You are on page 1of 36

Kabanata I

PANIMULA

Sandigan ng Pananaliksik

Ang isang karaniwang tao ay nangangailangan ng mga

impormasyong hinggil sa kanyang interes o sa mga napapanahong

isyu. Sa panahon ngayon, ang pagkatuto ay lumalaganap kung ang

isang tao ay may kakayahang mangalap ng mga impormasyong

makatutulong tungo sa pag-unlad ng kanyang pag- iisip at sa

pang-araw-araw na pangangailangan lalong lalo na sa mga mag-

aaral o sa mga kabataan ngayon. Ang pinaka popular o sikat na

paraan ng pangangalap ng impormasyon ay sa pamamagitan ng iba’t

ibang uri ng mass media, gaya ng Social Media, mga pahayagan,

radyo, telebisyon, at iba pa.

Mahalagang konsepto ring maituturing ang mass media,

sistema ng edukasyon, materyalismo at indibidwalismo. Ang mass

media sa pangkalahatan ay isang paraan ng komunikasyon kung saan

ang mensaheng ipinapaabot nito ay nakararating, at maaring

makaimpluwensya sa daan-daang tao na naaabot ng nasabing

mensahe. Dumadaloy ang mensahe sa isang uri ng midyum kagaya ng

aklat, telebisyon, radyo, pahayagan at iba pa. Sa pamamagitan ng

mga midyum na ito, mas napapadali at napapabilis ang

pagpapakalat ng impormasyon buhat sa isang pinagmulan patungo sa

maaabutan ng mensahe. Ito rin ay nagpapayaman ng talasalitaan,


nagbibigay ito ng dagdag na karunungan. Nagpapalawak ito ng

kaalaman tungkol sa nangyayari sa paligid, nagpapabatid ito sa

takbo ng panahon at kalagayan, nagpapatalas ito ng kakayahag

mangatwiran batay sa mga tiyak na kaalaman.

Sa mundo nating napapaligiran ng mga makabagong

teknolohiya, maging ang mass media ay nakikisabay na rin sa pag-

unlad. Iba’t ibang segmentasyon ng tao ang gumagamit nito sa

pang-araw araw na pamumuhay, partikular na ang mga kabataan o

mag-aaral. Ginagamit nila ito upang mangalap ng mga imporamsyon

hinggil sa isang konsepto o topiko na kanilang kakailanganin sa

pag-aaral. May iba naman na ginagamit ito upang magkaroon ng

komunikasyon sa mga mahal sa buhay. Ang iba naman ay ginagamit

ito bilang pampalipas lamang ng oras. Ngunit kahit ano pa mang

midyum nito ang gamitin, bawat isa ay nakatutulong sa

pagkakaroon ng kabatiran at kaalaman sa mga nangyayari sa

paligid at lipunan.
Layunin ng Pag-aaral

Layunin ng pag-aaral na ito ang itala at suriin ang Gamit

ng Mass Media sa mga Mag-aaral ng Ikalabing-dalawang Baitang ng

Accountancy Business and Management sa Pamantasan ng Silanganing

Pilipinas.

Partikular na ang;

1. Alamin ang socio-demographic profyl particular a ang:

1.1 edad

1.2 kasarian

1.3 lingguhang baon

2. Tukuyin ang pinakapapular na midyum ng mass media.

3. Alamin ang gamit ng mass media sa mga mag-aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa kung anong Gamit ng

Mass Media sa mga Mag-aaral ng Ikalabing-dalawang Baitang ng

Accountancy Business and Management sa Pamantasan ng Silanganing

Pilipinas na magkakaroon ng halaga sa mga sumusunod;

Mag-aaral. Ang datos na makukuha sa pag-aaral na ito ay

makatutulong sa mga mag-aaral dahil sila ang target ng pag-aaral


na ito. Magiging madali rin sa kanila na makuha ang mga

kasagutan sa kanilang mga katanungan.

Mga Magulang. Makatutulong ito sa kanila upang malaman kung

gaano kahalaga ang mass media sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Magiging daan din ito upang masuportahan nila ang kanilang mga

anak pag-aaral ng mga ito.

Mga Guro. Makatutulong ito sa kanila upang magkaroon ng

kaalaman hinggil sa iba pang mga midyum ng mass media na maari

nilang gamitin sa kanilang pagtuturo.

Paaralan. Ang magiging resulta ng pananaliksik na ito ay

maaaring magamit para magkaroon ng pagbabago sa paraan ng

pagtuturo ng mga guro.

Sa mga susunod na mga Mananaliksik. Ito ay magsisilbing

gabay nila sa pagsasagawa nang mga pananaliksik na may

pagkakahalintulad sa pag-aaral na ito.

Saklaw at Limitasyon

Sinasaklaw sa pananaliksik ang pagsusuri kung gaano

kahalaga ang mass media sa mga Mag-aaral ng Ikalabing-dalawang

Baitang ng Accountancy Business and Management sa Pamantasan ng

Silanganing Pilipinas. Ang mga kabilang sa pananaliksik na ito

ay ang mga mag-aaral ng ABM-A ng Pamantasan ng Silanganing


Pilipinas. Samaktuwid ang magiging resulta nito ay para lamang

sa mga mag-aaral ng sinabing pamantasan.

Samantala, nagging isang limitasyon sa isinagawang pag-

aaral ang kakulangan sa oras at panahon bagamat masasabing sapat

na ito upang makuha ang mga mahahalagang impormasyon para sa

pag-aaral. Bagamat hindi masyadong nahihirapan ang mga

mananaliksik na maghanap ng mga impormasyon, nagging suliranin

naman ang pag-aatubili ng mga ito sa pagbibigay ng mga hinahanap

na datos.

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw lamang sa mga

sumusunod na; edad, kasarian at lingguhang baon ng mga mag-

aaral.

Balangkas Teoritikal

Sa pag-aaral ng alinmang uri ng media, mahalagang magkaroon

ng kabatiran hinggil sa tinatawag na media literacy. Ito ay

tumutukoy sa kakayahan ng isang indibiduwal na maunawaan at

magamit nang mahusay ang isang tiyak na midyum na kanyang

nalalaman.1 Sa sandaling maging malinaw na ito sa kanya,

matututuhan din niyang tukuyin at tayain ang epektong dulot ng

media sa lipunan at kulturang kanyang kinabibilangan. Ayon kina

1
Francisco, C.(2010). Pormalisasyong ng wika sa mass media.http://cicihs-
filipino.blogspot.com/2010/06/pormalisasyon-ng-wika-sa-mass-media.html
Wilson J. at Wilson, R may pamantayan upang masabing literado sa

media ang isang tao.2 Una, nararapat na alam niya kung sino ang

lumikha ng nilalaman ng media na kanyang ginagamit. Ikalawa, ano

ang layunin ng pakakalikha nito. Ikatlo, ano ang epekto nito sa

nakararami. At huli, kung papaano nag-ebolb hanggang sa

kasalukuyang panahon. Ayon kay Rodman, may apat na kategorya ang

konsepto ng media.3 Una, ang print media kung saan nakapaloob ang

mga aklat, magasin, diyaryo at iba pang uri ng lathalain.

Ikalawa, ang broadcast media kung saan kabilang ang radyo at

telibisyon. Ang ikatlo ay ang digital media na sumasaklaw sa

paggamit ng mga kompyuter o Internet. At ang huli ay ang

entertainment media na nakatuon naman sa mga pelikula, rekording

at mga larong pang-video. Sa kabilang dako ipinaliwanag ni Biagi

(2005) na ang media ay itinuturing na pangunahing institusyong

panlipunan dahil sa impak na hatid nito sa isang kultura.4 Ito

rin ay nagsisilbing repleksyon ng buhay political at kultural

kung saan kabahagi ang isang pangkat ng lipunan. Kung susuriin

natin ang ugnayan ng dalawang kaisipan, ipinapakita lamang nito

na tunay na pangunahing institusyong panlipunan ang mass media

dahil mula sa apat na kategoryang inilahad ni Rodman (2007),

hindi maitatangging lahat ng ito ay mga kasalukuyang iniikutan

ng pang araw-araw na buhay ng mga tao sa kasalukuyang panahon.

2
Wilson J. &R. (2008). Mass media, mass culture. USA: Mc Graw Hill.
3
Ibid.
4
Biagi S.(2010). An introduction to mass media. USA: Thompson.
Ang telibisyon, bagaman sa pag-aaral na ito, ay susuri lamang sa

mga programang mula sa free tv at hindi sa mga cable tv, ay

msasabing pangunahin pa ring pinagkukunan ng pagkaaliw, balita’t

impormasyon sa bansa ayon kay Neilsen 2013.5 Katulad ng sa ibang

naunang bahagdan ng midya, ang mga taong may kakayan lamang

magbayad ang nakapanood ng mga programa sa cable tv samantalang

ang mga nakararami ay nanonood ng free tv. Ang parehong

argumento sa pantayong pananaw ay maipapasok rito gaya ng sa

dalawang nauanang diskurso.

Katuturan na mga Katawagan

Para makatulong na mabigyang linaw ang mga salitang ginamit

sa pananaliksik na ito ay binigyang kahulugan ang mga sumusunod

na katawagan;

Komunikasyon. Isang prosesong pagpapalitan ng impormasyon na

kadalasan na ginagawasa pamamagitan ng karaniwang sistemang

mga simbolo. Ang Araling pangkomunikasyonang disiplinang pang-

akademyana pinag-aaralan ang komunikasyon. Ito rinay ang

interaksiyon ng mga tao sa isa't isa.

Mass. Ang masa ay ang taong bayan o ang madla. Sila ay ang

mga karaniwang tao.

5
Ibid, p. 6.
Media.Nangangahulugan ng pagpapakalat ng impormasyon

libangan at iba pa tulad ng libro,mga pahayagan, radyo,

telebisyon, sine, at magasin.

Mass Media. Midyang katulad ng radyo, telebisyon o iba pang

mga bagay na nakakaabot sa maraming tao.

Magasin. Peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming

artikulo, kalimitang pinupondohan ng mga patalastas.

Pahayagan. Isang uri ng paglilimbang na naglalaman ng

balita, impormasyon at patalastas, kadalasang naimprenta sa

mababang halaga.

Radyo. Isang teknolohiya na pinapahintulutan ang

pagpapadala ng mga hudyat sa iba’t ibang lugar.

Telebisyon. Isang sistemang tele-komunikasyon para sa

pagpapahayag at pagtanggap ng gumagalaw na larawan upang

makatanggap ng kaalaman.
Kabanata II

Rebyu Ng Mga Kaugnay Na Literatura At Pag-Aaral

Ang midyang pangmasa (Ingles: mass media) ay mga midyang

katulad ng radyo, internet, o iba pang mga bagay na nakakaabot

sa maraming mga tao. Nalikha ang kataga o pariralang ito noong

dekada ng 1920 dahil sa pagdating ng mga pambansang mga lambat-

lambat o network ng radyo, mga pahayagan at mga magasin ang

pangsirkulasyon sa masa o balana, bagaman umiiral na ang midyang

pangmasa (tulad ng mga aklat at mga manuskrito) noong mga daang

taon bago pa naging pangkaraniwan ang katawagan.6

Ayon kay Dave Montemayor itinuturing na pang-apat na estado

ang mass media ng isang bansa. Ang pangunahing layunin nito ay

bigyan ng imformasyon ang tagapanood at tagapakinig upang sila

ay nasa tamang posisyon sa paggawa ng desisyon 7

Naging malaking ambag na sa kulturang Filipino ang pag-

usbong at pag-unlad ng mass midya. Gamit ang wika, pinadadali

nito ang paghahatid ng berbal na mensahe sa pamamagitan ng mass

midya. Lalo pang pinabilis ang pagpaparating ng mensahe sa pag-

usbong ng mass midya sa pagpapalaganap ng impormasyon sa

pamamagitan ng makabagong teknolohiya. Sa kasalukuyan, sa araw-

6
Midyang Pangmasa. 2015. Nakuha: Oktubre 05,2017 mula sa
https://tl.wikipedia.org/wiki/Midyang_pangmasa
7
Montemayor, D. Ang Mass Media sa Panahon Ngayon. Nakuha: Oktubre 02, 2017 mula sa
http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=293766
araw na pakikisalamuha ng tao, siya ay pinaliligiran na ng mass

midya. Dinaranas niya ito sa pakikinig ng radyo, panonood ng

telebsiyon, pagiging aktibo sa internet, at marami pang iba.

Ginagamit din niya ang midya sa pamamagitan ng iba’t ibang

midyum tulad ng cellphone, mga social networking sites at iba

pang uri ng mga elektronikong kagamitan. Naging malaking bahagi

na ito ng pang-araw araw na gawain na siya namang humuhulma sa

kabuuang transaksiyon niya sa lipunan.

Ang mass midya ay tumutukoy sa kolektibong uri ng

komunikasyong nag-uugnay at umuugnay sa mga tao. Madalas na

pinatutukuyan din ang mass midyum bilang isang uri ng

komunikasyong isa laban sa nakararami (one-to-many ).8

Ayon kay Dutton malalaman ang kaibahan ng mass midya sa iba

pang uri ng komunikasyon sa pamamagitan ng sumusunod: Layo

(Distance) uri ng pakikipag-ugnay sa pagitan ng mga taong

nakakapagpadala at nakakatanggap ng mensahe. Teknolohiya

(Technology) nangangailangan ang mass midya ng behikulo o

instrumento, katulad ng telebisyon, mga print materials, na

naglalayong makapagpadala at makatanggap ng mensahe. Antas

(Scale) isa pang katangian ng mass midya ay ang kakayahang

8
Livesey. 2011. Nakuha: Oktubre 02, 2017 mula sa
https://www.academia.edu/19852413/Ang_Papel_ng_Mass_Midya_sa_Wik
a_Kultura_at_Ekonomiya
maabot ang madla sa iisang uri ng komunikasyon. Komoditi

(Commodity) Tampok nito ang konseptong may katumbas na halaga

ang pagkonsumo ng mass midya.9

Ayon naman kay McqQuail, may apat na elementong makatutukoy

sa pag-usbong ng mass midya. It ay ang mga sumusunod:

Paghahangad, o pangangailangan sa pakikipag-ugnay, Teknolohiya

para sa pampublikong pakikipag-ugnay, Sosyal na organisasyon

upang makapagpakalat at makapagpamahagi (ng produkto) at

Pamumuno sa pampublikong interes.

Sa kasalukuyang panahon ang pinaka popular na midyum ay ang

social media. Sa kasalukuyan, may dalawang bilyong tao ang

aktibong gumagamit ng social media sa buong mundo at ito ay

nakaaapekto sa buhay at edukasyon. Ito ay ayon sa isang website

sa internet. Pinaliit ng social media ang mundo, inuulan tayo ng

maraming impormasyon, mas malawak na kaalaman at mas mabuting

oportunidad upang magamit ang mga ito.

Napag-alaman sa pag-aaral na ang karamihan sa mga tao sa

mundo ay may pattern na sinusunod at ito ay ang paggamit ng

iba’t-ibang uri ng social media.

Sa mga uri ng social media, ang sinasabing pinakakilala ay

ang “Facebook” na kung saan ang gumagamit ay maaring magpadala

9
Dutton, B., O'Sullivan, T. a., & Phillip, A. (1998). Studying the Media. Nakuha : Oktubre 16, 2017 mula sa
https://www.academia.edu/19852413/Ang_Papel_ng_Mass_Midya_sa_Wika_Kultura_at_Ekonomiya
ng mensahe, mag upload ng mga larawan, videos, makipagchat o

makipag-usap at iba’t-iba pang gamit nito.

Marami pang iba’t-ibang uri ng social media ang ginagamit

ng mga mag-aaral, guro, mga magulang ganoon din ng iba’t- ibang

uri ng tao sa daigdig. Ang iba pang mga ginagamit ay ang Twitter

at Instagram na may iisang layunin – ang makipag-ugnayan at

makipagtalastasan sa mga tao sa iba’t-ibang parte ng mundo.

Habang dumarami ang gumagamit ng social media ay mapapansin

na may mabuti at masamang idinudulot ang paggamit nito. Ayon sa

obserbasyon at pananaliksik, karamihan sa mga gumagamit ng

social media ay nasa gulang na 14-29. Ilan sa mga mabubuting

epekto ay ang madaling pagkalat ng mga kaalaman o mga

impormasyon, mabilis na pakikipag ugnayan sa mga taong kasama sa

trabaho o hindi man.

Nabibigyan din ng magandang pagkakataon ang mga mag-aaral

upang lalo pang malinang ang kanilang pagkamalikhain o

pagkamakasining at patuloy na pagkakaroon ng mga makabagong

ideya. Ang mga kakayahan o talent ng bawat isa ay matutuklasan,

halimbawa kung ang isang tao ay magaling umawit, maaari syang

matuklasan nang mas madali sa pamamagitan ng videos. Maaari ding

gamitin ang Google, isang website upang makapanaliksik ng

tungkol sa iba’t-ibang aralin. At ang mga saloobin ng bawat isa

ay madaling maipahayag. Sa loob at labas ng silid-aralan ay


maaring makipag-uganayan ang mga guro sa mga magaaral para sa

pakikipag-talastasan. Sa isang banda, may mga kasamaan din bang

makukuha mula sa social media? Unang-una, hindi mo personal na

nakakausap ang isang tao sa social media sapagkat kayo ay nag-

uusap sa pamamagitan ng screen lamang. Nawawala din ang

pagkakataon na mas matuto pa halimbawa sa mga detalye ng tamang

pagbigkas at gramatika ng mga salita at pangungusap. Higit sa

lahat ay nagiging sanhi ang social media ng paggamit ng mahabang

oras maaring sa laro at pakikipag-usap ng isang mag-aaral na

magsisilbing dahilan upang maapektuhan at mapabayaan ang pag-

aaral.10

MEDIA: ANG IMPLIKASYON NITO SA MGA KABATAAN

Dahil sa patuloy na paggaling ng teknolohiya ay kaakibat na

rin nito ang pagkalat ng media. Ano nga ba ang media? Ito ay

komunikasyon sa masa. Ang radio, tv, diyaryo at iba pang

babasahin na nagpapahayag ng anumang impormasyon ay matatawag

nating media. Malaki ang epekto ng media sa mga kabataan, dahil

ayon na rin kay John Watson na isang psychologist ay “WHAT WE

SEE, WE IMITATE”. Posibleng dahil sa maling paggamit ng media ay

maaari itong magdulot ng matinding epekto saating buhay. Isa sa

mga konkretong halimbawa ay ang batang namatay dahil sa kaniyang

paggaya sa isa sa kanyang napanuod sa tv kung saan ang kanyang

10
Pascual, L. Ang Epekto ng Social Media sa Mag-aaral at Edukasyon. May 21, 2016. Nakuha: Oktubre 05,
2017 mula sa http://www.1bataan.com/ang-epekto-ng-social-media-sa-mag-aaral-at-edukasyon/
idolo ay nagbitay. Naisip ng batang iyon na hindi naman totoong

mamamatay ang kanyang idolo dahil nga sa kasalukuyang panahon ay

patuloy itong nabubuhay. Ayos sa imbestigasyon ng mga pulis ay

my malaking pananagutan dito ang mass media na siya naman

talagang may katotohanan. Isa pang pruweba ay ang mga kabataang

nawiwili sa panunuod ng mga pornographic films na siyang

nagpapataas nakanilang sexual desire kaya rin nangyayari ang mga

teenage pregnancy na nauuwi sa aborsyon. Tunay na ang mass media

ay may malaking epekto at kontribyusyon sa buhay ng isang tao.

Kung ating matatandaan, ito ang ginamit na paraan ng ating

pambansang bayani sa pagpukaw at paggising ng damdamin ng

mamamayang Pilipino. Sinulat niya ang Noli Mi tangere at El

filibusterismo na siya namang nagkaroon ng matinding epekto sa

mga Pilipino at dahil dito ay nagkaroon tayo ng layunin na

bawiin ang sarili nating bansa mula sa mga mapangabusing prayle.

Ito ay ilan sa mga epekto ng mass media. Maaring magamit sa

mabuti at maari rin na sa masama. Anuman ang gamit nito sa ating

buhay, siguraduhin nating gamitin natin ito sa tamang paraan

upang magdulot ng kaayusan at kawastuhan sa ating minamahal na

lipunan. (Gonzales, 2012)

MASS MEDIA-IMPLUWENSYA SA MGA YOUNGSTER

Saan ang media ay may isang mahalagang epekto sa mga tao

paghatol, pag-uugali at buhay estilo. Young mga tao, na lumago


sa ito teknolohikal na pag-unlad, tulad ng telebisyon, personal

computer, ay hindi katulad ng mga tao na nanirahan sa isang

kalahating siglo ago. Dahil sa telebisyon, pelikula at mga video

games nila ay nagbago ng kanilang mga kuru-kuro, buhay estilo at

panlipunang pag-uugali.

Una, kung makipag-usap namin tungkol sa mga pagbabago sa

mga kabataan ang pag-iisip, ito ay dahil sa iba't-ibang mga

programa sa telebisyon, mga pelikula o video games. Ito ay tunay

madali ngayon upang mamanipula mga tao, lamang sa pamamagitan ng

pagsala ng nilalaman na nais mong ang mga ito upang makita.

Telebisyon ay isang industriya na magbibigay ng maraming pera

kung ang isang pulutong ng mga tao na ito relo. Iyon ang dahilan

kung bakit, ang mga tumakbo sa ganitong uri ng negosyo na gusto

ng ibang tao na panoorin sila TV channel na bilang marami

hangga't maaari. Ang kanilang mga lihim na armas ay nakaaaliw na

nagpapakita at pelikula na maaaring paminsan-minsan panatilihin

ang isang tao na nanonood ng TV para sa isang mahabang panahon.

Sa pamamagitan ng pagmamasid sa magkano ang TV kabataan simulan

ang pag-iisip mo sa TV, magsisimula silang suot na mga damit na

nakikita nila sa TV, magsisimula sila ng pakikipag-usap sa

parehong paraan tulad ng marinig nila sa TV.11

11
Rox Frot, 2009. Mass Media-impluwensiya sa youngsters . Nakuha: Oktubre 11, 2017 mula sa http: //
mintarticles. com/read/self-publishing-articles/massmedia-influence-on-Youngsters ,1781/ Filipino/ Ferrer, V.K
2011.Sa Mass Media http://vkferrer.blogspot.com/2011/01/sa-mass-media.html
Kabanata III

Metodolohiya

Pook ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay isisnagawa sa Pamantasan ng

Silangang Pilipinas (Ingles: University of Eastern Philippines,

dinadaglat bilang UEP) ay isang pamantasan na matatagpuan

sa Catarman, Hilagang Samar, Pilipinas. Ito ay itinatag noong

1918 at dating tinawag na Catarman Agricultural School o

Paaralang Pansakahan ng Catarman. Noong 1956 naging Samar

Institute of Technology(SIT). Magmula dito lumaki ito at naging

isang pamantasan.

Sa ngayon naging isang university system na kung saan

pumaloob ang mga malalaking paaralan sa Hilagang Samar gaya

ng Laoang National Trade School na naging UEP-Laoang

Campus at Pedro Rebadulla Agricultural School sa Catubig na

naging UEP-Catubig Campus.

Ang kanyang main campus ay nasa Catarman. Katangi-tangi ang

UEP dahil naging isa siyang pamayanan na umusbong mula sa isang

pamantasan. Karaniwan kasi kung kelan merong pamayanan doon

itinatayo ang pamantasan o mga dalubhasaan. Kabaliktaran dito.

Ang UEP ay nauna munang itinayo saka nagkaraon ng pamayanan.


Dati-rati'y puro dormitoryo lamang ang makikita rito dahil

tatlong kilometro ang layo ng main campus sa bayan

ng Catarman pero sa ngayon tatlong barangay na ang umusbong

dito.

Maliban sa tatlong malalaking campus sa Catarman, Catubig,

at Laoang sa Hilagang Samar. Meron na siyang mga limang

extension school o satellite campus sa tatlong lalawigan

ng Samar.

Dahil sa tatlong higanteng campus at limang satellite

campuses, ang UEP ang maituturing na pinakamalaking pamantasan

sa Rehiyon 8. Meron siyang 30,000 estudyante sa iba't ibang

larangan ng akademya. Sa katunayan, ang kanyang RAB

Amphitheather sa UEP Main Campus sa Catarman - na inukit mula sa

gilid ng bundok - ay nakakapag-upo ng 15,000 katao bawat

graduation exercises tuwing Marso.

Siya rin lang ang Pamantasan sa buong Pilipinas na meron bundok

sa loob ng campus bilang laboratoryo ng mga nag-aaral sa

Panggugubat (Forestry) at Agrikultura. Meron din itong sariling

beach (ang White Beach) na paboritong tambayan ng mga

estudyante.

Ang kasalukuyang pangulo ng Pamantasan ng Silangang

Pilipinas ay si Dr. Rolando Delorino.


Mga Kalahok

Ang mga napiling respondente sa pananaliksik na ito ay ang

mga mag-aaral Accountancy, Business and Management seksyon A ng

Pamantasan ng Silanganing Pilipinas. Sa kadahilanang ang mga

mananaliksik ay bahagi ng klaseng ito. At madaling nilang

makakalap ang datos sapagkat ang mga kalahok sa pananaliksik na

ito ay kasama lamang nila sa silid-aralan.

Paglikom ng Datos

Sa paglikom ng mga datos, may mga prosesong ginawa ang mga

mananaliksik. Gumawa sila ng liham pahintulot upang payaagan

silang gawing kalahok sa pananaliksik na ito ang mga mag-aaral

ng ABM-A. Pagkatapos nilang mabigyan ng awtorisasyon, pinamigay

na nila ang mga talatanungan sa mga mag-aaral at pagkatapos ay

agad din nila itong kinuha. Matapos ang pangangalap ng datos ay

sinuri na ito upang ihanda sa presentasyon ng mga nalikom na

datos at binigyan din nila ito ng interpretasyon.

Instrumento Ng Pananaliksik

Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay

talatanungan. Ang talatanungan ay nahati sa tatlong bahagi. Una

ay ang profile ng mga mag-aaral, kung saan dito napapaloob ang

kanilang kasarian, edad at lingguhang baon. Pangalawang bahagi


naman ay ang pinakapopular na mga midyum ng mass media. At ang

huling bahagi ay naglalaman ng mga gamit ng midyum ng mass media

sa mga mag-aaral.
KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang mga datos na nakatala sa baba ay ang mga nakuhang

impormasyon sa mga respondente.

Propayl ng mga Respondente

Kasarian:
Ang talahanayan 1.1 ay nagpapakita ng distribusyon ng mga

respondente batay sa kasarian. Ito ay nagpapakita na 27 o 90% ay

babae at 3 o 10% naman ay lalaki.

Ito’y nangangahulugang ang karamihan sa mga respondente ay

mga babae.

Talahanayan 1.1

Distribusyon ng mga Respondente batay sa Kasarian

Kasarian Prekwinsi Porsyento


(%)
Lalaki 3 10%
Babae 27 90%
Kabuuan 30 100%

Edad:
Ang talahanayan 1.2 ay nagpapakita ng distribusyon ng mga

respondente batay sa edad. Ito ay nagpapakita na 20 o 66.67% ay

may edad na labing pito (17) at 10 o 33.33% naman ay may edad

labing walo (18).


Ito’y nangangahulugang ang karamihan sa mga respondente ay

may edad labing pito (17).

Talahanayan 1.2

Distribusyon ng mga Respondente batay sa Edad

Edad Prekwinsi Porsyento


(%)
17 20 66.67%
18 10 33.33%
Kabuuan 30 100%

Lingguhang Baon:
Ang talahanayan 1.3 ay nagpapakita ng distribusyon ng mga

respondente batay sa lingguhang baon. Ito ay nagpapakita na 14 o

46.67% ay may lingguhang baon na P100-500, 10 o 33.33% ay may

lingguhang baon na P501-1,000 at 6 o 20% ay may lingguhang baon

na P1,001-1,500.

Ito’y nangangahulugang ang karamihan sa mga respondente ay

may lingguhang baon na P100-500

Talahanayan 1.3
Distribusyon ng mga Respondente batay sa Lingguhang Baon

Lingguhang Baon Prekwinsi Porsyento


(%)
100-500 14 46.67%
501-1000 10 33.33%
1001-1500 6 20%
Kabuuan 30 100%
Pinakapopular na midyum ng Mass Media

Ang grap 2.1 ay ngpapakita ng prekwinsi ng pinaka madalas

gamitin at pinakapopular na midyum ng mass media sa mga mag-

aaral. Ito ay nagpapakita na 28 sa mga respondent ay gumagamit

ng cellphone, 20 naman ay gumagamit ng laptop o kompyuter, 16 ay

gumagamit ng Telibisyon, 2 ay gumagamit ng magazine at wala sa

dyaryo at radio.

Ito ay nagpapakita na cellphone ang pinakapopular na midyum

ng mass media.

Grap 2.1
Prekwinsi ng Pinakapopular na Midyum ng Mass Media

30
25
20
15
10
5
0

Gamit ng Mass Media sa mga Mag-aaral

Ang talahanayan 3.1 ay nagpapakita ng Gamit ng mass media

sa mga mag-aaral. Makikita sa talahanayan na ang pinaka

pangunahing gamit ng mass media ay “Ginagamit ito sa

pananaliksik ng iba’t-ibang mga terminong di gaanong

naiintindihan sa isang espisipikong asignatura” na may weighted

mean na 4.43, sinundan ito ng “Ginagamit sa paghahanap ng mga


Topiko sa talakayan”, “Ginagamit sa pakikipag-Komunikasyon”, at

“Nagbibigay Kabatiran sa realidad na nangyayari sa ating

lipunan” na may weighted mean na 4.33. At ang pang lima ay “

Ginagamit sa panunuod ng mga makabuluhang dokumentaryo na

gagamitin sap ag-aaral” na may weighted mean na 4.30.

Talahanayan 3.1
Gamit ng Mass Media sa mga Mag-aaral

Gamit Mean Rank

Ginagamit sa pananaliksik ng iba’t-ibang mga terminong di 4.43 1


gaanong naiintindihan sa isang espisipikong asignatura.

Ginagamit sa paghahanap ng mga topiko sa talakayan. 4.33 2.5

Ginagamit sa pakikipagkomunikasyon. 4.33 2.5

Ginagamit sa panunuod ng mga makabuluhang 4.30 5


dokumentaryo na gagamitin sap ag aaral.

Upang magbigay libang 3.9 9

Nagbibigay kaalaman tungkol sa mga balita o mga 3.87 10


mahahalagang kaganapan.

Nagbibigay kabatiran sa reyalidad na nangyayari sa atig 4.33 2.5


lipunan

Nagagamit upang maipahayag ang sariling saloobin sa 4.03 8


pamamagitan ng social media

Nagiging daan upang mapadali ang mga Gawain sa 4.27 6


paaralan

Nakatutulong ito sa pagpapalawak ng ating kaalaman at 4.23 7


ideya hinggil sa iba’t ibang paksa.
Kabanata V

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYONLAGOM

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay nag-lalayon na matukoy kung ano ang

gamit ng Mass Media sa mga mag-aaral ng ikalabindalawang baitang

ng Accountancy, Business and Management seksyon A ng Pamantasan

ng Silanganing Pilipinas. Ang mga respondente ng pananaliksik na

ito ay ang mga mag-aaral ng Accountancy, Business and Management

seksyon A ng Pamantasan ng Silanganing Pilipinas. Ang ginamit na

disenyo ng pananaliksik na ito ay deskriptibong pag-aaral. Ang

mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o kwestyuner sa

pangangalap ng mga datos para sa pananaliksik na ito. Ang

talatanungan ay may tatlong bahagi; una ay ang tungkol sa profyl

ng mga mag-aaral, ang pangalawa ay naglalaman naman ng tungkol

sa kung anong midyum ng mass media ang kadalasang gamit ng mga

mag-aaral at pangatlo kung ano ang gamit o naitutulong ng mga

ito sa kanila. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kompletong

enumerasyon sa pagkuha ng sample mula sa populasyon na kung saan

ito ang naging mga respondent nila sa pananaliksik na ito. Ang

istatistikal tritment na ginamit sa mga nakalap na datos ay

pagkuha ng prekwinsi, porsyento, at weighted mean.


Lagom ng Nakuhang Datos

Ayon sa mga nalikom na impormasyon, karamihan sa mga

respondente ng pananaliksik na ito ay babae. Halos lahat naman

ng mga kalahok sa pananaliksik na ito ay nasa edad labim-pito

(17). Karamihan din sa kanila ay may lingguhang baon na

pumapatak sa isang daang piso hanggang limang daang piso

(P100.00 – P 500.00).

Ayon din sa nalikom na mga datos, cellphone ang nangunguna

sa pinakamadalas o pinaka popular na gamit, ng mga mag-aaral, na

midyum ng mass media. Nangunguna naman sa gamit ng mass media sa

mga mag-aaral ay ang pahayag na nagsasabing,” Ginagamit sa

pananaliksik ng iba’t-ibang mga terminong di gaanong

naiintindihan sa isang espisipikong asignatura.”

Kongklusyon

Batay sa mga inilahad na mga datos, ang mananaliksik ay

humantong sa mga sumusunod na kungklusyon:

A. Napagtanto sa pananaliksik na karamihan sa mga gumagamit

ng mass media sa ABM-A ay mga kababaihan. Ayon din sa datos na

nakalap karamihan sa mga mag-aaral na gumagamit ng mass media sa

ABM-A ay nasa edad 17 at karamihan din sa mga mag-aaral na ito

ay may lingguhang baon lamang na P 100.00 hanggang P 500.00.


B. Nadiskubre rin na ang pinakapopular at pinakamadalas na

gamit, ng mga mag-aaral, na midyum ng mass media ay ang

cellphone.

C. Natuklasan din ng mga mananaliksik na ginagamit ng mga

mag-aaral na ito ang cellphone upang manaliksik ng iba’t ibang

termino na di nila gaanong naiintindihan hinggil sa isang topiko

o asignatura.

Rekomendasyon

Narito ang sumusunod na mga rekomendasyon ng mananaliksik

hinggil sa mga koklusyong nakuha sa mga nalikom na datos;

A. Ayon sa datos karamihan sa mga kalahok sa pananaliksik na

ito ay babae, inirerekomenda ng mga mananaliksik na mas

pakatutukan ng mga magulang at pag-aralan ang kababaihan

upang matulungan sila sa tamang paggamit ng mass media ,

teknolohiya at iba pa.. Karamihan din sa mga ito ay may

edad na 17 taong gulang, inirerekomenda ng mga mananaliksik

na gabayan ng mga guro o ng mga magulang ang kanilang anak

sa paggamit ng iba’t ibang midyum ng mass media upang hindi

nila ito magamit sa di magandang paraan. Karamihan din sa

kanila ay may lingguhang baon na P 100.00 hanggang P

500.00, inirerekomenda ng mga mananaliksik na Dapat ay


magkaroon ng tamang kaalaman ang mga mag-aaral sa pag

gastos ng pera at hindi ibuhos lahat sa load at internet.

B. Ayon sa konklusyon, karamihan sa mga mag-aaral ay cellphone

ang pinakamadalas na gamit na midyum ng mass media.

Inirerekomenda ng mga mananaliksik na gabayan ng guro at

mga magulang ang mga bata sa paggamit ng midyum na ito ng

mass media. Ito ay upang hindi nila ito magagamit sa kung

ano-ano lamang na bagay at upang magamit nila ito sa mabuti

at may kapakinabangan.

C. Karamihan sa mga mag-aaral ay sinabing ginagamit nila ang

cellphone sa pananaliksik ng mga terminong di nila gaanong

naiintindihan hinggil sa isang asignatura o topiko.

Inirerekomenda ng mga mananaliksik na hindi lamang dapat

cellpone ang ginagamit ng mga mag-aaral sa pananaliksik

kung hindi pati na rin ang iba pang midyum gaya ng mga

aklat. Sapagkat karamihan sa mga nakikita sa cellphone o ay

may halong kasinungalingan. Marapat na kung gagamit ng

cellphone sa pananaliksik, siguraduhin nilang akyuryt at

may katotohanan ang mga datos na kanilang nasaliksik


TALASANGGUNIAN

Dutton, B., O'Sullivan, T. a., & Phillip, A. (1998). Studying

the Media. Nakuha: Oktubre 16, 2017 mula sa

https://www.academia.edu/19852413/Ang_Papel_ng_Mass_Mi

dya_sa_Wika_Kultura_at_Ekonomiya

Francisco, C.(2010).Pormalisasyong ng wika sa mass

media.http://cicihsfilipino.blogspot.com/2010/06/

pormalisasyon-ng-wika-sa-mass-media.html

Livesey. 2011. Nakuha: Oktubre 02, 2017 mula sa

https://www.academia.edu/19852413/Ang_Papel_ng_Mass_Mi

dya_ sa_Wika_Kultura_at_Ekonomiya

Montemayor, D. Ang Mass Media sa Panahon Ngayon. Nakuha:

Oktubre 02, 2017 mula sa

http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=2

93766

Pascual, L. Ang Epekto ng Social Media sa Mag-aaral at

Edukasyon.May 21, 2016. Nakuha: Oktubre 05, 2017 mula

sa http://www.1bataan.com/ang-epekto-ng-social-

media-sa-mag-aaral-at-edukasyon/

Wilson J. &R. (2008). Mass media, mass culture. USA:


Mc Graw Hill. Biagi S.(2010). An introduction to mass
media. USA: Thompson. Midyang Pangmasa. 2015. Nakuha:
Oktubre 05,2017 mula sa
https://tl.wikipedia.org/wiki/Midyang_pangmasa
APENDIKS
Kwestyuner

I. Panuto: Sagutan ng mabuti ang sumusunod. Ang datos na


makakalap ay ituturing na confidential at may malaking
tulong sa pananaliksik.

Pangalan:_______________________________________________________
Edad:__________

Kasarian: Lalaki:_____________
babae:_____________

Lingguhang Baon: 100-500:___________


501-1,000:_________
1,001-1,500:________

II. Panuto: Tukuyin ang pinakapapular na midyum ng mass media


at madalas mong ginagamit. Layan ng tsek ang isa o higit
pang midyum ng mass media na iyong madalas gamitin.
________ Telebisyon
________ Dyaryo o Pahayagan
________ Radyo
________ Magazine
________ Cellphone
________ Laptop o kompyuter

III. Panuto: Ang gamit ng mass media sa mga mag-aaral.


Tukuyin kung ikaw ay sang-ayon o hindi sa mga sumusunod
na pahayag sa ibaba. Lagyan ng tsek ang mga sumusunod na
kahon kung gaano ka kasang-ayon sa mga pahayag.

5 – Matinding Sumasang-ayon
4 – Sang-ayon
3 – Hindi Sigurado
2 – Hindi Sang-ayon
1 – Matinding Hindi Sumasang-ayon
MS S H HS MHS
5 4 3 2 1
1. Ginagamit sa
pananaliksik ng
iba’t-ibang mga
terminong di gaanong
naiintindihan sa
isang espisipikong
asignatura.
2. Ginagamit sa
paghahanap ng mga
topiko sa talakayan.
3. Ginagamit sa
pakikipagkomunikasyon
.
4. Ginagamit sa panunuod
ng mga makabuluhang
dokumentaryo na
gagamitin sap ag
aaral.
5. Upang magbigay libang
6. Nagbibigay kaalaman
tungkol sa mga balita
o mga mahahalagang
kaganapan.
7. Nagbibigay kabatiran
sa reyalidad na
nangyayari sa atig
lipunan
8. Nagagamit upang
maipahayag ang
sariling saloobin sa
pamamagitan ng social
media
9. Nagiging daan upang
mapadali ang mga
Gawain sa paaralan

10. Nakatutulong ito


sa pagpapalawak ng
ating kaalaman at
ideya hinggil sa
iba’t ibang paksa.
ANG GAMIT NG MASS MEDIA SA MGA MAG-AARAL SA IKALABINDALAWANG
BAITANG NG ACCOUNTANCY BUSINESS MANAGEMENT SEKSYON-A SA
PAMANTASAN NG SILANGANING PILIPINAS

KIRSTIEN A. MIRANDA
MA. DANICA A. MIRANDA
JUBERT A. ILOSO

PAMANTASAN NG SILANGANING PILIPINAS


UNIVERSITY TOWN, NORTHERN SAMAR

2017
ABSTRAK

PAMAGAT :ANG GAMIT NG MASS MEDIA SA MGA MAG-AARAL SA

IKALABINDALAWANG BAITANG NG ACCOUNTANCY BUSINESS

MANAGEMENT SEKSYON-A SA PAMANTASAN NG SILANGANING

PILIPINAS

MGA MANANALIKSIK: KIRSTIEN A. MIRANDA, MA. DANICA A. MIRANDA AT

JUBERT A. ILOSO

GURO : GNG. EDERLINA M. REBADULLA

TAON ARALAN : 2017 – 2018

PAARALAN : PAMANTASAN NG SILANGANING PILIPINAS

Ang isang karaniwang tao ay nangangailangan ng mga

impormasyong hinggil sa kanyang interes o sa mga napapanahong

isyu. Sa panahon ngayon, ang pagkatuto ay lumalaganap kung ang

isang tao ay may kakayahang mangalap ng mga impormasyong

makatutulong tungo sa pag-unlad ng kanyang pag- iisip at sa

pang-araw-araw na pangangailangan lalong lalo na sa mga mag-

aaral o sa mga kabataan ngayon. Ang pinaka popular o sikat na

paraan ng pangangalap ng impormasyon ay sa pamamagitan ng iba’t

ibang uri ng mass media, gaya ng Social Media, mga pahayagan,

radyo, telebisyon, at iba pa.


Ang pag-aaral na ito ay nag-lalayon na matukoy kung ano ang

gamit ng Mass Media sa mga mag-aaral ng ikalabindalawang baitang

ng Accountancy, Business and Management seksyon A ng Pamantasan

ng Silanganing Pilipinas. Ang mga respondente ng pananaliksik na

ito ay ang mga mag-aaral ng Accountancy, Business and Management

seksyon A ng Pamantasan ng Silanganing Pilipinas. Ang ginamit na

disenyo ng pananaliksik na ito ay deskriptibong pag-aaral. Ang

mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o kwestyuner sa

pangangalap ng mga datos para sa pananaliksik na ito. Ang

talatanungan ay may tatlong bahagi; una ay ang tungkol sa profyl

ng mga mag-aaral, ang pangalawa ay naglalaman naman ng tungkol

sa kung anong midyum ng mass media ang kadalasang gamit ng mga

mag-aaral at pangatlo kung ano ang gamit o naitutulong ng mga

ito sa kanila. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kompletong

enumerasyon sa pagkuha ng sample mula sa populasyon na kung saan

ito ang naging mga respondent nila sa pananaliksik na ito. Ang

istatistikal tritment na ginamit sa mga nakalap na datos ay

pagkuha ng prekwinsi, porsyento, at weighted mean.

Batay sa mga inilahad na mga datos, ang mananaliksik

ay humantong sa mga sumusunod na kungklusyon; Napagtanto sa

pananaliksik na karamihan sa mga gumagamit ng mass media sa ABM-

A ay mga kababaihan. Ayon din sa datos na nakalap karamihan sa

mga mag-aaral na gumagamit ng mass media sa ABM-A ay nasa edad

17 at karamihan din sa mga mag-aaral na ito ay may lingguhang


baon lamang na P 100.00 hanggang P 500.00. Nadiskubre rin na ang

pinakapopular at pinakamadalas na gamit, ng mga mag-aaral, na

midyum ng mass media ay ang cellphone. Natuklasan din ng mga

mananaliksik na ginagamit ng mga mag-aaral na ito ang cellphone

upang manaliksik ng iba’t ibang termino na di nila gaanong

naiintindihan hinggil sa isang topiko o asignatura.

Narito ang sumusunod na mga rekomendasyon ng mananaliksik

hinggil sa mga koklusyong nakuha sa mga nalikom na datos; Ayon

sa datos karamihan sa mga kalahok sa pananaliksik na ito ay

babae, inirerekomenda ng mga mananaliksik na mas pakatutukan ng

mga magulang at pag-aralan ang kababaihan upang matulungan sila

sa tamang paggamit ng mass media , teknolohiya at iba pa..

Karamihan din sa mga ito ay may edad na 17 taong gulang,

inirerekomenda ng mga mananaliksik na gabayan ng mga guro o ng

mga magulang ang kanilang anak sa paggamit ng iba’t ibang midyum

ng mass media upang hindi nila ito magamit sa di magandang

paraan. Karamihan din sa kanila ay may lingguhang baon na P

100.00 hanggang P 500.00, inirerekomenda ng mga mananaliksik na

Dapat ay magkaroon ng tamang kaalaman ang mga mag-aaral sa pag

gastos ng pera at hindi ibuhos lahat sa load at internet. Ayon

sa konklusyon, karamihan sa mga mag-aaral ay cellphone ang

pinakamadalas na gamit na midyum ng mass media. Inirerekomenda

ng mga mananaliksik na gabayan ng guro at mga magulang ang mga

bata sa paggamit ng midyum na ito ng mass media. Ito ay upang


hindi nila ito magagamit sa kung ano-ano lamang na bagay at

upang magamit nila ito sa mabuti at may kapakinabangan.

Karamihan sa mga mag-aaral ay sinabing ginagamit nila ang

cellphone sa pananaliksik ng mga terminong di nila gaanong

naiintindihan hinggil sa isang asignatura o topiko.

Inirerekomenda ng mga mananaliksik na hindi lamang dapat

cellpone ang ginagamit ng mga mag-aaral sa pananaliksik kung

hindi pati na rin ang iba pang midyum gaya ng mga aklat.

Sapagkat karamihan sa mga nakikita sa cellphone o ay may halong

kasinungalingan. Marapat na kung gagamit ng cellphone sa

pananaliksik, siguraduhin nilang akyuryt at may katotohanan ang

mga datos na kanilang nasaliksik

You might also like