You are on page 1of 5

-- Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News

“Matinding trapiko sa EDSA lalala pa sa Disyembre”

Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na lalo pang titindi ang traffic sa
Kamaynilaan pagpasok ng Disyembre, lalo na't magdadagsaan na ang mga mamimili sa mga mall.

Paliwanag ni MMDA General Manager Jojo Garcia, bumagal sa 16 kilometro kada oras (kph) ang usad ng
mga kotse sa EDSA nitong Nobyembre, kung ikukumpara sa 19.3 kph na pag-usad noong Agosto.

"Nung August po 19.3 km per hour average. Ngayong November, 16 (kph) na lang. Bumaba pa," aniya.
Tinutukoy niya ang bilis ng usad ng kotse sa EDSA kada buwan.

Ayon sa datos ng MMDA, nasa 10,000 bagong sasakyan ang pumapasok sa Metro Manila kada buwan,
na posible pa umanong lumaki sa Disyembre.

Bukod sa dami ng sasakyan at dami ng nagki-Christmas shopping, magsusulputan pa umano ang mga
bazaar pagdating ng Disyembre, maging ang kaliwa't kanang Christmas party.

Nauna nang binanggit ng MMDA na magkakaroon pa rin ng matinding trapiko kahit rendahan ang mall
hours, o kahit hindi man rush hour.

MGA MOTORISTA, KANYA-KANYANG PAGTITIIS

Dahil sa matinding traffic sa Kamaynilaan, kanya-kanyang diskarte ang ilang motorista para labanan ang
pagkaburyo rito.

Ang motoristang si Edith Lagman, nagpakabit pa ng telebisyon sa kaniyang sasakyan para maibsan ang
inip sa trapik.

"Pinakabit ko kasi nga sobrang haba ng trapik, ang tagal, alam mo 'yun, maiinip ka," aniya nang tanungin
kung bakit nagpakabit siya ng telebisyon sa kaniyang sasakyan.

May ilan, tulad ng 20 taong nagmamaneho na si Delfin Idian, na kinalbo umano dala ng hair fall dahil sa
matinding trapiko.

"Noong bago lang ako nagmamaneho, kamot ako nang kamot sa ulo," aniya.

Ang motoristang si Cris, hinid umanong mapigilang magkaroon ng hypertension tuwing maiinip sa traffic.
"Talagang tataas din yung hypertension mo lalo kapag nakita mong sa kanto buhol-buhol na wala
namang nagta-traffic na enforcer man lang kahit isa," aniya.

Dati na ring nabanggit ng World Health Organization na nagdudulot ng iba't ibang sakit ang pagkababad
sa matinding trapiko nang sobrang tagal.
Ulat ng BALITA- ang nangungunang pahayagan sa bansa

SULIRANIN SA TRAPIKO, MALAKING PROBLEMA PA RIN SA METRO MANILA

NAGPAPATULOY ang mga pagsisikap para maresolba ang problema sa trapiko sa Metro Manila,
partikular sa Epifanio delos Santos Avenue.

Kapansin-pansin ang mga pagbabago simula nang magdesisyon ang Malacanang na aksiyunan ang
problema noong Setyembre sa pagtatalaga kay Cabinet Secretary Rene Almendras upang pangunahan
ang hakbangin sa pagtutok sa problema.

Nakatulong ang mas istriktong pagpapatupad ng Highway Patrol Group sa mga batas-trapiko at pag-aalis
ng mga nakaparadang sasakyan sa mga kalsada para mapaluwag ang trapiko.

Sa mga sumunod na linggo at buwan, naglunsad pa ng mga karagdagang hakbangin, kabilang ang
pamamasada ng mga Premium Point-to-Point (P2P) bus upang mahimok ang mga may-ari ng sasakyan
na mag-commute na lang sa pamamagitan ng pagsakay sa mga nasabing bus. Noong nakaraang linggo,
bumiyahe na ang una sa fleet ng mga double-deck bus. Pinagsikapan din ang pagpapabuti sa serbisyo ng
Metro Rail Transit, ngunit patuloy pa rin ang pagtirik nito.

Marami pa ring lansangan ang hindi madaanan hanggang sa ngayon matapos hukayin, dahil hindi pa rin
nakukumpleto ang pagsasaayos sa mga ito na sinimulan noon pang nakaraang taon. Ilang linggo bago
ang Pasko, inatasan ng gobyerno ang mga contractor na ihinto ang mga pagawain para sa holidays, at
nabalam ang pagkumpleto sa mga ginagawang kalsada at ang muling pagbubukas ng mga ito sa mga
motorista.

Isang medium-range plan para magtayo ng mga bakal na tulay ang inihayag kamakailan, ang isa ay
pinaplano sa Kalayaan Avenue sa Quezon City na tatagos sa dalawang abalang interseksiyon. Tatlong iba
pa ang ipinanukala—sa Santolan, P. Tuazon, at Vito Cruz—na ang layunin ay mapaluwag ang mga choke
point sa EDSA. Mas maikling panahon ang kakailanganin sa pagtatayo ng mga tulay na bakal kaysa
malalaking kongkretong uri nito.

Ngunit hindi pa rin nasosolusyunan ang ugat ng problema. Masyado nang marami ang mga sasakyang
gumagamit sa mga kalsada sa Metro Manila. Ayon sa isang pag-aaral, ang Greater Manila Area ngayon
ay may 5,000 kilometro ng mga lansangan, gayung dapat ay 8,000 ito. Sa EDSA, nasa 6,800 sasakyan ang
dumadaan sa iisang direksiyon kada oras, gayung dapat ay 6,000 sasakyan lamang. At sinabi ng Chamber
of Automotive Manufacturers of the Philippines na 320,000 sasakyan ang naibenta noong 2015 habang
350,000 pa ang inaasahang mabibili ngayong 2016.

Kaya naman nananatili ang problema sa trapiko, at malaki ang posibilidad na lumala pa ito. Nakatulong
ang ilang agaran at medium-term solutions pero wala ang isang pangmatagalang solusyon sa suliranin.
Walang dudang kailangan natin ito, bilang bahagi ng pangkalahatang problema sa kaunlaran para sa
ekonomiya at pulitika ng bansa.
-- Ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News

Libreng tuition sa pampublikong kolehiyo, ipatutupad na

Pinirmahan nitong Miyerkoles ng Commission on Higher Education (CHED) at tagapamahala ng mga


pampublikong kolehiyo at pamantasan ang isang kasunduan para sa libreng edukasyon ng mga
estudyante ngayong paparating na pasukan.

Kabilang sa saklaw ng kasunduan ang 190 na state universities and colleges (SUCs) at local universities
and colleges (LUCs) sa bansa.

Epektibo nang maipapatupad simula ngayon ang Republic Act 10931 o "Universal Access to Quality
Tertiary Education Act" na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang taon.
Bukod sa matrikula ay hindi na rin babayaran ng mga estudyante ng SUCs at LUCs ang ipinapataw na
miscellaneous fees.

Pangamba naman ng ilang tagapamahala ng mga eskuwelahan, baka anila mahuli ang nakalaang budget
ng gobyerno para sa pambayad sa suweldo ng mga empleyado at panggastos sa pagpapanatili ng
impraestruktura ng mga paaralan.

"Nakakatakot kasi usually upon enrollment, we collect as much as full payment from the students...
Right now we have already enrolled to the figure of 10 thousand, wala pa kaming nakokolekta kahit
singko," ani Emanuel de Guzman, pangulo ng Polytechnic University of the Philippines (PUP).

"We dont know how they are going to schedule the payment...Some parts of the income are used to pay
for some benefits ng mga employees and faculty," dagdag ni de Guzman.
Edukasyon sa probinsiya

Ani de Guzman, mas darami pa ang mga estudyante na pipiliing mag-aral sa SUCs at LUCs sa probinsiya
dahil sa batas.

"Kasi mahal ang pag aaral dito (Metro Manila)...that can be offset for the cost of education in big cities
like this, so instead of studying in PUP, they will study in SUCs near them," ani de Guzman.

Ikinatuwa naman ng ilang estudyante ang implementasyon ng libreng edukasyon.

"Imbes na ipambayad sa tuition, puwede po naming gamitin sa transportation, so malaking tulong," ani
Ervin Marbida, estudyante sa PUP.
Ulat mula sa Definitely Filipino Balita

Paraan ng pagsagot ng isang mag–aaral sa pagsasanay hinggil sa “Florante at Laura”, umani ng reaksyon

Isa sa mga gawaing pangklase ang pagsagot sa mga pagsasanay na matatagpuan sa mga batayang–aklat;
kung saan madalas na nagmumula ang mga paksang–aralin sa isang asignatura. Kasama ito sa
pagtatantos at pagbibigay ng grado ng isang guro sa kanyang mga mag–aaral sa component na gawaing
pang–upuan o seatwork.

Usap–usapan ngayon sa social media ang paraan ng pagsagot ng isang mag–aaral sa pagsasanay na
kaugnay ng isa sa mga aralin sa asignaturang Filipino—ang awit na “Florante at Laura’ na kinatha ng
makatang si Francisco “Balagtas” Baltazar.

Batay sa Facebook post ng netizen na si Erwin Adigue, kakaiba ang pagsagot ng isang di–pinangalanang
mag–aaral sa pagsasanay na may pamagat na “Paunlarin ang Kaisipan” na nasa aklat ng “Florante at
Laura” na nagdulot naman ng katatawanan sa mga netizen.

Sa unang tanong na “Sino sa mga tauhan sa akda ang nais mong tularan? Bakit?,” sinagot niya ito ng “Si
Florante, lupit nya kase eh.”

Sa ikalawang tanong naman na “Marapat bang mainggit sa ibang mga tao na may magandang
kapalaran?”, tinugon niya ito ng “Hindi, anong pakealam ko sa kanila.”

Sa ikatlong tanong naman na “Paano maiiwasan ang inggit sa kapuwa?”, sinagot niya ito ng “Wag mong
tignan para di ka maangasan.”

Ang ikaapat na tanong naman na “Pumili ng isa o ilang tauhan sa akda na masasabi mong naghatid ng
matinding bisa sa iyong damdamin”, bumanat at humugot ito ng “Si Florante at Laura. Sweet kase nila,
parang kami lang dati.”

Sa ikalima at huling tanong na “Sino sa mga tauhan ng Florante at Laura ang nahahalintulad sa iyong
katangian?”, buong pagmamalaking sinagot niya ito ng “Si Florante, gwapo namin parehas,” at nag–iwan
pa ito ng komento na “Sana pumasa ako, wew.”
Ulat mula sa ABS CBN

Mga Pinoy na walang trabaho, umabot sa 9.8 milyon: survey

Tumaas ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho at "pessimistic" o negatibo ang pananaw kung
makakaroon sila ng trabahong maaaring pasukan sa susunod na 12 buwan, base sa survey na inilabas
noong Sabado ng Social Weather Stations (SWS).

Ayon sa survey na isinagawa noong Setyembre, nasa 9.8 milyon Pinoy o 22 porsiyento ang walang
trabaho, mas mataas sa 8.6 milyon o 19.7 porsiyento na naitala ng Hunyo ngayong taon.

Itinuturing ng SWS na "jobless" o walang trabaho ang isang tao kung siya ay boluntaryong umalis sa
kaniyang dating trabaho, retrenched o nawalan ng trabaho dahil sa "economic circumstances" na wala
silang kontrol, o unang beses pa lang naghahanap ng trabaho.

Sa 9.8 milyon walang trabaho, 4.1 milyon ay retrenched, 3.7 milyon ang kusang umalis sa kanilang mga
dating trabaho, habang 2 milyon ang unang beses pa lang naghahanap ng trabaho.

Pinakamataas ang joblessness rate sa Metro Manila na nagtala ng 26.4 porsiyento. Sinundan ito ng
Balance Luzon na nagtala ng 22.9 porsiyento, Mindanao na may 19.7 porsiyento, at Visayas na may 19.6
porsiyento.

Bukod sa dami ng walang trabaho, dumami rin ang mga Pinoy na "pessimistic" o negatibo ang pananaw
na mas dadami ang trabahong maaari nilang pasukan sa darating na 12 buwan.

Tumaas ang "pessimism" ng 16 porsiyento noong Setyembre mula 15 porsiyento noong Hunyo.

Isa ang pagbubukas ng mas maraming trabaho sa mga pangunahing alalahanin ng mga Pinoy, bukod sa
mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at ang pangangailangan ng dagdag-sahod, ayon sa isang
Pulse Asia survey na inilabas noong Setyembre.

Taas-presyo, sahod, pangunahing alalahanin ng mga Pinoy'

Idinaos ang SWS survey mula Setyembre 15 hanggang 23 sa pamamagitan ng mga face-to-face interview
sa 1,500 Pinoy na may edad 18 pataas. Mayroon din itong +/-6 percent margin of error para sa national
percentages.

Samantala, sinabi naman ng Malacañang noong Linggo na naghahanap ito ng mga paraan para mapabuti
ang lagay ng employment o pagkakaroon ng trabaho sa bansa.

"The Palace... is continuously finding ways to improve the local employment situation," sabi ni
Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa isang pahayag, na reaksiyon sa SWS survey.

You might also like