tatay, opo,” at humayo na siya. Mayâ-mayâ’y natabingan na siya
ng mga halaman ng abakang ang mga dahon ay nangingintab sa
tama ng araw sa umaga.
Mahigpit na nakatali sa kaniyang likmuan sa likod ng kala-
baw ang lalagyan ng kaniyang damit at isang súpot na bigas, na
inaakalang sapat na para sa una niyang linggo sa bayan. Ganito
ang nakasanayan ng mga mag-aaral mula sa nayon o sa bukid.
Bagaman makikitirá lámang si Jose sa bahay ni Ka Ponso, hindi
makapapayag ang kaniyang ama na mapabalitang hinayaan ni-
tóng walang daláng bigas ang anak.
Hábang naiisip niya ang kaniyang ama, biglang nagkaroon
ng pagnanais si Jose na maláman kung ano ang nilalaman ng
liham na nása kaniyang bulsa, kayâ’t pinatigil niya ang kalabaw
sa lilim ng isang punò sa tabing-daan.
May ibong umawit sa malápit na dawag. Naririnig ito ni
Jose hábang binabása niya ang liham, at palundag-lundag siya
sa mga salita, sapagkat nahirapan siyang unawain ang wikang
ginamit doon. At hábang lumilinaw sa kaniya ang kahulugan
ng bawat pangungusap, naramdaman niyang siya na yata ang
pinakamasayang batà sa buong mundo at ang ibon ay umaawit
para sa kaniya. Wari’y dinig rin niya ang lagaslas ng tubig sa
pinaghiwalayan nilá ng kaniyang ama, at ang mundo’y tíla ba
punong-puno ng awit.
Pitong Buról ang Layo

N akamasid si Jovito hábang tahimik na gumagawa ang ka-


niyang ina sa dapugan. Gámit ang maliit na walis, tinipon
niya sa isang sulok ang lahat ng nag-aapoy na panggatong, bago
wisikan ng tubig ang munting tumpok ng nagbabagang uling
at mainit na abo. Sumagitsit ang kahoy at ang tunóg nitó’y nag­
paantok sa kaniya. Tinakpan niya ng likod ng kamay ang kani-
yang bibig hábang humihikab nang ilang ulit. Maaga pa ngunit
pagód na siya. Gáling na siya sa balon, at bago pa rito’y nakaba-
lik na siya mula sa niyugan, hila ang gatasáng báka.
Nilingon siya ng kaniyang ina, nakatutok sa kaniya ang
malalaki’t maamo nitóng mata, na para bang nagsasabing ‘Bakit
di ka pa matulog, anak?’ Hindi, wika ni Jovito sa sarili, hindi siya
papasok sa silid, na tinutulugan ng kaniyang dalawang nakaba-
batang kapatid na babae sa loob ng isang kulambo. Hindi niya
iiwang mag-isa ang ina sa kusina. Isa pa’y bakâ umuwi na ang
kaniyang ama anumang oras ngayon. Kung hindi lámang ma-
liwanag ang buwan, sana’y mas maaga itong nakauwi. Nagpasiya
si Jovito na pipikit muna siya hanggang dumating ang kaniyang

ı  80  ı
PITONG BURÓL ANG LAYO  ı  GONZALEZ  ı  81

ama, at sakâ niya tatanungin ito tungkol sa puting bisirong ibi-


nigay nitó sa kaniya noong nakaraan niyang kaarawan.
Muli siyang naghikab. Bumibigat ang talukap ng kaniyang
mga mata. Pinilit niyang iwaksi ang antok, at tiyak niyang ma-
nanatili siyang gisíng. Patapos na halos ang pag-iimis ng ka-
niyang ina sa kusina. Naglapag ito ng isang munting gasera sa
patungang nása ibabaw ng dapugan malapit sa dingding. May
pabilog na liwanag na napakintal katabi ng tapayan. Nagsimula
itong maghugas ng kamay at humingi ito ng malinis, tuyong
basahan kay Jovito. Naalimpungatan sa mababaw na túlog si
Jovito at dinukwang niya ang basahang nakasuksok sa anahaw
na dingding sa kaniyang kaliwa.
“Aantayin ba natin ang iyong ama?” tanong ng kaniyang ina
nang makapagpatuyo na ito ng kamay.
Sandaling tumayo ang babae sa may bintana at tinanaw ang
gabing pinarilag ng buwan. Ang tuktok ng mga punò ay nagni-
ningning, salamat sa liwanag ng halos kabilugang buwan. Puting
abuhing mga ulap ang tumawid sa mukha ng buwan hanggang
maglaho ang mga ito sa malayòng abot-tanaw na kapag araw ay
kinalalatagan ng maputlang-bughaw na kabundukan.
Nakipanood si Jovito sa dula ng kalawakan, hábang naka-
tingkayad katabi ng kaniyang inang nakatanaw sa labas ng bin-
tana. Nakapatong ang kaniyang babà sa pasamano. Masuyo si-
yang inákay ng kaniyang ina palayo sa bintana, at inihatid siya
sa silid.
Gumapang siyang papasok sa kulambo, kasunod ang kani-
yang ina. Humiga siya sa tabi ng kaniyang kapatid na si Maria
na apat na taóng gulang, samantálang ang kaniyang ina ay hu-
miga sa pagitan ni Maria at ng kanilang munting kapatid na
si Tita. Hindi pa naaawat si Tita bagaman dalawang taon na
ito, at nagising ang bata nang tumabi ang ina. Nag-alumpihit
ang bata, at pinasuso ito ng ina. Pumikit si Jovito hábang masu-
yong binubulungan ng ina ang munting batang si Tita, hábang
82  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

inapuhap siya nitó ng kaliwang kamay upang tiyaking nakapag­


kumot siya.
Umaandap-andap ang lamparang langis sa ibabaw ng isang
maliit na dulang sa dulo ng silid. Nakapikit man siya’y aninag pa
rin ni Jovito ang liwanag. Naglagos ito sa talukap ng kaniyang
mata na tíla sanlibong makulay na sinulid. Nawala na ang antok
ni Jovito at pinipilit niya ngayong makatulog uli. Bumaling siya
sa gawing kanan at ibinaon ang kaniyang mukha sa unang nása
likuran ng kapatid niyang si Maria.
May naramdaman siyang mainit sa kaniyang paa at akala
niya’y ang mga paa ni Maria iyon. Paano nagkagayon, saman-
tálang siya’y mas malaki at matangkad sa kapatid? Marahan
niyang itinulak ang mainit na bagay. Ang pusa palá, na nag-
tatangka na namang pumagitna sa kanilang dalawa ni Maria.
Itinaboy ni Jovito ang pusa, at kumaripas ito ng takbo palabas
ng kulambo.
“Ano ’yon?” tanong ng kaniyang ina na nagulat. Ang tuma-
talilis na pusa ay muntik nang lumagpak sa hapag na kinatata-
yuan ng lampara.
“Pusa po,” tugon ni Jovito. Nakatulog uli siya. Napanaginipan
niya ang araw na iyon sa kagubatan nang kaniyang makita ang
isang pusang puti—hindi ang pusang nása bahay ngayon—ngu-
nit isang pusang ligaw na putól ang buntot. Ngumiyaw ang pusa
sa kaniya, mapagkaibigan ngunit may pagkatuso, at sinundan
niya ito hanggang siya’y makarating sa pinakaliblib at pinaka-
madilim na bahagi ng kagubatan. At doon ay nakita niya ang
isang malaking itim na bahay.
Tumagilid si Jovito sa kaniyang kaliwa, kayâ’t magkadikit
ngayon ang likod nilá ng kapatid niyang si Maria. Naibsan ng
init ang kaniyang tákot, sapagkat napanaginipan niyang muli
ang itim na bahay sa kagubatan. Bigla na lámang naglaho ang
itim na bahay sa kaniyang pangitain, at nanaginip siya ng sari-
saring bagay. Napanaginipan niya ang isang mahabang landas
at isang kalabaw na may táong nakasakay sa malapad nitóng
PITONG BURÓL ANG LAYO  ı  GONZALEZ  ı  83

likod. Mula sa malayò, tíla mukhang batà ang tao, ngunit há-
bang papalapit ito ay patanda nang patanda. Umubo ang tao
nang ito’y tumigil upang itanong kay Jovito kung nasaan ang
daan patúngo sa ilog. Takipsilim noon. Itinuro ni Jovito ang
isang bagnos na papasók sa taníman ng abaka at nagtatapos sa
ilog. Dumaiti pa si Jovito nang mas malápit kay Maria.
May naulinigan siyang ingay mula sa labas, katulad ng ubo
ng matanda. Sinundan ito ng pagkahugot ng isang malaking
punò sa lupa, lumalangitngit ang mga ugat. Pagkatapos ay may
narinig si Jovito na pagbagsak ng isang punò. Napakislot ang
kaniyang kanang binti.
“Ano ’yon?” marahang tanong ng kaniyang ina. At nang
hindi umimik si Jovito, nasabi niya sa sarili, ‘Bakâ ang pusa sa
kusina, o kayâ’y ang gasera…’
Sinagilahan siya ng tákot. Hinugot niya ang súso sa bibig ng
anak. Hindi agad ito pinakawalan ng sanggol at sinikap pigilin
ang kaniyang utong. Nang makalaya na ang kaniyang súso, bi-
nulungan niya ang sanggol upang matahimik ito.
“Sssssh, munting bata, may mangkukulam sa labas, di mo
ba naririnig?” Bumangon siya.
Nananaginip si Jovito na nadaganan ng punò ang kaniyang
manipis at walang-labang katawan. Pinilit niyang igalaw ito
ngunit halos lahat yata ng kaniyang butó at lamán ay kumikirot
nang matindi. Naiiyak na siya hábang siya’y natutulog.
Nang siya’y magising, akala niya’y umaga na. Bigla siyang
sumandaling binulag ng isang malagablab na liwanag. Inakala
niyang tanghali na at kailangan na niyang itali ang gatasáng
báka sa mas malilim na sulok ng niyugan. Hábang nakatayo
siya sa ilalim ng punòng niyog, luminga-linga siya at kaniyang
namataan ang báka, bilóg at malamán at batik-batik na abuhing
kayumanggi ang balát, na walang katinag-tinag sa pagkakata-
yong anaki’y tiniban o pinagputulan ng punò sa gitna ng liwa-
nag. Nakatitig ang báka sa nasusunog na bahay at umunga nang
mahina.
84  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

Naramdaman ni Jovito na may humihila sa kaniyang likod.


Si Maria palá, na umiiyak sa tákot. Mayâ-mayâ’y humihiyaw
na si Jovito, humihingi ng saklolo. Naliliyo siya hábang nasa-
saksihan ang ina na labas-masok sa apoy. Paulit-ulit niya itong
tinawag, ngunit hindi ito sumasagot. Inihahagis niya ang baul
sa labas ng bintana, na sinundan ng mga unan at banig, mga
bangkito at maliit na dulang, at pagkatapos ay isa pang baul.
Mistulang kahindik-hindik na dambuhala ang apoy na tu-
mutupok sa bahay at lumilikha ng kakaibang nagngangalit na
ingay. Ito lámang ang narinig sa loob ng maraming sandali.
Maging ang kahuyan sa di-kalayuan ay natahimik, at tíla ba na-
sindak ang mga kulisap sa nagaganap. Walang hanging humi-
hihip, subalit mabilis at palundag-lundag na kumalat ang apoy,
at sa ilang sandali lámang ay naging malagablab na panggatong
ang buong kusina. Ang mga dingding at haligi ng kawáyan at
kahoy na nangasilab ay isa-isang nagbagsakan at nangabunton
sa lupa.
Ang pinakamalapit na kapitbahay ay nakatirá sa niyugan
may limandaang dipa ang layo. Sa wakas ay dumating ang sak­
lolo. Nakita ni Jovito ang mga anino, isa, dalawa, dalawang tao
bukod sa kaniyang ina, labas-masok sa nag-aapoy na bahay.
Pakiwari niya’y nalimutan na siya ng ina. Paulit-ulit niya itong
tinawag, ngunit di pa rin ito makarinig. Sa pag-aakalang ganap
na siláng nakalimutan ng kanilang ina—silá ng dalawa niyang
kapatid na babae—nahintakutan si Jovito.
Lakad-takbo niyang tinúngo ang apoy, ngunit nakahawak sa
kaniya si Maria na humihiyaw. Luminaw ang kaniyang pag-iisip
at nilingap kung nasaan na kayâ ang sanggol na si Tita. Nanuyo
ang kaniyang lalamunan sa dalamhati, nanginig ang kaniyang
mga tuhod at siya’y nahandusay sa damuhan. Sa kaniyang pag-
tayo, sakâ lámang niya nakitang mula pa palá kanina’y karga
na niya’t ligtas na ang sanggol sa kaniyang mga bisig. Malamig
ang mga paa nitó, at kaniyang napansing nakatitig ito sa apoy,
PITONG BURÓL ANG LAYO  ı  GONZALEZ  ı  85

pagkatapos ay lumingon sa dawag, sukal at niyugan sa malayò,


na pawang tinanglawan ng buwan.
Ang mga anino’y nagtatakbuhan sa paligid ng nagliliyab na
bahay, nakikipag-unahan sa mga sandali. Naaninag ni Jovito
ang payat na katawan ng kaniyang ina, malinaw ang hugis nitó
sa tama ng pulang liwanag o sa gitna ng kulay dugông lagab­
lab. Narinig niya itong nagbibigay ng mga utos sa dalawang ka-
pitbahay na laláking dumalo sa kanila.
Nakilala agad ni Jovito ang nakasanayan na niyang tinig
ng ina. Manaka-naka’y nagtatanong ito sa malakas na tinig,
‘Nasaan ang mga batà? Nasaan ang mga batà?’ na tíla ba di niya
alam ang kanilang kinaroroonan. Ngunit tulad ng marahil ay
kaniyang inaasahan, wala siyang maaantay na kasagutan. Sapat
nang siya’y nagtanong, na para bang sa pagtatanong ay mala-
láman na niya kung silá ba’y ligtas o hindi. Humiyaw si Jovito
upang ipaalam sa inang lahat silá’y ligtas na at magkakayakap
sa ilalim ng langit. Bumuka ang kaniyang bibig upang humiyaw
pa nang ubod-lakas, ngunit ang tanging salitâng lumabas dito’y
‘Ina, Ina!’
Ang mga tahilan ay naging nagbabagang mga piraso ng
kahoy at ang bubóng na pawid ay nangag-alipatong nag-aapoy
na pakpak ng mga dambuhalang kulisap. Laganap na sa buong
kabahayan ang súnog. Tuluyan nang bumigay ang kusina, at
ang silid ay umuusok na bunton na pabagsak na sa lupa. May
natiráng kuwadradong dingding na may bintana sa gitna, isang
pangitaing hindi kapanipaniwala. Sa isang iglap ay tinupok din
ito ng apoy at unti-unti naglaho sa malaking liyab.
Nagkalat sa bakuran ang lahat ng ari-ariang nailigtas sa
súnog. Nakilala ni Jovito ang hugis ng mga baul, ang banig at
kulambong nagkumpol sa lupa. Natandaan niyang ito ang mga
unang pinagbabalot ng kaniyang ina, na pagkatapos nitóng iha-
gis sa bintana ang binalot ay siya at si Maria naman ang hinaltak
86  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

nitó palabas ng bahay at isinadlak sa pinakámalápit na punò ng


niyog.
Ang maliit niyang ulo ay lalong naging mamula-mula sa
liwanag ng apoy. Siya na ba itong papalapit sa kanila? Biglang
di na nitó kamukha ang kaniyang ina, isang táong sa sandaling
ito’y hindi niya kilála. Hindi ito ang babaeng kaniyang nagis-
nan, na nakatanaw sa liwanag ng buwan at umaasang parating
na ang kaniyang ama. Tigmak ng luha ang mga pisngi nitó nang
kunin sa kaniyang mga bisig ang sanggol.
“Tahan na,” magiliw nitóng samo. “Wala na táyong bahay,
tingnan mo, wala na táyong bahay.”
Itinuro niya ang apoy, na para bang mapapatahan sa gayon
ang sanggol. Humihikbi na rin si Maria. Ngunit ang mahalaga’y
magkakasama na uli siláng lahat.
“Nang una kong makita ang súnog, binaliwala ko ’yon,” sabi
ng isang kapitbahay.
“Ngunit narinig ko ang tinig ng mga bata,” sabi ng isa pa.
“Nang marinig kong sumisigaw ang mga bata, patúngo na
akó dito,” dugtong ng nauna. “Kung di dahil sa katitili ng mga
batàng ito…”
Nakilala ni Jovito ang dalawang laláki. Ang matandang
si Mang Pepe at ang manugang nitóng si Ponsong biyudo, na
minsa’y tumulong sa kaniyang hanapin ang gatasáng báka
nang makawala isang umaga ng Abril. Naalaala ni Jovito ang
pangyayari: kung paano sinuyod nilá ni Ponso ang mga gulod
sa paghahanap sa báka, kung paano niya sinundan si Ponso
sa mga lambak at kadawagan at sa gilid ng kahuyan. Suot ni
Ponso ang sambalilong buli na nisnis ang paldiyas, at nang silá’y
makarating sa lambak at uminit ang araw, ipinasuot niya kay
Jovito ang sambalilo. Nang makita nilá ang báka, tinugpa nilá
ang maigsing landas sa lambak paakyat sa gulod, lampas pa ng
kaingin ni Mang Pepe. Pagdating nina Ponso at Jovito doon,
abalá ang matanda sa paglilinis sa kaniyang hinawan. Tumigil
sa paggawa ang matanda at dinalá niya si Jovito sa isang karatig
PITONG BURÓL ANG LAYO  ı  GONZALEZ  ı  87

na kaingin na pinagtamnan niya ng tubó. Ipinagputol niya ang


batà ng isang buong tibuhos.
Sinamahan ni Mang Pepe si Jovito, ang ina’t dalawang kapa-
tid nitó sa lilim ng punòng niyog.
“Tahan na, anak, tahan na,” paulit-ulit na alo ng ina. “Wala
na ang bahay, tingnan mo o, wala na…”
Ngunit hindi pa rin tumigil ang pagnguyngoy ng sanggol,
at si Maria’y muling napahikbi na parang isang malaking batà,
pabugso-bugso.
“Maayos naman silá?” tanong ni Mang Pepe. Muling napa-
sulyap si Jovito sa umuusok na bahay.
“Natitiyak kong iniligtas silá ng Diyos,” narinig niyang sagot
ng kaniyang ina. “Mabuti na lámang at hindi ito nangyari sa
kalaliman ng gabi, at mahimbing kaming lahat…”
Sa pagitan ng paputol-putol na paghikbi, isinalaysay ng ina
kina Mang Pepe ang buong pangyayari: na walang naiwan sa
bahay maliban sa kaniya at ang mga batà, hábang nása ran­tso
naman si Tobias. Ano na lámang ang sasabihin ng kaniyang
asawa? At bakit kinailangan pa niyang umalis? Bakit niya silá
iniwan noong umagang iyon, at bakit hindi pa siya umuuwi?
Dahil kayâ sa liwanag ng buwan, at nalilibang siyang panoorin
ang kaniyang mga báka sa liwanag ng buwan? At ano ba ang
kapararakan ng mga báka? tanong niyang anaki’y wala sa sarili.
“Huwag ka nang magsalita!” payo ni Mang Pepe. “Malinaw
namang ito’y kalooban ng Diyos. Purihin pa nga natin Siya at
ligtas ang mga batà! Bahay lang ang nawala, ay ano na lang iyan?
Ang mahalaga’y ligtas ang mga batà!”
Bumalong ang malalaking luha sa mata ni Jovito nang ma-
rinig niya ang ‘mga batà’ at ‘bahay.’ Iba ang pagkakabigkas ng
kaniyang ina sa mga katagang ito, iba rin ang kay Mang Pepe.
Ipinagpatuloy ng ina ang pagpapaliwanag kay Mang Pepe na
laban sa kaniyang kalooban ang pagkakapunta ni Tobias sa
rantso. Tíla siya may pangitain, ngunit sadyang ayaw niya itong
magtúngo pa roon. Ano ang kaniyang gagawin doon? naitanong
88  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

niya. Para lang maghero ng ilang báka, magkumpuni ng kural,


na makapag-aantay naman ng ilang araw? At nagsumamo nga
siya, ngunit walang tao sa Barok na katulad ni Tobias kung
magmahal sa báka!
Naalaala ni Jovito ang kaniyang unang pagpunta sa ran­
tso ng kaniyang ama may walong kilometro ang layo, dadaan
sa tuyong ilog at paakyat sa mga gulod, na binabalisbisan ng
mumunting sapang gumagapang sa lupain. Dalawang taon na
ang nakararaan mula nang dalhin siya roon, at tanda pa niya
ang mga bákang kulay kayumanggi, itim at abuhin, na kung
titingna’y tíla ba mga susô sa dalisdis hábang nanginginain sa
gulod.
Naramdaman niya ang kamay ni Mang Pepe sa kaniyang
balikat.
“Mamaya lámang ay bakâ makabalik na ang iyong ama.
Palubog na ang buwan.”
Hindi ito ganap na totoo. Ang buwan ay nakabitin pa rin sa
langit, at balót ng liwanag ang buong kaparangan. Humupa na
ang malalayong hanging nagbunsod sa mga ulap upang mag-
unahan, kayâ’t ang malawak na kisame ng langit ay sintahimik
na ngayon ng dagat. Wari ba’y masasalamin sa malayòng kala­
ngitan ang umuusok na bahay.
Pinanood nina Ponso at Jovito ang apoy na tíla ahas na gu-
magapang sa natitiráng kawáyan at kahoy ng natupok na bahay.
Bahagyang binuhay ng hangin ang apoy, at lumikha ng mga pu-
lang bilugang dingas na umiigkas. May apoy na gumagapang sa
paisa-isang tahilan at barakilan.
Umunga ang gatasáng báka ni Jovito na nakatali sa isang
punò ilang dipa ang layo. Malungkot ang tunog nitó. Aninaw ni
Jovito ang makislap, nakamulagat na mata ng báka sa kabila ng
usok na likha ng mga bága. Makapagbibigay kayâ ito ng gatas
kinaumagahan? Saglit siyang nahintakutang bakâ ito natuyuan
ng gatas dahil sa súnog.
PITONG BURÓL ANG LAYO  ı  GONZALEZ  ı  89

Masakit sa dibdib ang kanilang ginagawa. Sa harap ng


umuusok na mga labí, naramdaman ni Ponso na túla siya rin
ang nawalan ng mahalagang bagay. Nabuo sa isip niya ang mga
natatandaan niyang nakatago sa bahay ng Tobias. Nasaan ang
eskopeta ni Tobias? Ang kaniyang mga aklat? Si Tobias ay dá-
ting guro bago ito nakabili ng lupa at nag-alaga ng mga báka.
Nakita rin nilá ang bakal na tubo ng baril, tinupok na ng
apoy ang kahoy na puluhan. Mainit pa ito at nalapnos ang mga
daliri ni Ponso nang tangkain niyang hawákan ito. Noong nag­
kakaubos ang karne sa rantso, madalas ay ipinagagamit sa ka-
niya ni Tobias ang baril upang mangaso. Mataba ang puso ni
Ponso hábang naglalakad sa natuyuang ilog ng Barok, sakbat sa
balikat ang baril, hanggang mapasok niya ang masukal na gubat
ng yantok sa silangan na pinaglalagian ng mga baboy-damo.
“Nakasuksok ang baril malapit sa pintuan,” wika ng ina ni
Jovito. “Alam kong naroon iyon, nakalimutan ko lámang. Bakit
nga palá hindi niya ito dinalá?”
Nagsama na ngayon ang ina ni Jovito at si Mang Pepe sa ma-
lumbay na paghahanap. Hábang kilik ng ina ang munting ba-
tàng si Tita at sinasansala si Maria sa paglapit sa apoy, sinuyod
niya ng patpat ang dáting kinaroroonan ng silid. Wala na siyang
maililigtas. Mayâ-mayâ’y napasigaw si Ponso mula sa kaniyang
kinatatayuan sa naabong bahay, at wika nitó’y natagpuan niya
ang gilingan ng karne, gilingan ng kape, at kudkuran ng niyog.
Madalas na hiramin ni Ponso ang mga kagamitang ito. May na-
hango rin siyang itak, itim na itim ang talim sa pagkakasunog
at wala na ang puluhang kahoy.
Gámit ang mahabang tikin, sinungkit ni Mang Pepe sa mga
bága ang isang lata ng daeng at isa pang naglalaman ng mus-
kobadong asukal. Napahiyaw ito sa kagalakan, lalo’t naalaalang
madalas siyang tumúngo sa bahay ni Tobias upang manghingi
ng mga pagkaing tulad nitó. Sínumáng nangangailangan ng pag­
kain o salapi o tela ay magtutúngo lámang sa bahay ni Tobias.
90  ı  PITÓNG GULOD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

Nalungkot si Mang Pepe sapagkat napaaga ang pagkakaluto sa


daeng dahil sa apoy, at nasunog ang asukal. Ngunit nanganga-
nib mang makayapak siya ng nasisilab na kahoy, buong tiyaga
pa rin niyang hinila ang mga latang ito mula sa nagbabagang
tumpok, at nang magawa na niya’y maingat niyang siniyasat.
Nang tungkabin niya ang takip ng lata ng daeng gámit ang itak,
sumaboy sa kaniyang mukha ang mainit at maalat na singaw.
Napailing na lámang ang nadismayang si Mang Pepe.
May nakitang palayok ng kanin sina Ponso at Jovito.
Paliwanag ng ina ni Jovito, ito ang kaning niluto niya para kay
Tobias, at sabi pa’y bakâ naman mamataan din ni Ponso ang ni-
lagang manok na kaniyang nailagay sa piyambrera. Nangalaykay
pa uli si Ponso, at sa halip na makakita ng iba pang pagkain, na-
sungkit niya ang lamparang karburo ni Tobias na gámit sa pa­
ngangaso, ilang kagamitan sa pagkain at mga basag na pinggan,
puswelo at mangkok.
Nagtulong ang ina ni Jovito at si Mang Pepe na tipunin sa
isang sulok ng bakuran, malápit sa kamalig na lalagyan ni Simon
ng kaniyang gilingang kahoy, ang mga baul, unan, banig at iba
pang gámit. Kumaripas ang pusa sa kahabaan ng bakuran at na-
gtago sa likod ng kamalig. Hindi nakaabot rito ang súnog, at dito
iginawa ng ina ni Jovito ng kama ang munting bata. Nakatulog
na ito sa kaniyang pagkakakipkip, at maging si Maria ay mukha
na ring inaantok. Naglatag ang ina ng banig sa sahig ng kamalig,
at kinortinahan ito ng isa pang banig upang di makapasok ang
lamig. Sakâ niya inilapag ang sanggol, sabay bilin kay Maria na
bantayan niya ang kapatid na babae. Sumunod ang nakatatanda
at naupo ito sa tabi ng kapatid, sumandal sa unang nakalagay sa
bilugáng tiyan ng panggiik ng tubó.
Idininding ng ina ni Jovito ang mga baul at kahon sa harap
ng kamalig upang may mapaglagyan ng lahat ng mahahalagang
ari-arian. Masigasig uling tumúlong sina Mang Pepe at Ponso.
Naroon ang kaniyang maliit na makina, na ngayo’y wala nang
PITONG BURÓL ANG LAYO  ı  GONZALEZ  ı  91

takip, sapagkat nakalimutan niya kung nasaan ito at labis siyang


naguluhan hábang nasusunog ang bahay, at naroon din ang ka-
niyang panggiling ng kakaw, na regalo ni Tobias. Inuwi niya ito
nang siya’y bumalik mulang Maynila, nang siya’y magtinda ng
ilang báka. At naroon din ang kaniyang malaking aparador, na
nabili ni Tobias matapos nitóng maibenta ang tatlong-taóng-
gulang na toro. Himala kung paano ito nailigtas niláng tatlo,
kasáma sina Mang Pepe at Ponso, sa lagablab, at isipin pang
ito lámang ganitong uri ng muwebles ang makikita sa buong
Barok. Hábang tinutulungan ang dalawang laláki, tumama ang
kaniyang mukha sa salamin at labis siyang nahintakutan sa ku-
mintal doong tíla multong larawan ng apoy, at dahil pa sa init
ng salamin ay naramdaman niya ang pagkapaso ng kaniyang
mga pisngi.
“Magpahinga muna táyong lahat,” wika niyang sumusuko
na sa kapaguran. “Magpahinga táyo’t ating antayin si Tobias.”
Sa unang pagkakataon sa gabing iyon, nabanggit niya ang
pangalan ng asawa. Ni minsa’y hindi ito namutawi sa kaniyang
mga labì. Ang pangalan ng asawa’y tíla isang ibong nakakulong
na lumipad at ngayo’y nakabalik.
Pagkaraan ng ilang saglit ay tinawag niya si Jovito. “Nasaan
ka, Jovito?” Balisa ang kaniyang tinig. Binigkas niya ang panga-
lang ito nang buong pagmamahal, nang may kakaibang pagka-
giliw sa gabing ito. Maiisip ng nakarinig na siya’y nag-aagaw-
búhay, o inaakala niyang siya’y nása bingit na ng kamatayan.
Pinapagliwanag ng mga bága ang buong bakuran, hábang
namumula-mula ang kaniyang mga pisnging nasisinagan ng
buwan.
“Búkas,” ani Ponso, “marami pa táyong mahuhukay na mga
bagay.”
Ang batàng si Jovito ang kaniyang kinakausap. Sumandal
si Jovito sa isang punò at pinagkurus ang kaniyang mga paa, sa
malas ay matindi ang págod.
92  ı  PITONG GULÓD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

“Búkas,” wika uli ni Ponso, “bakâ makita natin ang iyong


timba na panggatas, o pitsel lámang ba iyon?”
“Pitsel po lámang,” pakli ng batà.
“Malalim na ang gabi,” patúloy ni Ponso. “Malápit nang lu-
mubog ang buwan. Maghahatinggabi na. Maaga táyong mag-
sisimula búkas at pipilitin nating hanapin ang iyong pitsel na
panggatas.”
Muling namataan ni Jovito ang pusa. Nakapuslit ito mula
sa kamalig, nagtatalon papalapit sa kaniya at sakâ lumagay sa
kaniyang paanan.
Tumitig ang pusa sa umuusok na mga labí ng sunog at ngu-
miyaw na anaki’y nawalan ng tahanan.
Pakiramdam ni Jovito ay may naririnig siyang mga tinig
mula sa malayo—tinig ng ibang mga batà, tinig ng kalalakihan
at kababaehan na rin. Papalapit ang nagkakaingay na iyon, at
ngayo’y tumambad na silá—mga batàng laláki, mga kalalakíhan
at kababaihan. Naririnig niya ang mga babaeng napapa-“Ay!”
at “Ay, aba!” Ang mga laláki naman ay napapamura. Hindi pa-
tungkol sa kaniyang ama, kundi’y minumura nilá ang isang di-
kilalang tao, isang dayo, isang mang-aaping di magagapi, isang
mambubuno, isang magnanakaw, isang mangwawasak, isang
diyablo. Hindi masakyan ni Jovito kung anong uring nilaláng
ang tinutukoy nilá, ngunit pakiwari niya’y isang dambuhalang
nagmula pa sa kabilâng daigdig.
Lalong dumami ang dumadalong tao, at hindi silá mga dayo
kundi mga kanayong nagmula sa iba’t ibang taníman. At sa pu-
lutong na iyon ay unti-unti niyang naaninag hanggang maging
malinaw na larawang nakakintal sa alaala—ang kaniyang ama.
Nakita niyang pumila nang dalawahan at tatluhan ang mga tao
at lumapit kapagdaka sa kaniyang ina. Hindi maunawaan ni
Jovito kung bakit walang dumadalo sa kaniyang ama. Lumabo
ang larawan at biglang nawala roon ang kaniyang ama. Gulilat
siya sa pangyayaring ito at lalong napadiin ang kaniyang
PITONG BURÓL ANG LAYO  ı  GONZALEZ  ı  93

pagkakasandal sa punò. Hindi maayos ang kaniyang pagkaka-


sandig, subalit nabawasan naman ang kaniyang tákot.
Mayâ-mayâ pa’y ginising siya ng mga tinig. Naulinigan niya
ang mga tinig ni Mang Pepe at ni Ponso.
“Sa pulo ng Tablas na aking tinirhan noong akó’y batà pa,
ang tiyuhin kong gobernadorsilyo ay mayroong bahay na na-
sunog din,” pagsasalaysay ni Mang Pepe, “at alam mo ba, anak,
inábot ng pitóng taon ang aking tiyuhing gobernadorsilyo bago
niya nabawi ang nawala sa kaniya. Laging ganyang katagal, sabi
nga ng matatanda. Teka, ano ba’ng sabi ko? Pitóng taon ba?
Sinabi ko bang pitóng taon?”
Si Ponso na nakikinig ay hindi tumugon bagkus ay umu­
ngol nang bahagya, na tíla ibig sabihi’y napakatagal naman ng
pitóng taon.
May narinig si Jovito na ibig tinig, at yaon ay sa kaniyang
ama.
“Mayroon pang mga báka,” wika ng tinig. “Kailangang iben-
ta natin ang ilan sa Sumagui, sa kampo doon ng magtotroso.
Iyon lámang ang tanging paraan. Sasáma ka ba sa akin, Ponso?
Sa Sumagui?”
Ngayo’y hindi umungol si Ponso kundi tumugon:
“Nangako akó sa batà na hahanapin namin bukas ang ka-
niyang pitsel ng gatas,” at may pagmamalaki pa ang kaniyang
pagkakasabi nitó.
“Ang batà?” wika ng kabilâng tinig. “Hindi naman magta-
tagal ang ating lakad, makababalik din táyo sa loob ng tatlong
araw.”
Wala nang iba pang narinig si Jovito.
Ipinikit niya nang lalong mariin ang kaniyang mga mata sa
pangambang kung didilat siya nang kahit kalahati lámang ay
makikita niya ang kaniyang ama, si Mang Pepe at si Ponso na
nagsasasagawa ng mga balak. Naglaro sa kaniyang guni-guni
ang kaniyang ama na nakatayo sa tabi ng kaniyang gatasáng
94  ı  PITONG GULÓD PA ANG LAYO AT IBANG PANG KUWENTO

báka at tinatapik ito sa likod…hindi, hindi magagawang ipag-


bili ng kaniyang ama ang bákang iyon, wika ni Jovito sa sarili.
Maraming ibang báka sa pastulan.
Napaisip siya kung saan kayâ naroroon ang kaniyang ina.
Wala ito sa hulíng larawan sa kaniyang isipan. Gayumpaman,
ayaw pa rin niyang imulat ang kaniyang mga mata at bakâ
makakita lámang siya ng mukha na may hapis at dusa, mukha
ng kaniyang ina, mukha ng isang kilála niya na pakaiisipin
ang pitóng mahahabang taon, isang táong nakatayo sa tabi ng
umuusok na labí ng sunog, isang mukhang mamula-mula sa
tama ng liwanag ng apoy. At minsan pa’y nabuo sa kaniyang
balintataw ang tíla ahas na gapang ng lagablab, gumagapang at
umuubos sa kahoy at kawáyan, at maging sa lupa.
Naramdaman niya ang mainit na pusa sa kaniyang paanan.
May nakapaghimatong sa kaniya na hindi pa madaling-araw,
na laganap pa ang dilim sapagkat naglaho na ang buwan. Wala
siyang nása isip kundi ang kaniyang ina, hanggang siya’y lunu-
rin ng kapaguran, at nagsimula siyang managinip na sumapit
na ang umaga.
ı  95  ı
aklat ng bayan

Ang Aklat ng Bayan ay bahagi ng isang pangmatagalang proyekto ng


Komisyon sa Wikang Filipino (kwf) upang masimulan ang maaaring itu-
ring na “Aklatan ng Karunungan” (Library of Knowledge) na magtatampok
sa kakayahan ng wikang Filipino bilang wika ng paglikha at saliksik. Sa il-
alim ng proyekto, mu­ling ililimbag ng kwf ang mga katangi-tanging pag-
aaral sa wika, panitikan, at kultura ng Filipinas; isasalin ang mga mahusay
na akda mula sa mga wikang katutubo, panitikang-bayan man o bagong ma-
likhaing pagsulat; isasalin ang mga dakilang akdang banyaga; ipasusulat o
tatangkilikin ang mga bagong pag-aaral pangkultura; at ilalathala ang mga
mahusay na tesis at disertasyon hinggil sa wika at panitikan ng bansa.

ı  96  ı

You might also like